Nawala ang galit na ekspresyon sa mukha ni Ace kanina at walang pagdadalawang isip na pumayag.
“Sige.”
Walang pag aatubiling tumalikod si Ace matapos ang usapan nila ng anak nito. Mabilis na naglakad palayo.
Muli, mas pinili ang anak nito kay Belle at nakalimutan ang anak niyang si Sisi.
Pumanhik pabalik si Ashley sa silid ng kanyang anak. Kunuha ang urn at mahigpit iyong niyakap sa kanyang pagkabalisa. Tahimik at marahang hinahaplos iyon sa kanyang mga bisig.
Simula ng bumalik si Belle kasama nito ang anak nilang si Vinice ay naging pangalawang priyoridad na lang sila ni Sisy. Kahit gaano man kaabala sa trabaho si Ace o kalalim ang gabi basta may tawag mula sa mag ina niyang Belle at Vinice ay wala itong pagdadaawang isip.
Wala siyang pakialam kung hindi siya pagtuunan ng pansin ni Ace pero naawa siya sa anak niya. Matiyaga lamang naghihintay sa pagkalinga ng kanyang ama ngunit paulit-ulit lamang itong sinasaktan ni Ace.
Buti na lang hindi na kailanman masasaktan ang anak niya.
Hindi na, kailanman!
.....
Sa unang Ospital sa lungsod ng Quirino, sa pribadong silid. Marahang binuksan ni Ace ang pinto ng silid.Nagulat pa si Belle ng makita siya at napatanong. “Bakit ka nandito? Diba sinabi mo na pupuntahan mo ang anak mo kay Ashley para sa nakaraang birthday nito?”
Matapos tanungin iyon ni Belle ay makahulugang tinignan nito ang anak. “Vin, tinawagan mo pa ang papa mo-.”
“Papa…”
Patalon pang yumakap si Vinice kay Ace. Umangat ang tingin na namumula ang mga mata. Naiiyak na naglalambing na nagsalita. “Kung wala si papa sa tabi ko, matatakot si Vinvin.”
Marahan namang niyakap ni Ace ang anak. Masuyong hinahaplos ito sa likod para aliwin na nakatingin kay Belle. “Limang taon lamang si Vinice kaya natural lamang na nakakatot ito kapag may sakit. Wala akong ibang pupuntahan ngayon kaya dito lang ako sa kanya. At tungkol naman kay Sisi…Marami pang pagkakataon na mailabas ko siya.”
Dahil sa nabanggit nito si Sisi ay naisip ni Belle ang kalagayan ni Vinice. “Ace, maraming salamat. Nakahanap ka ng katugma ng bato ni Vin. Kung hindi dahil sayo, magiging… ang anak natin.”
Habang sinasabi iyon ay hindi niya mapigilan ang kanyang luha at gustong maiyak.
“Habang nandito ako ay hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya.” pangako ni Ace sa mahinang tono.
“Ace, mabuti na lang talaga nandito ka.” sabi pa nito na marahang sumandal sa balikat ni Ace.
Pinayapa ni Ace sa pagtapik sa likod si Belle at ng sinubukang naman ibalot ni Belle ang kamay sa baywang ni Ace ay agad naman itong umiwas. “Kakausapin ko lang ang mga Doktor na may hawak sa kondisyon ni Vinice. Pwede mo siyang ilabas muna at pupuntahan ko na lang kayo mamaya.”
“Papa, bilisan mo.” matinis na matamis na sabi ni Vinice kay Ace bago ito lumabas ng silid na agad sumakay ng elevator na siya namang pagbukas sa kabila na lumabas doon si Ashley na nagmamadali.
Deretso siya sa opisina ng doktor ng anak niya.
“Miss Diaz, hindi ka pwedeng pumasok.”
Hindi pinansin ni Ashley ang pagpigil ng nurse sa kanya at pilit paring pumasok.
Mabilis siyang nakalapit sa doktor. Namumula ang kanyang mga matang nakiusap sa doktor. “Doktor Castro, sabihin mo sa akin. Sino ang umagaw ng kidney donor ng anak ko.”
Kung hindi dahil sa may umagaw ng kidney donor ng anak niya ay hindi sana ito mamamatay.
“Doktor Castro, nakikiusap ako.”
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng doktor kaya siya napaluhod. Gagawin niya ang lahat para lamang malaman ang katotohanan.
“Miss Diaz, hindi ko talaga alam.” tumayo si doktor Castro sa kinauupuan at tinulungan siya sa pagtayo.
Nakatingin sa kanya ang doktor. Nagpakawala ng malalim na paghinga ng makita ang kalagayan niya. Ang bigla niyang pagngangayat sa paglipas lamang ng ilang araw.
Naawa ang doktor sa kalagayan niya. Amg anak nito na nagihintay sa donor ng kidney nito pero ninakaw lang iyon sa mismong gabi ng operasyon nito at doon na mismo ito namatay.
Napakagandang bata at nakapakabait, namatay lang ng ganun.
Bilang isang ina ay talagang hindi katanggap-tanggap.
Pero, hindi talaga alam ng doktor.
Narinig na lang niya na ang anak ng isang mayamang negosyante ay may pagkakatugma…
Pero hindi naman niya iyon masabi dito.
Walang nakuhang kasagutan si Ashley kaya mabigat ang pakiramdam na lumabas sa opisina ng doktor.
Habang naglalakad ay hindi niya napansin ang maliit na pigurang mabilis na tumatakbo palapit sa kanya. Nais niyang abutin ito bago tuluyang matumba pero bago pa man niya ito mahawakan ay may humampas sa kamay niya.
“Huwag mong hawakan ang anak ko.”
Si Belle. Belle Pagbilao.
Binawi ni Ashley ang kamay at kalmadong tumingin dito. Nakita niya kung paano nito protektahan sa mga bisig nito na para ba siyang kaaway. “Kung galit ka, sa akin ka magalit. Huwag sa anak ko. Bata lamang siya kaya huwag kang magalit sa kanya.”
Sarili lang din nito ang kinakausap.
Dahan dahang tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Hindi na niya kailangan tumingin sa paligid para malaman na nasa malapit lang si Ace kaya ito ngayon umaarte na para bang sasakytan niya ang anak nito.
At hindi siya nagkamali.
Pagkasabi pa lang iyon ni Belle ay agad niyang narinig si Ace mula sa likuran niya.
“Ashley, ano na namang kabaliwan ito?”
Inilang hakbang lamang ni Ace ang pagitan para makalapit sa mag ina nito. Nasa mga mata nito ang pagbabanta na nakatitig sa kanya habang nasa likuran na nito ang mag ina.
Ang makita niya kung paano protektahan ni Ace sina Belle at Vinice ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao.
Ang sadya lamang naman niya ay ang pagkamatay ng kanyang anak kaya hindi na siya nakipagtalo sa mga ito. Tumalikod siya at handa ng umalis pero hindi nakaligtas sa paningin niya kung paano yumakap si Vinice sa hita niya na nagpapaawa. “Papa dahil ba sa hindi ka nakadalo sa kaarawan ni Sisi kaya galit ngayon sa akin si Tita Ashley?”
Nanlamig ang pakiramdam niya sa narinig.
Ang eksena ngayon sa harapan niya ay nagpaala sa kanya kung paano unang magkakilala ang anak niya at si Vinice.
Nahulog sa pool si Vinice na agad namang sinakluluhan ni Ace. Sa oras ding iyon ay umiiyak na humihingi ng tawag si Vinice kay Sisi. “Sisi, hindi ka ba masayang kasama ako? Patawad kung hindi ako karapatdapat.”
Humihingi ito ng tawag na para ba nitong ipinapahiwatig na sinadya ni Sisi na itulak ito sa pool.
Galit na galit si Ace at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag ni Sisi. Pinagalitan at pinaruhasan na tumayo sa labas ng mag isa para isipin ang pagkakamali.
Ilang oras itong nakatayo sa labas at wala man lang pakialam si Ace.
Sa araw ding iyon ay nagkasakit ito at mataas ang naging lagnat nito ng tatlong araw at tatlong gabi.
Nang magising ito isang gabi ay hindi ito mapigil sa pag iyak at kinumbulsyon. “Mama, naniniwala ka sa akin, diba? Hindi ko naman itinulak si Vinice. Siya mismo ang nagtulak sa akin at nalaglag siya mismo sa pool. Hindi ko talaga siya itinulak, hindi.”
“Huwag ka ng umiyak, tahan na, naniniwala ang mama sayo.”
Niyakap niya ang kanyang anak at pinakalma ito ng paulit ulit pero patuloy lamang ito sa pagiyak. “Bakit hindi naniniwala si papa sa akin?” at ang mismong nakakapagpalungkot dito ay ang pinakamamahal niyang ama ay hindi naniniwala sa kanya.
Ang mga alaalang iyon ay naging mas malamig ang naging tingin ni Ashley kay Vinice.
Dahil sa takot ni Vinice sa naging tingin niya dito ay pumalahaw ito ng iyak. Agad namang hinarang ni Belle ang mga tingin niya sa anak nito. “Ashley, kung galit ka ay huwag…”
Tumaas ang kamay niya at hindi mapigilan ang sariling sampalin si Belle ng ilang beses.
“Smack!”
“Smack!”
“Smack!”
“Ashley, nababaliw ka na ba talaga?”
Mabilis na pinigilan ni Ace ang kamay ni Ashley na patuloy lang sa pagsampal kay Belle. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Ace Mondragon, isang marangal at walang pakialam sa iba na ngayon ay nagbago sa isang iglap alang alang sa kasintahan. Namumula ang mga mata ni Ashley na napatingin kay Ace. Ang lalaking minahal niya ng sampung taon. Nakaramdam siya ng lungkot sa kanyang puso. “Oo, matagal na akong baliw.” Pagkasabi iyon ay itinaas naman niya ang isang kamay at ito naman ngayon ang sinampal niya, “Ace, tapos na tayo.” mga katagang nais niyang sabihin mula pa ng namatay ang kanyang anak. Mula ngayon, hindi na siya magpapanipula kay Ace. Inalis ni Ashley ang pagkakahawak ni Ace sa isa niyang kamay. Namanhid ang kanyang palad sa lakas ng pagsampal niya dito. Namumula ang pisngi ni Ace na sinampal niya. Lumaki siya na walang nagbubuhat ng kamay sa kanya, ito ang unang pagkakataong sinampal siya ng isang babae. Nakakatakot ang naging tingin ni Ace kay Ashley na
Pinutol na niya ang kanilang usapan. Bago umalis si Ace ay nagiwan siya ng salita sa malamig na tono. “Ashley, huwag mong hayaang tawagan ako ni Sisi kung may kailangan ka.” Matapos niya iyong sabihin, agad siyang tumalikod at umalis ng walang pagdadalawang isip.Kalalabas lang ni Ace. At sa pagtalikod niya ay nakarinig siya ng malakas na kalabog.Marahas siyang napalingon at nakita niya si Ashley na nakabulagta na sa sahig na kanina ay nasa maayos lang ang kalagayan.“Ashley, pinagsabihan na kita na hindi na uubra sa akin ang pakulo mong iyan.”Nakahiga lang si Ashley sa malamig na sahig. Hindi naman siya talaga nawalan ng malay.At ang marinig ang sinabing iyon ni Ace ay mas lumamig ang pakiramdam niya. Napakalamig na nanuot sa kanyang katawan.Sa katunayan, ay naisip niya na nagdadahilan lamang ito para mapanatili siya.Sa mga mata niya, ay isa itong masamang babae na handang gawin ang lahat para sa kanya.Limang taon na ang nakalilipas, gumawa ito ng paraan para paghiwalayin siy
Nagsisimula ng uminit ang hangin. Niyakap ni Ace si Ashey sa kanyang mga bisig. Nagising na din si Ashley mula bangungot at napasinghap, dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Nakatingin sa bubida na sandaling natigilan. Napakalungkot ng kanyang panaginip na hindi matukoy kung isa lamang iyong bangungot o katotohanan ng ilang sandali. Hanggang sa maramdaman niya si Ace. At tuluyan na siyang nagising. Nanlamig ang kanyang mukha at kumulo ang kanyang dugo. Hindi na nakapag isip, itinaas niya ang kamay at itinulak ito. “Ace, bitawan mo ako.” Mas nalukot ang mukha nitong nakatingin kay Ace. Sa nakalipas na limang taon, hindi kailanman sineryuso ni Ace ang kanyang nararamdaman. Dahil mahal na mahal niya ito at ang kagustuhang magkaroon ng kompletong pamilya si Lesie ay naging sunod-sunuran siya dito. At ngayong wala na ang kanyang anak ay gusto na niyang makipaghiwalay dito pero bakit hindi parin nito pinapansin ang kagustuhan niya? “Ace, sinabi ko sayong bitawan mo ako. Nar
Ang mga salita nito ay walang katapusang kasinungalingan. At lalong walang kabuluhan, ang mga damit sa shopping bag. Kompletong damit ng panlalaki ngunit ang panloob ay halata na sinadya na ilagay sa itaas. Malinaw na ang ipinapahiwatig ni Belle kay Ashley. Kagabi, nagpalipas ng gabi si Ace sa kanyang lugar. Ilang sigundo ding napatingin si Ashley sa mga damit lalo na sa panloob saka niya iyon inilayo at bumaling kay Belle. Nakita niyang sinadya nitong hawiin ang buhok, at ipakita ang mga iba’t-ibang marka sa leeg nito. Sino man ang makakita ay alam niyang marka iyon ng halik. Magkatabing natulog sina Ace at Belle kagabi. Hindi nito nakuha ang gusto sa kanya kaya ibinaling nito iyon kay Belle. Bukod doon, sadyang pinagsawa ang sarili. Parang may tumurak sa puso ni Ashley. Halatang gusto siyang inggitin ni Belle.
Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito. Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito. Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya. Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mukha para iwasan ang marahas na paghalik sa kanya ni Ace. Sa kanyang pag iwas ay mas lalong naging agrisibo ang tingin ni Ace. Muling hinawakan sa mukha si Ashley, inipit ang baba at niyuko para halikan ulit. Napakaiksi lang ng pasensya ni Ace kaya madali siyang magalit. Sa cafeteria, ipinaramdam niya kay Belle na tila naagrabyado ito, kaya ba siya nito sinundan para ilabas ang galit nito sa kanya para sa kasintahan? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Ashley at nanlaban dito. Namumula ang kanyang mga mata sa galit at nanggagalaiting tiim ang kangyang mga ngipin na sinabi dito. “Ace, let me go, hindi ka karapatdapat.” “Huh!” kumislap ang mga mata ni Ace sa lamig saka ngumisi. Hindi ka
Sa Saguday.Ang unang ginawa ni Ashley nang makabalik at makauwi sa kanyang bahay ay ang puntahan agad ang kanyang anak.Nasa silid lamang ni Ashley ang mga abo ni Sisi. Itinaas ang mga kamay at marahang hinaplos ang urn ng kanyang anak ng makalapit siya sa kinalalagyan nito, nasa tabi din nito ang isang larawan. Napatingin siya doon na puno ng pagmamahal.Napakabait ng kanyang anak, napakaamo ang mukha nito at talagang napakaganda.Ngunit hindi na niya ito makikita pa kailanman. Humapdi na naman ang kanyang mga mata at namula dahil namuo na naman doon ang mga luha.“Anak ko, gagawin ni mama ang lahat para sayo.” pangako niya dito sa nanginginig na tinig habang nakatitig sa larawan.
Napatigill sa paghakbang si Ashley.Marahas ang naging paglingon niya at malamig pa sa yelong napatingin kay Ace na karga si Vinice. Napaskil ang nanunuyang ngiti sa kanyang mga labi.“ Ace, simula ng maipanganak ko si Sisi hindi mo pa siya nagawang alagaan kahit minsan. At sasaabihin mo iyan ngayon sa akin?” patuyang sumbat niya dito.Hindi nakapagsalita si Ace sa sinabi niya.“Ashley, paano mo nasasabi iyan kay Ace. Hindi siya tulad mo na walang ginagawa sa bahay. Alam mong abala at marami siyang trabaho. At sasabihin mong pinapabayaan niya si Sisi? Intindihin mo na lang sana kaysa ang sisihin siya. Saka, alam mong mapagmahal si Ace sa mga bata, paano niya papabayaan si Sisi? Bakit hindi mo tignan muna ang sarili mo bago mo siya sisihin?”Pagsabad ni Belle na halatang gustong ipamukha sa kanya na tinuturuan niya ng masama si Sisi at sabihin kasuklaman si Ace.Matalas ang naging tingin na bumaling si Ashley kay Belle at sinabihan ito sa mapagbantang tinig. “Belle, sa tingin mo sino ka
Paano ba magsinungaling ang isang mabuting bata? Sino ang tinutukoy nito? Kahit minsan ay hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ni Sisi at lagi niya itong inaakusahan na napakasinungaling ng anak niya. Laging pinapagalitan dahil hindi daw ito nagsasabi ng totoo. At sa murang edad ay marunong na itong magsinungaling. “Huh!” Ang unang beses lang naman na nagsinungaling ang anak niya ay ang sabihin nito sa kanya na dumating ang papa nito sa kanilang usapan na siyang naging dahilan para tuluyan itong mawala sa kanya. Pero sa mga mata ni Ace ay sinungaling si Sisi. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace. “Ace, sinasabi mong bata si Vinice, at hindi nagsisinungaling ang mga bata? Hindi ba bata din si Sisi?” “Huwag mong ihalintulad si Vinice kay Sisi.” mga binitawang salita ni Ace na nakapagpatigil kay Ashley na mas lalong nanuot sa galit ang tingin niya dito. Sa paningin nito ay hindi maihahalintulad ang anak nito kay Belle sa anak niya. Tulad na
"Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan naman ang mga kamay ni Drake sa ere, itinaas niya ang kanyang mga mata at nag- aalalang tumingin kay Ashley. Sa pagtingin ni Drake kay Ashley na mukhang hindi maganda, ang kailangan nito ngayon ay isang magandang pahinga. Alam ni Drake ang personalidad ni Ace at hindi nito hahayaang umalis si Ashley kasama niya. Dahil sa gusot na kinakaharap nito ay hindi makapag pahinga ng maayos si Ashley. Binawi ni Drake ang kanyang kamay at hinayaan si Ace na hawakan si Ashley at umalis para makapag pahinga na muna ito. Hindi na muna siya makikialam kahit na gustong gusto niyang bawiin si Ashley sa mga kamay ni Ace. Isinakay na ni Ace si Ashley sa sasakyan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan paa
Tumingin si Ashley kay Ace, puno ng hinanakit. Para saan pa ang mga katanungang iyon ni Ace? Itinaas ni Ashley ang kanyang kamay at tinulak ng malakas si Ace, itinulak niya ito palayo, itinuro ang mga piraso ng tasa sa lupa. "Ano ang sinabi niya? Sinabi niya na iyan ay ginawa ni Sisi sa loob ng dalawang buwan para lamang iregalo sayo. Narinig mo ba yun?” Nanginginig ang boses sa galit si Ashley habang sinasabi iyon kay Ace. "And you smashed it with your own hands! Bilang isang ama, muli mong niyurakan ang pagmamahal ni Sisi sa iyo!" "Ace, si Sisi ay malamang na hindi pinalad sa loob ng walong buhay na ipanganak na muli bilang iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong saktan siya nang paulit-ulit nang ganito!" Walang maapuhap na salita si Ace na isagot kay Ashley. Hindi ito ang cup na ibibigay ni Ashley kay Drake para ipahayag ang pagmamahal niya dito, kundi isang regalo sa kaarawan niya na ginawa ni Sisi para sa kanya. At binasag na lang niya ito gamit ang sarili niyan
Bago makarating sa ceramic shop si Ace, nakita niya mula sa malayo si Drake na hawak-hawak si Ashley sa mga braso nito. Sumandal si Ashley kay Drake sa mga bisig nito nang walang anumang pagtanggi. Magkayakap silang dalawa sa kalsada na parang walang ibang tao sa paligid nila. Katulad ng ibang normal na mag-asawang nagmamahalan na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Halos katatapos lang itinanggi ni Ashley sa publiko kung ano nga ba ang relasyon nila sa harap ng maraming media outlet sa bahay ng pamilyang Mondragon, at pagkatapos ay tumalikod, umalis at ngayon ay niyakap nito si Drake. Ngunit kilalang-kilala ni Ace si Ashley. Si Ashley ay isang tao na may malakas na pakiramdam ng may hangganan pagdating sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa loob ng limang taon na nakasama niya ito, kahit na sabihing pinabayaan niya ito at hindi pinansin, hindi siya madalas bumalik sa El Cielo. Si Ashley ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang relasyon sa ibang lalaki at a
Naiwan sa ere ang kamay ni Drake na napatingin kay Ashley.Tahimik na binawi ang kamay niya na hindi napansin ni Ashley dahil nakatingin ito sa labas ng bintana.Binawi na din niya ang tingin mula kay Ashley at umayos ng upo.Habang si Ashley ay tahimik lamang na binalingan ang kanyang cellphone.Kinuha iyon mula sa kanyang bag. At halatang nagulat siya nang makita kung sino ang tumawag.Pagkaraan lamang ng ilang sandali, inayos at pinakalma niya ang sarili bago sinagot abg tawag."Yes, hello?""Lady boss." Ang tawag ay galing sa ceramic shop.Ang ceramic cup na ginawa ni Sisi sa tindahang iyon bago ito mamatay ay handa na.Tinanong siya kung kailan siya magkakaroon ng oras para kunin iyon."Kukunin ko ngayon din."Pagkatapos magsalita ni Ashley, ibinaba niya ang cellphone."Saan ka pupunta? Ihahatid na kita doon." Si Drake na nauna nang nagsalita bago pa man siya makapagsalita.Hindi nag atubili si Ashley at sinabi ng maayos kay Drake kung saan siya pupunta. Ibinigay niya dito ang ad
Kumilos si Axel at direktang hinila si Ashley, na minsan nitong hinamak, para iligtas sila sa sitwasyon. Hindi na nito tinanong ang kagustuhan ni Ashley. Sa opinyon ni Axel, ang aksyon ni Ashley ngayon ay para lamang mapromote sa katayuan. Sinundan ni Ashley si Ace sa loob ng limang taon nang walang anumang legal na katayuan. Hindi pa kasi nila kinikilala si Ashley at si Sisi na bahagi ng pamilyang Mondragon, ngunit ngayon ay pinili nilang kilalanin sa publiko si Belle at ang anak nitong babae. Sa isip ni Axel ay nagseselos si Ashley kaya sinadya niyang isiwalat na isa lamang bastarda si Vinice sa harap nila at maraming tao ng magsimula na ang piging. Sa ganitong paraan, hinding hindi papayagan ni Axel na papasukin si Belle at ang bastarda nito sa pamilyang Mondragon. Ang plano ni Ace na ianunsyo sa harap ng publiko si Belle at ang anak nito ay ginawa na, at lahat ng mga pangunahing pamilya at media ay naghihintay na lang sa kumpermasyon. At hindi hahayaan ni Axel na m
Sa pagsampal ni Axel kay Ace ay hindi agad ito nakakilos.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa semento.Kahit hindi na niya iyon hawakan ay malinaw sa kanyang mga mata ang nakasulat doon.Paternity test nila ni Vinice at nagresulta na hindi niya ito tunay na anak.Nandilim ang paningin niya. Tumingin kay Belle na nagtatanong ang mga mata.Habang si Belle ay mas nanginig pa sa takot sa nakitang reaksyon ni Ace."Walang kwenta kang babae. At sinasabi ko sayo, hindi ka kailanman mapapabilang sa aming pamilya." Si Axel na sa galit ay sinampal si Belle sa harap ng kanilang bisita.Habang si Ashley ay tahimik lamang, nakaarko ang mga labi na may ngiting tagumpay.Hindi na siya makikialam, sapat na iyon sa ngayon. Ang ipahiya si Ace sa lahat at makita ang pagbagsak ni Belle ng paunti unti."Ace..."Hindi umimik si Ace. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito."At ikaw." Galit na binalingan ni Axel si Vinice na naguguluhan sa mga nangyayari.Mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ni Vini
Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa
Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin
Galit na galit na tumayo si Ace nang makawi.Pilit na hinabol ang kamay ni Ashley para hindi tuluyang makalabas ng sasakyan ngunit naging mabilis si Drake na hilain si Ashley palabas.Mabilis siyang sumunod. Ngunit sa paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang kamao ni Drake.Napaatras siya.Umangat ang kamay, idiniin ang daliri sa labi, pinahid ang dugo sa kanyang labi.Nalasaan niya ang dugo, napadura siya.Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Drake.Ang lakas ng loob nitong makipag away sa kanya para lamang kay Ashley.Matagal na din na may alitan sila sa negosyo, kaya hindi niya gusto si Drake at lalo na ngayon, mas hindi niya nagustuhan ang ugali nito na hindi itinago ang pagkagusto nito kay Ashley."Ashley, halika ka dito." May pagbabanta na tawag niya kay Ashley na nasa likod ni Drake. Ngunit hindi siya nito pinansin kaya mas nag apoy ang galit niya.Kuyom ang palad, kung hindi niya ito makukuha sa mabuting usapan ay kukunin niya ito ng dahas sa mga kamay ni Drake, hindi