Share

CHAPTER 32 "TORN"

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

LUMIPAS ang mga araw naging lubusan na nga ang kaligayahan ni Jenny sa piling ni Jason. At katulad na nga ng inasahan na niya simula pa lamang nang maging nobyo na niya ang binata, ang nangyari sa kanila ay naulit na nang naulit, sa hindi na niya halos mabilang na beses. Hanggang sa kung tutuusin nga para na silang mag-asawa, kulang nalang sa kanila kasal.

Madalas mangyari iyon sa bahay nina Jason. Dahil nga wala naman itong kasama doon at isa pa doon sila madalas mag-stay.

Ang totoo ang lahat ng nangyayari sa kaniya ay purely unintentional. Although sumasagi sa isipan niya na kapag nagpunta siya sa bahay ni Jason ay posibleng may mangyari na naman. Pero hindi iyon ang tipo na nagpupunta sila doon para gawin ang bagay na iyon.

Siguro talagang mapusok lang si Jason. At siya naman ay mahina, kaya mabilis siya nitong napapabigay sa kahit anong gustuhin nito. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi parin nagbabago ang pagtingin niya sa binata. Mahal na mahal parin niya ito at mas lalo ngang pinagtibay ng lahat ng nangyayari sa kanila ang pagmamahal na nararamdaman nila para sa isa't-isa, at ang lahat ng iyon ay lingid sa kaalaman ng kaniyang ina.

Nasa kalagitnaan na nang first semestre nang gulantangin sila ng isang nakapanlulumong balita. 

Si Daniel, may sakit, Leukemia at malala na ito. 

Hindi malaman ni Jenny kung sa papaanong paraan niya pagagaanin ang sitwasyon na iyon para sa matalik na kaibigan niyang si Ara. Palagi itong malungkot at mag-isa, ibang-iba sa masayahin at palaging nakangiti na babaeng nakilala niya. 

Alam niyang mahirap ang sitwasyon na kinalalagyan nito at nauunawaan niya iyon. Hindi lang talaga niya maiwasan ang hindi mag-alala ng husto rito lalo at parang kapatid narin ang turing niya kay Ara.

Eksaktong anim na buwan mula nang ma-diagnose ang tungkol sa sakit ni Daniel ay binawian ito ng buhay. Nang mga panahon iyon ay pareho nilang alam ni Jason na naikasal na ito ng lihim kay Ara.

"Parang ang sakit ng pinagdadaanan niya, kahit hindi siya nagsasalita nararamdaman ko ang sakit. Kunsabagay ako rin naman nasasaktan kasi kaibigan nating pareho si Daniel," iyon ang mga salitang namutawi sa mga labi niya habang mula sa kinatatayuan nilang roof deck ay inaabot lang nila ni Jason ng tanaw si Ara.

Katulad ng dati, nakaupo ito sa dating lugar kung saan ito tumatambay kasama ang asawa nito. Pero sa pagkakataong ito, ibang Ara na ang nakikita  nila. Nawalan ng dahilan para ngumiti, nawalan ng dahilan para magpatuloy.

"Nami-miss ko narin si Daniel," ang narinig niyang isinagot sa halip sa kaniya ni Jason na sinundan pa nito ng isang mabigat na buntong hininga.

Tiningnan lang ni Jenny ang kaniyang nobyo at pagkatapos ay malungkot rin na nagbuntong hininga. "Sa nakikita kong nangyayari ngayon kay Ara pakiramdam ko kapag ikaw ang nawala sa akin mawawala rin sa direksyon ang buhay ko," totoo iyon sa loob niya.

Dahil sa sinabi niyang iyon ay noon naman siya tiningnan ni Jason saka nginitian. "Huwag ka kasing mag-iisip ng ganoon," ang tanging winika nito saka siyang inakbayan at hinalikan sa noo.

Hindi nalang umimik si Jenny sa winikang iyon ng kaniyang nobyo pagkatapos. Dahil ang totoo habang pinanonood niya si Ara ay nakakaramdam naman talaga siya ng takot. Na paano kung siya ang nasa sitwasyon nito? Kayanin kaya niya?

*****

LINGGO nang yayain siya ni Jason para magsimba. Katulad ng dati sinundo siya nito at ipinagpaalam sa nanay niya. Namalengke sila ng rekado para sa Beef Caldereta na kanilang lulutuin at iyon ang masaya nilang pinagsaluhan sa bahay ng binata.

Sanay na sa ganoon si Jenny at ganoon na ang kanilang routine. Hindi naman kasi niya kailangan ang mga engrande at mamahalin na date at treat sa mamahaling mga kainan. Ang gusto lang kasi niya ay kasama niya ang binata. Iyon lang at masaya na siya.

"Sleep, I love you," ang binatang iniunan pa siya sa braso nito saka siya kinabig palapit rito at mahigpit na niyakap.

"Jason, paano kapag nabuntis mo ako? Anong gagawin mo?" ngayon lang pumasok sa isip ni Jenny ang tungkol doon kaya niya naisipan itanong iyon sa binata.

Noon tila naglalambing na hinawakan ng binata ang kaniyang baba saka itinaas ang kaniyang mukha. "Pakakasalan kita tapos magsasama na tayo, dito na tayo titira. Ano sa tingin mo?"ang nakangiting nitong tanong sa kaniya.

Malapad at matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Jenny dahil sa tanong na iyon ng binata saka pagkatapos ay magkakasunod na tumango. "Mahal na mahal kita, at wala akong ibang gusto kundi ang makasama ka sa habang buhay," pagsasabi niya ng totoo.

Sanay na si Jenny sa ganoon. Kahit kung minsan naiisip niya na para bang siya ang mas higit na nagmamahal kay Jason at siya ang mas mukhang patay na patay rito, walang kaso iyon sa kaniya. Masaya na siyang nararamdaman niya ang pag-ibig nito para sa kaniya. Siguro hindi lang talaga showy ang nobyo niya habang siya naman ay masyadong expressive sa kung ano ang tunay niyang damdamin para rito.

"Matulog ka na, mamaya kapag nagising ka at wala ako sa tabi mo malamang lumabas lang ako para ibili ka ng meryenda," ang binatang hinalikan siya sa mga labi.

Nang bumitiw si Jason sa pagkakahalik sa kaniya ay noon naman tuluyan at mariing ipinikit ng dalaga ang kaniyang mga mata para magpatangay na sa nararamdaman niyang antok.

*****

NAGISING siya kinahapunan na wala si Jason sa tabi niya. Napangiti doon si Jenny at pagkatapos ay bumangon at sinimulang isuot ang mga damit niyang katulad ng nakagawian na ay isinampay ng binata sa sandalan ng silya sa may study table nito.

Nang makapagbihis ay agad na inagaw ang pansin niya ng mga librong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kahit hindi na niya buklatin ang mga iyon alam niyang puro numero ang makikita niya sa bawat pahina kung sakali.

Hindi naman siya mahina sa Math pero alam niya at sigurado siya na walang sinabi ang dunong niya sa pagko-compute kung ikukumpara siya sa kaniyang nobyo.

Napangiti doon si Jenny saka parang wala lang na naupo sa silya at kinuha ang isa sa marahil apat na libro. Binuklat niya iyon at hindi nga siya nangkamali. Pero dahil ito ang mundo ng lalaking pinakamamahal niya, kahit wala siyang maintindihan sa mga nakasulat doon ay okay lang.

Nasa ganoong ayos siya nang mapuna ang isang tila bond paper na nakaipit sa sumunod na libro na nakapailalim sa hawak niya ngayon. 

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay biglang kumabog ang dibdib niya kasabay ng tila ba maliit na boses na nag-u-udyok sa kaniyang kuhanin ang papel at basahin. Kaya ganoon nga ang ginawa niya.

Siguro exam paper lang iyon.

Pero iba ang naramdaman niya nang buklatin niya ang papel at tumambad sa kanya ang isang pamilyar at napakagandang sulat-kamay na animo'y computerized dahil sa pagka-perpekto niyon. 

Nanlamig ang buong katawan ni Jenny at kahit tutol sa loob niya ay sinimulan niyang basahin ang sulat na ginawa ni Jason para sa matalik na kaibigan niyang si Ara.

*****

Dearest Ara,

Hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko para sa iyo pero sa tingin ko gusto na kita. Unang beses pa lang kita nakita hindi ko maitatanggi na nagustuhan na kita. Para sa akin isa ka sa pinakamagagandang mukha na nasilayan ko. At hindi naging mahirap para sa akin ang tuluyang mahulog sa iyo dahil sa likas na kabutihan at pagiging busilak ng kalooban mo.

Kung sakali, sana mabigyan mo ako ng pagkakataon para maipadama ko sa iyo kung gaano kalinis ang hangarin ko. Payagan mo sana akong ligawan ka. Sana magkaroon ng chance na makita mo rin ako hindi bilang kaibigan kundi bilang isang lalaki na may malinis at tunay na hangarin at pagtingin sa iyo. Hihintayin ko ang sagot mo. 

Always,

Jason

*****

KUNG ilang beses siyang huminga para pagluwagin ang naninikip niyang dibdib ay hindi na masabi ni Jenny. 

Kanina habang binabasa niya ang sulat ay hindi niya napigilan ang mapaiyak dahil sa labis at hindi makaturungang sakit na kaniyang nararamdaman. Nag-ulap ng husto ang kaniyang mga mata kaya hindi na niya napansin na napatakan pala ng kaniyang mga luha ang sulat kaya kumalat ang ilang bahagi ng tinta na natuluan at nabasa.

"Ang daming babae Jason, bakit ang best friend ko pa?" puno ng hinanakit niyang sambit saka mabilis na lumipad ang paningin niya sa itaas na bahagi ng papel.

Gusto sana niyang malaman kung kailan iyon isinulat ni Jason pero nabigo siya. Hindi naka-indicate doon ang petsa na hinahanap niya.

Kung tutuusin hindi narin naman mahalaga kung kailan, kasi kahit ano pa ang malaman niya hindi narin magbabago ang nararamdaman niya, nasaktan na siya. At noon nga naisip ni Jenny na wala nang dahilan pa para mag-stay doon. Kaya naman sa mabibilis na kilos ay minabuti niyang umalis na at umuwi, bago pa man siya abutan ni Jason.

Sa ngayon ayaw muna niya itong makita. At kahit kailan hindi na niya ito gugustuhing makita pa.

Related chapters

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 33 "TEARDROPS IN THE RAIN"

    AGAD na nagsalubong ang mga kilay ni Jason nang nasa gate pa lamang siya ay nakita niyang bukas ang malaking pinto sa harapan ng kanilang bahay. Hindi rin niya alam kung saan nanggaling ang matinding takot at malakas na kabog sa kaniyang dibdib na bigla niyang naramdaman. Kanina bago siya lumabas para bumili ng meryenda ay tiniyak niyang nakakandado iyon. Nasa kaniya pa nga ang susi. Ayaw niyang isipin na pinasok ng kung sinong masaman loob ang bahay nila habang nasa kwarto at natutulog ang kaniyang nobyo. Noon malalaki ang mga hakbang niyang binagtas ang batuhang pathway matapos niyang wala sa loob na inihagis pasara ang gate na lumikha naman ng malakas na ingay. "Jenny? Jen?" nasa entrada pa lamang siya ng kabahayan ay iyon na ang magkakasunod at naging malakas na pagtawag niya sa pangalan ng nobya. Nang walang sumagot ay patakbo niyang tinungo ang silid kung saan niya ito iniwan na natutulog

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 34 "PROPER CLOSURE"

    PRESENT DAY..."I-I'M sorry," ang tanging nasambit ni Jenny saka maingat na binawi ang sarili niyang braso mula kay Jason."Papayag ka ba na kausapin ako ngayon?" ang mahinahon na tanong sa kaniya ng binata ilang sandali pagkatapos.Tumango siya. "Pero over dinner dapat at hindi dito sa kwarto mo," aniyang inayos ang sarili saka na lumabas ng kwarto.Pareho silang tahimik ng binata habang kumakain. Naiilang si Jenny pero ayaw niyang ipahalata. Natapos ang hapunan at hindi sila nakapag-usap. Iyon ang dahilan na nakita niya kaya siya niyaya ni Jason na mag-stay muna sa terrace at doon magpahangin. Hindi naman siya tumanggi."Jen?" ang binata nang manatili siyang tahimik at nakatanaw lang sa madilim na kalangitan."Yes?" aniyang hindi tiningnan ang binata."Wala na si Ara," anito.Sa sinabing iyon ni Jason ay mabilis siyang napalingon sa katabi."Anong ibig mong sabihin na wala na si

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 35 "NEW BEGINNING"

    "MATUTULOG na ako, salamat sa pag-i-insist ng usapan, mas okay na ang pakiramdam ko ngayon," nang ihatid siya ni Jason sa kaniyang cabin ay iyon ang sinabi niya sa binata. Tumango si Jason habang nakangiti. "Ibig sabihin ba nito okay na tayo? Hindi ka na galit sa akin?" tanong ng binata sa kanya. Noon nakangiting tumango si Jenny. "Matagal na iyon, sampung taon na, siguro kaya hinayaan ng Diyos na magkita ulit tayo kasi gusto Niya na magkaroon tayo ng maayos na closure katulad ng ginawa natin kanina. Hindi naman kasi tayo magiging totoong masaya kung hindi natin aalisin sa mga puso natin ang galit at kahit anong negative vibes, hindi ba?" "Tama ka. Salamat din at pinatawad mo ako, bukas gusto mo bang sumabay sa akin sa almusal?" si Jason sa karaniwan na nitong mabait na tono. "Naku hindi na muna siguro. Plano ko kasing maglakad-lakad muna bukas ng umaga," tanggi niya. "Ganoon ba? E di samahan nalang kita? Samahan kitang maglakad ka

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 36 "YOU CANNOT AVOID ME"

    "ABA, maaga ah," si Jenny iyon nang puntahan niya ang dalaga sa cabin nito na tamang nakita niyang palabas narin. "Syempre ba, ayoko yatang maiwan sa first date natin," sagot niyang inakbayan ang dalaga pero mabilis nitong tinabig ang braso niya. Tumawa lang ng mahina doon si Jason saka sa humahangang sinuyod ng tingin si Jenny mula ulo hanggang paa. As usual dahil malamig sa Baguio at naka hoodie jacket ito na kulay pula, hapit na pantalong maong at rubber shoes. "Oh, bakit ganyan kang makatingin?" halata man sa boses at tono ng pananalita ng dalaga ang matinding pagkailang dahil sa ginagawa niyang lantarang oberbasyon rito ay hindi parin siya nagpapigil. "Wala, ang ganda mo parin kasi, at sexy pa," ginawa niyang mapanukso at makahulugan ang huling adjective na ginamit niya kaya na sa tingin naman niya ay nakuha ng dalaga ang ibig sabihin kaya mabilis itong pinamulahan ng mukha. "Tumigil ka nga, ang aga-aga mo kung mang-asar,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 37 "BIRTHDAY CELEBRATION"

    SUMAPIT ang araw ng kaarawan ng ina ni Jason. At katulad ng naipangako niya ay siya na ang nag-ayos ng lahat ng kailangang ayusin para sa isang espesyal na hapunan na kung tutuusin ay apat lang silang magsasalu-salo. "Hindi ka ba pumapasok sa trabaho? Bakit parang ilang araw ka nang nandito sa Baguio?" naitanong niya kay Jason. Nasa supermarket sila noon para mamili ng mga kakailanganin sa lulutuin niyang mga putahe. Habang si Aling Malou nalang ang inutusan ni Mama Loida na mamalengke para sa mga iba pang mas mainam na bilhin doon. "Nagsabi naman ako sa kaibigan ko, baka natatandaan mo si Paul?" tanong ni Jason habang itinutulak ang cart. Sandaling tumahimik si Jenny saka inalala ang sinabing pangalan ni Jason pagkatapos ay tinitigan lang niya ito saka magkakasunod na umiling. "Bukod kay Daniel may iba ka pa bang naging kaibigan?" naitanong niya. Nakita niyang tila ba nag-alangan si Jason na sagutin ang tanong niyang iyon kaya maagap na

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 38 "STRANGERS IN THE NIGHT 1"

    "NAKU ngayon pa lang sasabihin ko na ang totoo, maswerte ang lalaking mapapangasawa mo dahil napakasarap mong magluto!" si Aling Malou iyon nang magkakaharap na silang kumakain ng hapunan. Sa sinabing iyon ng ginang ay nagulat na lamang siya nang bigla ay magkakasunod na umubo si Jason. Hindi nagtagal ay inabot nito ang baso ng tubig saka uminom. Bahagya pa siyang nagulat nang biglang mag-angat ng tingin ang binata saka nito sinalubong ang mga titig niya nang may amusement sa mga mata. "Talagang maswerte," si Mama Loida iyon na sinagot ang sinabi ni Aling Malou. Nahihiyang ngumiti lang si Jenny at pagkatapos ay ipinagpatuloy ang tahimik na pagkain. Kanina sa kusina habang nagluluto siya ay mas pinili niyang huwag nang masyadong kibuin si Jason. Naiinis kasi siya sa inasal nito kanina tungkol sa planong pag-imbita ni Mama Loida kay Leo sa birthday nito. Dati na kasing naging ganito sa Jason sa kaniya noong nasa kole

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 39 "STRANGERS IN THE NIGHT 2"

    KUNG kailan siya tinitigilang halikan ni Jason para magkaroon ng pagkakataong huminga, hindi alam ni Jenny. Dahil ang totoo pinakawalan lang ng binata ang mga labi niya pero hindi parin tumigil sa pananalakay ang nakakapaso nitong mga labi sa kaniya nang bumaba ang mga iyon sa leeg niya hanggang sa balikat niyang kanina pa nakabilad sa harapan nito. "Napakabango mo," anas ng binata saka walang kahirap-hirap na ibinaba ang kabilang bahagi ng roba niya na naiwang nakasabit sa kaniyang balikat. "Jason, please habang maaga pa, tumigil ka na," muli nang parang bahagyang bumalik sa tamang huwisyo at direksyon ang isipan niya ay iyon ang nanulas sa mga labi niya Jenny pero sa paanas na paraan. Narinig niya ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ng binata bago nito hinawakan ang mukha niya saka iniharap rito kaya nagtagpo ang kanilang paningin. "No," anitong hinalikan siya sandali bago nagmamadali ang mga kilos na tuluyan inalis an

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 40 "STRANGERS IN THE NIGHT 3"

    MAHABANG daing ang itinugon ni Jenny sa ginawang pagtrato ni Jason sa kaniyang pagkababae lalo nang magsimulang gumalaw sa mas mabilis na ritmo ang daliri nito doon. Lalong nagtumindi hindi lang ang init na nararamdaman niya kundi pati narin ang panginginig ng buong katawan niya. Isang malamig na gabi kung tutuusin lalo at nasa Summer Capital na lugar sila ng Pilipinas, ang Baguio City. Pero iba ang nangyayari sa kaniya ngayon. Pakiwari niya ay nagliliyab ang kabuuan ng silid dahil sa hindi pa man pero matinding pananalasa na ni Jason sa kaniyang pagkababae habang hindi rin nito nilulubayan ng napakapusok na halik ang kaniyang bibig. Agad siyang nanghina nang dahil sa matinding sensasyon na makailang beses na gumuhit sa katawan niya habang ramdam na ramdam niya ang bawat paghugot at pagpasok ni Jason sa loob niya ng daliri nito. "Oh, my god!" ang agad na kumawala sa bibig niya nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya at saka siya tinitigan sa paraan na

Latest chapter

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 70 “FRATERNAL TWINS”

    “CONGRATULATIONS, kambal na babae at lalake ang magiging anak ninyo,” ang masaya anunsiyon ng doktor na tumitingin kay Jenny. “Talaga Dok?” ang malakas na sambit ni Jason na halatang napakasaya nang mga sandaling iyon. “Yes, Mr. Espinosa,” anitong malapad ang pagkakangiti sa mga labing pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. “Grabe, hindi ako makapaniwala!” si Jason iyon. Mula kaninang nasa byahe sila galing ng ospital at hanggang ngayon nasa bahay na sila ay iyon parin ang paulit-ulit nitong sinasabi. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay nakangiting nakaupo sa paborito niyang rocking chair. Natatandaan niya, mga college pa lamang sila ni Jason ay gustong-gusto na niya ang tumba-tumba na iyon. Kaya siguro ganoon at ngayon doon na nga siya nakatira sa bahay na iyon na sinasabi ng kanyang asawa na bahay na nilang dalawa noon pa man ay madalas siyang doon nakaupo. “Grabe, daig mo pa ang nagbubuntis kung maka-reac

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 69 "DANCING IN THE RAIN”

    SA opisina ni Jason siya pinayuhan ng binata na maghintay rito. Nagsimula ang meeting matapos siyang pormal na ipakilala ng lalaki kay Paul na nang makaharap niya ay noon pa lamang niya naalala. Nakikita nga niya ito noo sa school pero hindi siya nagkaroon ng chance na makausap ito. Medyo natagalan ang meeting kaysa isang oras na sinabi ni Jason sa kanya. Noon niya naisipan na umidlip muna sa mahaba at magandang leather couch sa loob ng opisina ng lalaki. Sa dami ng nangyari sa nakalipas na mga araw ay masasabi niyang ngayon siya literal na nakaramdam ng pagod kaya naman madali siyang tinangay ng mahimbing na pagtulog. ***** MALAPAD na napangiti si Jason nang mapasukan sa loob ng opisina si Jenny at makitang himbing na himbing ito sa mahabang leather couch. Noon maiingat ang mga hakbang niyang nilapitan ang dalaga saka naupo sa center table na yari sa kahoy. Kung hindi pa niya gagawin ngayon,

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 68 “OBVIOUS CHEMISTRY & JEALOUSY”

    “I’M so sorry, Miriam,” simula ni Jenny nang magkaharap na sila ng legal na asawa ni Ryan. “Wala kang kasalanan. Kahit ayokong aminin sa sarili ko, alam ko sa lahat ng nangyari si Ryan ang responsible. Pero hindi ko pwedeng isisi sa kanya ang lahat, siguro may pagkukulang din ako,” iyon ang isinagot nito sa kanya habang pareho nilang inaabot ng tanaw ang walang malay na si Ryan mula sa salamin glasswall ng ICU. Nagbuntong hininga doon si Jenny saka muling nagbuka ng bibig para magsalita. “Pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng guilt. Alam ko kahit hindi ko ginusto kasama ako sa mga naging dahilan kung bakit nasira ng tuluyan ang pamilya ninyo,” sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Jenny ang mapaiyak. “H-Hindi ko sinasadya, I’m so sorry,” aniyang tuluyan na ngang napahikbi. Nang mga sandaling iyon ay nasa hindi kalayuan si Jason. Sa lobby rin na iyon at nakaupo. Hindi alam ni Jenny kung nakikita siya ng binata pero sana ay hindi.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 67 “MORNING DEW 6”

    “ARE you okay?” tanong ni Jason sa kanya nang manatili siyang nakaupo lang sa ibabaw nito. Sa puntong iyon ay nahati si Jenny sa kagustuhan niyang sagutin ang tanong na iyon ni Jason o mas bigyan ng pansin ang masarap na pakiramdam na inihahatid sa kanya ng posisyon niya ngayon. Pero may palagay siya na nahuhulaan ng binata kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang mga sandaling iyon. At iyon rin ang nakikita niyang dahilan ng paggalaw nito. “Oh!” ang nasambit niya na sinundan ng isang nasasarapang singhap. “Huwag kang magulo Jason!” aniya saka pinigil ang muling mapa-ungol pero nabigo siya. Malapad ang ngiting nakita niyang pumunit sa mga labi ng binata. “Hindi naman ako magulo ah, ang tagal mo kasi. Nabibitin ako,” sa huli nitong sinabi ay mabilis na nag-init ang mukha ng dalaga. Napalunok ng magkakasunod si Jenny pagkatapos niyon. “A-Ang haba kasi ng ano mo, hindi ko alam kung paano ako mag-

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 66 “SUSPICIONS”

    “TAMANG-TAMA ang dating ninyo, ready na ang pananghalian,” si Rowena nang araw ring iyon bago magpananghali at maihatid siya ni Jason sa kanila.Mabilis na binalot ng pagtataka ang isipan ng dalaga nang makita niyang matamis pang nginitian ng nanay niya si Jason at ganoon rin ang binata rito.“Tulungan na kita, Tita Weng,” prisinta pa ni Jason.“Sige anak, halika na sa kusina,” ang nanay niya kay Jason. “At ikaw naman Jenny, magbihis ka na,” anito pa sa kanya.Tumango lang si Jenny sa sinabing iyon ng nanay niya saka na siya nagtuloy sa kanyang kwarto para mabihis.*****“MAHAL na mahal ko po si Jenny, Tita Weng. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa akin,” si Jason na nagpakawala pa ng isang mabigat na buntong hininga matapos sabihin kay Rowena ang totoo.Kahapon, katulad

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 65 “MORNING DEW 5”

    “OH! Jason!” iyon ang unang nasambit ni Jenny nang pakawalan ni Jason ang mga labi niya habang patuloy ito sa ginagawa nitong pananalasa sa pagkababae niya. “Oh sweetheart, hindi mo alam kung gaano ako kasaya sa tuwing napapasigaw kita,” anitong tinitigan siya ng tuwid sa kanyang mga mata. Napangiti si Jenny sa sinabing iyon ni Jason. Alam naman niya iyon. At alam rin niya na gusto ni Jason ang nag-iingay siya kasi ganoon rin naman ang nararamdaman niya kapag ganoon ang nagiging reaksyon nito sa mga pagsisikap niyang mapaligaya rin ito. Nakangiti rin siyang muling niyuko ng binata saka hinalikan. Habang siya naman ay ikinawit ang isang kamay sa leeg nito saka sinubukang salubungin ang bawat pananalasa nito sa kanya sa sariling paraan na alam niya. “Oh, Jenny, matalino ka talaga,” ang compliment sa kanya ni Jason nang maramdaman nito ang ginawa niya.

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 64 “MIRIAM”

    “NANDITO ka na pala, gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain mo? O kumain ka na ba?” iyon ang magkakasunod na tanong ni Miriam kay Ryan na kararating lang kahit kung tutuusin ay umaga na. Noon malamig ang emosyon sa mga mata lang siyang sinulyapan ng lalaki at pagkatapos ay padabog pero walang imik na ibinaba sa mesa na nasa loob ng kwarto nila ang dala nitong bag. “Ah, Ryan, may---,” “Putang ina, Miriam! Hindi ka ba naman makahalata na hindi kita gustong kausap? Mukha mo nga lang sukang-suka na ako eh! Kaya tantanan mo ako sa mga kaartehan mo!” ang galit nitong bulyaw sa kanya na labis niyang ikinabigla. Iyon lang at nagtuloy na ito sa loob ng banyo. Alam niyang maliligo lang ito at aalis na naman. Noon parang dinudurog ang pusong huminga ng magkakasunod si Miriam. Hindi man niya gustong magalit kay Ryan sa mga ginagawa nito sa kanya pero hindi niya mapigilan. Alam niyang hindi si Jenny ang unang naging babae nito. D

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 63 “MORNING DEW 4”

    MALAKAS na napasigaw si Jenny dahil sa biglaang pagsibasib na ginawa ni Jason sa kanyang pagkababae. Hindi karaniwang kay Jason ang ganoon. Palagi kasi, o kung hindi man ay mas tamang sabihing madalas, sa simula ay nagiging maingat ito at dahan-dahan upang hindi siya mabigla. Pero sa puntong ito, masyadong mapusok at naging marahas ang bibig nito sa kanyang pagkababae. Hindi nito pinakitaan ng kahit anumang gentleness ang hiyas niya dahil hindi nagtagal, habang sinusuyo ng bibig nito ang kanyang bukana ay naramdaman rin niya ang mabilis na pagpasok ng daliri nito doon at nagsimulang maglabas-masok kaya lalong tumirik ang mga mata ni Jenny sa labis na kaligayahan. “Damn! Jason! Shit!” ang magkakasunod at walang pagitan niyang sambit nang magsimulang maglunoy sa kanyang harapan ang dila at bibig nito na tinutulungan rin ng daliri nito. Kung ang lahat ng pagsasanib pwersa na iyon ang titingnan, ano nga naman ang laban niya? Wala

  • CRAVE (FILIPINO VERSION)   CHAPTER 62 “MORNING DEW 3”

    ALAM ni Jenny na ang halik na iyon na ang simula. Alam niyang kung ibabase sa mapang-angkin na bibig ni Jason ngayon ay talagang malilintikan siya. Pero okay iyon sa kanya dahil alam naman niya sa sarili niyang wala siyang kakayahang tumanggi. Palagi kapag sinimulan siyang sindihan ng binata ay nararamdaman na lamang niyang sabik na sabik siya kay Jason at hindi niya maipaliwanag kung bakit. “Shit! Mmnn, sige pa please, hard!” utos niya nang magsimula ang binata sa ngayon ay malalalim na nitong ulos sa kanya. Pero hindi iyon nangyari. Ilang sandali lang at hinila na ni Jason palabas ang pagkalalaki nito at pagkatapos ay tinungo ang tub at sinimulang pinuin ng tubig. Mabilis na pinuno ng matinding excitement ang puso ni Jenny dahil doon. Nang balikan siya ni Jason ay hinawakan nito ang batok niya saka siya muling mariing kinuyumos ng halik. Si Jenny nang mga sandaling iyon ay parang nilalagnat sa tindi ng init na kaniyang nararamdaman. Pero kah

DMCA.com Protection Status