BOLCT-3
MARINELWALA sa katinuan akong napatango. Diyos ko po! Totoo ba talaga 'to?"Gaga!" sabi bigla ni Veronica sa akin sabay batok."Ano ba!" angal ko."Aba! Kilala kita. Sa malayo pa lang ako, 'yang utak mo lipad hanggang planetang yekok! Tapos 'yang habbit mo nang pagtakip ng mukha at pagpadyak ng paa e may ginawa kang katangahan ano o kaya naman kinikilig ka?!" mahabang litanya niya.Best friend ko nga talaga siya."Mamaya ko na kuwe-kuwento sa 'yo. Bakit ka ba nandito?" pag-iiba ko nang usapan."Ito 'yong lunch mo," sagot niya sabay abot sa akin ng paper bag."Ang bait!" puri ko pa."Gaga! May bayad 'yan! Oh... My... Gee! Diyan ka na! I've spotted hot Papa!" bigla niyang sabi at kumaripas na nang lakad.Ang landi talaga! Tsk! Magkatabi lang kasi 'tong university na pinapasukan ko at ang ospital na pinagtatrabahuan ni Veronica. Kaya nga anytime ay puwede niya akong dalawin dito sa school."Hey? Are you okay?" untag sa akin bigla ng adones na 'to."Adones! Ay! Ha? Ah? Oo naman," nauutal kong sagot."Here."Inabot niya sa akin 'yong coke in can at chicken sandwich. Ay ang bait niya!"Salamat," naiilang ko pang sabi."You are welcome. Next time, mag-iingat ka na, okay? I am not there to catch you again," nakangiti niyang sabi. Heaven!"Sorry pala kanina," nahihiya ko pang sabi at 'di makatingin ng diretso sa kanya."Oh? So rude I am. By the way, I'm Enzo... Calvin Enzo Villaraza. And you are?" pakilala niya habang inilalahad ang kanang kamay sa akin. Nahihiya naman akong inabot iyon at nakipagkamay."Marinel.... Marinel Gomez Magtalas," sagot ko."Nice name," aniya pa at nginitian ako ulit. Lord naman! Ito na ba 'yong grasya? Ang sarap naman papakin!Bigla naman akong tinawag ng pinsan kong si ate Moana. Nitong nakaraang buwan ko lang nalaman kay nanay Carmen na may kamag-anak pa pala ako at 'yon nga, sila ate Moana. Okay naman ang pakikitungo nila sa akin kaya ayos na rin. At least may kakilala akong kamag-anak. Kapatid ng Daddy ni ate Moana ang nanay ko."Nel!" Kumaway ako.Papalapit si ate sa puwesto ko at parang nagbago ang aura niya nang makita si Enzo. Napagawi rin ako ng tingin kay Enzo. Malungkot ang mga mata niya. Magkakilala ba silang dalawa?"Nel! Tara sa klase," yaya ni ate Moana sa akin."Po? Mamaya pa klase ko, ate. Sabay kami ni Enzo," sagot ko.Napakunot-noo naman si ate Moana."Ganoon ba? Sige, una na ako," aniya tapos umalis na.Ni hindi man lang niya tinapunan ng kahit konting tingin si Enzo. Nang tuluyan nang makalayo si ate Moana sa amin ay agad kong binalingan si Enzo. Malungkot ang aura niya."Ayos ka lang ba?" untag ko rito.Hindi niya ako sinagot, bagkus ay tanong din ang ibinalik niya."Kaano-ano mo siya?""Ah? Pinsan ko si ate Moana," sagot ko.Tumayo naman siya bigla."I have to go. See you tomorrow Marinel," he said.Wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang. Sa itsura niya, mukhang may kung anong bagay ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Hindi ko lang matantsa kung ano iyon.Napamasid ako sa hawak kong pagkain na bigay niya. Ang gentleman niya at mukhang mabait pa. Sinalo niya rin lahat ng kaguwapuhan na blessings ni Lord. Walang pa ano't pa'y sinimulan ko na lang kainin 'yong bigay niya. Sayang din naman kasi, ang mahal kaya nito. Can't afford ko pa man din ang mga pagkain sa canteen kaya nga nagbabaon ako lagi ng snack ko at pantanghalian. Kibit-balikat akong napasulyap sa relo kong mumurahin. Libre kaya 'tong pa-raffle sa supermarket noong isang linggo at saktong ako ang nanalo."Patay! Late na naman ako!" naisambit ko at nagkukumahog na tumakbo papunta ng classroom.Saktong pagkaabot ko ay kung minamalas ka nga naman, nakasalubong ko pa ang professor namin."Ms. Magtalas, late ka na naman ulit," puna niya pa habang nakasulyap sa relo niya sa kaliwang braso.Napatungo ako ng wala sa oras para humingi ng dispensa."May tinatapos lang po Prof," sagot ko."Ayos lang, kung ikaw ba naman ay laging late at ikukumpara sa grades mo aba'y ayos lang," nakangiti niya pang sabi at umuna nang pumasok sa laboratory.Napangiwi na lamang ako. Oo, aaminin ko, medyo matalino raw ako, 'yon ang sabi nila. Ngek, halos dumugo nga ilong ko sa kaka-aral e. Sa santong tsambahan siguro kaya malalaki 'yong marka ko.Pumasok na ako sa loob at inilapag ang mga gamit ko sa maliit na mesang naka-assign sa amin. May kumalabit naman sa akin bigla kaya pahapyaw akong napabaling din ng tingin sa gilid ko. Siya 'yong kaibigan ni Enzo kanina na aksidenteng nakabangga sa akin."Have you seen Enzo?" Napatango ako."Sabi niya see you tomorrow daw," sagot ko naman.Sumama naman bigla 'yong aura niya. Guwapo sana, suplado naman!"What the hell are you doing!? Have you forgotten that we're having an exam today!" biglaang pagtaas ng boses ni....Sino nga ba siya ulit? Oh tama! Andy... Mukhang kausap niya si Enzo sa kabilang linya. Bigla namang may tumapik sa balikat ko. Gulat at tulala akong napatingin sa kanya."Loko ka dude! Mababaog ako sa kakasermon sa 'yo." Narinig ko pang litanya ni Andy sa likuran ko."Hey Nel? Are you okay?" Ang guwapo niya talaga kapag nakangiti! Diyos ko po! Mapipigtasan ako ng strap nito e!"Nel?" untag niya ulit sa akin."Huh? Ah oo!" natataranta ko pang sagot at agad na napabuklat sa libro ko. Ang gaga! Bakit ba ako natataranta kapag nandiyan siya."Kindly pass the test books to your seatmates. I'll leave you guys and come back later. I hope you guys still remembered your past lesson last year. This is just a review but it still can reflect to your grades today. So see you later," mahabang paliwanag ng professor namin.Napabuklat ako agad sa test booklet. Madali lang naman pala. Parts of the human body and uses and how it goes lang naman. May mga given words din na kailangan ng definition. Sinimulan ko nang sagutan lahat hanggang sa nangalahati na ako nang bigla naman akong kalabitin ni Andy. Nagtataka akong napalingon sa kanya. Ngumuso naman siya at para bang itinuturo niya si Enzo na nasa tabi ko lang. Pahapyaw kong binalingan si Enzo. Busy ito sa kalalaro ng lapis niya at wala man lang ni isang sagot ang makikita sa test book niya. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Napasulyap ako sa relo ko. Malapit nang matapos ang oras namin. Agad kong tinapos na sagutan ang test book ko at pasimpleng hinablot 'yong test book ni Enzo saka ipinalit muna 'yong akin. Gulat naman siyang napatingin sa akin pero nginitian ko lang siya. Sinimulan ko nang sagutan lahat hanggang sa matapos ko ito. Sakto namang tumunog 'yong bell at pinagkukuha na rin 'yong test books namin."Why did you do that?" tanong sa akin ni Enzo."Kasi kahit naman pumasok ka pa, wala rin namang pumapasok sa utak mo," sagot ko at kinuha na ang mga gamit ko."Just say thank you dude," ani pa ni Andy."Thanks," alanganin niya pang sabi sa akin.Tumango lang ako at nagmadali nang umalis. May pasok pa kasi ako sa coffee shoppe.BOLCT- 4CALVIN ENZO"NEL!" I called but she was too far now."She's gone dude." Andy tap my shoulder. Napahilot na lang ako sa sintido ko."You really owed her. Patay ka talaga sa parents mo kapag bumagsak ka bro," Andy said."Dapat 'di niya ginawa 'yon. It is really my fault," sagot ko."And to tell you something, pinsan niya si Ms. World. What a coincedence nga naman.""I know. Magkasama kami ni Nel kanina no'ng tinawag siya ni Moana," sagot ko. We sat down on the empty bench."I have a nice idea since you really need this. Humingi ka kaya ng tulong sa kanya para magkabalikan kayo ni Ms. World," Andy suggested. Napakunot-noo ako."Is it going to be work?" I hesitately said."Why don't you give it a try dude? But? One more thing, labas na ako riyan kung ano man ang mangyayari. Ilang beses na kitang pinayuhan to stop this craziness of yours pero dahil sa matalik kitang kaibigan e susuportahan kita. One thing for sure, it is really up to you," mahaba niyang litanya.Napasimangot na la
BOLCT-5MARINELILANG oras na biyahe ay nakaraos din ako sa sobrang tensyon. Pinagpapawisan ako, pati na singit ko dahil sa sobrang kaba! Foots spa! Nakakailang kaya sa part ko itong ganito. Kung tutuusin ay pareho kaming estranghero sa isa't isa kaya nagkakahiyaan pa. O talagang ako lang ang nahihiya sa aming dalawa. Sa isang fancy hotel naman niya ako dinala. Para akong tuod na 'di man lang magkamayaw sa pagkapa ng mga nangyayari."Hurry up, Nel," lingon sa akin ni Enzo."Ha?"Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinawakan na lamang ulit ang kamay ko at agad na pumasok sa elevator. Hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng puso ko. Hotel? Elevator? Anong susunod? Kuwarto!? Oh hindi!Bumukas naman ang elevator at bumungad sa akin ang isang fancy restaurant. Tanga Nel! Kung ano iniisip mo! At first time kong makatuntong sa ganito ka garang hotel at makakain sa mahal na restaurant."You look pale," puna pa sa akin ni Enzo.Umiling-iling ako. Ikaw kaya dalhin dito na walang pasabi. Malamang mamu
BOLCT-6CALVIN ENZO"TOL! Alis na ako," paalam sa akin ni Andy."Don't forget the flowers everyday," pahabol ko pa. Andy saluted at me."Syempre naman," nakangisi niya pang sagot at tuluyan nang lumabas ng condo ko. Tumunog naman bigla iyong phone ko. And as I've seen, it was Marinel."Veronica! Pambihira naman oh! Umuwi ka na nga! Na-in love ka lang, ayaw mo nang umuwi! Iyong upa sa bahay! Bakit dinala mo kasi 'yong pera! Pambihira naman oh! Napalayas ako ng wala sa oras! Umuwi ka na!" text niya.I frowned and immediately grab my car keys at lumabas ng condo ko. Ni hindi ko na naisipang magpalit ng damit. I just don't know why I am doing this, the fact that we don't really have this 'connections' pero she needs my help.MARINELPARA akong tangang napapatitig sa phone ko. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. Nagkalat din sa paanan ko ang nabitawan kong mga gamit. Pati nga kaluluwa ko lumabas din. Nanlulumo akong napaupo at napatakip ng mukha at napapadyak sa sobrang katangahang naga
BOLCT-7MARINELMATAPOS ang ilang minuto ay natapos rin ako. Bigla namang lumitaw si Veronica sa harapan ko at para na itong maiiyak sa isang tapik lang."Huwag mo akong artehan diyan," iritado ko pang sabi. Naiinis ako e!"Wa! Nel, sorry na. Alam ko, mali ako."Inirapan ko lang siya at itinuon ang atensiyon ko sa paglalagay ng babaonin ko. Napahikbi naman siya."Nel... Sorry na..." Napapadyak akong humarap sa kanya."Sampung beses mo nang ginagawa 'to at ito ang unang beses na hindi ako nakatulog sa labas habang pinagpapantasyahan ng mga lamok," panimula ko."Kailan ka ba magtitino?" dagdag ko."Sa makalawa?" nakangiwi niya pang sagot."Ugh! Kung 'di lang kita kaibigan malamang sinabunutan na kita e! Iyong bayad sa upa, ibayad mo sa kuryente at tubig. Pagkatapos 'yong natira, ibili mo ng grocery natin tapos 'yong natira pa, ibayad mo kay Aling Lukring," bilin ko habang itinitirintas ang buhok ko."Huh? E? Malaki ang babayarin natin kay Aling Lukring 'di ba?" takang tanong niya."Bina
BOLCT-8 CALVIN ENZO"BUSY sa kakaayos a!" biglaang bungad sa akin ni Andy.Isinuot ko na 'yong t-shirt ko."May lakad kami," sagot ko habang panay na inaayos ang pagkakabit ng sintas ng rubber shoes ko."Astig! Si Ms. Universe ba?" nakangisi niya pang tanong sa akin. Napakunot-noo ako."Not her, it's Moana," pagtatama ko.Napanguso naman siya at umupo sa kama ko."What's with that face?" I asked."Hmm? Sa iyo wala, sa akin apektado ako tol! Nanghihinayang ako sa mga bulaklak na ipinapadala mo sa kanya. Tinatapon niya lang e," aniya.Napapailing naman akong napaupo sa tabi niya at ginulo ang buhok niya."I can't give up on her, now that Marinel is trying to help me. At least, I should give it a try," sagot ko."Nothing to worry about me. I can surpass this," paninigurado ko."Tol naman e! Have a happy life, not like this." Sinuntok ko ng mahina ang balikat niya."Haha! Yuck! Alright, I get it. I'll be fine," natatawa kong sagot na lamang.Tumayo na ako at marahan siyang tinapik sa bal
BOLCT-9CALVIN ENZONAKALUMBABA si Andy nang maabutan ko ito sa unit ko. Umupo ako sa harap niya."Kumusta ang lakad?" tanong niya."So far not so good," sagot ko at napahilot sa sintido ko."Sabi na e! Iyong bahay ko, kulang na lang maging garden sa kasasauli ng mga bulaklak na pinapadala mo," nakanguso niya pang balita sa akin."Pasensya ka na Andy," sagot ko.Napatayo naman siya at agad na napatakbo sa kusina at bumalik din naman agad. Namumutla pa siyang lumapit sa akin at agad na hinawakan ang ulo ko saka nilagyan ng tissue ang ilong ko. Inigaw ko 'yong tissue."Fuck!" mura ko ng mahina."Huwag ka nga magpagod tol! Nag-aalala ako sa 'yo e.""Yeah. I'm okay." Napatayo ako at dumiretso sa lababo at naghilamos para maalis 'yong dugo sa ilong ko."Tol baka…""Sa init ng panahon 'to Andy. Stop thinking those things," singit ko agad dahilan para maputol ang kung ano mang sasabihin niya."Okay. Order lang ako ng dinner natin," paalam ni Andy sa akin.I just nod at pinunasan ang mukha ko
BOLCT-10MARINELILANG minuto lang din ay dumating na ang professor namin. Pinag-aabutan niya lang kami ng mga libro saka bumalik sa harapan namin."Okay guys, I need you to study what is written in that text books because tomorrow we are going to have a dry run for how to save patients who drowns in seas or swimming pools. Even not in the water area. It was just an examples anyway. By the way, kung sino man ang nasa likuran niyo, which is the second row. They will be your partners and each pair of you are going to demonstrate it. So practice the CPR now," paliwanag pa ng professor namin.Natigilan ako sa narinig kong CPR. No way? Si Enzo ang nasa likuran ko. Napatakip ako ng mukha at napapadyak. Puwede ba mag-excuse sa dry run na 'to."Nel?" untag sa akin ni Enzo."Ano?" medyo wala sa mood kong sagot sa kanya nang lingunin ko ito."Let's practice the CPR," nakangisi niya pang sabi sa akin."Ha-ha-ha! Mag-practice ka mag-isa," inis kong sagot.Diyos ko naman! Ang birhen kong mga labi.
BOLCT-11CALVIN ENZOPABAGSAK akong nahiga sa kama. Hindi ko dapat sinabi 'yon kay Nel. Dahil lang 'yon sa galit ko kanina. Alam kong mali na umasa pa ako sa date na 'to pero gusto ko lang namang subukan. Moana told me earlier that she can't come but I insisted to wait. Napahugot ako ng malalim na hininga. Mabilis akong napatayo at nag-ayos na. Umuwi ako sa condo ko para makapagpahinga na. Bukas ko na lang kakausapin si Nel. I need to say sorry and I should stop loving Moana from now on. Marinel is right. I should stop loving her even if it's hard to forget but I will try my best.MAAGA akong nagising at nag-ayos. Maaabutan ko pa si Nel ngayon. Kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan siya. Nakailang dial din muna ako bago niya ito tuluyang sinagot."Nel?" panimula ko.Narinig ko siyang napatikhim muna bago sumagot."Morning, napatawag ka?" Umupo ako sa edge ng kama ko."Puwede ba kitang sunduin?" pagpapaalam ko."Sige," tipid na sagot nito."See you later, Nel," masayang paalam ko at ib
EPILOGUEMARINELNAPAMULAT ako agad nang maramdaman kong wala na si Enzo sa tabi ko. Pasado alas-dos na ng madaling araw nang tumingin ako sa relo ko. Nakalimutan naming kumain ng hapunan. Ang haba rin nang naitulog ko. Siguro ay dahil sa matinding pagod sa kaiiyak mula pa kahapon. Bumaba ako sa kama at hinanap si Enzo sa buong kuwarto pero wala siya dito. Lumabas ako ng kuwarto at laking gulat ko na may nagkalat na kandila sa may paanan ko."Enzo..." tawag ko sa kanya.Napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Sinundan ko ang mga kandilang nakahilera at natagpuan ko ang aking sarili sa isang maliit na cottage. Napangiti ako sa nakita ko. Isang dinner o breakfast date ba itong matatawag. May dalawang bonfire rin sa paligid ng cottage. Ang cute ng setting niya. Kinuha ko ang puting rose at inamoy pa ito."Nel?" Napalingon ako sa likuran ko."Enzo, 'di ba bawal sa 'yo ang magpagod," sabi ko pa at lumapit sa kanya."Akala ko mamaya ka pa gigising," nakangiti nitong ani.Hin
BOLCT-24CALVIN ENZOBUWESIT na buhay naman 'to! Kanina pa ako mura nang mura habang naglalakad palabas ng campus. I don't want to argue with Nel nor make her angry."Babe!" tawag sa akin ni Moana. She cling her arms on me when she reached me."Let go!" Inalis ko iyong kamay niya."Nagawa mo na ba?" I clenched my jaw and gritted my teeth."Ano ba talaga ang alam mo tungkol sa akin!?" Mahigpit ko siyang hinawakan sa kaliwang braso niya.She threatened me to leave Nel like she knows my illness. For god's sake! I am not yet ready to tell Nel about the truth! I am so scared to see her miserable. And now I am so confused!"Enzo nasasaktan ako!" Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak ko sa braso niya."Now what!?" She started to cry so I loosen up."Fine! Wala akong alam! Gusto ko lang naman maging akin ka ulit! Gusto ko na bumalik ka sa akin! Please Enzo, ako na lang ulit. Ako na lang, please!?" Mas lalo akong nagalit sa ginawa niya."That's bulls shit!" inis kong wika rito at tinaliku
BOLCT-23CALVIN ENZOHERE we are at the park where me and Nel played skateboard last time when we tried to... You know, when I tried to be an idiot. Nah! Kalimutan na natin iyon. Me and Moana are definitely done even if she always tries to bug me."Enzo!" tawag ni Nel sa akin habang nakasakay sa skateboard.Kumaway lang ako sa kanya. Bawal na bawal na akong magpagod pero ipinapakita ko sa kanya na maayos ako. Kinabahan ako ng husto kahapon dahil nasakto pa na siya ang kasama ko. Natatakot akong malaman niya ang totoo. Guilt is killing me. Making her believe that I am definitely fine is like a dagger that buried inside of my chest. My illness is killing me slowly. Minsan, sinisisi ko ang Diyos kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Kung bakit ako pa ang nagkaroon nito. Kung bakit kailangang may maiwan ako. Kung bakit napakasakit pa rin sa akin kahit na matagal ko ng tanggap ito. Maybe it's time for me to settle things now."Ayaw mo?" bungad sa akin ni Nel nang mahinto ito sa harapan k
BOLCT-22CALVIN ENZOGOD! Muntik na ako kanina lang. I'm glad na nakayanan ko pang itago iyon. I am so much nervous that maybe Nel might noticed it. Mabuti na lang at hindi na niya pa ako inusisa. Hindi kakayanin ng kunsensiya ko sa oras na malaman niya ang totoo. Masasaktan ko lang ang babaeng pinakamamahal ko at ayaw ko iyong mangyari. Gagawin ko ang lahat maitago ko lang ito sa kanya."Enzo..." pukaw sa akin ni Nel habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Pumaling ako sa kanya at muling napatingin sa daan."Hmm?" She intertwined her left hand to my right hand."Mahal na mahal kita." My heart melts by her magic words."I do love you very much Nel," I responsed."Enzo, may gusto lang sana akong hilingin sa 'yo.""Name it Nel," sagot ko."No more lying and keeping secrets. Alam ko, wala akong karapatan para sabihin ito pero…""I am cool with it," kampante kong sagot.Even if inside of me was tearing apart. How will I promise that sweety. How will I?"Talaga? I mean, okay sa 'yo?" Napat
BOLCT-21CALVIN ENZOKANINA ko pa pinagmamasdan ang bawat kilos niya. I am so mesmerized by the way she moved. The way her cheeks turns to red when she's shy. Kahit buong araw ko pa siya titigan, hinding-hindi ako magsasawa. Maling-mali ako na pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Imbes na iwasang masaktan ko siya, mas pinalala ko pa. But I want to make myself happy. I want to see her happy. I want to spend my time together with her. I don’t want to waste my precious time to her and earn more memorable things together with her."Enzo, paano kapag nagka-cancer? Kailangan ba mag-undergo agad ng chemo?" Natigilan ako sa tanong nito."Just read their following statements Nel. It's still depends on the doctor," sagot ko at muling napatingin sa hawak kong libro.That thing hits me bulls eye. Sinulyapan kong muli si Nel. Busy pa rin ito sa kare-review."Nel, gusto mong mag-meryenda?" alok ko."Ikaw bahala," aniya. Panakaw ko siyang hinalikan sa pisngi nito at agad na tumayo.She look sh
BOLCT-20MARINELNAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kuwartong okupado ko."Nel! Lumabas ka riyan!" Napakunot-noo ako dahil sa narinig ko.Ano na naman kaya ang problema nitong magaling kong pinsan! Lumapit ako agad sa pinto para buksan ito."Ano–"Napahawak ako agad sa pisngi ko dahil sa sampal na natanggap ko mula sa kanya."Malandi ka!" paratang nito sa akin."Hindi ako malandi!" matapang na sagot ko."Talaga lang huh!? Sinira mo ang pag-asang maging kami ulit! Anong klaseng pinsan ka!" Para yatang sasabog na ako dahil sa mga paratang niya."Ako pa ngayon ang mali? Sino ba ang nagsinungaling sa atin? Sino ba ang palaging tumutulak sa kanya palayo! Sino ba ang pinagmukha siyang tanga at pinaasa! Hindi ba't ikaw lahat ang may gawa niyon. Kaya huwag mo akong sumbatan na parang ikaw na lang ang palaging tama. Hindi lang sa 'yo umiikot ang mundo!" buwelta ko.Akma na naman niya sana akong sasampalin pero nasalag ko iyon."Huwag mo akong piliting patulan ka dahil
BOLCT-19MARINELNAGTAWANAN kami ni Nica sa mga old memories namin. Naki-join din kasi si Andy sa kakulitan naming dalawa. Ngunit kahit anong gawin kong pagtawa at pag-ngiti, nando'n pa rin 'yong sakit. Muntik ko na nga ang yakapin si Enzo kanina nang malaman kong may nangyari sa kanya. Ang tanga ko lang!"Nel, mag-usap tayo," biglang sulpot ni Enzo sa harapan namin."Nako Nel, may iniutos pa samin si Doc. Arellano!" sabi bigla ni Veronica sabay kaladkad kay Andy."Oy! Bakit pati ako?" angal pa ni Andy.Kinutusan na lang siya ni Nica at tuluyan nang lumayo sa amin. Mabilis naman akong hinila ni Enzo pasakay ng kotse. Nasaktan ako sa ginawa niyang paghawak sa braso ko pero hindi ako umimik. Tahimik naming binagtas ang daan. Kinakabahan ako sa kanya."Nel, ano bang ginawa mo? Bakit nagawa mo 'yon?" pagpipigil ng pagtataas ng boses nito."Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ko pang tanong. Pinalo niya 'yong manibela ng malakas kaya mas lalo akong nagulat at nagtaka."Will you please te
BOLCT-18MARINELTATLONG ORAS na akong nakatanga at nakatingin lang sa kisame. Halos wala na rin akong mailuha na. Ganito pala ang pakiramdam kapag unang beses mong ma-in love sa isang tao. Iyong tipong nasasaktan ka ng todo dahil lang sa may nararamdaman ka sa taong 'yon. Ang masaklap pa, may mahal itong iba. Akala ko puro saya ang isang pagmamahal, 'yon pala kapag natuto ka na, diyan na magsisimula ang kalbaryo mo."Nel..." Narinig kong tawag ni Nica sa akin sa labas ng aming kuwarto."Pasok..." namamaos kong sagot. Maluha-luha ang mga mata nito at niyakap ako agad."Kumusta na pakiramdam mo?" tanong nito."Parang pinapatay. Gusto ko nang mag-move on," sagot ko pa. Bigla niya naman akong binatukan."Move on-move on ka riyan! Paano ka mag-mo-move forward kong hindi naman kayo." Napatawa ako sa sinabi niya. Tama rin nga naman. Iyon ang masakit dahil nga walang 'kami'. Napasandal ako sa headboard ng kama."Nica, ayaw ko ng ganito. Iyong pakiramdam na ganito," sabi ko pa."Alam mo, Ne
BOLCT-17MARINELKANINA ko pa gustong maluha pero pinipigilan ko lang. Kitang-kita ko ang paghawak ng kamay ng pinsan ko kay Enzo kanina. At para bang ang saya nilang dalawa. Mas lalo akong nangamba. Paano kung sila na? Paano kung nagkaayos na nga silang dalawa? Napahugot ako ng malalim na hininga. Pansin kong kanina pa rin nagpipigil ang dalawang 'to sa galit at hindi ko alam kung bakit."Nakakabuwesit! Diyos ko naman!" litanya ni Veronica."This is ridiculous!" sabi rin naman ni Andy."Andy may– " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumungad si Enzo sa harapan namin. Natahimik naman bigla si Nica at Andy."Can I talk to you, Nel?" aniya. Napatayo ako."Oo naman, may sasabihin din ako," sagot ko.Gusto ko nang magtapat sa kanya bago pa mahuli ang lahat. Nauna akong naglakad at tumigil sa may harap ng isang kubo. Malayo ng konti sa mga tao."Enzo gusto ko sana–" Napatigil ako dahil bigla niya akong niyakap."Nel, thank you for doing that to me and I really owed you a lo