I love my Kuya Earl very much. He is kind and loving Kuya kaya naman all I want is the best for him. Selfish at manipulative mang matatawag pero masisisi niyo ba ako? Bilang isang kapatid gusto ko na sa mabuting babae mapupunta ang kapatid ko.
Hindi niya deserve na kay Caroline maikasal. Plastic kaya ang babaeng yoon. Ang bait bait kapag andiyan si kuya Earl pero kapag wala na hay naku ubod ng maldita at sama ng ugali.
Hindi ako judgemental ha! Paano ko nasabi yun?
Kasi one time sinama siya ni Kuya Earl sa mansiyon upang mag-dinner kasama ang buong family namin tapos accidentally nabubuan siya ng tubig habang sinasalinan ni Manang Rosing yung baso niya. Agad na humingi ng pasensiya si Manang sa kanya, sinabi naman niya na okey lang kasi hindi naman daw nito sinasadya. Sa totoo lang natuwa ako sa kanya.
Ngunit laking gulat ko ng marinig ko na pinapagalitan niya si Manang Rosing. Kitang-kita kung paano niya ito dinuro at minaliit. Mangiyak-ngiyak noon si Manang. Kaya mula noon nawala na ang amor ko sa kanya.
Isa siyang epokrita.
“Hayst alam mo Claire, andito tayo sa bar para magsaya ha hindi para mag-emote ka dahil ikakasal na ang kuya mo sa most hated person mo na si Claire,” mahabang litanya sa akin Zabrina, kaibigan ko.
“Eh nakakainis kasi, alam mo yun. May kuya don’t deserve that two faced bitch,” inis kong sagot sa kanya.
“Hey let’s go guys sayaw tayo!” niyaya naman kami ni Cony sa amin.
Sumama na ako sa kanilang sa dancefloor at nilibang ang sarili. Kinalimutan ko muna ang iniisip ko. Nang mapagod ay bumalik kami sa aming lamesa ay uminom ulit.
Naparami ang inom kaya medyo nahihilo na ako. Naisipan kong mag-CR upang makapaghilamos upang medyo mabawasan ang lasing na pakiramdam ko.
Habang papunta na ako sa CR ay hindi sinasadyang napatingin ako sa lamesa sa may gilid. Nakita ko si Caroline na may kahalikang lalaki. Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin ulit sa kanila, siya nga!
Tsk, ano yun niloloko niya din pala si kuya. Gusto kong sugurin at komprontahin ang nobya ni kuya niya ngunit ayaw naman kong mag-eskandalo.
Nang makarating ako sa CR ay hindi ko alam ang gagawin ko. Nasasaktan ako para kay Kuya Earl kasi alam ko kung gaano niya ito kamahal. Napaka-walanghiya talaga ng babaeng yan!
Napagdesisyunan na lamang niya na sabihin ito kay Kuya Earl.
"Kuya, I have something to tell you about Caroline," panimula ko ng puntahan ko si Kuya sa opisina niya kinabukasan.
"What about her?," tanong naman niya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko ito sa sasabihin sa kanya. Sigurado akong masasaktan siya.
"Kuya, I saw her kagabi sa bar at may kasama siyang lalaki, ang sweet nila at naghalikan pa," kwento ko sa kanya. Tiningnan niya ako na parang sinusuri kong nagsasabi ng totoo. Alam niya kasi na hindi ko gusto si Caroline pero hindi naman ako aabot na sisiraan ito sa kanya.
“She’s cheating on you kuya,” dagdag ko pa.
"Ganoon mo ba ako hindi kagusto para sa kapatid mo? At kailangan mo pang gumawa ng kwento Claire, mahal ko ang kuya mo sana naman matanggap mo na ako para sa kanya, at wag mo naman akong siraan sa kanya," naiiyak na sabi ni Caroline na hindi namin napansin na nakapasok na pala sa opisina ni Kuya.
Lumapit si kuya sa kanya at niyakap siya. Ayon sa kanya ay kasama niya ang mga kaibigan niya kagabi, tulad ng kung ano yung sinabi niya nung sinagot niya daw ang tawag ni kuya last night. Tinawagan pa niya si Maya ang matalik niyang kaibigan at pinatunayan naman nito na nagsasabi si Caroline ng totoo.
Galit na bumaling ako sa kapatid ko." May ebidensiya ka ba sa paratang mo kay Caroline?,"
"Wala kuya, pero alam ko kung ano ang nakita ko. Niloloko ka niya!" nagagalit na sabi ko. Napakahusay magsinungaling ng babae na yan.
May patunay si Caroline na nagsasabi siya ng totoo kaya hindi naniwala si Kuya sa akin. Inisip niya na sinisiraan ko lang ito kasi nga hindi ko gusto ang nobya niya.
"I can't believe this Claire, ayaw mo ba akong maging masaya? Umalis ka na bago pa ako tuluyang magalit sayo." Napaiyak ako. Hindi sya naniwala sa akin at mas kinampihan pa niya ang babaeng plastic at sinungaling na yun.
Nakita kong niyakap ni Kuya si Caroline na umiiyak din. Napakagaling umarte.
Ngunit hindi ako titigil kailangan kong iligtas ang kapatid ko sa manlolokong katulad niya.
“Thalia! Apo ay gumising ka na at alas otso na ay hindi ka pa nag-aalmusal,” dinig kong sabi ni Lola Ana. Nag-inat ako at bumangon na din. Napangiti ako ng marinig ko ulit si Lola. Napaka-maalalahanin niya talaga. Kaya naman kahit wala na akong mga magulang ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagmamahal ng isang magulang. Sampung taon pa lang ako noong mawala ang mga magulang ko. Namatay sila sa aksidente kaya naman sina Lola Ana at Lolo Gibo na ang nagpalaki sa akin. Lagi nilang pinararamdam sa akin na kahit wala na sina mama at papa ay mahal na mahal naman nila ako. Medyo tanghali akong nagising ngayon, Sabado naman kasi at walang pasok. Ganito kasi ako kapag walang pasok medyo late na talaga ako bumabangon. Well, di pa naman masyadong late ang alas otso di bah? Balak kongpumunta sa mall ngayon, may sale kasi sa SM MOA ngayon hanggang bukas lang yun, eh ayaw ko naman bukas pumunta kasi magsisimba kami nina lola at lolo. Hindi naman masyadong malayo ang
Nakatulala ako sa lalaking papalapit sa amin. Hanggang sa tumigil ito sa aming harapan. Mas lalo itong guwapo sa malapitan. Moreno ang kutis nito, makapal ang kilay at malantik ang pilik-mata. Parang magnet ang kanyang kulay brown na mga mata, kapag napatingin ka dito wala ka nang magagawa kundi tumitig na lang. “Ehem, Thalia – “ agaw atensiyon sa akin ni Claire. Para naman akong gusto nang lumubog sa kinauupuan ko. Baka kanina pa nila ako kinakausap pero masyado akong natulala sa lalaki. Shuta oh! Ang guwapo kasi. “He’s my brother, si Kuya Earl,” pakilala niya sa akin. Ipinakilala ako ni Claire sa kapatid niya. Nginitian naman ako nito ay naglahad ng kamay. Ang init ng palad nito tamang tama sa malamig kong lovelife. Nang magdaop ang mga palad naming parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa akin. Sakop na sakop ng kamay niya ang maliit kong kamay. Nang tumingin ako sa kanya ay parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Napangiti si
Maaga akong pumasok ngayon sa opisina. Papasok palang sa building ay binati na agad ako ng security guard, gayundin ang mga empleyado na nadaraanan ko habang papunta ako sa aking opisina. Tinugon ko naman ang kanilang pagbati. "Good morning Sir Earl, mayroon po kayong meeting ng alas otso y media with Sir Miguel and Sir Daniel regading po sa new venture niyo.," sabi ng aking sekretarya ng makarating na ako sa aking opisina. Masyadong hectic ang schedule ko ngayon, ang daming meeting na kailangan kong i-attend. Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon bilang CEO ng sarili kong kompanya, ang AvCOn Constrcution Company. Ilang taon na rin mula nang maitatag ko ito. Hindi naman ako pinilit ni Daddy na i-manage ang family business namin, andoon ang aking kapatid na si Carlos na katuwang niya sa pagpapatakbo nito. Sa totoo lang hindi naging madali ang lahat sa akin noong nag-uumpisa pa lang ang kompanya ko. Marami akong mga naging failures, akala ko nga hindi
Madalas na niyayaya ni Claire si Thalia na lumabas. Katulad ngayon, pinuntahan niya ang dalaga sa paaralan upang yayain na magmeryenda bago ito umuwi. Masayang kasama ang dalaga kaya naman ang gaan ng loob dito ni Thalia. Pakiramdam ni Thalia mula nang makilala niya si Claire ay nagkaroon siya ng kapatid. Although close din naman sila ni Gina, co-teacher at kaibigan niya sa school pero yun nga lang ma-effort kasi si Claire lagi siya nitong pinupuntahan. Ilang beses na siyang nakakasama sa bar ni Claire. Okey lang naman dahil hindi naman sila masyadong umiinom, nag-i-enjoy lang talaga sila.Ngayon naman ay niyaya siya ni Claire sa kanila na magdinner. Nahihiya man ay pumayag na rin siya. “Dad, mom, I want you to meet Thalia, super friend ko,” may pagmamalaking pakilala ni Claire sa akin sa kanyang mag magulang. “Oh ikaw pala yung madalas niyang kinukwento sa amin. “ Nakangiting bati sa akin ni Mrs. Concha. Nagbeso pa ito sa akin. Nakakatulala ang ganda
“Congratulations son, finally may magsi-settle down na akong anak.” Naliligayahang bati ni daddy sa akin kasabay ng pagyakap niya. “Salamat dad. Masaya ako na sinusuportahan niyo ako palagi sa lahat ng desisyon ko sa buhay.” Buong-puso kong tugon sa kanya at tinugon din ang yakap na binigay niya. Ngumiti sa akin si daddy at tinapik ang balikat ko. Umupo na kami sa upuan namin kaharap ang mga kaibigan at ang kapatid kong lalaki na si Carlos. Sina Claire naman at ang kaibigan niyang si Thalia ay nagpunta sa bar malapit sa resort. Mommy is sleeping na of course. Masaya kaming nagkwentuhan at nag-inuman. Nanghihinayang ako na hindi kaming tatlo kompleto nina Miguel at Daniel. Nasa business trip kasi itong huli. Tsk, kasama pa naman siya sa pagpaplano pero siya yung wala. Hindi na natuloy ang pa-stripper ni Miguel. Ang lungkot daw niya dahil dun, loko talaga. Napansin kong parang natulala si Miguel habang nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi ko mailarawa
Nagising ako dahil sa naulinigang boses. May narinig akong umiiyak na babae. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Tinignan ko ang katabi kong babae. Mahimbing pa rin na natutulog ito. Si Thalia. Magkayakap pa rin kami dalawa. Medyo nakaawang pa rin ang mapupulang labi niya. Naalala ko ang pinagsaluhan naming dalawa kagabi. Lasing ako pero alam ko naman ang ginagawa ko. Naging mahina ako. Bukod pa doon, nangibabaw ang atraksiyon na nararamdaman ko sa kaniya. Kaya naman hindi ko nalabanan ang nararamdaman ko kagabi. Lalong sumakit ang ulo ko at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bunga ng ginawa ko kagabi. Nagpadala ako sa tukso. Ibang Thalia ang nadatnan ko kagabi dito sa villa ko. Mapang-akit. Tama, she seduced me. I don’t know what her reason is. Pero Thalia teased me. I don’t know kung dahil lasing lang siya or what. But if she didn’t plan for this, bakit nadatnan ko siya kagabi dito sa villa ko? Shit! I s
Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na nalasing yata ako kagabi sa pag-iinuman namin ni Claire kagabi. Hayst di pa naman ako sanay uminom. Dahan-dahan akong bumangon. Napatili ako ng makita ko ang aking sarili na walang saplot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Masakit ang gitna ko. “Noooo!” Impit kong tili. Anong nangyari? May mga imahe ng pangyayari na nagpa-flash sa utak ko pero hindi masyadong malinaw. Ako at yung lalaki. Oh God. Naghahalikan kami hanggang sa unti-unti nahubad ang undies ko. Maya-maya pa ay naghubad na din ang lalaki. Malinaw na may naka-sex ako. Patunay ang masakit kong gitna at nanakit ding katawan. Hindi ko maalala kung sino yung lalaki pero parang familiar siya. Parang si Earl! Pero imposible. Sino? Sino ang naka-sex ko kagabi? Napasapo ako sa aking ulo at napaiyak. “Ehem!” somebody cleared her throat and when I look at her I felt embarrassed. “I know you are confused right now, kung anong nangyar
Tahimik lamang silang lahat at halos walang gustong magsalita. Si Thalia ay nanatiling nakatungo at nahihiya. She wanted to say sorry sa daddy at mommy nina Earl. Ayaw niyang isipin nila na isa siyang oportunista dahil hindi naman talaga. Umupo sa sofa ang mommy ni Earl at hinawakan ang kamay ni Thalia. Umangat ang tingin niya dito ngunit hindi naman siya makatingin ng diretso. Ang ginoong Concha naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya. Parang binabasa at ang kaibuturan ng kanyang isipan. Si Earl, nanatiling nakatindig at nakakuyom ang kamay. Si Claire naman ay nakatingin lamang sa reaksiyon ng lahat. “I’m sorry po. Maniwala po kayo, wala po akong alam sa nangyari. Hindi ko rin po alam kung paano nangyari yung kagabi.” Hindi na nakatiis si Thalia at siya na ang unang nagsalita. Sa tingin niya kasi ay kailangan niya ding humingi ng pasensiya sa mga ito. Inuusig siya ng konsensiya dahil hindi niya lubos maisip na mailalagay niya ang mga ito