Share

CHAPTER 2

Nakatulala ako sa lalaking papalapit sa amin. Hanggang sa tumigil ito sa aming harapan. Mas lalo itong guwapo sa malapitan. Moreno ang kutis nito, makapal ang kilay at malantik ang pilik-mata. Parang magnet ang kanyang kulay brown na mga mata, kapag napatingin ka dito wala ka nang magagawa kundi tumitig na lang.

“Ehem, Thalia – “ agaw atensiyon sa akin ni Claire. Para naman akong gusto nang lumubog sa kinauupuan ko. Baka kanina pa nila ako kinakausap pero masyado akong natulala sa lalaki. Shuta oh! Ang guwapo kasi.

“He’s my brother, si Kuya Earl,” pakilala niya sa akin. Ipinakilala ako ni Claire sa kapatid niya.

 Nginitian naman ako nito ay naglahad ng kamay. Ang init ng palad nito tamang tama sa malamig kong lovelife. Nang magdaop ang mga palad naming parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa akin. Sakop na sakop ng kamay niya ang maliit kong kamay. Nang tumingin ako sa kanya ay parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko.

Napangiti si Claire nang makitang mukhang attracted ang bagong kaibigan sa kuya niya. Dahil doon ay lihim siyang napangiti mukhang may sagot na sa pino-problemang lovelife ng kuya niya.

 “Nice to meet you Thalia, what a coincidence you have the same name with my sister. “ Nakangiti nitong sabi sa akin. Sinabi kong natutuwa ako na may magkapareho ang aming pangalan ni Claire.

Nagpasalamat din si Earl kay Thalia sa pagtulong nito sa kapatid na si Claire. Kanina nang tumawag ang kapatid ay nasa CR ito ng mall at inaatake na naman ng dysmenorrhea niya. Hindi naman siya agad nakapunta dahil may tinatapos pa siyang meeting. Mabuti na lamang at may tumulong sa kanya.

Habang magkausap siya ng dalaga ay hindi naman maiwasan ng binata na humanga sa ganda nito. Ang mukha nito ay hugis puso at mahabang brunette na buhok. Natural ang medyo makapal nitong kilay at malantik na pilik-mata. Napansin niya ang kulay blue na mata. Napakagandang babae. Napakagat siya sa kanyang labi at napatighim upang pigilan ang paghangang naramdaman.

“Ahm tapos na ba kayo?” tanong niya sa dalawa.

Sumagot naman si Claire na okey na sila. Nagyaya na si Earl na umuwi kasi pupunta pa daw siya kay Caroline. Nang marinig ito ng kapatid ay agad itong napasimangot ngunit hindi ipinakita sa kuya niya.

“What if ihatid na muna natin si Thalia sa kanila, para naman makabawi ako sa pagtulong niya sa akin kanina,” suhestiyong ng dalaga sa kuya niya.

“Naku kahit huwag na Claire, okey lang baka ma-out of way lang kayo. Sa Makati ako eh.” Nahihiyang tanggi naman ni Thalia. Hindi naman na talaga kailangan, bukal sa puso ang ginawa niyang pagtulong kaya kahit wala itong kapalit.

“Kuya-“, nagpa-puppy eyes na sabi ni Claire sa kapatid.

“Okey, tara na Thalia don’t worry about us we can manage,” nakangiti namang sabi ni Earl. Hindi niya talaga kayang tanggihan ang kapatid at saka pa-thank you na rin niya sa dalaga. “Turo mo na lang sa akin ang daan papunta sa inyo.”

Nang makarating sila sa parking lot ay agad na sumakay si Claire sa passenger seat ng sasakyan ng kapatid. Nang bubuksan na ni Thalia ang pintuan ng sasakyan sa likod ay halos malagutan siya ng hininga nang mahawakan ni Earl ang kamay niya. Ipagbubukas pala siya nito ng sasakyan.

Parang napapaso na tinanggal agad ni Thalia ang kamay niya at hinayaan si Earl ni buksan ang pintuan ng sasakayan. Napatikhim naman si Earl sa tagpong yuon, may kung ano kasi siyang naramdaman nang mahawakan niya ang kamay ng dalaga at magkatitigan sila.

Nangingiti naman si Claire na pinapanuod ang dalawa sa side mirror. Nararamdaman niyang kasing parang may tensiyon sa pagitan ng dalawa. Hindi ito yung tensiyon na dahil magkaaway ha, yung parang may something eh.

Maya-maya pa ay pumasok na rin si Earl sa driver seat at nagsimula ng magmaneho.

Sa sasakyan ay tahimik lamang si Thalia at nakatingin sa daan. Si Earl naman ay hindi maiwasang mapatingin sa dalaga. Napansin naman lahat ito ni Claire.

“You know what kuya, Thalia is a public school teacher,” pasimulang kuwento ng nakababatang kapatid.

“Wow, that’s great,” nakangiting nitong puri at sumulyap sa dalaga. “So sa Makati ka din ba nagtuturo?” dagdag naman nito sinabi.

Tumingin si Thalia kay Earl kaya hindi na naman maiwasang magtama ang kanilang mata. “Yup sa Makati Science High School, I’m a Science teacher,” nakangiti at confident niyang sagot.

“Kuya is an Engineer and CEO of his own company,” proud namang bida ni Claire sa kuya niya.

Marami pa silang napagkwentuhan habang nasa biyahe hanggang sa makarating sila sa bahay nina Thalia. Naing masaya ang kanilang biyahe dahil sa mga kwento ni Claire. Napawi nang kaunt ang tensiyon nararamdaman ni Thalia sa presensiya ni Earl.

“Thank you sa inyo,” pasasalamat niya magkapatid habang bumababa siya ng sasakyan nito.

“Wait, late ka na nakauwi dahil sa pagtulong sa akin. I think I need to say hi to your lolo and lola. Di ba kuya? Baka nag-alala sila eh,” sabi ni Claire na hindi na hinintay ang pagsang-ayon ng kapatid at bumaba na rin ng sasakyan.

Wala namang nagawa ang binata at bumaba na rin ng kanyang sasakyan at sumunod sa dalawa. Hindi kalakihan ang bahay nina Thalia. Ngunit makikitang maayos at masinop ang mga nakatira. Magiliw naman silang tinanggap ng lolo at lola ni Thalia.

Parang hinaplos naman ang puso ni Earl nang malaman niya na ulila na pala si Thalia at tanging ang dalawang matanda ang nagpalaki at nag-alaga dito.

Hindi na rin nagtagal ang magkapatid sapagkat may puptahan pa si Earl-ang kanyang fiancée na si Caroline. Kanina pa ito tawag nang tawag sa binata. Bago sila umalis ay tinawagan muna niya dalaga upang sabihin na ihahatid lang muna niya si Claire sa kanila at pupunta na siya sa dalaga.

Habang pauwi ay hindi naman maalis ang mga ngiti sa labi ni Claire. Napansin ito ni Earl kaya hindi niya maiwasang tanungin ang kapatid.

“Wala naman kuya, masaya lang ako kasi may bago akong kaibigan at feeling ko parang magiging pamilya kami,” makahulugang sagot naman ni Claire sa kapatid.

Masaya si Claire kasi may nakita na siyang babae para sa kapatid niya. Si Thalia. Unang kita pa lang alam niya na mabuti itong tao at hindi lolokohin ang kuya niya. Lalo siyang humanga dito ng tulungan siya nito. Pero paano nga ba magkakatotoo ang dalawa kung soon to be married na ang kuya niya?

Tatlong linggo na lamang at kailangan na niyang kumilos upang hindi maikasal ang kuya niya kay Caroline. Kahit ayaw niyang makialam ay kailangan dahil dehado ang kuya niya. Kung ang probleman lang ay ang ugali ng nobya nito ay mapagpapasensiyahan niya dahil pwede naman iyong magbago. Ngunit ang malamang niloloko nito ang kapatid ay hindi puwede. He’s too good para maloko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status