Nagising ako dahil sa naulinigang boses. May narinig akong umiiyak na babae. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata.
Tinignan ko ang katabi kong babae. Mahimbing pa rin na natutulog ito. Si Thalia. Magkayakap pa rin kami dalawa. Medyo nakaawang pa rin ang mapupulang labi niya.
Naalala ko ang pinagsaluhan naming dalawa kagabi. Lasing ako pero alam ko naman ang ginagawa ko. Naging mahina ako. Bukod pa doon, nangibabaw ang atraksiyon na nararamdaman ko sa kaniya. Kaya naman hindi ko nalabanan ang nararamdaman ko kagabi.
Lalong sumakit ang ulo ko at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bunga ng ginawa ko kagabi. Nagpadala ako sa tukso.
Ibang Thalia ang nadatnan ko kagabi dito sa villa ko. Mapang-akit.
Tama, she seduced me.
I don’t know what her reason is. Pero Thalia teased me. I don’t know kung dahil lasing lang siya or what. But if she didn’t plan for this, bakit nadatnan ko siya kagabi dito sa villa ko?
Shit!
I s
Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na nalasing yata ako kagabi sa pag-iinuman namin ni Claire kagabi. Hayst di pa naman ako sanay uminom. Dahan-dahan akong bumangon. Napatili ako ng makita ko ang aking sarili na walang saplot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Masakit ang gitna ko. “Noooo!” Impit kong tili. Anong nangyari? May mga imahe ng pangyayari na nagpa-flash sa utak ko pero hindi masyadong malinaw. Ako at yung lalaki. Oh God. Naghahalikan kami hanggang sa unti-unti nahubad ang undies ko. Maya-maya pa ay naghubad na din ang lalaki. Malinaw na may naka-sex ako. Patunay ang masakit kong gitna at nanakit ding katawan. Hindi ko maalala kung sino yung lalaki pero parang familiar siya. Parang si Earl! Pero imposible. Sino? Sino ang naka-sex ko kagabi? Napasapo ako sa aking ulo at napaiyak. “Ehem!” somebody cleared her throat and when I look at her I felt embarrassed. “I know you are confused right now, kung anong nangyar
Tahimik lamang silang lahat at halos walang gustong magsalita. Si Thalia ay nanatiling nakatungo at nahihiya. She wanted to say sorry sa daddy at mommy nina Earl. Ayaw niyang isipin nila na isa siyang oportunista dahil hindi naman talaga. Umupo sa sofa ang mommy ni Earl at hinawakan ang kamay ni Thalia. Umangat ang tingin niya dito ngunit hindi naman siya makatingin ng diretso. Ang ginoong Concha naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya. Parang binabasa at ang kaibuturan ng kanyang isipan. Si Earl, nanatiling nakatindig at nakakuyom ang kamay. Si Claire naman ay nakatingin lamang sa reaksiyon ng lahat. “I’m sorry po. Maniwala po kayo, wala po akong alam sa nangyari. Hindi ko rin po alam kung paano nangyari yung kagabi.” Hindi na nakatiis si Thalia at siya na ang unang nagsalita. Sa tingin niya kasi ay kailangan niya ding humingi ng pasensiya sa mga ito. Inuusig siya ng konsensiya dahil hindi niya lubos maisip na mailalagay niya ang mga ito
Galit na tumindig si Earl at pasigaw na sinabing hindi niya pakakasalan si Thalia. Nagmamadali din itong lumabas. Sinundan ito ng ama habang naiwan naman ang tatlong babae sa loob. “Hija, we are sorry for that.” Nahihiyang sabi ng ina ni Earl. Niyakap siya nito kaya hindi na rin napigilan ni Thalia ang mapaiyak. Hindi na kasi niya alam ang gagawin, natatakot siya sa posibilidad na mabuntis siya. “Mom, let’s do something. Paano si Thalia?” nag-aalalang sabi ni Claire. Para sa kanya dapat lang na pakasalan ng kuya niya ang kanyang kaibigan. “Claire, I understand. Mahirap ito para sa kuya mo. Tama din naman siya eh hindi niya ako mahal kaya bakit niya ako pakakasalan?” mahinahong sagot ni Thalia kay Claire. “Hija, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Masyadong komplikado ang sitwasyon. Kung sana walang ka-relasyon si Earl baka mas mapapakiusapan pa natin siya.” Tugon naman ni Tita Carmen. Lalo namang nanliit ang pakiramdam ni Thalia. Parang despe
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Thalia, puro puti ang kanyang nakikita. Naisip tuloy niya kung na-food posion ba siya sa kinain at naging sanhi ito ng kamatayan niya? Para kasing nasa langit siya. Mali si Claire, na food poison siya talaga. “Oh my gosh, thank God you’re awake now!” natataranta ngunit ramdam naman ang tuwa sa boses nito nang makitang nagkamalay na si Thalia. Lumapit si Claire sa kaibigan at kinumusta ang pakiramdam nito. Actually, wala naman siyang masamang nararamdaman sa katawan bukod sa nasuka siya kanina at nahilo sa restaurant. Sinabi din ng kaibigan na dinala siya nito sa ospital. Hindi naman masabi ni Claire why Thalia fell unconscious kanina, wala pa kasi ang result ng test na ginawa kanina sa kanya. Sabi ng nurse wait for an hour daw. Bumukas ang pinto ng silid at nakita nilang pumasok ang isang may edad na babae at nakasuot ito ng kasuotang pang-doktor. “Ms. Thalia, congratulations,” nakangiting sabi ng doktora. “Salamat po doktora, buti na lamang po at
Hindi malaman ni Thalia kung ano ang isasagot sa tanong ng lola niya. Nahihiya siya dito kunng sabihin ang totoo. Matatanggap kaya nila? Nanatiling tahimik naman ang mag-asawa at si Claire. Nakatingin lang kay Thalia at tinatantiya kung kaya ba ng dalaga na magsabi sa lola nito ng balita. “Lola, huwag po kayong mabibigla at magagalit sa akin. Ipangako niyo po muna at wala dapat bawian.” Kinakabahang sabi ni Thalia. “Hay naku apo, pinapakaba mo naman ako. Pero sige na, hindi ako mabibigla at magagalit.” Agad namang sabi ng lola niya. “Eh kasi lola kaya po ako na-ospital dahil nagsuka po ako at nawalan ng malay, “ panimulang sabi niya. “Ha! Eh jusko apo, napaano ka daw?” nag-aalalang sabi nito. “Buntis po ako lola.” Deretsong sagot ni Thalia. Kahit na kinakabahan ay nagawa niya itong sabihin ng deretso. “Ah mabuti naman at buntis ka lang pala,” agad na sabi ng lola niya. Ngunit nang maisip ang nadinig na sagot ng apo ay lumaki ang mata nito at napatindig na nakalagay ang dalawang
Hindi muna pumasok si Thalia sa eskwelahan dahil naka-schedule siya ngayon na magpa-check up sa OB Gyne na nirekomenda ng mga magulang ni Earl. Nagfile na lamang siya ng leave. “Thalia, apo kumain ka ng marami ha. Hindi na lang ikaw ang iisipin mo ngayon kung hindi pati na rin ang nasa sinapupunan mo,” malambing na paalala ng lola ng niya. “Opo lola, salamat po,” nakangiting sagot niya sa kanyang lola. Ang sarap ng nasa harapan niya ngayon. Nilutuan siya ng lola niya ng sinangag at saka longganisang lukban. Maganang kumakain si Thalia nang dumating si Earl para sunduin siya papuntang OB. Ang binata na pala ang sasama sa kanya pagpunta kay Dra. Helen Avelino. Noong nagtext ang mommy nito kagabi at sinabi yun ay medyo kinabahan siya. Ngayon lang kasi niya makakasama ang binata na silang dalawa lang. “Earl, hijo halika sumabay ka na sa aming kumain,” paanyaya ng lola ni Thalia. “Oo sumabay ka na sa amin, huwag ka na ding mahiya, nabuntis mo na nga ang apo ko eh,” pabiro ngunit ramda
After one week ay ikinasal sa civil ang dalawa ni Thalia at Earl. Masaya naman ang mga magulang ni Earl at ang lolo at lola ni Thalia. Maliit lamang na selebrasyon ang ginawa pagkatapos ng civil ceremony. Nakilala ni Thalia ang mga kamag-anak ng asawa at mga pinsan nito. Gayundin naman si Earl sa pamilya ni Thalia. Niregaluhan sila ng 3 days vacation sa Palawan ng isa sa Uncle ni Earl para daw sa kanilang honeymoon. Magiliw naman itong tinanggap ng dalawa. Kaya naman kinabukasan ay lumipad ang sila papuntang Palawan. Habang nasa private plane ay hindi naman maiwasan ni Thalia na maalala ang nangyari kahapon sa kanilang kasal. Nasang sabihin ng Mayor na mag-asawa na sila ay may bahagi sa puso niya natuwa hindi lamang dahil sa pinanagutan siya nito kundi masasabi niyang sa kanya na si Earl. Basta ang hirap ipaliwanag ng saya na nararamdaman niya. Nang magdampi ang labi nila pagkatapos sabihin ng Mayor yun ay halos parang hihimatayin siya sa kaba at kilig. Inaamin naman niya sa saril
Matapos ayusin ng mag-asawa ang kanilang mga gamit ay bumaba na sila upang kumain. Hindi naman maiwasan ni Thalia na patuloy na mapahanga sa ganda ng kanilang hotel na tinutuluyan. Habang naglalakad sila ay naramdaman naman niya na hinawakan ni Earl ang kanyang kanang kamay. Tiningnan niya ito ngunit nakatuon ang pansin nito sa harap. Biglang uminit ang pisngi niyan, aaminin niya na kinilig siya sa ginawa ng kanyang asawa. “This way ma’am and sir,” narinig niyang gabay sa kanila ng isang babae marahil ay staff ng hotel. Dinala sila sa pandalawahang mesa. Binigay din sa kanila ang menu. Napansin naman ni Earl na medyo namumula ang pisngi ng asawa niya. Napangiti siya kasi mas lalo itong gumanda. “Do you feel hot?” tanong niya sa asawa. “Ha?” manghang tanong nito pabalik sa kanya. “Ang pula ng pisngi mo Thalia,” nakangising sagot ni Earl pabalik sa asawa. “Ah eh..oo medyo naiinitan ako,” nabubulol na sabi ni Thalia. Kinabahan siya baka kasi mabuko na nag-blushed siya nung ini-hol