Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito.
Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito. Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya. Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mukha para iwasan ang marahas na paghalik sa kanya ni Ace. Sa kanyang pag iwas ay mas lalong naging agrisibo ang tingin ni Ace. Muling hinawakan sa mukha si Ashley, inipit ang baba at niyuko para halikan ulit. Napakaiksi lang ng pasensya ni Ace kaya madali siyang magalit. Sa cafeteria, ipinaramdam niya kay Belle na tila naagrabyado ito, kaya ba siya nito sinundan para ilabas ang galit nito sa kanya para sa kasintahan? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Ashley at nanlaban dito. Namumula ang kanyang mga mata sa galit at nanggagalaiting tiim ang kangyang mga ngipin na sinabi dito. “Ace, let me go, hindi ka karapatdapat.” “Huh!” kumislap ang mga mata ni Ace sa lamig saka ngumisi. Hindi karapatdapat? Babae siya nito. At kung gusto niya itong galawin ay gagalawin niya ito at wala itong karapatang tumanggi. “Ang pinakamamahal mong si Belle ay alam nang hiwalay na tayo. At kung malaman niyang gagalawin mo ako hindi ka ba mag aalalang malulungkot siya?” sabi niya para pukawin ang interest nito. Bahagyang natigilan si Ace pero hindi naman siya nito pinakawalan. “Ashley, bakit hindi mo naisip noon na malulungkot si Belle nang nilagyan mo nang droga ang inumin ko at nagpagalaw sa akin limang taon na ang nakakalipas?” Mas malamig pa sa yelong sabi ni Ace sa kanya. Ang marinig niya ulit ang nangyari limang taon na ang nakakalipas ay natahimik siya at nanikip ang dibdib. “Hindi kita drinoga.” malakas niyang sabi dito na handang makipagtalo. “Huh!” ngumisi si Ace. “Sa tingin mo ba maniniwala ako?” Hindi ito naniniwala sa kanya. At sa nakalipas na limang taon ay hindi siya nito pinaniwalaan. Hindi ito naniniwala sa kanya na hindi siya ang naglagay ng droga sa inumin nito at hindi din niya alam kung paano siyang nasa kwarto nito. Dahil nang gabing iyon ay may naglagay din ng droga sa inumin niya, nakaramdam siya ng paghilo pero hindi naman nawalan ng malay. Naisip niyang itulak ito at tumakbo palayo. Gayunpaman, ang makitang hindi komportable ang gwapo nitong mukha ay huli nagdalawang isip na siyang itulak ito at tinulungan niya itong lunasan ang pagkadroga nito. Natigilan siya ng maalala iyon at hindi agad nakaimik. “Anong gusto mong palabasin?” tanong ni Ashley sa malamig na tinig. Ngayon, wala na siyang balak itama ang mga nangyari noon. Sa nakaraan ay talagang minahal niya ito ng husto, lagi niyang inaalala ang hindi nila pagkakaunawaan at laging gustong itama ang sarili para hindi ito tuluyang lumayo. Ngunit ngayon, wala na siyang pakialam. Mas lumalim ang naging tingin sa kanya ni Ace. “Bago mong pakulo? Gustong iwasan ang katotohanan?” may panguuyam na sabi nito sa kanya. Nang mas naging maalinsangan ang hangin sa pagitan niya, tumunog ang cellphone nito. SI Belle ang tumatawag sa kabilang linya. Natatakot si Ashley kapag naririnig ang espesyal na tunog na iyon sa tawag ni Belle dahi sa tuwing naririnig niya iyon alam niyang hindi magdadalawang isip si Ace na iwan siya at ni Lesie. Sa puntong iyon ay nakahinga ng maluwang si Ashley dahil mahirap patigilin ito sa mga ganitong pagkakataon. Binitawan nito ang kamay niyang nakahawak sa kanya at kunuha ang cellphone nito sa bulsa saka iyon sinagot. “Ace…” Umalingawngaw ang tono nitong umiiyak sa loob ng sasakyan. Kumilos si Ashley para tuluyang makawala dito. At habang abala ang pansin nito na kausap si Belle ay tinuhod niya ito. “Ugh!” Napaigik si Ace sa sakit. At kinuha niya ang pagkakataong iyon para makawala ng tuluyan sa pagkakahawak nito. Mabilis siyang kumilos para tumakas. Binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. Hinigpitan ang hawak sa kanyang jacket at mabilis na bumalik sa sariling sasakyan. Sa sandaling nakasakay na siya sa sariling sasakyan at naisara iyon ay doon na siya nakahinga ng maluwag. Sa kabilang daku, sa loob ng sasakyan ni Ace. Sumandal ito sa upuan ay inilabas ang kaha ng sigarilyo at naglabas ng sigarilyo at sinindihan iyon. Nakasunod lang ang tingin niya kay Ashley. Ang imahe na nakapaibabaw siya dito ang tumutakbo sa isip niya. Ang magulo at mahabang kulot na buhok at ang makinis at maputi pa sa niyebeng kutis nito. Ang balingkinitan at malambot nitong katawan. Kaakit-akit at sadyang nakakaakit. Gumalaw ang adams apple niya sa paglunok. Muling nagdilim ang tingin niya ng mawala na ito sa paningin niya. Humihit siya saka din binuga ng dahan dahan. Sa kapal ng usok ng sigarilyo ay hindi na makita ang kanyang ekspresyon. Hanggang sa muling marinig si Belle sa kabilang linya. “Ace, anong nangyayari sayo?” “Hmmm, ano ba ang nangyari?” naging tugon ni Ace. Ang malalim at puno ng pagnanasang tinig na iyon ni Ace ay nanuot sa pandinig ni Belle lalo na ang pag ungol nito kanina na tila nasaktan. Natigilan ito. Hindi ito tanga. Pagkarinig nito iyon kay Ace ay alam nito kung nasaan ito at ano ang ginagawa. Sa cafeteria, nakaramdam siya ng lamig ng kausapin ni Ace ang assistant nito na samahan ito sa pag uwi. Gusto man nitong tumutol pero hindi naman nito maimulat ang mga mata sa pagpapanggap. Hindi niya matanto kung galit ba ito dahil inaapi siya ni Ashley o dahil sa pagpapasya niyang makipagkita kay Ashley. Ngunit hindi nito akalain na susundan nito si Ashley. Humigpit ang hawak ni Belle sa telepono sa nalamang kasama nito si Ashley. Pero hindi naman nito maipakita iyon sa harapan ni Ace. Pinalamyos ang tinig at tila nagmamakaawang sinabi dito. “Hindi kita nakita kaninang nagising ako, kaya ang akala ko ay galit ka sa akin.”. Ang hindi agad marinig ang sagot ni Ace at pakiramdam nito ay hindi ito naging masaya sa ginawa niya. Sanay ng magpakita ng kahinaan si Belle at kusa siyang humingi ng tawad. “Ace, alam kung hindi dapat ako nakipagkita kay Ashley ngayon, hindi ko naman sinasadya, naawa lang ako sa anak natin." Kagabi ay umalis ka kaagad ng makatulog ito. Nagising ito ng hating gabi at ng hindi ka makita sa tabi nito ay umiyak ito magdamag. Paulit ulit nitong tinatanon bakit daw hindi niya makasama ang papa niya gayong may ama naman siya. Tulad na lang nang nasa ibang bansa kami.” “Ace, kasama ako ni Vinvin sa lumipas na limang taon na nagdusa ng husto at ang daming hinaing. Naawa ako sa kanya kaya hindi na ako nakapag isip kaninang umaga…” “Hindi na nangyayari iyon… Ako na ang bahala sa inyo ni Vinice.” bumagal ang tinig ni Ace sa sinabing iyon. “Ace, sorry talaga. Hindi na mauulit pa. Alam ko namang ikaw ang nag aalaga sa lola mo. Maghihintay lamang ako. Sisikapin ko ding manalo sa kompitisyon para makuha ang pagkilala kay Uncle Aaron.” “Hmmm.” Tanging tugon ni Ace sa mahinang tinig. Naikuyom ni Belle ang palad nang hindi nito marinig ang inaasahan sanang maging tugon mula dito.Sa Saguday.Ang unang ginawa ni Ashley nang makabalik at makauwi sa kanyang bahay ay ang puntahan agad ang kanyang anak.Nasa silid lamang ni Ashley ang mga abo ni Sisi. Itinaas ang mga kamay at marahang hinaplos ang urn ng kanyang anak ng makalapit siya sa kinalalagyan nito, nasa tabi din nito ang isang larawan. Napatingin siya doon na puno ng pagmamahal.Napakabait ng kanyang anak, napakaamo ang mukha nito at talagang napakaganda.Ngunit hindi na niya ito makikita pa kailanman. Humapdi na naman ang kanyang mga mata at namula dahil namuo na naman doon ang mga luha.“Anak ko, gagawin ni mama ang lahat para sayo.” pangako niya dito sa nanginginig na tinig habang nakatitig sa larawan.
Napatigill sa paghakbang si Ashley.Marahas ang naging paglingon niya at malamig pa sa yelong napatingin kay Ace na karga si Vinice. Napaskil ang nanunuyang ngiti sa kanyang mga labi.“ Ace, simula ng maipanganak ko si Sisi hindi mo pa siya nagawang alagaan kahit minsan. At sasaabihin mo iyan ngayon sa akin?” patuyang sumbat niya dito.Hindi nakapagsalita si Ace sa sinabi niya.“Ashley, paano mo nasasabi iyan kay Ace. Hindi siya tulad mo na walang ginagawa sa bahay. Alam mong abala at marami siyang trabaho. At sasabihin mong pinapabayaan niya si Sisi? Intindihin mo na lang sana kaysa ang sisihin siya. Saka, alam mong mapagmahal si Ace sa mga bata, paano niya papabayaan si Sisi? Bakit hindi mo tignan muna ang sarili mo bago mo siya sisihin?”Pagsabad ni Belle na halatang gustong ipamukha sa kanya na tinuturuan niya ng masama si Sisi at sabihin kasuklaman si Ace.Matalas ang naging tingin na bumaling si Ashley kay Belle at sinabihan ito sa mapagbantang tinig. “Belle, sa tingin mo sino ka
Paano ba magsinungaling ang isang mabuting bata? Sino ang tinutukoy nito? Kahit minsan ay hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ni Sisi at lagi niya itong inaakusahan na napakasinungaling ng anak niya. Laging pinapagalitan dahil hindi daw ito nagsasabi ng totoo. At sa murang edad ay marunong na itong magsinungaling. “Huh!” Ang unang beses lang naman na nagsinungaling ang anak niya ay ang sabihin nito sa kanya na dumating ang papa nito sa kanilang usapan na siyang naging dahilan para tuluyan itong mawala sa kanya. Pero sa mga mata ni Ace ay sinungaling si Sisi. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace. “Ace, sinasabi mong bata si Vinice, at hindi nagsisinungaling ang mga bata? Hindi ba bata din si Sisi?” “Huwag mong ihalintulad si Vinice kay Sisi.” mga binitawang salita ni Ace na nakapagpatigil kay Ashley na mas lalong nanuot sa galit ang tingin niya dito. Sa paningin nito ay hindi maihahalintulad ang anak nito kay Belle sa anak niya. Tulad na
Sa nakitang iyon Tyron ay agad itong nakaramdam ng galit dahil alam nito kung gaano kamahal ni Ashley si Ace at malulungkot siya sa nakita. “Hayop na ‘to, hindi pa lumilipas ang pitong araw na pagkamatay ni Sisi ay lumalandi na sa kirida. Makikita niya at ipapamukha ko kung ano ang nararapat sa kanya.” Galit na galit na sabi ni Tyron na handa ng sugurin sina Ace at Belle. Mabilis namang pinigilan ni Ashley sa kamay si Tyron. Napatingin sa kanya si Tyron kaya siya napailing. Hindi din naman makakaya ni Tyron si Ace kaya ano pang silbi para sugurin ito. “Hindi pa ba tayo aalis? Akala ko ba pagsisilbihan mo ako?” pang iiba ni Ashley ng usapan at hindi binitawan si Tyron na pilit paring sugurin sina Ace. Alam ni Tyron kung paano siya naghirap sa piling nito na nagtiis sa pangmamaliit nito sa kanya. Nakita nito lahat iyon kung paano siya nagtiis na balang araw ay matugunan din ang pagmamahal niya kay Ace. “Ashley….” Gustong gustong pagsabihan ni Tyron si Ashley at ipamulat sa kanya a
Halos matumba si Ashley ng mabitawan siya ni Ace dahil sa paghila ni Tyron dito. At ang makitang walang laban si Tyron kay Ace ay payakap na pinigilan ni Ashley sa baywang si Ace para hindi ulit nito masaktan si Tyron. “Ace, tumigil ka na.” Bumaba ang tingin ni Ace at napatingin kay Ashley na nakayakap sa pagpigil. “Huwag mo akong pigilan.”Hindi gumalaw si Ashley para pakawalan si Ace. Mas nanggalaiti naman sa galit si Ace dahil sa pagproprotekta ni Ashley kay Tyron.Malakas na hinawakan ni Ace ang mga kamay ni Ashley para tanggalin ito sa pagkakapigil sa kanya sa baywang saka siya nito pasalyang itinabi.Nagliliyab sa galit na napatingin muli si Ace kay Tyron. At mabilis itong kumilos para sugurin ulit.Sa pagkakasipa naman ni Ace kay Tyron ay nakabawi na ito matapos sumadsad sa pinto kanina. Nagaapoy na din sa galit si Tyron na mas nadagdagan ang galit ng makita kung paano basta na lang itinapon si Ashley sa tabi na hindi na nabalanse ang katawan at tuluyang natumba sa sahig.
"Apologize!" mapagbantang tinig ni Ace kaya napapitlag si Ashley at napatingin na dito. "Sinabi mong hihingi ka tawad para makaalis ka, ano pang hinihintay mo?" mahina pero may diing tono na dagdag pa nito. Hindi niya sinagot si Ace at humarap na kay Belle na may lihim na ngisi sa mga labi. "Sorry." Hindi malakas pero sapat na iyon para marinig nilang lahat ang paghingi niya ng tawad. "Ashley, okay lang... Alam ko naman na... Hindi mo sinadya." Bago pa man matapos ni Belle ang mga sinasabi ay muling nagsalita si Ashley. "Belle, belle, belle. Paano ba napaso ang kamay mo? Alam mo kung paano? At tignan natin kung hanggang kailan ang pagpapanggap mo." Matapos niya iyong sabihin ay mabilis siyang tumalikod at umalis. "Ashley, anong klaseng paghingi ng tawad iyan? Anong ugali ang mayroon ka?" si Helen na marahas na pinigilan siya nito sa kamay. "Bakit? Ano bang ugali ang mayroon ako? Ano man iyon? Wala ka ng pakialam." Malakas na ipiniksi ni Ashley ang kamay na hawak ni Helen. Sim
Ang mga eksenang iyon ay nakapagpaalala kay Ashley sa nakaraan.Madalas siyang sumama noon sa kanyang ina na umampon sa kanya para sa pagtratrabaho nito sa pamilyang Mondragon. Gayunpaman kahit na isa lamang katulong ang kanyang ina ay itinuring siyang tunay na apo ng matandang Mondragon. Na mas pinapaboran pa siya nito kaysa sa apo nitong si Helen.Napakapayat niya noon dahil sa hindi magandang trato sa kanila sa ampunan. Ngunit sa paglipas lang ng ilang mga buwan ay nahubog na ng maganda ang kanyang kalusugan.Sa edad niya noong labing apat ay nasangkot siya sa isang aksedente. Isang tambay sa kanto ang nagtangka sa kanya ng masama dinala sa hindi mataong lugar ngunit isang lalaki ang bigla na lang sumulpot at tinulungan siya hinila sa tambay na humila sa kanya.Si Ace."Magtago ka doon."Mangiyak-iyak siyang napatingin siya kay Ace. Nanginginig ang katawan niya sa takot at halos hindi na makagalaw."Ano pang ginagawa mo?"Pa
Napakapit si Ashley sa leeg ni Ace ng maramdaman nito na para siyang mahuhulog ng humakbang ito.Bumabaliktad ang kanyang sikmura.Nagpatuloy sa paglalakad si Ace at hindi pinansin ang pagkalukot ng magandang mukha ni Ashley."Ugh!"Sumuka si Ashley. Agad na nagbago ang ekspreson ni Ace at natigil sa paglalakad."Ashey, anong..."Bago pa man matapos ni Ace ang pagsita kay Ashley ay sumigaw ito. "Wow!" At muling nagsuka ng paulit ulit.Nag apoy ang mga mata ni Ace dahil doon. Basta na lang itinapon ni Ace si Ashley sa kama na parang nagtatapon lang ng basura.Napadaing si Ashley sa pagkabalisa.Nakatayo lang si Ace sa paanan ng kama habang nakatingin kay Ashley. Sinukaan siya habang ito ay wala man lang bahid ng suka.Nagdilim ang mukha.Ang red wine ay maganda sa pang amoy pero hindi ang suka nito.Ang masangsang na amoy na nanuot sa kanyang pang amoy ay para siyang din siyang masusuka.Sa mga sandaling iyon ay gustong sakalin ni Ace si Ashley hanggang sa mamatay. Hindi siya makatiis
Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n
Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo
Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m
Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat
Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit
"Ahhhhh." Malakas na sigaw ng lalaki ng muli niyang ipalo ang hawak na bakal sa isa pa nitong kamay. Idiniin ang dulo sa bakal na hawak sa mga likod ng palad nito na nasa semento. "Hindi ko naman siya ginahasa. Sinampal ko lamang siya. Sinipa. At pinagsusintok." Muli ay sabi ng lalaki na mas ikinadilim pa ng mukha ni Ace. Nang makita iyon ng lalaki ay mas nanginig ito sa takot. Itinikom niya ang bibig dahil nang mapagtantong hindi dapat niya sinabi ang ginawa kay Ashley. "Sinabi mo na napakahalaga sa kanya ang kwentas na ito?" Tanong niya. Yumuko at pinulot ang kwentas. "Oo. Oo. Kahit na anong pilit kong agawin iyan ay ayaw niyang pakawalan. Ibubuwis niya ang buhay niya para sa kwentas na iyan." Sagot ng lalaki sa nanginginig paring boses. Hindi na sinabi ng lalaki ang mga sinabi ni Ashley tungkol sa kwentas na iyon dahil hindi naman ito naniniwala. Sino ang maniniwala na ang kwentas na iyon ay naglalaman ng mga abo bg anak nito? Hindi pa ito nakakarinig ng ganung kabaliwan na
Sa Tres Reyes, hindi mapakali si Ace habang nasa kwarto ni Belle.Kunot ang noo niyang nakatingin kay Belle na nakapikit ngunit halata niyang hindi parin ito nakakatulog.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binawi ang kamay na hawak nito."Ace." At tulad ng inaasahan niya ay nagmulat ito ng mga mata."Matulog ka na." Utos niya dito saka iniwas ang kamay niyang muli nitong hahawakan.Hindi mapakali ang mata nito sa malamig na pikikitungo niya dito ngunit hindi na iyon ang iniisip niya sa ngayon.Nang umalis siya kanina sa lugar kung saan niya iniwan si Ashley ay agad niyang tinawagan si Carlo na puntahan si Ashley.Kaya hindi na niya nakita kanina sa club si Carlo dahil alam niyang pinuntahan na nito si Ashley.At dapat may natanggap na siyang tawag mula kay Carlo pero hanggang ngayon ay wala parin.Kinapa niya ang cellphone sa bulsa. Doon niya napagtanto na wala sa kanya ang cellphone at naalala na nasa coat niya na naiwan sa kotse.Tumayo siya."Ace, huwag mo akong iiwan."S
Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n
"Puta ka, naghabanap ka ng away." Namumula na ang mga mata ng lalaki na sinunggaban si Ashley. Nakahandusay na sa lupa si Ashley, ngunit ng makitang muli siyang susugurin ng lalaki ay naiyakap niya ng mahigpit ang mga kamay sa sarili para itago doon ang kwentas ni Sisi. "Akin na iyan. Ilabas mo." Malakas na pinaghiwalay ng lalaki ang mga kamay niya ngunit hindi inaasahan ng lalaki na magkakaroon ng lakas si Ashley na halos hindi nito matinag ang pagkakayakap mismo sa sarili niya. Mas nagalit ang lalaki. "Akala mo ba ay hindi kita kayang gawan ng masama, mas naghahanap ka ng ikakasira ng buhay mo." Banta ng lalaki pero nakabaluktot lang siya at hindi niya ito hinyaang magtagumpay. Muli siyang pinagsisipa ng lalaki. Hindi niya alintana ang sakit na pisikal na pinaparanas ngayon sa kanya ng lalaki. Para sa kanya ay walang ibang mas sasakit sa pagkawala ng kanyang anak. Kung paano siya hindi makakain at hindi makatulog sa gabi simula ng mamatay ito. Doon niya naranasan an