Ang mga salita nito ay walang katapusang kasinungalingan.
At lalong walang kabuluhan, ang mga damit sa shopping bag. Kompletong damit ng panlalaki ngunit ang panloob ay halata na sinadya na ilagay sa itaas. Malinaw na ang ipinapahiwatig ni Belle kay Ashley. Kagabi, nagpalipas ng gabi si Ace sa kanyang lugar. Ilang sigundo ding napatingin si Ashley sa mga damit lalo na sa panloob saka niya iyon inilayo at bumaling kay Belle. Nakita niyang sinadya nitong hawiin ang buhok, at ipakita ang mga iba’t-ibang marka sa leeg nito. Sino man ang makakita ay alam niyang marka iyon ng halik. Magkatabing natulog sina Ace at Belle kagabi. Hindi nito nakuha ang gusto sa kanya kaya ibinaling nito iyon kay Belle. Bukod doon, sadyang pinagsawa ang sarili. Parang may tumurak sa puso ni Ashley. Halatang gusto siyang inggitin ni Belle. Ang muling maisip ang kanyang anak sa malamig na bangkay nito ay mas malamig pa ang tinging ipinukol ni Ashley dito. Dahan dahan siyang tumayo, tumingin kay Belle na puno ng pagkukunwari at sarkastikong sinabi, “Total damit naman iyan ni Ace, bakit hindi mo na lang deretsang ibigay iyan sa kanya, miss Pagbilao. Hindi ako nandito para pumulot ng basura.” Natigilan si Belle dahil hindi nito inaasahan ang mga sinabi niya. At bago pa ito makabawi ay nakaramdam ito na may tao sa kanyang likuran. Lumingon si Belle. Si Ace ang nasa likuran nito at siya naman ay nakaramdam na kung anong lamig na bumalot sa kanyang katawan. “Ace, bakit ka nandito?” Agad na tumayo si Bele at lumapit kay Ace at tumabi dito. Hindi sumagot si Ace dito. Nakatingin lamang ito kay Ashley. Napakalamig ng tingin nito, nanunuot sa lamig. Damang dama ang galit sa titig nito na nakatutok kay Ashley. Hindi naman maitago ang ngisi sa mga labi ni Belle na napasulyap kay Ashley na may pagmamalaki sa kislap ng mga mata nito. Marahang humawak ito sa manggas ng damit ni Ace at mahinhing sinabi: “Ace, huwag kang magalit, hindi naman ako inaapi ngayon.” Nakasanayan na ni Ashley ang eksina sa harapan niya kaya hindi na iyon bago para sa kanya. Hindi na nagtatanong kung anong dahilan at walang pasubaling pinapaburan lang si Belle. Lagi namang nangunguna si Belle sa puso ni Ace at pinakaimportanteng tao para dito. Hinanap niya ito ng maraming taon. At walong taon na ang nakakalipas ng magpakita ito na may dalang token, at tuluyan itong naging kasintahan ni Ace. Simula noon, si Belle na lang ang tangi nitong nakikita. At siya bilang tuso, mapanlinlang at panira sa pagmamahalan nilang dalawa. Para sirain ang relasyon at gagawin ang lahat para mapaghiwalay sila at saktan si Belle. Sa nakaraan, nalulungkot na siya sa tuwing laging pinapaburan ni Ace si Belle at paulit ulit lang siya nitong binabaliwala. Pero ngayon… Wala na siyang pakialam. At si Ace, hindi na niya ito kailangan. Kaya niya tinawagan si Ace. Gusto niyang linawin na ang lahat ng tungkol sa kanila. Na tigilan na siya at huwag ng guluhin ang buhay niya. “Belle, si Ace at ako ay wala na. Hiwalay na kami. At kung ano man ang mga bagay na maiwan niya sayo, sayo na. At kung tutuusin, ang magandang lugar para sa mga basura ay sa basurahan.” Matapos niya iyong sabihin ay hindi na siya nagtagal pa. Naglakad na siya paalis. Hindi na niya binigyan ng pagkakatong makabawi si Ace. Pero bago pa man niya malagpasan ang mga ito nahawakan na siya ni Ace sa kanyang pulsuhan. Nandilim ang paningin ni Ashley at pilit na kumakawala dito. Ngunit sa pagpupumiglas niya ay mas lalong humihigpit ang pagkakahawak ni Ace sa kanya. Na sa higpit ng hawak nito ay parang madudurog ang mga boto niya. Nanuot ang sakit sa kamay niya. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace at malamig ang boses na sinabi: “Ace, bitawan mo ako. Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Belle na hindi ko siya inapi?” Nagbingi-bingihan si Ace na tila walang narinig. Sa malamig na titig, hinila siya ni Ace palabas. Hindi na din nagpumiglas si Ashley at nagpatangay na lang kay Ace. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay tahimik lang siyang nagbibilang. “Isa.” “Dalawa.” Bago siya makabilang ng tatlo ay narinig nila ang mahinang pagtawag ni Belle sa kanilang likuran. “Ace….” na tila nanghihina. Kasunod ang tunog ng pagkalabog. At si Belle na mahinhin at mahina ay nahimatay. Natigilan sa paglalakad si Ace. At walang pagdadalawang isip na binitawan siya. Lumingon at mabilis na nilapitan si Belle na nakabulagta na sa sahig. “Belle…” Hindi na kinailangan ni Ashley ang lumingon pa para makita kung paano mag alala si Ace dito. Kakaiba sa malamig na pagtrato sa kanya ng mahimatay siya kahapon. Nakatayo lang si Ashley na nayuko ang kamay at napatingin doon kung saan nag iwan ng pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ni Ace. Tumaas ang sulok ng kanyang labi na may ngiti ng panguuyam. Hindi na ito ang unang pagkakataon na mas pinili ni Ace si Belle para iwan siya. Pero ito ang huli at hindi na mauulit pa. ..... Matapos makaalis ng Cafeteria si Ashley, dumeretso siya ng mall para bumili ng lapis at papel. Naisip niyang lumahok sa kompitasyon ng pagdidisenyo ng mga alahas ngayong taon. Sa linggong ito ay abala siya sa paghahanap ng magandang sementeryong paglalagakan para kay Lesie. At malaking halaga ang magagamit niya kung personal na lupa ang bibilhin. At wala siyang malaking halaga. Sa nakalipas na limang taon ay binibigyan naman siya ni Ace ng buwanang gastusin. Hindi naman siya magastos kaya nakakaipon siya sa bawat buwan. Pero nagkasakit si Lesie. At hindi naniniwala si Ace na talagang may sakit si Lesie. Ang ipagamot si Lesie ay mabilis na naubos ang kanyang ipon. Ang tanging magagawa na lang niya ay ang humingi kay Ace, pero sa tuwing mababanggit niya ang tungkol sa sakit ni Lesie ay bababaan lang siya ni Ace ng telepono. O di kaya naman ay tatalikuran siya nito at hindi bibigyan ng pagkakataong makapagsalita ulit. Para lang makakuha ng pera ay kailangan niyang magsinungaling dahilan para mapasama sila ni Lesie sa paningin nito. Pero ngayon ay hindi siya hihingi kay Ace para sa pambili niya ng lupa sa simenteryo. Ayaw na niyang mabahiran ito ng tulong galing kay Ace. Gusto niyang magkapera sa sarili niyang paraan para mabilihan si Lesie. Ang isipin kung paano kumita ng malaking halaga sa lalong madaling panahon ay nakipagkita siya kay Propesor Castillo. Si Propesor ay propesor niya sa kolehiyo at isa ito sa hahatol sa naturang kompitasyon. Limang taon na ng hinangaan ni Propesor Castillo ang kanyang galing sa pagdidisenyo. Nang nasa kolehiyo pa lang siya at nag aaral ay lagi nitong iginigiit na makilahok siya sa mga kompitasyon, na kapag sumali siya ay siguradong siya ang mangunguna. Lubos na nasisiyahan si Propesor Castillo sa kanyang mga gawang disenyo sa mga panahong may libreng oras siya sa bahay ng ilang mga taon at hinihikayat siya nitong sumali sa kompitasyon at isali ang mga disenyo niya. Nahikayat siya. Hindi lang sa hilig niya sa pagdidisenyo ng mga alahas. Kundi, ang perang mapapanalunan niya ay sapat na para sa anak niya. ..... Mabilis na nakabili si Ashley, pasakay ng elevator dala ang pinamili niya na nasa paper bag hanggang sa unang palapag sa parking area. May mabilis na sasakyan ang tumigil sa harap niya. Bumukas ang pinto sa likuran at may matatag na mga kamay ang humila sa kanya. Nahawakan sa pulsuhan. “Ahhh.” Nanlaki ang mga mata ni Ashley, at dahil sa gulat ay nais niyang sumigaw at humingi ng tulong. Ngunit nawalan siya ng pagkakataon dahil malakas siyang hinila at pakaladkad pasakay ng kotse. At kasunod ng malakas na pagsara ng pinto. Napakabilis ng pangyayari at idiniin sa likuran ng upuan si Ashley. Sa labis na pagkataranta ay mahigpit na hinawakan ang paper bag at ipinalo iyon sa lalaki. Itinaas ng lalaki ang kamay at marahas na inipit ang panga niya at agrisibong hinalikan.Minahal ni Ashley si Ace ng sampung taon kaya pamilyar sa kanya ang amoy nito. Sa sandaling hinalikan siya nito ay nakilala niya agad ito. Nawala ang pagkagulat at takot niya. Tanging ang kalamigan lang ang natira sa naging tingin niya. Nagyeyelo ang naging tingin ni Ashley dito. Nililihis ang mukha para iwasan ang marahas na paghalik sa kanya ni Ace. Sa kanyang pag iwas ay mas lalong naging agrisibo ang tingin ni Ace. Muling hinawakan sa mukha si Ashley, inipit ang baba at niyuko para halikan ulit. Napakaiksi lang ng pasensya ni Ace kaya madali siyang magalit. Sa cafeteria, ipinaramdam niya kay Belle na tila naagrabyado ito, kaya ba siya nito sinundan para ilabas ang galit nito sa kanya para sa kasintahan? Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Ashley at nanlaban dito. Namumula ang kanyang mga mata sa galit at nanggagalaiting tiim ang kangyang mga ngipin na sinabi dito. “Ace, let me go, hindi ka karapatdapat.” “Huh!” kumislap ang mga mata ni Ace sa lamig saka ngumisi. Hindi ka
Sa Saguday.Ang unang ginawa ni Ashley nang makabalik at makauwi sa kanyang bahay ay ang puntahan agad ang kanyang anak.Nasa silid lamang ni Ashley ang mga abo ni Sisi. Itinaas ang mga kamay at marahang hinaplos ang urn ng kanyang anak ng makalapit siya sa kinalalagyan nito, nasa tabi din nito ang isang larawan. Napatingin siya doon na puno ng pagmamahal.Napakabait ng kanyang anak, napakaamo ang mukha nito at talagang napakaganda.Ngunit hindi na niya ito makikita pa kailanman. Humapdi na naman ang kanyang mga mata at namula dahil namuo na naman doon ang mga luha.“Anak ko, gagawin ni mama ang lahat para sayo.” pangako niya dito sa nanginginig na tinig habang nakatitig sa larawan.
Napatigill sa paghakbang si Ashley.Marahas ang naging paglingon niya at malamig pa sa yelong napatingin kay Ace na karga si Vinice. Napaskil ang nanunuyang ngiti sa kanyang mga labi.“ Ace, simula ng maipanganak ko si Sisi hindi mo pa siya nagawang alagaan kahit minsan. At sasaabihin mo iyan ngayon sa akin?” patuyang sumbat niya dito.Hindi nakapagsalita si Ace sa sinabi niya.“Ashley, paano mo nasasabi iyan kay Ace. Hindi siya tulad mo na walang ginagawa sa bahay. Alam mong abala at marami siyang trabaho. At sasabihin mong pinapabayaan niya si Sisi? Intindihin mo na lang sana kaysa ang sisihin siya. Saka, alam mong mapagmahal si Ace sa mga bata, paano niya papabayaan si Sisi? Bakit hindi mo tignan muna ang sarili mo bago mo siya sisihin?”Pagsabad ni Belle na halatang gustong ipamukha sa kanya na tinuturuan niya ng masama si Sisi at sabihin kasuklaman si Ace.Matalas ang naging tingin na bumaling si Ashley kay Belle at sinabihan ito sa mapagbantang tinig. “Belle, sa tingin mo sino ka
Paano ba magsinungaling ang isang mabuting bata? Sino ang tinutukoy nito? Kahit minsan ay hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ni Sisi at lagi niya itong inaakusahan na napakasinungaling ng anak niya. Laging pinapagalitan dahil hindi daw ito nagsasabi ng totoo. At sa murang edad ay marunong na itong magsinungaling. “Huh!” Ang unang beses lang naman na nagsinungaling ang anak niya ay ang sabihin nito sa kanya na dumating ang papa nito sa kanilang usapan na siyang naging dahilan para tuluyan itong mawala sa kanya. Pero sa mga mata ni Ace ay sinungaling si Sisi. Namumula sa galit ang mga mata ni Ashley na tumingin kay Ace. “Ace, sinasabi mong bata si Vinice, at hindi nagsisinungaling ang mga bata? Hindi ba bata din si Sisi?” “Huwag mong ihalintulad si Vinice kay Sisi.” mga binitawang salita ni Ace na nakapagpatigil kay Ashley na mas lalong nanuot sa galit ang tingin niya dito. Sa paningin nito ay hindi maihahalintulad ang anak nito kay Belle sa anak niya. Tulad na
Sa nakitang iyon Tyron ay agad itong nakaramdam ng galit dahil alam nito kung gaano kamahal ni Ashley si Ace at malulungkot siya sa nakita. “Hayop na ‘to, hindi pa lumilipas ang pitong araw na pagkamatay ni Sisi ay lumalandi na sa kirida. Makikita niya at ipapamukha ko kung ano ang nararapat sa kanya.” Galit na galit na sabi ni Tyron na handa ng sugurin sina Ace at Belle. Mabilis namang pinigilan ni Ashley sa kamay si Tyron. Napatingin sa kanya si Tyron kaya siya napailing. Hindi din naman makakaya ni Tyron si Ace kaya ano pang silbi para sugurin ito. “Hindi pa ba tayo aalis? Akala ko ba pagsisilbihan mo ako?” pang iiba ni Ashley ng usapan at hindi binitawan si Tyron na pilit paring sugurin sina Ace. Alam ni Tyron kung paano siya naghirap sa piling nito na nagtiis sa pangmamaliit nito sa kanya. Nakita nito lahat iyon kung paano siya nagtiis na balang araw ay matugunan din ang pagmamahal niya kay Ace. “Ashley….” Gustong gustong pagsabihan ni Tyron si Ashley at ipamulat sa kanya a
Halos matumba si Ashley ng mabitawan siya ni Ace dahil sa paghila ni Tyron dito. At ang makitang walang laban si Tyron kay Ace ay payakap na pinigilan ni Ashley sa baywang si Ace para hindi ulit nito masaktan si Tyron. “Ace, tumigil ka na.” Bumaba ang tingin ni Ace at napatingin kay Ashley na nakayakap sa pagpigil. “Huwag mo akong pigilan.”Hindi gumalaw si Ashley para pakawalan si Ace. Mas nanggalaiti naman sa galit si Ace dahil sa pagproprotekta ni Ashley kay Tyron.Malakas na hinawakan ni Ace ang mga kamay ni Ashley para tanggalin ito sa pagkakapigil sa kanya sa baywang saka siya nito pasalyang itinabi.Nagliliyab sa galit na napatingin muli si Ace kay Tyron. At mabilis itong kumilos para sugurin ulit.Sa pagkakasipa naman ni Ace kay Tyron ay nakabawi na ito matapos sumadsad sa pinto kanina. Nagaapoy na din sa galit si Tyron na mas nadagdagan ang galit ng makita kung paano basta na lang itinapon si Ashley sa tabi na hindi na nabalanse ang katawan at tuluyang natumba sa sahig.
"Apologize!" mapagbantang tinig ni Ace kaya napapitlag si Ashley at napatingin na dito. "Sinabi mong hihingi ka tawad para makaalis ka, ano pang hinihintay mo?" mahina pero may diing tono na dagdag pa nito. Hindi niya sinagot si Ace at humarap na kay Belle na may lihim na ngisi sa mga labi. "Sorry." Hindi malakas pero sapat na iyon para marinig nilang lahat ang paghingi niya ng tawad. "Ashley, okay lang... Alam ko naman na... Hindi mo sinadya." Bago pa man matapos ni Belle ang mga sinasabi ay muling nagsalita si Ashley. "Belle, belle, belle. Paano ba napaso ang kamay mo? Alam mo kung paano? At tignan natin kung hanggang kailan ang pagpapanggap mo." Matapos niya iyong sabihin ay mabilis siyang tumalikod at umalis. "Ashley, anong klaseng paghingi ng tawad iyan? Anong ugali ang mayroon ka?" si Helen na marahas na pinigilan siya nito sa kamay. "Bakit? Ano bang ugali ang mayroon ako? Ano man iyon? Wala ka ng pakialam." Malakas na ipiniksi ni Ashley ang kamay na hawak ni Helen. Sim
Ang mga eksenang iyon ay nakapagpaalala kay Ashley sa nakaraan.Madalas siyang sumama noon sa kanyang ina na umampon sa kanya para sa pagtratrabaho nito sa pamilyang Mondragon. Gayunpaman kahit na isa lamang katulong ang kanyang ina ay itinuring siyang tunay na apo ng matandang Mondragon. Na mas pinapaboran pa siya nito kaysa sa apo nitong si Helen.Napakapayat niya noon dahil sa hindi magandang trato sa kanila sa ampunan. Ngunit sa paglipas lang ng ilang mga buwan ay nahubog na ng maganda ang kanyang kalusugan.Sa edad niya noong labing apat ay nasangkot siya sa isang aksedente. Isang tambay sa kanto ang nagtangka sa kanya ng masama dinala sa hindi mataong lugar ngunit isang lalaki ang bigla na lang sumulpot at tinulungan siya hinila sa tambay na humila sa kanya.Si Ace."Magtago ka doon."Mangiyak-iyak siyang napatingin siya kay Ace. Nanginginig ang katawan niya sa takot at halos hindi na makagalaw."Ano pang ginagawa mo?"Pa
"Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan naman ang mga kamay ni Drake sa ere, itinaas niya ang kanyang mga mata at nag- aalalang tumingin kay Ashley. Sa pagtingin ni Drake kay Ashley na mukhang hindi maganda, ang kailangan nito ngayon ay isang magandang pahinga. Alam ni Drake ang personalidad ni Ace at hindi nito hahayaang umalis si Ashley kasama niya. Dahil sa gusot na kinakaharap nito ay hindi makapag pahinga ng maayos si Ashley. Binawi ni Drake ang kanyang kamay at hinayaan si Ace na hawakan si Ashley at umalis para makapag pahinga na muna ito. Hindi na muna siya makikialam kahit na gustong gusto niyang bawiin si Ashley sa mga kamay ni Ace. Isinakay na ni Ace si Ashley sa sasakyan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan paa
Tumingin si Ashley kay Ace, puno ng hinanakit. Para saan pa ang mga katanungang iyon ni Ace? Itinaas ni Ashley ang kanyang kamay at tinulak ng malakas si Ace, itinulak niya ito palayo, itinuro ang mga piraso ng tasa sa lupa. "Ano ang sinabi niya? Sinabi niya na iyan ay ginawa ni Sisi sa loob ng dalawang buwan para lamang iregalo sayo. Narinig mo ba yun?” Nanginginig ang boses sa galit si Ashley habang sinasabi iyon kay Ace. "And you smashed it with your own hands! Bilang isang ama, muli mong niyurakan ang pagmamahal ni Sisi sa iyo!" "Ace, si Sisi ay malamang na hindi pinalad sa loob ng walong buhay na ipanganak na muli bilang iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong saktan siya nang paulit-ulit nang ganito!" Walang maapuhap na salita si Ace na isagot kay Ashley. Hindi ito ang cup na ibibigay ni Ashley kay Drake para ipahayag ang pagmamahal niya dito, kundi isang regalo sa kaarawan niya na ginawa ni Sisi para sa kanya. At binasag na lang niya ito gamit ang sarili niyan
Bago makarating sa ceramic shop si Ace, nakita niya mula sa malayo si Drake na hawak-hawak si Ashley sa mga braso nito. Sumandal si Ashley kay Drake sa mga bisig nito nang walang anumang pagtanggi. Magkayakap silang dalawa sa kalsada na parang walang ibang tao sa paligid nila. Katulad ng ibang normal na mag-asawang nagmamahalan na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Halos katatapos lang itinanggi ni Ashley sa publiko kung ano nga ba ang relasyon nila sa harap ng maraming media outlet sa bahay ng pamilyang Mondragon, at pagkatapos ay tumalikod, umalis at ngayon ay niyakap nito si Drake. Ngunit kilalang-kilala ni Ace si Ashley. Si Ashley ay isang tao na may malakas na pakiramdam ng may hangganan pagdating sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa loob ng limang taon na nakasama niya ito, kahit na sabihing pinabayaan niya ito at hindi pinansin, hindi siya madalas bumalik sa El Cielo. Si Ashley ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang relasyon sa ibang lalaki at a
Naiwan sa ere ang kamay ni Drake na napatingin kay Ashley.Tahimik na binawi ang kamay niya na hindi napansin ni Ashley dahil nakatingin ito sa labas ng bintana.Binawi na din niya ang tingin mula kay Ashley at umayos ng upo.Habang si Ashley ay tahimik lamang na binalingan ang kanyang cellphone.Kinuha iyon mula sa kanyang bag. At halatang nagulat siya nang makita kung sino ang tumawag.Pagkaraan lamang ng ilang sandali, inayos at pinakalma niya ang sarili bago sinagot abg tawag."Yes, hello?""Lady boss." Ang tawag ay galing sa ceramic shop.Ang ceramic cup na ginawa ni Sisi sa tindahang iyon bago ito mamatay ay handa na.Tinanong siya kung kailan siya magkakaroon ng oras para kunin iyon."Kukunin ko ngayon din."Pagkatapos magsalita ni Ashley, ibinaba niya ang cellphone."Saan ka pupunta? Ihahatid na kita doon." Si Drake na nauna nang nagsalita bago pa man siya makapagsalita.Hindi nag atubili si Ashley at sinabi ng maayos kay Drake kung saan siya pupunta. Ibinigay niya dito ang ad
Kumilos si Axel at direktang hinila si Ashley, na minsan nitong hinamak, para iligtas sila sa sitwasyon. Hindi na nito tinanong ang kagustuhan ni Ashley. Sa opinyon ni Axel, ang aksyon ni Ashley ngayon ay para lamang mapromote sa katayuan. Sinundan ni Ashley si Ace sa loob ng limang taon nang walang anumang legal na katayuan. Hindi pa kasi nila kinikilala si Ashley at si Sisi na bahagi ng pamilyang Mondragon, ngunit ngayon ay pinili nilang kilalanin sa publiko si Belle at ang anak nitong babae. Sa isip ni Axel ay nagseselos si Ashley kaya sinadya niyang isiwalat na isa lamang bastarda si Vinice sa harap nila at maraming tao ng magsimula na ang piging. Sa ganitong paraan, hinding hindi papayagan ni Axel na papasukin si Belle at ang bastarda nito sa pamilyang Mondragon. Ang plano ni Ace na ianunsyo sa harap ng publiko si Belle at ang anak nito ay ginawa na, at lahat ng mga pangunahing pamilya at media ay naghihintay na lang sa kumpermasyon. At hindi hahayaan ni Axel na m
Sa pagsampal ni Axel kay Ace ay hindi agad ito nakakilos.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa semento.Kahit hindi na niya iyon hawakan ay malinaw sa kanyang mga mata ang nakasulat doon.Paternity test nila ni Vinice at nagresulta na hindi niya ito tunay na anak.Nandilim ang paningin niya. Tumingin kay Belle na nagtatanong ang mga mata.Habang si Belle ay mas nanginig pa sa takot sa nakitang reaksyon ni Ace."Walang kwenta kang babae. At sinasabi ko sayo, hindi ka kailanman mapapabilang sa aming pamilya." Si Axel na sa galit ay sinampal si Belle sa harap ng kanilang bisita.Habang si Ashley ay tahimik lamang, nakaarko ang mga labi na may ngiting tagumpay.Hindi na siya makikialam, sapat na iyon sa ngayon. Ang ipahiya si Ace sa lahat at makita ang pagbagsak ni Belle ng paunti unti."Ace..."Hindi umimik si Ace. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito."At ikaw." Galit na binalingan ni Axel si Vinice na naguguluhan sa mga nangyayari.Mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ni Vini
Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa
Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin
Galit na galit na tumayo si Ace nang makawi.Pilit na hinabol ang kamay ni Ashley para hindi tuluyang makalabas ng sasakyan ngunit naging mabilis si Drake na hilain si Ashley palabas.Mabilis siyang sumunod. Ngunit sa paglabas niya ay sumalubong sa kanya ang kamao ni Drake.Napaatras siya.Umangat ang kamay, idiniin ang daliri sa labi, pinahid ang dugo sa kanyang labi.Nalasaan niya ang dugo, napadura siya.Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin kay Drake.Ang lakas ng loob nitong makipag away sa kanya para lamang kay Ashley.Matagal na din na may alitan sila sa negosyo, kaya hindi niya gusto si Drake at lalo na ngayon, mas hindi niya nagustuhan ang ugali nito na hindi itinago ang pagkagusto nito kay Ashley."Ashley, halika ka dito." May pagbabanta na tawag niya kay Ashley na nasa likod ni Drake. Ngunit hindi siya nito pinansin kaya mas nag apoy ang galit niya.Kuyom ang palad, kung hindi niya ito makukuha sa mabuting usapan ay kukunin niya ito ng dahas sa mga kamay ni Drake, hindi