MATTHEWNAKATANGGAP si Matthew ng isang invitation card mula sa kompanyang DG Clothing. Magpapadaos raw kasi ito ng isang malaking selebrasyon pagkatapus na maging success ang kanilang brand. At ang maging isa sa mga napipiling ikinokonsiderang international brand. At pasok din ang kanilang mga ginawang disenyo na isusuot ng mga modelo at irarampa sa international runway sa Dubai.These news came out after na magiging success ang photoshoot na ginanap mismo sa nabili niyang resort sa Boracay. Ang pinatayuan niya ng beach house ay doon rin nagaganap ang halos limang araw na photoshoot ng modelong kaibigan na si Therese.And these past few days, lagi niya rin nakakasama at nakakausap ang kaibigan lalo na at palagi siyang nandoon sa tuwing gaganapin ang photoshoot nito. Sinisiguro niya kasing maigi na maayos ang kinalalabsan ng lahat at maiiwasan ang anumang sirkumstansiya o problema na maaring mkaka disturbo sa project na ito.At ito na rin mismo ang nagbigay sa kanya ng invitation card
MATTHEWNAGISING SI MATTHEW sa sobrang sakit ng ulo. Napahawak siya rito habang nilinga ang paligid. Hindi pamilyar sa kanya ang kuwarto na 'yon. Saan ba ako? tanong niya na bahagyang napakislot dahil para siyang nahihilo. Naalala niya kagabi, hindi naman siya masyadong nalasing at kung bakit siya napunta sa kuwartong ito. Marahan siyang bumangon. Napamulagat ang kanyang mga mata nang makitang may babaeng nakahiga sa kamang kanyang hinigaan. Napabalikwas siya agad ng bangon at tiningnan kung sinong ang babaeng iyon pero nakatalikod ito sa kanya, kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pilit niyang inaalala ang mga pangyayari kagabi. Pero kahit anong pilit niya ay wala talaga siyang maalala na may kasama siyang babae na pumasok sa kuwartong ito. Ang mas lalo niyang ikinagulat nang napagtantong tanging boxer lang ang suot niya. Nilingon niya ang babae at katulad niya ay wala rin itong saplot. Bigla nawala ang sakit ng ulo niya sa sobrang pagkabahala. Paano nangyarin may kasama siyang
BUMALIK SI Matthew sa beach house. Sa exclusive room niya. Masakit pa rin ang ulo niya kaya dumaan siya sa pharmacy kanina upang bumili ng gamot na paracetamol. Pagdating sa kanyang kuwarto ay dumeretso siya agad sa banyo at nilinis ang sarili. Masakit pa rin ang ulo niya sa kaiisip sa mga nangyayari. Hinding- hindi niya matatanggap na maaring may nangyari sa kanila ni Therese. Pero ang makitang wala silang saplot pareho ay ang mas ikinababahala niya. Wala pa rin siyang matatandaang eksena na isinama niya ang kaibigan sa isa sa mga room ng hotel na 'yon at mas lalong wala siyang matatandaan na kumuha siya ng isang kuwarto ng hotel. Pero paanong napunta siya roon. Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip sa mga nangyayari. Hindi niya maatim sa sarili na magawa niyang magkasala sa relasyon nila ni Mia. No! hindi maaring malalaman ito ng kasintahan. Siguradong masasaktan ito kapag malaman nito ang mga nagawa niya. Kahit man sabihin na hindi niya ito sinasadya pero nangyari pa rin. Ngayon
MIABRAGGG!! Gulat na napahawak sa sariling dibdib si Mia nang biglang mabitawan ang basong hawak niya. Dumadagundong ang tunog sa kanyang dibdib sa matinding kaba. Hindi niya alam bakit siya biglang kinabahan. Naisip niya agad ang ina at mga kapatid. Nandito kasi siya ngayon sa opisina. Dito siya natutulog ngayon dahil sa dami ng kanyang gagawin kaya naisipan niyang mag oovertime. Kaya nong kumuha siya ng tubig dahil nauuhaw siya ay bigla na lang nabitawan niya ang baso kaya ito nabasag. Nagmamadaling kinuha niya ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag at tumawag sa numero nila sa bahay. Nakailang ring lang at may sumagot na dito."H-hello!" tila inaantok pa na sagot ni Myra. "H-hello Myra, kumusta kayo diyan? si Nanay nasaan ba? Si bunso Mickey nandiyan ba?" sunud- sunod ang kanyang katanungan sa kapatid."Ate Mia? Bakit kayo napatawag eh mag aals dose na ng gabi, hindi ka pa ba natutulog?" sagot nito. "Basta sagutin mo muna ang tanong ko, okay lang ba kayo diyan? Wala bang n
NASA MAY TERASA ang mag inang si Nanay Maria at si Mia ngayon. Magkaharap ang dalawa at masinsinang nag-uusap. Kinabahan naman si Mia sa kung anu ang sasabihin ng ina sa kanya. Dahil minsan lamang itong magrerequest ng ganitong klaseng usapin. Parang ang seryoso ng Nanay niya ngayon. Hindi man lang nito magawang ngumiti sa kanya. At para bang may lungkot na nabanaag sa mukha nito. May problema kaya si Nanay? tanong ni Mia sa kanyang isipan. "Nay, Anu nga pala ang pag- uusapan natin ngayon?" pagbubukas niya rito ng usapan. Dahil batid niyang napakatahimik ng ina."Mia, Anak, huwag ka sanang mabibigla o magtataka sa mga itatanong at sasabihin ko sayo ngayon?" panimula nito.Bigla tuloy siyang na-curious. "Bakit ho 'Nay, Ano pala ang itatanong mo?"Napabuntung- hininga muna ito bago nagsalita."Kumusta kayo ni Matthew? kumusta ang relasyon ninyong dalawa?" tanong ng ina. Nagtataka naman siya kung bakit naitanong nito ang tungkol sa relasyon nila ni Matthew. Hindi naman nakakabigla yon
SAMPUNG ARAW mula sa pag- alis ni Matthew papuntang Boracay. At tatlong araw na rin ang lumipas ay wala pa ring balita si Mia tungkol sa nobyo. Hindi niya na nakakausap pa ang binata, kaya ay labis- labis ang kanyang pagkabahala kung ano nga ba ang nangyayari kay Matthew. Hindi niya ito makontak, palaging naka- off ang phone nito. Gusto niya sanang puntahan si Merna sa mansiyon ng mga Delos Reyes ngunit siya ay nangangamba na baka hindi niya mapigilan ang sarili na masabi pa niya kay Donya Lina ang biglang pagkawala ni Matthew. Oo, ikinonsidera niya ito na nawala dahil wala na siyang balita tungkol dito. Ni hindi man lang ito makontak. Ilang gabi rin siyang walang tulog, dahil sa sobrang pag- aalala sa isiping baka mayroong nangyayaring masama rito. Naisipan niya ring tawagan na lang si Merna ngunit lagi rinh off ang phone nito. Naintindihan niya naman kung bakit laging patay ang phone ni Merna. Dahil baka iniiwasan nito na kokontakin pa ito ng dating nobyong si Rafael. Pero sana nag
PAG- ALIS NI Rafael naiwan silang dalawa ni Merna sa loob ng opisina nito. Nagkatinginan sila na parehong laman sa isip ang mga pinagsasabi ng dati nitong nobyo. "Naniniwala ka ba sa mga pinagsasabi niya, Mia?" maya maya tanong ni Merna. "Hindi ko alam, Merna kung dapat ko ba siyang paniwalaan. Baka gumagawa lang iyon ng kuwento upang tayo ay magkakagulo." "Tama ka Mia baka dinamay lang tayo sa ka mesirablehan niya sa buhay. Siya nga pala maraming salamat at pumunta ka rito ha? Kung hindi mo ko inabutan baka anu na ang nangyayari sa akin kanina. Parang halos di ko na kilala ang dating Rafael kanina parang nag iiba ang kanyang pagkatao." "Tama ka, iba na rin ang tingin ko sa ex mo. Ang laki ng ipinagbago nito nang makita ko siya kanina. Ano kayang nangyari sa buhay niya pagkatapus mo siyang hiniwalayan?" "Ewan ko, mula nang pangyayaring iyon ay iniwasan ko ng makakatanggap ng balita tungkol sa kanya. Masyadong matindi ang sugat na iniwan niya sa puso ko kaya kahit pagmumukha niya
"LOLA LINA! KUMUSTA ho kayo?" salubong ni Mia kay Lola Lina at yumakap rito. Niyakap rin siya ng matanda na kitang kita ang tuwa sa mukha nito."Hija, Mia. Kumusta ka , apo? Bakit ngayon ka pa lang ulit bumisita dito?" sabi agad na may himig ng pagtatampo.Niyayakap niyang muli ito. "Pasensiya na Lola, ngayon pa lang ako bumisita sayo, alam mo na madami akong tambak na trabaho sa opisina at wala pa akong assistant Lola. Kaya palagi akong abala sa paghabol ng schedule ko araw- araw. Saka na siguro ako na medyo makapagrelax kapag gumradweyt na si Myrah. At nang may katuwang na ako sa pagpapatakbo sa maliit naming negosyo," aniya. "Ano bang maliit na negosyong sinasabi mo, hindi mo na nga halos magagampanan ang lahat?" Ngumingiti lamang siya rito bilang tugon. Tama naman ang matanda hindi na maituturing na maliit ang negosyo niya dahil hindi na nga niya ito kayang pamamahalaan lahat. Nangangailangan na siya ng dagdag na namang mga tauhan na makakatulong lalo na ngayon na may nalalaman