Mabilis na pinigilan ni Ace ang kamay ni Ashley na patuloy lang sa pagsampal kay Belle. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Ace Mondragon, isang marangal at walang pakialam sa iba na ngayon ay nagbago sa isang iglap alang alang sa kasintahan.
Namumula ang mga mata ni Ashley na napatingin kay Ace. Ang lalaking minahal niya ng sampung taon. Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso.
“Oo, matagal na akong baliw.”
Pagkasabi iyon ay itinaas naman niya ang isang kamay at ito naman ngayon ang sinampal niya,
“Ace, tapos na tayo.” mga katagang nais niyang sabihin mula pa ng namatay ang kanyang anak.
Mula ngayon, hindi na siya magpapanipula kay Ace.
Inalis ni Ashley ang pagkakahawak ni Ace sa isa niyang kamay. Namanhid ang kanyang palad sa lakas ng pagsampal niya dito.
Namumula ang pisngi ni Ace na sinampal niya. Lumaki siya na walang nagbubuhat ng kamay sa kanya, ito ang unang pagkakataong sinampal siya ng isang babae.
Nakakatakot ang naging tingin ni Ace kay Ashley na hindi mailarawan ang galit.
“Ikaw…”
Hindi na nagsalita si Ashley at tinalikuran na si Ace bago pa may masabi ito.
Alam niyang hindi naniniwala si Ace sa sinabi niyang tapos na sila.
Kasi nga, sa paningin nito, ay ginawa niya ang lahat para lamang makasama ito. At sa nakalipas na limang taon, nanatili siya sa tabi nito ng walang pangalan.
Ngayong wala na ang kanyang anak, ano pa ang silbi para makasama ito?
.....
Pagkalipas ng tatlong araw, sa mansyon.Umuwi si Ace na pagod na pagod at walang sumalubong sa kanya ng makapasok siya sa silid nila ni Ashley.
Lumayas si Ashley kasama ang anak nilang si Sisi.
Inilabas niya ang kanyang cellphone para padalhan ng mensahe si Ashley sa unang pagkakataon at sabihan na bumalik ito.
[Bumalik ka.]
Mensahe na mapagutos.
Pagkapadala niya ng mensahe kay Ashley ay agad na nagpakita ang isang kulay pulang tandang padamdam. Kasunod din iyon ay lumitaw sa ibaba ang isang linya ng mensahe ng mga salita: [Naipadala na ang mensahe, ngunit tinanggihan ito ng kabilang partido.]
Ace: “.....”
Hindi niya maipadala ang mensahi dahil hinarang na siya ni Ashley.
Lalong lumamig ang ekspresyon ng mukha niya. Sinubukan din niyang tawagan ito ng paulit ulit pero tulad ng mensahe niya ay hinarang din siya nito. Hindi niya ito matawagan
Mahusay.
Sinundan siya nito sa hospital at hindi pa niya ito nakukompronta tungkol sa ginawa nitong kabaliwan kay Belle at sa anak niya.
.....
Bayan ng Saguday.Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng umalis siya sa mansyon ni Ace sa Hacienda El Cielo at lumipat dito.
Bayan kung saan nakatira ang inang umampon sa kanya.
Ang inang umamapon sa kanya ay ang katulong ng pamilya Mondragon, na nag alaga sa lola ni Ace.
Walong taong gulang siyan ng makatakas sa ampunan kung saan masasama ang mga ugali ng mga tagapangalaga doon. Ng makatakas siya ay nakilala naman siya ang inang umampon sa kanya at si lola Astrid.
Iniligtas siya ng lola ni Ace na si Lola Astrid. Sa tulong at kapangyarihan ng Mondragon ay nabigyan ng hustisya ang ampunan at iba pang nandoon. Wala na siya noong mapuntuhan, doon na siya inampun ng kanyang ina.
Lagi na siyang nakasunod dito kapag pumupunta sa mansyon ng Mondragon.
Kalaunan, hindi din nagtagal ang buhay ng kanyang ina at namatay ito. At sa kanya iniwan ang bahay nito.
Natapos na ni Ashley ang paglilinis ng bahay. Bumaba siya para magtapon ng basura ng biglang may kung sinong humatak sa kanya sa malakas na pwersa. Dahil sa gulat ay nawalan siya ng balanse ng masalo naman siya nito.
Ang nagtatanong na tinig nito sa itaas ng kanyang ulo ay halatang may pagkainis. “Ashley, sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob na harangan ako?”
Umayos ng tayo si Ashley bago tumingin dito.
Titig na ayaw magpato. Katulad ng tubig sa pool na hindi natitinag.
Hindi niya sinagot ang tanong nito, sa halip at mahinahong sinabi dito. “Ace, bitawan mo ako.”
Hindi siya nito pinapakawalan bagkus mas hinipitan ang pagkakahawak sa kanya.
Nang makitang hindi siya nito makakawalan ay itinaas niya ang kanyang paa at malakas niya itong inapakan. Dahil sa sakit sa paa nitong inapakan ni Ashley ay unti unting nanghina ang pagkakahawak nito sa kanya.
Kinuha ni Ashley ang pagkakataong iyon para tuluyang makawala dito. Tumalikod at mabilis na umakyat pataas.
“Hindi ka makakatakas, Ashley.” Malalim ang tinig na sabi ni Ace na agad din siya nitong naabutan sa malalaki nitong hakbang at muli siyang nahawakan.
“Huwag mo akong hawakan.” pagpupumiglas ni Ashley kay Ace sa pagkakahawak nito sa kanya.
Tinignan siya nito ng may mapagmatang titig dahil sa kanyang kakaibang ikinikilos. At may sinabi sa mapaglarong tinig. “Hindi pa kita nahahawakan sa kung saan, huh!” Makahaulgan nitong sabi.
Agag na nanlamig ang mukha ni Ashley, mariing napapikit. Malamig at matigas ang boses na sumagot dito. “Ace, sinabi ko sayong tapos na tayo.”
Natigilan ito.
Matapos niya iyong sabihin ay nagmamadali siyang tumalikod at mabilis na naglakad paakyat.
Tanging tingin na lang ang nakasunod sa likod ni Ashley. Madilim ang mga mata niyang nakasandal sa gilid ng kotse na nakatingin sa inakyatan ni Ashley.
.....
Sa ikatlong palapag gusali ng marating ni Ashley ang kanyang bahay.Binuksan niya ang pinto at pumasok. Isasara na sana niya ang pinto nang may mga kamay na humarang doon.
Si Ace. Sinundan parin siya ni Ace.
Bago pa man siya muling makapagreak ay agad siyang pumasok dala ang mga regalo nito sa kanilang anak.
“Sisi, halika. May dala si papa na mga regalo para sayo.”
Katahimkan. Wala siyang tugon na narinig mula kay Sisi kaya siya natigilan.
Bagamat hindi ito tulad ni Vinice na agad siyang yayakapin at maglalambing kapag nakikita siya ay sa tuwing naririnig siya nito at tatawagin ay agad itong sasagot at lalapit sa kanya. At tatawagin siyang “papa.”
“Hindi pa ba bumabangon si Sisi? Ako na ang gigising sa kanya.”
Ibinaba ni Ace ang mga regalo niya at naglakad ng patungo sa kwarto.
Natigilan siya. Maayos ang kama at walang Sisi na natutulog sa kama. Iginala niya ang tingin sa paligid. Wala siyang makitang tao sa kwarto pero nakita naman niya ang mga damit ni Sisi na maayos na nakasabit sa kabinet kasama ang damit ni Ashley.
“Nasaan si Sisi?” Tanong ni Ace kay ashley ng lumabas ito ng kwarto.
Nakatayo parin ito sa may pinto habang nakatingin sa mga regaling dala niya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito.
“Sisi?” iyon ang pinakamalamig na tinig na narinig niya mula dito. “Hindi mo na siya kailanman makikita.”
“Anong ibig mong sabihin.”
Nagdilim ang ekspresyon ni Ace.
Itinago ba nito si Lesie?
Hindi sumagot si Ashley.
Naglakad siya palapit sa lamesa kung saan inilapag ni Ace ang mga regalo nito sa anak niya. Nanginginig ang mga kamay niyang kinuha doon ang damit ni Princess Elsa sa mga regalo nito. Namumula na ang kanyang mga mata.
Ito ang pinakahihiling ni Lesie na iregalo ng ama nito.
Nangako siyang ibibigay nito iyon sa anak niya.
Ngunit sa huli ay isuot muna iyon ni Vinice. At nang matapos nitong gamitin ay saka lang nito ibibigay sa anak niya?
Ano ba ang akala niya kay Lesie?
“Ace, wala dito si Sisi!”
Natusok si Ashley, at nawalan ng kontrol.
Itinapon niya ang damit at ang kahon na parang isang basura.
Ang mga abo ng kanyang anak ay nasa lamesa sa gilid ng kama.
Ayaw niyang makita ng anak niya iyon.
Hindi na napigilan iyon ni Ace at pinanuod lang na malaglag ang kahon sa sahig at ang damit na ipinasadya pa niya para kay Sisi ay nahulog mula roon na dumapo sa upos ng sigarilyo at nasunod iyon na nagdala ng malaking butas.
“Ashley, masaya ka na ba sa ginawa mo?”
Ang mga mata ni Ace ay nabahiran ng galit. Salubong ang mga kilay at nagdilim ang mga mata na para bang may bagyong darating.
“Umalis ka na.”
Binaliwala ni Ashley ang galit ni Ace at malamig na boses na pinapalayas ito.
Bago pa lumamig ang paligid sa pagitan nila ay tumunog ang kanyang cellphone.
Si Belle ang tumatawag.
Tumingin na muna si Ace kay Ashley bago sinagot ang tawag. “Belle?” Malumanay nitong tono.
Ngunit kung makatingin siya kay Ashley ay laging napakalamig.
“Nasundo mo na ba si Sisi? Tumawag ang palaruan at tinatanong kung kailan kayo dararting para maisaayos nila ng mas maaga.” malumanay ding tinig ni Belle sa kabilang linya.
“Hindi, wala dito si Sisi.” sagot nito na nakatingin parin kay Ashley.
Habang nakatingin siya kay Ashley ay palamig ng palamig ang tingin nito sa kanya.
“Kung ganun ipapakansel ko na ang palaruan, pupunta ako upang samahan ka at si Vinvin ngayon.”
Pinutol na niya ang kanilang usapan. Bago umalis si Ace ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Ashley, huwag mong hayaang tawagan ako ni Sisi kung may kailangan ka.” Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.Kalalabas lang ni Ace. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.Marahas siyang napalingon at nakita niya si Ashley na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.“Ashley, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”Nakahiga lang si Ashley sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay.At ang marinig ang sinabing iyon ni Ace ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para paghiwalayin siy
Nagsisimula ng uminit ang hangin. Niyakap ni Ace si Ashey sa kanyang mga bisig. Nagising na din si Ashley mula bangungot at napasinghap, dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Nakatingin sa bubida na sandaling natigilan. Napakalungkot ng kanyang panaginip na hindi matukoy kung isa lamang iyong bangungot o katotohanan ng ilang sandali. Hanggang sa maramdaman niya si Ace. At tuluyan na siyang nagising. Nanlamig ang kanyang mukha at kumulo ang kanyang dugo. Hindi na nakapag isip, itinaas niya ang kamay at itinulak ito. “Ace, bitawan mo ako.” Mas nalukot ang mukha nitong nakatingin kay Ace. Sa nakalipas na limang taon, hindi kailanman sineryuso ni Ace ang kanyang nararamdaman. Dahil mahal na mahal niya ito at ang kagustuhang magkaroon ng kompletong pamilya si Lesie ay naging sunod-sunuran siya dito. At ngayong wala na ang kanyang anak ay gusto na niyang makipaghiwalay dito pero bakit hindi parin nito pinapansin ang kagustuhan niya? “Ace, sinabi ko sayong bitawan mo ako. Nar
Ang mga salita nito ay walang katapusang kasinungalingan. At lalong walang kabuluhan, ang mga damit sa shopping bag. Kompletong damit ng panlalaki ngunit ang panloob ay halata na sinadya na ilagay sa itaas. Malinaw na ang ipinapahiwatig ni Belle kay Ashley. Kagabi, nagpalipas ng gabi si Ace sa kanyang lugar. Ilang sigundo ding napatingin si Ashley sa mga damit lalo na sa panloob saka niya iyon inilayo at bumaling kay Belle. Nakita niyang sinadya nitong hawiin ang buhok, at ipakita ang mga iba’t-ibang marka sa leeg nito. Sino man ang makakita ay alam niyang marka iyon ng halik. Magkatabing natulog sina Ace at Belle kagabi. Hindi nito nakuha ang gusto sa kanya kaya ibinaling nito iyon kay Belle. Bukod doon, sadyang pinagsawa ang sarili. Parang may tumurak sa puso ni Ashley. Halatang gusto siyang inggitin ni Belle.
Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito. Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito. Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya. Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mukha para iwasan ang marahas na paghalik sa kanya ni Ace. Sa kanyang pag iwas ay mas lalong naging agrisibo ang tingin ni Ace. Muling hinawakan sa mukha si Ashley, inipit ang baba at niyuko para halikan ulit. Napakaiksi lang ng pasensya ni Ace kaya madali siyang magalit. Sa cafeteria, ipinaramdam niya kay Belle na tila naagrabyado ito, kaya ba siya nito sinundan para ilabas ang galit nito sa kanya para sa kasintahan? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Ashley at nanlaban dito. Namumula ang kanyang mga mata sa galit at nanggagalaiting tiim ang kangyang mga ngipin na sinabi dito. “Ace, let me go, hindi ka karapatdapat.” “Huh!” kumislap ang mga mata ni Ace sa lamig saka ngumisi. Hindi ka
Sa Saguday.Ang unang ginawa ni Ashley nang makabalik at makauwi sa kanyang bahay ay ang puntahan agad ang kanyang anak.Nasa silid lamang ni Ashley ang mga abo ni Sisi. Itinaas ang mga kamay at marahang hinaplos ang urn ng kanyang anak ng makalapit siya sa kinalalagyan nito, nasa tabi din nito ang isang larawan. Napatingin siya doon na puno ng pagmamahal.Napakabait ng kanyang anak, napakaamo ang mukha nito at talagang napakaganda.Ngunit hindi na niya ito makikita pa kailanman. Humapdi na naman ang kanyang mga mata at namula dahil namuo na naman doon ang mga luha.“Anak ko, gagawin ni mama ang lahat para sayo.” pangako niya dito sa nanginginig na tinig habang nakatitig sa larawan.
Napatigill sa paghakbang si Ashley.Marahas ang naging paglingon niya at malamig pa sa yelong napatingin kay Ace na karga si Vinice. Napaskil ang nanunuyang ngiti sa kanyang mga labi.“ Ace, simula ng maipanganak ko si Sisi hindi mo pa siya nagawang alagaan kahit minsan. At sasaabihin mo iyan ngayon sa akin?” patuyang sumbat niya dito.Hindi nakapagsalita si Ace sa sinabi niya.“Ashley, paano mo nasasabi iyan kay Ace. Hindi siya tulad mo na walang ginagawa sa bahay. Alam mong abala at marami siyang trabaho. At sasabihin mong pinapabayaan niya si Sisi? Intindihin mo na lang sana kaysa ang sisihin siya. Saka, alam mong mapagmahal si Ace sa mga bata, paano niya papabayaan si Sisi? Bakit hindi mo tignan muna ang sarili mo bago mo siya sisihin?”Pagsabad ni Belle na halatang gustong ipamukha sa kanya na tinuturuan niya ng masama si Sisi at sabihin kasuklaman si Ace.Matalas ang naging tingin na bumaling si Ashley kay Belle at sinabihan ito sa mapagbantang tinig. “Belle, sa tingin mo sino ka
Paano ba magsinungaling ang isang mabuting bata? Sino ang tinutukoy nito? Kahit minsan ay hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ni Sisi at lagi niya itong inaakusahan na napakasinungaling ng anak niya. Laging pinapagalitan dahil hindi daw ito nagsasabi ng totoo. At sa murang edad ay marunong na itong magsinungaling. “Huh!” Ang unang beses lang naman na nagsinungaling ang anak niya ay ang sabihin nito sa kanya na dumating ang papa nito sa kanilang usapan na siyang naging dahilan para tuluyan itong mawala sa kanya. Pero sa mga mata ni Ace ay sinungaling si Sisi. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace. “Ace, sinasabi mong bata si Vinice, at hindi nagsisinungaling ang mga bata? Hindi ba bata din si Sisi?” “Huwag mong ihalintulad si Vinice kay Sisi.” mga binitawang salita ni Ace na nakapagpatigil kay Ashley na mas lalong nanuot sa galit ang tingin niya dito. Sa paningin nito ay hindi maihahalintulad ang anak nito kay Belle sa anak niya. Tulad na
Sa nakitang iyon Tyron ay agad itong nakaramdam ng galit dahil alam nito kung gaano kamahal ni Ashley si Ace at malulungkot siya sa nakita. “Hayop na ‘to, hindi pa lumilipas ang pitong araw na pagkamatay ni Sisi ay lumalandi na sa kirida. Makikita niya at ipapamukha ko kung ano ang nararapat sa kanya.” Galit na galit na sabi ni Tyron na handa ng sugurin sina Ace at Belle. Mabilis namang pinigilan ni Ashley sa kamay si Tyron. Napatingin sa kanya si Tyron kaya siya napailing. Hindi din naman makakaya ni Tyron si Ace kaya ano pang silbi para sugurin ito. “Hindi pa ba tayo aalis? Akala ko ba pagsisilbihan mo ako?” pang iiba ni Ashley ng usapan at hindi binitawan si Tyron na pilit paring sugurin sina Ace. Alam ni Tyron kung paano siya naghirap sa piling nito na nagtiis sa pangmamaliit nito sa kanya. Nakita nito lahat iyon kung paano siya nagtiis na balang araw ay matugunan din ang pagmamahal niya kay Ace. “Ashley….” Gustong gustong pagsabihan ni Tyron si Ashley at ipamulat sa kanya a
"Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan naman ang mga kamay ni Drake sa ere, itinaas niya ang kanyang mga mata at nag- aalalang tumingin kay Ashley. Sa pagtingin ni Drake kay Ashley na mukhang hindi maganda, ang kailangan nito ngayon ay isang magandang pahinga. Alam ni Drake ang personalidad ni Ace at hindi nito hahayaang umalis si Ashley kasama niya. Dahil sa gusot na kinakaharap nito ay hindi makapag pahinga ng maayos si Ashley. Binawi ni Drake ang kanyang kamay at hinayaan si Ace na hawakan si Ashley at umalis para makapag pahinga na muna ito. Hindi na muna siya makikialam kahit na gustong gusto niyang bawiin si Ashley sa mga kamay ni Ace. Isinakay na ni Ace si Ashley sa sasakyan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan paa
Tumingin si Ashley kay Ace, puno ng hinanakit. Para saan pa ang mga katanungang iyon ni Ace? Itinaas ni Ashley ang kanyang kamay at tinulak ng malakas si Ace, itinulak niya ito palayo, itinuro ang mga piraso ng tasa sa lupa. "Ano ang sinabi niya? Sinabi niya na iyan ay ginawa ni Sisi sa loob ng dalawang buwan para lamang iregalo sayo. Narinig mo ba yun?” Nanginginig ang boses sa galit si Ashley habang sinasabi iyon kay Ace. "And you smashed it with your own hands! Bilang isang ama, muli mong niyurakan ang pagmamahal ni Sisi sa iyo!" "Ace, si Sisi ay malamang na hindi pinalad sa loob ng walong buhay na ipanganak na muli bilang iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong saktan siya nang paulit-ulit nang ganito!" Walang maapuhap na salita si Ace na isagot kay Ashley. Hindi ito ang cup na ibibigay ni Ashley kay Drake para ipahayag ang pagmamahal niya dito, kundi isang regalo sa kaarawan niya na ginawa ni Sisi para sa kanya. At binasag na lang niya ito gamit ang sarili niyan
Bago makarating sa ceramic shop si Ace, nakita niya mula sa malayo si Drake na hawak-hawak si Ashley sa mga braso nito. Sumandal si Ashley kay Drake sa mga bisig nito nang walang anumang pagtanggi. Magkayakap silang dalawa sa kalsada na parang walang ibang tao sa paligid nila. Katulad ng ibang normal na mag-asawang nagmamahalan na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Halos katatapos lang itinanggi ni Ashley sa publiko kung ano nga ba ang relasyon nila sa harap ng maraming media outlet sa bahay ng pamilyang Mondragon, at pagkatapos ay tumalikod, umalis at ngayon ay niyakap nito si Drake. Ngunit kilalang-kilala ni Ace si Ashley. Si Ashley ay isang tao na may malakas na pakiramdam ng may hangganan pagdating sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa loob ng limang taon na nakasama niya ito, kahit na sabihing pinabayaan niya ito at hindi pinansin, hindi siya madalas bumalik sa El Cielo. Si Ashley ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang relasyon sa ibang lalaki at a
Naiwan sa ere ang kamay ni Drake na napatingin kay Ashley.Tahimik na binawi ang kamay niya na hindi napansin ni Ashley dahil nakatingin ito sa labas ng bintana.Binawi na din niya ang tingin mula kay Ashley at umayos ng upo.Habang si Ashley ay tahimik lamang na binalingan ang kanyang cellphone.Kinuha iyon mula sa kanyang bag. At halatang nagulat siya nang makita kung sino ang tumawag.Pagkaraan lamang ng ilang sandali, inayos at pinakalma niya ang sarili bago sinagot abg tawag."Yes, hello?""Lady boss." Ang tawag ay galing sa ceramic shop.Ang ceramic cup na ginawa ni Sisi sa tindahang iyon bago ito mamatay ay handa na.Tinanong siya kung kailan siya magkakaroon ng oras para kunin iyon."Kukunin ko ngayon din."Pagkatapos magsalita ni Ashley, ibinaba niya ang cellphone."Saan ka pupunta? Ihahatid na kita doon." Si Drake na nauna nang nagsalita bago pa man siya makapagsalita.Hindi nag atubili si Ashley at sinabi ng maayos kay Drake kung saan siya pupunta. Ibinigay niya dito ang ad
Kumilos si Axel at direktang hinila si Ashley, na minsan nitong hinamak, para iligtas sila sa sitwasyon. Hindi na nito tinanong ang kagustuhan ni Ashley. Sa opinyon ni Axel, ang aksyon ni Ashley ngayon ay para lamang mapromote sa katayuan. Sinundan ni Ashley si Ace sa loob ng limang taon nang walang anumang legal na katayuan. Hindi pa kasi nila kinikilala si Ashley at si Sisi na bahagi ng pamilyang Mondragon, ngunit ngayon ay pinili nilang kilalanin sa publiko si Belle at ang anak nitong babae. Sa isip ni Axel ay nagseselos si Ashley kaya sinadya niyang isiwalat na isa lamang bastarda si Vinice sa harap nila at maraming tao ng magsimula na ang piging. Sa ganitong paraan, hinding hindi papayagan ni Axel na papasukin si Belle at ang bastarda nito sa pamilyang Mondragon. Ang plano ni Ace na ianunsyo sa harap ng publiko si Belle at ang anak nito ay ginawa na, at lahat ng mga pangunahing pamilya at media ay naghihintay na lang sa kumpermasyon. At hindi hahayaan ni Axel na m
Sa pagsampal ni Axel kay Ace ay hindi agad ito nakakilos.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa semento.Kahit hindi na niya iyon hawakan ay malinaw sa kanyang mga mata ang nakasulat doon.Paternity test nila ni Vinice at nagresulta na hindi niya ito tunay na anak.Nandilim ang paningin niya. Tumingin kay Belle na nagtatanong ang mga mata.Habang si Belle ay mas nanginig pa sa takot sa nakitang reaksyon ni Ace."Walang kwenta kang babae. At sinasabi ko sayo, hindi ka kailanman mapapabilang sa aming pamilya." Si Axel na sa galit ay sinampal si Belle sa harap ng kanilang bisita.Habang si Ashley ay tahimik lamang, nakaarko ang mga labi na may ngiting tagumpay.Hindi na siya makikialam, sapat na iyon sa ngayon. Ang ipahiya si Ace sa lahat at makita ang pagbagsak ni Belle ng paunti unti."Ace..."Hindi umimik si Ace. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito."At ikaw." Galit na binalingan ni Axel si Vinice na naguguluhan sa mga nangyayari.Mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ni Vini
Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa
Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin
Galit na galit na tumayo si Ace nang makawi.Pilit na hinabol ang kamay ni Ashley para hindi tuluyang makalabas ng sasakyan ngunit naging mabilis si Drake na hilain si Ashley palabas.Mabilis siyang sumunod. Ngunit sa paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang kamao ni Drake.Napaatras siya.Umangat ang kamay, idiniin ang daliri sa labi, pinahid ang dugo sa kanyang labi.Nalasaan niya ang dugo, napadura siya.Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Drake.Ang lakas ng loob nitong makipag away sa kanya para lamang kay Ashley.Matagal na din na may alitan sila sa negosyo, kaya hindi niya gusto si Drake at lalo na ngayon, mas hindi niya nagustuhan ang ugali nito na hindi itinago ang pagkagusto nito kay Ashley."Ashley, halika ka dito." May pagbabanta na tawag niya kay Ashley na nasa likod ni Drake. Ngunit hindi siya nito pinansin kaya mas nag apoy ang galit niya.Kuyom ang palad, kung hindi niya ito makukuha sa mabuting usapan ay kukunin niya ito ng dahas sa mga kamay ni Drake, hindi