Share

CHAPTER 4

Madalas na niyayaya ni Claire si Thalia na lumabas. Katulad ngayon, pinuntahan niya ang dalaga sa paaralan upang yayain na magmeryenda bago ito umuwi. Masayang kasama ang dalaga kaya naman ang gaan ng loob dito ni Thalia.

Pakiramdam ni Thalia mula nang makilala niya si Claire ay nagkaroon siya ng kapatid. Although close din naman sila ni Gina, co-teacher at kaibigan niya sa school pero yun nga lang ma-effort kasi si Claire lagi siya nitong pinupuntahan.

Ilang beses na siyang nakakasama sa bar ni Claire. Okey lang naman dahil hindi naman sila masyadong umiinom, nag-i-enjoy lang talaga sila.Ngayon naman ay niyaya siya ni Claire sa kanila na magdinner. Nahihiya man ay pumayag na rin siya.

“Dad, mom, I want you to meet Thalia, super friend ko,” may pagmamalaking pakilala ni Claire sa akin sa kanyang mag magulang.

“Oh ikaw pala yung madalas niyang kinukwento sa amin. “ Nakangiting bati sa akin ni Mrs. Concha. Nagbeso pa ito sa akin. Nakakatulala ang ganda niya kahit may edad kitang-kita pa rin ang kagandahan nito at pagiging sopistikada.

“Just call me Tita Carmen okey, “ dagdag pa nito. “This is my husband, Teodoro, call him Tito Teddy.” Malambing na wika ng ginang sa akin. Lumapit naman sa akin si Tito Teddy at tinignan ako. Medyo nailang ako dahil sa pagkakangiti niya at pagkatapos ay tumingin ito kay Claire na parang may kahulugan.

 Tinawag na kami ng mayordoma nila na handa na daw ang pagkain kaya naman lahat kami ay pumunta na sa hapag-kainan. Teka bakit kaya wala si Earl.

“Hi everybody, abot pa ba ako?”, narinig kong boses nang paparating na lalaking kanina ko pa naiisip. Umupo ito sa tapat ng kinauupuan ko.

“Kuya, natatandaan mo pa si Thalia?”, pukaw atensiyon naman ni Claire sa kuya niya. Kaya naman napatingin ito sa akin. Saglit na nagtama ang aming mga mata. Napansin kong gumalawa ang adams apple niya.

Tumikhim muna ito at ngumiti sa akin.”Yeah of course, how are you Thalia?” Nakangiting tingin ulit nito sa akin pero parang namumula ang tenga nito.

“Okey lang, tulad pa rin ng dati busy sa school.”, nahihiya kong sagot sa kanya. Bakit ang tatahimik naman ng mga kasama namin. Nang tignan ko si Tito Teddy ay  nakangisi lang ito habang naghihiwa ng steak.

“Ikaw kumusta?”, tanong ko naman sa kanya na muntik ko ng malumod ang kutsara dahil bakit pa ba ako nagtanong. Nakakahiya baka ma-misinterpret niya.

“I’m fine, busy din lalo na at.. malapit na ang kasal ko.” Sagot naman niya sa akin ngunit parang humina ang boses niya dun sa huling sinabi niya.

Hindi naman maintindihan ng binata ang nararamdaman at bakit parang ayaw niyang ipaalam sa dalagang kaharap na ikakasal siya.

Napailing na lang si Earl sa naisip. Ipinagwalang bahala na lamang niya ito. Ayaw na niyang idagdag pa ito sa iniisip niya tungkol kay Caroline. Hindi man niya kasi gustong magduda sa nobya ay hindi niya maiwasan. Nagtataka lang kasi siya sa mga kinikilos nito.

Parang tinusok naman ng ilang bread knife ang puso ni Thalia dahil sa nalaman . Bakit hindi nakuwento ni Claire sa kanya na ikakasal na pala ang kuya Earl niya. Madalas puro achievement nito at mga magagandang bagay tungkol dito ang laging laman ng kuwento niya sa akin. Kaya naman hindi maiwasan na lalong napahanga dito ang dalaga.

Natahimik na lamang ako at kumain na. Narinig kong tumikhim si Tita Carmen at sinabi niyang next week ay magkakaroon sila ng outing sa resort nila sa Batangas.

Napagkasunduan din na isasabay na doon ang stag pary ni Earl. Siyempre kasama nila ang mga kaibigan at ilang pinsan, the Conchas.

“Hija sumama ka ha.You are now part of the family, kasi kaibigan ka ng anak ko,” nakakataba ng puso na sabi nito sa akin kaya naman paano ba ako makakatanggi sa imbitasyong ito.

Napapalakpak si Claire dahil sasama ako sa kanila. Napatingin naman ako kay Earl na pinagsisihan ko na konti dahil nakita koi tong nakatingin sa akin at nakangiti. Gusto niya din kaya na makasama ako? Hays bawal ang hopia ikakasal na.

“Kuya, di ba wala si Caroline sa weekend, so hindi siya makakasama?” excited naman na sabi ni Claire sa kapatid. Bakit parang tuwa siya na hindi makakasama ang mapapangasawa ng kapatid niya.

“Saturday lang siya wala, but she promised na susunod siya ng Sunday,” sagot naman ni Earl.

Nakita ko naman na tumaas ang kilay ni Claire at napangiti na animoy may naisip na kaolokohan. Hindi ito nakita ng kuya niya dahil muli nitong pinansin ang steak na kinakain niya.

“Well. All Set then. I’m excited. Finally,” nakangiting sabi ni Tito Teddy at tumingin nang makahulugan kay Claire. Sa totoo lang daig pa nila yung kontrabida na may naisip na masamang plano. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito baka ganun talaga lang sila kapag natutuwa.

Dumating ang weekend at excited akong lumabas ng bahay nang magtext sa akin si Claire na nasa labas na daw sila. Humalik muna ako kay lolo at lola bago umalis. Marami siang bilin sa akin katulad na lamang ng huwag daw akong pupunta sa malalimna parte ng dagat. Hindi kasi ako marunong lumangoy.

“Hi po tito Teddy and Tita Carmen, Claire.” Masayang bati  nang pumasok na ako sa kanilang sasakyan. Kami lang magkakasama sa sasakyan, sina Earl at kapatid nitong lalaki na si Carlos ay may sari-sariling sasakyang dala. Gayundin ang mga kaibigan ng binata at pinsan nila ay nasa kani-kanilang mga sasakyan.

Maganda ang resort nila sa Batangas. Kung titignan mo ito para kang nasa Greece.

Masayang kasama ang pamilya nina Claire. Nag-i-enjoy ako. Kinakabahan lang ako sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Earl pero pilit ko na lamang itong hindi pinapansin.

Nagswimming kami nina Calire at Tita Carmen. Siyempre naka-two piece kami. Nakakahanga talaga ang mommy ni Claire, hindi halatang nasa fifties na. Naiilang naman ako sa tuwing nakikita kong nakatitig sa akin si Earl tapos lagi pang nagalaw ang adams apple tapos humihinga ng malalim. Nauuhaw ba siya palagi, kunsabagay mainit kasi dito sa beach.

Hanggang nang matapos na kaming mag-dinner ay naghiwa-hiwalay naman kami. Isinama ako ni Claire sa bar sa tabi ng resort nila. Wala naman masyadong maraming tao. Nagsayaw kami ni Claire at uminom pero tulad ng dati hindi naman kami nagpapakalasing.

“Claire, punta lang ako saglit ng CR ah.” Paalam ko kay Claire. Himala hindi siya sumama sa akin ngayon. Pagbalik ko may bago siyang inorder na drinks namin.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko sa sarili ko, alam ko hindi talaga ako lasing eh. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko, ang init tapos parang nahihilo ako.

“Hey Thalia, are you okey?”, nag-aalalang sabi sa akin ni Claire. Hindi ko na magawang makasagot sa kanya dahil abala ako sa pagpapakalma sa aking sarili. Naramdaman ko na lang na inakay na niya ako marahil ay babalik na kami sa resort.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na lumapat ang likod ko sa malambot na kama.

“Thank you Thalia.” Naulinigan kong sabi ni Claire sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status