Sorry for missing out these past few days guys, super busy lang talaga sa school. Enjoy reading.
Hindi malaman ni Thalia ang gagawin nang mag-umpisa na si Earl na tanggalin ang nakatapis nitong tuwalya. Napaka talaga nitong lalaki na ito, sa harap pa talaga niya magbibihis. Napapikit siya nang tuluyan nang matanggal ng asawa ang tuwalya nito. Unti-unti siyang nagmulat ng mata nang makarinig siya siya ng tawa mula rito. Nakasuot na ito ng white tshirt ngunit naka-boxer lang. “Hahaha, ang matatakutin naman ng misis ko. Natatakot ka bang matuklaw Thalia?” pilyong biro ni Earl sa asawa. Namula ng husto ang pisngi niya sa tinuran ng asawa. Kung puwede lang lumubog siya sa kama ngayon okey lang sa kanya. Hiyang-hiya siya sa asawa. “Nakakainis ka, ang bastos kaya na magbihis ang isang lalaki sa harap ng babae!” naiinis na sabi niya sa asawa, pilit na tinatakpan ang hiyang nararamdaman. “Grabe naman si ma’am, nagbihis ako at hindi naghubad. Ang bastos yung naghubad,” laban ni Earl sa asawa na hindi nawawala ang pilyong ngiti. “Kahit na, babae pa rin ako dapat di mo ginawa yun,” ayaw
Kinakabahan si Thalia habang siya ay naliligo sa loob ng CR. Iniisip niya kasi na ito ang unang gabi nila sa Palawan at ibig sabihin ito ang unang gabi ng honeymoon nila. Ibig bang sabihin noon ay gagawin na naming yun. Hayst Thalia ngayon ka pa talaga nag-isip niyan ay buntis ka na nga. Ang tanging naisaisip ng dalaga. Lalo pang nadagdagdan ang kaba niya nang makita ang pinabaong pantulog sa kanya ni Claire. Isang terno ng sexy na pantulog. Nakasuot siya ngayon ng maikling silk an short at spaghetti strap na silk top. Halos hindi siya humihinga habang lumalabas siya ng CR. Naghahalo ang emosyon na kanyang nararamdaman. Nakita niyang naka-upo sa sofa si Earl at nakatuon ang tingin sa laptop, ngunit nang maramdaman ang kanyang paglabas ng CR ay tumingin sa kanya. Tila nanuyo ang lalamunan ni Earl nang makitang lumabas ang kanyang asawa sa CR. Napakaseksi kasi nito sa suot nitong pantulog. Kitang-kita niya ang bilugan at makinis nitong legs, damn his weaknes. Bato ang lalaking hindi
Nagising si Thalia dahil sa mainit na sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. She was about to get up pero natigilan siya nang mapansin niya ang brasong nakayakap sa kaniyang baywang. Si Earl, mukhang mahimbing pa ang tulog nito. Nakitang niya ala-sais pa lang ng umaga. Sanay talaga siyang gumising nang maaga kahit puyat pa man siya o pagod. Naalala niya ang mainit na nangyari sa kanila kagabi. Oh my, talagang nag-honeymoon sila. Natural Thalia kakasal niyo lang eh, so siyempre honeymoon kasunod. Tanging nasabi na lamang niya sa isip. Sa totoo lang noong una ayaw niya sana na maulit ang nangyari sa kanila noong sa Batangas, kaya lang traydor ang katawan niya. Napakarupok. Lumalapit pa lang si Earl ay nawawala na siya agad sa huwisyo. Gayunpaman, natutuwa siya sa suhestiyon ni Earl na bigyan ng chance ang kasal nila. Gusto niya yun dahil ang nais niya ay lumaki ang anak nila na may kompletong pamilya. Lumaki lamang siya sa mga lolo at lola niya kaya naman ayaw niyang mangyari
Nasa likod ni Thalia ang kamay ni Earl habang naglalakad sila palabas ng domestic airport. Kahit itanggi niya sa sarili ay talaga namang natutuwa ang puso niya sa kilos na ito ng asawa. Sinundo sila ng family driver nina Earl gamit ang mamahaling sasakyang ng mga Concha. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin siya sa pagbabagong ito sa buhay niya. Mula sa isang simpleng guro na sumasakay lamang sa tricycle at jeep upang pumasok sa trabaho, ngayon ay sa mamahaling sasakyan na siya nakasakay at may driver pa. “Ate Thalia welcome home,” maligaya at masiglang bati ni Claire sa kanya nang makarating sila sa mansiyon ng mga ito. Sinabayan pa ito ng yakap ng dalaga. “Thank you Claire,” she genuinely smiled and hugged her back. She’s lucky Claire is not just her friend now, she’s her sister-in-law now and she’s truly happy about that. “Ehem, wala bang welcome hug si Kuya princess?” malambing at kunyaring nagtatampo na sabi naman ni Earl sa kapatid. “Of course kuya love na love kaya kita,”
Maagang pumasok sina Earl at Thalia sa kani-kanilang trabaho. Si Thalia ay inihatid muna ni Earl sa school bago siya tumuloy sa kompanya niya. Malalim ang iniisip niya ngayon. Sino kaya ang Kent na kausap ng asawa niya? Hindi naman niya ito tinanong kagabi dahil sa parang naumid ang dila niya at natakot siya sa magiging sagot nito. Hindi ka mahirap magustuhan Kent. Hindi ka mahirap magustuhan Kent. Hindi ka mahirap magustuhan Kent. “Damn it! Sana hindi ko na lang inisip na maaaring iba naman siya kay Caroline.” Mahinang sambit ni Earl sa sarili. “Tsk pareho lang din naman pala sila, siguro napilitan din siya sa sitwasyon naming,” dagdag pa niya. Napakuyom ang kamay niya dahil pakiramdam niya sa ikalawang pagkakataon ay naloko na naman siya. Naalala naman niya na sinabi ni Thalia na wala naman siyang nagugustuhan. Naisip niya na, what if kausapin niya ang asawa at itanong ang tungkol dito. Nasa malalim na pag-iisip si Earl nang bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang
Kanina pa kinokontak ni Thalia si Earl ngunit di ito nasagot sa mga tawag niya at wala ding reply sa text messages niya. Hindi niya tuloy maintindihan kung susunduin kaya siya nito o hindi. Hindi pa naman siya sumabay sa dalawa nina Kent at Gina kasi akala niya ay susunduin siya ng asawa. Kagabi napansin niya na parang biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Naging malamig ito sa kanya at hindi siya gaano kinakausap. Nagbago kaya ang isip ni Earl at na-realize niya na hindi niya ako matatanggap bilang asawa? Naisipan na lang ni Thalia na bisitahin ang kanyang lolo at lola. Miss na miss na niya ang mga ito. “Hayst Thalia apo, dapat hindi ka nagbibiyahe na mag-isa,” nag-aalalang sabi ng lola niya sa kanya pagdating niya sa bahay ng mga ito. “La, nag-grab naman po ako kaya hindi po ako nahirapan sa biyahe,” paliwanag naman niya dito. Yakap-yakap niya ito katulad ng dati kapag dumating siya galing school. Ang lolo naman niya ay matiim na nakatingin sa kanya. Masusi nitong
Masakit ang ulo ni Earl nang magising. Naalala niya na napainom siya kasama ang mga kaibigan. Actually siya talaga ang nagyaya na mag-inuman sila. Masyadong magulo ang isip niya. Bakit ba nakakaramdam siya ng sakit knowing na may tinitibok pa lang iba ang puso ni Thalia? No! wala siyang nararamdaman sa asawa niya. Marahil ay ego niya lang iyon bilang lalaki. Bukod pa doon ay ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanila ni Caroline. Pagkatapos maligo at magbihis ng kanyang business suit ay lumabas na siya ng kuwarto. Mukhang maagang nagising ang asawa niya. Marahil ay nasa kusina ito. Nagtataka naman si Earl na wala din sa kusina ang asawa niya hanggang sa may nakita siyang note sa mesa. Nakalagay doon na ready na ang kanyang almusal at pumasok na sa school ang asawa niya. Mag-isang kumain ng breakfast si Earl. Naisip niya kung paano nga ba siya nakauwi kagabi, tsk hinatid siguro siya ni Miguel. Si Miguel kapareho niya ng rota ng tinitirhan. Nang dumating siya sa opisina ay naging
Medyo late na nagising si Thalia ngayon, sabado kaya hindi niya kailangang gumising ng maagap ngayon. Wala na si Earl sa kuwarto nang magising siya. Hindi niya alam kung umalis ito o baka nasal abas lang. Pagkatapos niyang maligo at mag-ayos ng sarili ay lumabas na siya ng silid nila ni Earl. Hinanap niya sa kusina ang asawa ngunit wala ito gayundin sa salas. Marahil ay umalis ito. Napabuntong-hininga na lamang si Thalia dahil doon. Nagluto siya ng almusal. Nag-crave siya sa sinangag tapos corned beef na may patatas kaya ito ang inihanda niya. Habang kumakain ay naalala niya ang asawa, saan kaya ito? Sabado ngayon pumasok kaya ito sa opisina o umalis dahil ayaw siyang makita. Hanggang ngayon isa pa ring malaking katanungan kung bakit bigla itong nagbago sa kanya. Gustong-gusto niya itong kausapin kaya lang sa pagsusungit nito sa kanya ay hindi na ito natutuloy. Feeling niya kasi baka lumala ang inis nito kung magtatanong pa siya. She just pray na magbago ang isip ni Earl. Pagkata