Maaga akong pumasok ngayon sa opisina. Papasok palang sa building ay binati na agad ako ng security guard, gayundin ang mga empleyado na nadaraanan ko habang papunta ako sa aking opisina. Tinugon ko naman ang kanilang pagbati.
"Good morning Sir Earl, mayroon po kayong meeting ng alas otso y media with Sir Miguel and Sir Daniel regading po sa new venture niyo.," sabi ng aking sekretarya ng makarating na ako sa aking opisina.
Masyadong hectic ang schedule ko ngayon, ang daming meeting na kailangan kong i-attend. Sanay naman na ako sa ganitong sitwasyon bilang CEO ng sarili kong kompanya, ang AvCOn Constrcution Company. Ilang taon na rin mula nang maitatag ko ito. Hindi naman ako pinilit ni Daddy na i-manage ang family business namin, andoon ang aking kapatid na si Carlos na katuwang niya sa pagpapatakbo nito.
Sa totoo lang hindi naging madali ang lahat sa akin noong nag-uumpisa pa lang ang kompanya ko. Marami akong mga naging failures, akala ko nga hindi ako magtatagumpay. Mabuti na lamang at ginabayan ako ni Daddy noong nag-uumpisa pa lang din ako.
Busy ako sa pagbabasa ng mga papeles sa ibabaw ng mesa ko nang dumating ang dalawa kong kaibigan. Tsk, syempre as usual, makiki-kape sila dito at manggugulo.
"Dude, kumusta na pala ang preparation ng kasal niyo ni Caroline?," tanong ng kaibigan kong si Daniel habang umuupo sa sofa ng aking opisina. “Sigurado ka na ba talaga na magpapakasal ka na sa kanya?” dagdag pa nito.
Si Daniel Antonio Montefalco, kaibigan ko mula high school. Guwapo din ang isang ito at siyempre mayaman. Kaya naman habulin ng mga babae, pero minsan nagdududa ako kung bakla ba ito. Wala kasi siyang pinapansin sa lahat ng mga ito. Faithful daw siya, pero wala namang maipakilala na girlfriend sa amin.
Sumunod naman sa kanya si Miguel. "Wow dude, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal ka na talaga. At syempre dahil diyan, kami na ang bahala sa stag party mo.”
Siya naman ang playboy sa aming tatlo, si Joshua Miguel Gaballer. Lahat ng babaeng magpapansin sa kanya pinapatulan nito. Kaya naman binabakuran ko ng todo ang kapatid kong si Claire, crush kasi siya ng kapatid ko. Mahirap na baka maibilang pa sa koleksiyon ang prinsesa namin.
Ayon kay Miguel, dapat may show para masaya ang stag party. Naku alam ko na yang mga ganyan at saka for his benefit talaga yun kaya yan ang plano niya eh. Well, wala naman masama hindi naman ako gagawa ng kalokohan, baka mamaya hindi pa ako pakasalan ni Caroline.
"Hi hon", bati ni Caroline habang papasok ng opisina ko at tumuloy sa akin at hinalikan ako sa labi. Malambing ko namang tinugon ang halik niya. Sanay na ako na minsan naso-sorpresa na lang ako dahil bigla siyang pupunta sa opisina.
“Ehem, andito kami ha,” biglang singit ni Daniel. Nakakunot ang noo nito na parang hindi gusto ang ginagawa namin. Naiinggit siguro ang kaibigan ko. Natawa na lang ako sa naisip.
"Oh hi, Daniel and Miguel." Nakangiting bati ni Caroline sa kanila. She’s sweet talaga at isa yan sa mga nagustuhan ko sa kanya.
Nginitian naman siya ng mga kaibigan ko at binati rin. Minsan nagtataka ako sa tingin sa kanya ni Daniel, para kasing may iba kapag tinitignan niya si Caroline. Pero ayokong mag-isip at magduda, hindi naman siguro ako tatalunin ng kaibigan ko.
Nang matapos ako sa mga papeles na kailangang pirmahan ay umalis na kami ni Caroline para makipag-meeting sa aming wedding coordinator. Ipa-finalize na kasi ang lahat dahil three weeks from now ay ikakasal na kami.
Sumabay na rin sa amin ang dalawa ni Miguel at Daniel. Nagtaka ako dahil paglingon ko ay nakita ko si Daniel na parang may seryosong sinasabi kay Caroline. Pinagkibit balikat ko na lamang ito.
Naging maayos naman ang pag-uusap namin at ng wedding coordinator. All set na araw na lang ng kasal ang hihintayin namin.
“Let’s eat muna Hon, di pa pala ako nagla-lunch,” sabi ko kay Caroline. Sa dami kasi ng kailangan kong tapusin kanina hindi pala ako nakapag-lunch tapos dumating pa yung dalawa.
“Hon, dapat hindi ka nagpapalipas ng gutom ha,” malamabing na sagot ng girlfriend ko at hinalikan ako sa pisngi. So sweet, I really love her.
Naalala ko noong ipinakilala siya sa akin ng ama niya na si Ronaldo Abad. He is one of the board member of my father’s company. Noong una wala naman akong ibang naramadaman sa kanya. Nagandahan ako sa kanya siyempre hindi naman maiiwasan yun kasi wala namang lalaki ang hindi hahanga kay Caroline. Hanggang sa lagi siyang sinasama ng daddy niya sa tuwing may event sa company ni daddy. Dahil doon nagkakilala kami ng lubusan at kinalaunan ay nagustuhan ko na rin siya.
Mahigit isang taon na ang relasyon namin at dahil kinukulit na kami nina daddy lalo na ni Tito Ronaldo na magpakasal ay napagpasyahan ko ng mag-proposed sa kanya. Gusto naman siya ng aking pamilya except kay Claire, sabi niya hindi niya feel si Caroline. Ang kapatid ko talagang yon, hindi bale in time siguradong magkakasundo din sila.
Napabaling ako kay Caroline nang tumunog ang cellphone nito. Nakita kong binasa niya ang message at nakita kong namula siya at napakagat sa labi. Shit! Ano ba yung message na yun.
“Who is it Hon?”tanong ko sa kanya. Naiinis ako sa nakitang reaksiyon niya nang mabasa niya ang message.
Tumikhim muna si Caroline bago sumagot sa akin. Sinabi niyang ng daddy niya ang nagtext. Parang hindi naman ako kumbinsido pero may tiwala ako sa kanya kaya inalis ko na lang sa isipan maling naiisip. Ayoko din na mag-away kami dahil ako rin naman ang manunuyo.
Andito na kami ngayon sa isang Japanese restaurant. Pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan ko at pumasok na kami sa restaurant.
May mga ikinukuwento ako sa kanya tungkol sa mga nakakatawang nangyari sa opisina. Sinabi ko din na ini-invite kami ni mommy na sa mansiyon naming mag-dinner. Ngunit napansin ko na wala sa akin ang atensiyon niya. Madalas iyang nakatingin sa cellphone at nagti text.
“Earl!, oi Caroline,” si Daniel kakadating lang. Nagkataon na dito din pala siya kakain. Wala naman siyang kasama. Inaya siya ni Caroline na sa table na lang naming din kumain.
Actually ayoko sana eh kasi kumbaga parang gusto ko sana na kami lang muna ni Caroline. Kaya lang wala na rin naman akong magagawa nakaupo na eh. Ang kaninang busy sa cellphone na si Caroline ay naging masaya ang aura at nakikipagkwentuhan kay Daniel.
Matiim ko silang tinignan at hindi ko gusto ang nakikita at nararamdaman ko.
Madalas na niyayaya ni Claire si Thalia na lumabas. Katulad ngayon, pinuntahan niya ang dalaga sa paaralan upang yayain na magmeryenda bago ito umuwi. Masayang kasama ang dalaga kaya naman ang gaan ng loob dito ni Thalia. Pakiramdam ni Thalia mula nang makilala niya si Claire ay nagkaroon siya ng kapatid. Although close din naman sila ni Gina, co-teacher at kaibigan niya sa school pero yun nga lang ma-effort kasi si Claire lagi siya nitong pinupuntahan. Ilang beses na siyang nakakasama sa bar ni Claire. Okey lang naman dahil hindi naman sila masyadong umiinom, nag-i-enjoy lang talaga sila.Ngayon naman ay niyaya siya ni Claire sa kanila na magdinner. Nahihiya man ay pumayag na rin siya. “Dad, mom, I want you to meet Thalia, super friend ko,” may pagmamalaking pakilala ni Claire sa akin sa kanyang mag magulang. “Oh ikaw pala yung madalas niyang kinukwento sa amin. “ Nakangiting bati sa akin ni Mrs. Concha. Nagbeso pa ito sa akin. Nakakatulala ang ganda
“Congratulations son, finally may magsi-settle down na akong anak.” Naliligayahang bati ni daddy sa akin kasabay ng pagyakap niya. “Salamat dad. Masaya ako na sinusuportahan niyo ako palagi sa lahat ng desisyon ko sa buhay.” Buong-puso kong tugon sa kanya at tinugon din ang yakap na binigay niya. Ngumiti sa akin si daddy at tinapik ang balikat ko. Umupo na kami sa upuan namin kaharap ang mga kaibigan at ang kapatid kong lalaki na si Carlos. Sina Claire naman at ang kaibigan niyang si Thalia ay nagpunta sa bar malapit sa resort. Mommy is sleeping na of course. Masaya kaming nagkwentuhan at nag-inuman. Nanghihinayang ako na hindi kaming tatlo kompleto nina Miguel at Daniel. Nasa business trip kasi itong huli. Tsk, kasama pa naman siya sa pagpaplano pero siya yung wala. Hindi na natuloy ang pa-stripper ni Miguel. Ang lungkot daw niya dahil dun, loko talaga. Napansin kong parang natulala si Miguel habang nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi ko mailarawa
Nagising ako dahil sa naulinigang boses. May narinig akong umiiyak na babae. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata. Tinignan ko ang katabi kong babae. Mahimbing pa rin na natutulog ito. Si Thalia. Magkayakap pa rin kami dalawa. Medyo nakaawang pa rin ang mapupulang labi niya. Naalala ko ang pinagsaluhan naming dalawa kagabi. Lasing ako pero alam ko naman ang ginagawa ko. Naging mahina ako. Bukod pa doon, nangibabaw ang atraksiyon na nararamdaman ko sa kaniya. Kaya naman hindi ko nalabanan ang nararamdaman ko kagabi. Lalong sumakit ang ulo ko at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bunga ng ginawa ko kagabi. Nagpadala ako sa tukso. Ibang Thalia ang nadatnan ko kagabi dito sa villa ko. Mapang-akit. Tama, she seduced me. I don’t know what her reason is. Pero Thalia teased me. I don’t know kung dahil lasing lang siya or what. But if she didn’t plan for this, bakit nadatnan ko siya kagabi dito sa villa ko? Shit! I s
Ang sakit ng ulo ko. Naalala ko na nalasing yata ako kagabi sa pag-iinuman namin ni Claire kagabi. Hayst di pa naman ako sanay uminom. Dahan-dahan akong bumangon. Napatili ako ng makita ko ang aking sarili na walang saplot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Masakit ang gitna ko. “Noooo!” Impit kong tili. Anong nangyari? May mga imahe ng pangyayari na nagpa-flash sa utak ko pero hindi masyadong malinaw. Ako at yung lalaki. Oh God. Naghahalikan kami hanggang sa unti-unti nahubad ang undies ko. Maya-maya pa ay naghubad na din ang lalaki. Malinaw na may naka-sex ako. Patunay ang masakit kong gitna at nanakit ding katawan. Hindi ko maalala kung sino yung lalaki pero parang familiar siya. Parang si Earl! Pero imposible. Sino? Sino ang naka-sex ko kagabi? Napasapo ako sa aking ulo at napaiyak. “Ehem!” somebody cleared her throat and when I look at her I felt embarrassed. “I know you are confused right now, kung anong nangyar
Tahimik lamang silang lahat at halos walang gustong magsalita. Si Thalia ay nanatiling nakatungo at nahihiya. She wanted to say sorry sa daddy at mommy nina Earl. Ayaw niyang isipin nila na isa siyang oportunista dahil hindi naman talaga. Umupo sa sofa ang mommy ni Earl at hinawakan ang kamay ni Thalia. Umangat ang tingin niya dito ngunit hindi naman siya makatingin ng diretso. Ang ginoong Concha naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa kanya. Parang binabasa at ang kaibuturan ng kanyang isipan. Si Earl, nanatiling nakatindig at nakakuyom ang kamay. Si Claire naman ay nakatingin lamang sa reaksiyon ng lahat. “I’m sorry po. Maniwala po kayo, wala po akong alam sa nangyari. Hindi ko rin po alam kung paano nangyari yung kagabi.” Hindi na nakatiis si Thalia at siya na ang unang nagsalita. Sa tingin niya kasi ay kailangan niya ding humingi ng pasensiya sa mga ito. Inuusig siya ng konsensiya dahil hindi niya lubos maisip na mailalagay niya ang mga ito
Galit na tumindig si Earl at pasigaw na sinabing hindi niya pakakasalan si Thalia. Nagmamadali din itong lumabas. Sinundan ito ng ama habang naiwan naman ang tatlong babae sa loob. “Hija, we are sorry for that.” Nahihiyang sabi ng ina ni Earl. Niyakap siya nito kaya hindi na rin napigilan ni Thalia ang mapaiyak. Hindi na kasi niya alam ang gagawin, natatakot siya sa posibilidad na mabuntis siya. “Mom, let’s do something. Paano si Thalia?” nag-aalalang sabi ni Claire. Para sa kanya dapat lang na pakasalan ng kuya niya ang kanyang kaibigan. “Claire, I understand. Mahirap ito para sa kuya mo. Tama din naman siya eh hindi niya ako mahal kaya bakit niya ako pakakasalan?” mahinahong sagot ni Thalia kay Claire. “Hija, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Masyadong komplikado ang sitwasyon. Kung sana walang ka-relasyon si Earl baka mas mapapakiusapan pa natin siya.” Tugon naman ni Tita Carmen. Lalo namang nanliit ang pakiramdam ni Thalia. Parang despe
Dahan-dahang nagmulat ng mata si Thalia, puro puti ang kanyang nakikita. Naisip tuloy niya kung na-food posion ba siya sa kinain at naging sanhi ito ng kamatayan niya? Para kasing nasa langit siya. Mali si Claire, na food poison siya talaga. “Oh my gosh, thank God you’re awake now!” natataranta ngunit ramdam naman ang tuwa sa boses nito nang makitang nagkamalay na si Thalia. Lumapit si Claire sa kaibigan at kinumusta ang pakiramdam nito. Actually, wala naman siyang masamang nararamdaman sa katawan bukod sa nasuka siya kanina at nahilo sa restaurant. Sinabi din ng kaibigan na dinala siya nito sa ospital. Hindi naman masabi ni Claire why Thalia fell unconscious kanina, wala pa kasi ang result ng test na ginawa kanina sa kanya. Sabi ng nurse wait for an hour daw. Bumukas ang pinto ng silid at nakita nilang pumasok ang isang may edad na babae at nakasuot ito ng kasuotang pang-doktor. “Ms. Thalia, congratulations,” nakangiting sabi ng doktora. “Salamat po doktora, buti na lamang po at
Hindi malaman ni Thalia kung ano ang isasagot sa tanong ng lola niya. Nahihiya siya dito kunng sabihin ang totoo. Matatanggap kaya nila? Nanatiling tahimik naman ang mag-asawa at si Claire. Nakatingin lang kay Thalia at tinatantiya kung kaya ba ng dalaga na magsabi sa lola nito ng balita. “Lola, huwag po kayong mabibigla at magagalit sa akin. Ipangako niyo po muna at wala dapat bawian.” Kinakabahang sabi ni Thalia. “Hay naku apo, pinapakaba mo naman ako. Pero sige na, hindi ako mabibigla at magagalit.” Agad namang sabi ng lola niya. “Eh kasi lola kaya po ako na-ospital dahil nagsuka po ako at nawalan ng malay, “ panimulang sabi niya. “Ha! Eh jusko apo, napaano ka daw?” nag-aalalang sabi nito. “Buntis po ako lola.” Deretsong sagot ni Thalia. Kahit na kinakabahan ay nagawa niya itong sabihin ng deretso. “Ah mabuti naman at buntis ka lang pala,” agad na sabi ng lola niya. Ngunit nang maisip ang nadinig na sagot ng apo ay lumaki ang mata nito at napatindig na nakalagay ang dalawang
NANLAKI ang mga mata ni Mathilde nang makita kung sino ang nasa kanyang likuran, hindi niya naramdaman ang pagpasok nito marahil ay dahil pre-occupied pa siya kanina ng kanyang emosyon.“Long time no see babe,” nakakalokong bati nito sa kanya. Nakakapangilabot ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Tila ba ito isang ulol na aso na kahit anong oras ay sasaklamin siya. Tila bumalik sa kanyang alaala ang ginawa nito sa kanya noon.Umattend silang mag-asawa noon ng isang selebrasyon ng kaarawan ng isang kasamahan ni Antonio sa negosyo. “Hi ikaw ang asawa ni Antonio Montefalco, hindi ba?” mabait na tanong sa kanya ng lalaki. Hindi niya ito kilala, ngayon niya lamang ito nakita. Hindi din ito kaibigan ng asawa niya dahil dapat ay pumunta na ito sa bahay nila at nakita niya dapat ito sa araw ng kanilang kasal. Sapagkat nang ikasal sila ay walang absent sa mga kaibigan ni Ronaldo. Nagdiwang kasi ang mga kaibigan ng asawa niya dahil akala nila ay hindi ito magkaka-girlfriend sa sobrang kut
“NAAAWA ako kay Thalia kasi ang bata pa ng anak niya, dapat nakarecover na siya agad,” buong sinseridad na sabi ni Rosa habang nasa loob sila ng sasakyan.“Oo yan din ang panalangin ko, sana ay magksama na silang mag-anak muli,” tugon naman ni Mathilde.“Yan din ba ipinapanalangin mo para sa inyo?” pilyang sabi naman ni Rosa. Hindi naman agad nakasagot si Mathilde at napatingin kay Antonio na nakatitig pala sa kanya.“Hanep parang love team, nagkakatitigan na may nais ipahiwatig ang mga mata,” with emotion pa na sabi ni Rosa.“Go na po!”bigla namang sabi ni Victor, kaya naman unang bumitiw ng tingin si Antonio at nagmaneho na. Si Rosa ay siniko-siko pa ang kaibigan at pangiti-ngiti nang buong kapliyahan. Nanatiling walang imik naman si Mathilde.Sa totoo lang ay walang araw na hindi niya ipinagdasal na sana ay mabuo na muli ang kanilang pamilya, kahit labinlimang taon na ang nakalilipas ay umaasa pa din siya sa kaibuturan ng kanyang puso na makasama niya ulit ang kanyang mag-ama.Hind
“KUNG HINDI KO LANG ALAM na pinagpalit mo ako kay Waldo, iisipin ko na naga gwapuhan ka sa akin,”nakangiting sabi ni Antonio ngunit dama ang pait sa himig nito.“Antonio, puwede ba nating -,” hindi na naituloy ni Mathilde ang sasabihin dahil tumunog ang kaniyang cellphone, siyempre ang kaibigan niyang si Rosa, anduon na daw kasi ang mga ito sa hintayan nila.“Hello Rosa, ah oo paalis na din kami dito..ah eh kasama naming si Antonio..oo paalis nan ga,” sagot ni Mathilde sa kaibigan. Actually ang dami pang sinasabi ni Rosa pero mabilis na niyang tinapos ang usap nila. Hayst baka kasi mas matagalan pa sila.Kinarga na niya si Jacob para mas mapabilis sila, ang liit pa kasi ng mga hakbang nito kaya naman matatagalan sila. Nang makarating sila sa sasakyan ay mabilis niyang binuksan nag pintuan sa likod upang makasakay na sila ni Jacob.“Anong ginagawa mo?” napatingin si Mathilde sa nagsalitang si Antonio at tila napatigil sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.“Ha? Ah eh, sasakay na siyempre,
“CAROLINA, please calm down. I now your having a hard time right now, but you have to be strong. Your daughter needs you now,”Antonio calmly said to his younger sister over the phone. Tinawagan niya ito upang kumustahin ang kalagayan ng pamangkin na si Thalia. Naawa siya sa pamangkin nang marinig ang kalagayan nito ngayon. Sa totoo lang ay pumapasok sa isipan niya ang sisihin sana si Ronaldo dahil sa totoo lang ay ito talaga ang may kagagawan naman ng lahat ng mga pasakit na sarili nitong anak, ngunti pinili na lamang niyang manahimik bilang repseto sa kapatid dahil ayaw na niyang maulit pa ang nangyari noon.Pagkatapos nilang mag-usap na magkapatid ay bumaba na siya at tila ba kumabog ng kanyang puso nang makita ang nasa mesa sa kusina, si Mathilde at ang apo nila na si Jacob.“Hi honey, halika na mag breakfast ka na. Itong si baby D mukhang nagutom eh, pagkakita sa cerelac niya gusto na agad kumain,”nakangiting sambit sa kanya ng asawa. Pinilig niya nang marahan ang ulo upang buma
NAGISING si Earl nang maramdaman niyang tila gumalaw si Thalia sa pagkakahiga nito. Hindi naman siya kasi nakakatulog nang mahimbing sapagkat pinapakiramdaman niya ang kilos nito. Nakita niyang gumalaw ang kamay nito at bigla itong bumangon at umiiyak nang walang tunog.“Hey wife, kumusta ka?”malambing at medyo nanginginig ang boses niya dahil kinakabahan siya sa kung paano ito magre-react kapag nakita siya. Ngunit tila blangko itong tumingin sa kanya at tumingin sa kabilang banda.Mabilis niyang tinawag ang doctor upang matignan agad ang kanyang asawa.“To tell you honestly sir, she is not mentally healthy,” napapabuntong-hininga na sabi ng doctor sa kaniya.“What’s happening to her doctor? Bakit tulala lamang ang asawa ko? Anong puwede kong gawin?” natatarantang tanong ni Earl sa doctor na punong-puno nang pag-aalala para sa kanyang asawa.“According to the diagnosis, she si suffering from depression. Depressive disorder (also known as depression) is a common mental disorder. It invo
TAIMTIM na pinagmamasdan ni Earl ang asawang si Thalia habang ito ay himbing na natutulog. Magmula nang dalhin nila ito kahapon dito sa ospital ay hindi pa din ito nagigising. Nasasabik ang puso niya na marinig na muli ang tinig. Hanggat maaari ay ayaw niyang umalis sa tabi ng asawa ngunit kinailangan niyang puntahan ang anak nilang si Jacob sa bahay ni tit oni Thalia na si Antonio. Andoon kasi si Aling Tindeng kasama si Jacob. Siguro marahil sa ilang buwang pagkawalay sa kanila ng bata ay hindi na ito komportable na sumama sinuman sa kanila.Mainam na ngayon at sumasama na ito sa kanya ngunit hindi naman niya madala sa ospital, masyado pa itong bata at delikado para dito ang magstay sa ospital. Kanina habang naglalaro sila ni Jacob ay halos naiiyak na naman siya dahil ang laki na ng anak niya, ilang buwan ang na-missed niya sa buhay nito. Tumangkad ito at ang tatas na din magsalita.“ Mama?” tanong nito sa kanya. Tapos nang hindi siya agad makasagot ay sinampal-sampal siya nito. HIna
Magmula nang malaman ni Ronaldo na anak niya si Thalia ay hindi siya na tumigil sa paghahanap dito. Dinagdagan niya ang mga private agent na binayaran upang hanapin ang anak. Hindi siya tumitigil na mahanap ang matagal na niyang hinahangad na makitang anak niya. Andiyan lang pala sa tabi ang anak niya pero hindi man lamang niya ito natunugan. Sa totoo lang ay may kung ano naman talaga siyang nararamdaman mula nang una niya ito makita ngunit pinanaig niya ang galit dito dahil naging hadlang ito sa pangarap niya na maka-merge ang kompanya ng pamilya Concha.“I really regret everything that I did to hurt our daughter,” umiiyak na sabi ni Ronaldo kay Carolina habang sapo-sapo ang noo. Niyakap naman siya ni Carolina upang pakalmahin.Sisingsisi siya nang malaman na anak niya si Thalia at wala siyang ibang inisip kundi ang saktan ang kalooban nito. Ang anak niyang si Thalia ang naging sentro ng kanyang paghihiganti sa mga Montefalco. Napaka-ironic ng buhay kung sino pa yung taong gustong-gu
"OH GOD, anong nangyari sa anak ko Earl?” humahangos na tanong Carolina habang papalapit kay Earl na nasa harap ng Emergency Room. Hindi agad pal anito nabasa ang message niya dahil naiwan sa kuwarto ang cellphone. Kitang-kita ni Earl ang pag-aalala sa mukha ng ina ni Carolina at ni Ronaldo.“Mom it’s a long story, basta ang mahalaga nakita na natin siya at makakapiling na natin,” hindi pa rin mapakali na sagot ni Earl. He is so anxious because of his wife condition. Sinisisi niya ang sarili dahil sa mga nangyayari, kung hindi sana siya nagkaamnesia ay hindi mangyayari lahat ng ito.Kanina nang makita niya si Thalia sa banyo na walang malay ay hindi niya maipaliwanag ang sarili, tila ba gusto niyang sampalin ang sarili ng ilang beses. Hindi niya kaya na makitang ganoon ang kalagayan nito.“Ronaldo, ang anak natin,” umiiyak na turan ni Carolina. Niyakap naman ito pabalik ni Ronaldo while gently rubbing her back.“Love don’t worry magiging okay din si Thalia. Hindi ako papayag na may ma
“Aling Tindeng, sakto po andito na po kayo, si Thalia po kasi eh,” humahangos na sabi ni Ana sa kanila.“Ha bakit anong nangyari kay Thalia?” nag-aalalang parehong sabi nina Tindeng at Rosa. Si Earl naman ay napatindig at napatingin doon sa babaeng pumasok sa apartment. Karga-karga pa din nito si Jacob at mabilis silang nagsunuran sa babae.Habang naglalakad sila nang mabilis ay hindi inaasahang natapilok si Tindeng mabuti na lamang at mabilis siyang naalalayan ni Antonio.“Ay ano ba yan, nagpapanic na ang lahat,kayo luma-love story,” at nakuha pa talagang mang-asar ni Rosa sa situwasyong ito. Mabilis namang bumitaw si Tindeng kay Antonio.“Eh bakit na pala napunta si Thalia dun sa apartment unit natin Ana?” naiinis na sabi pa ulit ni Rosa.“Kasi po tiya isinama ko po siya para po sana maliguan kaya lang po ay nang kukuha po ako ng tuwalya eh hindi na po ako makapasok sa cr pagkabalik ko,”paliwanag naman ni Ana.“Bakit mo kailangang paliguan ang asawa ko?” takang tanong ni Earl.“Kasi