BOLCT-12MARINELHETO kami ngayon sa klase, gumagawa ng activity. Simula kanina pa ay walang imik si Enzo matapos ang practice namin kanina sa pool. Kahit na si Andy ay tahimik din."Sorry nga pala," pukaw ko sa matinding katahimikan."You are doing great, Nel. There's nothing to apologize," sagot niya."Oo nga naman, Nel. Perfect routine naman 'yong ginawa niyo kanina," segunda pa ni Andy at umupo sa tabi ko."Nag-away ba kayo para pag-initan ka niya?" pang-uusisa pa ni Andy."Hindi naman," pagsisinungaling ko."Quit asking Andy," sita pa ni Enzo kaya pareho kaming napatikom na lang ng bibig ni Andy. Pasimple ko siyang sinusulyapan. May problema kaya siya? Napabuntong-hininga na lang ako at itinuon na ang atensyon ko sa activity namin.MATAPOS ang klase namin, nagpaalam na ako ng maaga kina Andy at Enzo dahil may pasok pa ako sa trabaho ko. Pagkarating ko sa coffee shoppe, diretso na ako agad na nagpalit ng uniform ko."Kabuwesit talaga 'yang mga epal!" pagpaparinig na naman ni Aira
BOLCT-13MARINELPAKIRAMDAM ko ay parang huling araw ko na rito sa mundong ito. Ang akala ko talaga kanina ay katapusan ko na. Ang bilis ng mga pangyayari kanina. Ang naalala ko lang ay nakatayo ako sa may gilid ng pool para sana mag-practice pero laking gulat ko nang may tumulak sa akin bigla. Nasakto pang tumama 'yong kaliwa kong paa sa rod ng swimming pool no'ng mahulog ako dahilan para mawalan ako sa focus ko at malunod. Ni hindi ko rin nakita kung sino man ang maaring tumulak sa akin. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Enzo na nakatungo sa hinihigaan kong hospital bed habang hawak nito ang kaliwa kong kamay. Dahan-dahan kong iginalaw ang kaliwa kong kamay dahilan para mapakislot si Enzo at napabaling ng tingin sa akin."Hey? How are you feeling?" masuyo pa nitong hinaplos ang kamay ko."Okay na. Salamat ha," nangingilid ang mga luha kong pasasalamat sa kanya."Kahit sino naman sa kalagayan mo, talagang tutulong ako." Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala sa akin at
BOLCT-14MARINELPARA akong nakuryente sa hindi sinasadyang paghaplos ng palad ni Enzo sa likuran ko. Tinulungan niya kasi akong isukbit ang aking seat belt. Naiilang man pero pinilit kong maging kalmado."Dinala mo ba lahat ng gamit mo?" tanong pa nito sa akin at bahagyang ngumiti."Oo," nag-aalangan ko pang sagot."Good to hear that," sagot din naman nito.Panandalian din kaming natahimik.Hindi pa man kami nakakalayo sa apartment na inuupahan ko ay huminto na lamang bigla ang kotse. Pareho kaming dalawa ni Enzo na napatingin kay Andy."Anong problema?" tanong ni Enzo kay Andy."May hihintayin pa tayo saglit," anito.Nagkatinginan kami ni Enzo at parehong kumikit-balikat. Tatlong minuto rin ang lumipas nang biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Pinagbuksan naman ito agad ni Andy."Pasensiya ho kung natagalan sir," sabi pa nito kay Andy."Wala ho iyon, Mang Karyo," sagot din naman ni Andy at lumipat nang upo."So clever Andy," kumento ni Enzo."Inaantok pa ako kaya kailangang isam
BOLCT-15CALVIN ENZOI WAS looking at Marinel walking away. I don't know why I became so much concerned about her."Enzo?" I got back to my senses."Yeah?" baling ko kay Moana."Let's eat." Napatango lang ako.Me and Moana are became so okay right now. Nag-usap kami tungkol sa nangyari sa date namin. Well, I immediately forgive her. I still lover her. Yeah, shame on me. Pareho kaming umupo ni Moana sa isang simpleng upuan, made in woods actually. I placed our food at the table."Here," ibinigay ko sa kanya 'yong isang plato na may lamang pagkain."Enzo," napaangat ako ng tingin."Hmm?" She smiled a bit at me."May namamagitan ba sa inyo ng pinsan ko?" she asked. Mangha akong napangiti sa naitanong niya."Nel and I are just like best friends. Why you asked?" Napabuga naman ito ng hangin. Is she jealous?"Napansin ko kasing napakalapit niyo sa isa't isa." Napatawa ako ng mahina."Nah! We're just friends," nakangiti kong sagot. Napaayos naman ito nang upo."Okay! Let's eat," yaya niya. I
BOLCT-16MARINELMAAGA ulit kaming nagising dahil pupunta na naman kami ng La Trinidad. Palabas na sana ako ng kuwarto pero bigla akong pinigilan ni Veronica."Isuot mo 'yan. Nagmumukha kang zombie sa itsura mo e!" sabi pa niya sabay bigay sa akin ng sunglass niya.Napatakbo ako pabalik sa harap ng salamin. Diyos ko! Para nga akong sinaniban sa itsura ko."Ito, lagyan mo rin ng concealing cream para hindi talaga mapuna," dagdag niya.Napanguso ako at sinunod ang utos niya. Pagkatapos ay sabay na rin kaming lumabas ng kuwarto. Pagkarating sa sasakyan, para na namang pinipiga ang puso ko. Mukhang mapapasubo ako nito. Magkasama si Nica at Andy sa unahan. Si Enzo at Moana naman, nasa likuran at mukhang mauupo ako sa kaliwang side ni Enzo. Napa-inhale exhale pa ako bago tuluyang pumasok sa kotse. Gaya nga nang nangyari, napapagitnaan namin si Enzo."What's with that sunglass cousin?" puna pa ni Moana sa akin. Nagpapanggap na naman siyang mabait sa harapan ni Enzo."For fashion," walang gan
BOLCT-17MARINELKANINA ko pa gustong maluha pero pinipigilan ko lang. Kitang-kita ko ang paghawak ng kamay ng pinsan ko kay Enzo kanina. At para bang ang saya nilang dalawa. Mas lalo akong nangamba. Paano kung sila na? Paano kung nagkaayos na nga silang dalawa? Napahugot ako ng malalim na hininga. Pansin kong kanina pa rin nagpipigil ang dalawang 'to sa galit at hindi ko alam kung bakit."Nakakabuwesit! Diyos ko naman!" litanya ni Veronica."This is ridiculous!" sabi rin naman ni Andy."Andy may– " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumungad si Enzo sa harapan namin. Natahimik naman bigla si Nica at Andy."Can I talk to you, Nel?" aniya. Napatayo ako."Oo naman, may sasabihin din ako," sagot ko.Gusto ko nang magtapat sa kanya bago pa mahuli ang lahat. Nauna akong naglakad at tumigil sa may harap ng isang kubo. Malayo ng konti sa mga tao."Enzo gusto ko sana–" Napatigil ako dahil bigla niya akong niyakap."Nel, thank you for doing that to me and I really owed you a lo
BOLCT-18MARINELTATLONG ORAS na akong nakatanga at nakatingin lang sa kisame. Halos wala na rin akong mailuha na. Ganito pala ang pakiramdam kapag unang beses mong ma-in love sa isang tao. Iyong tipong nasasaktan ka ng todo dahil lang sa may nararamdaman ka sa taong 'yon. Ang masaklap pa, may mahal itong iba. Akala ko puro saya ang isang pagmamahal, 'yon pala kapag natuto ka na, diyan na magsisimula ang kalbaryo mo."Nel..." Narinig kong tawag ni Nica sa akin sa labas ng aming kuwarto."Pasok..." namamaos kong sagot. Maluha-luha ang mga mata nito at niyakap ako agad."Kumusta na pakiramdam mo?" tanong nito."Parang pinapatay. Gusto ko nang mag-move on," sagot ko pa. Bigla niya naman akong binatukan."Move on-move on ka riyan! Paano ka mag-mo-move forward kong hindi naman kayo." Napatawa ako sa sinabi niya. Tama rin nga naman. Iyon ang masakit dahil nga walang 'kami'. Napasandal ako sa headboard ng kama."Nica, ayaw ko ng ganito. Iyong pakiramdam na ganito," sabi ko pa."Alam mo, Ne
BOLCT-19MARINELNAGTAWANAN kami ni Nica sa mga old memories namin. Naki-join din kasi si Andy sa kakulitan naming dalawa. Ngunit kahit anong gawin kong pagtawa at pag-ngiti, nando'n pa rin 'yong sakit. Muntik ko na nga ang yakapin si Enzo kanina nang malaman kong may nangyari sa kanya. Ang tanga ko lang!"Nel, mag-usap tayo," biglang sulpot ni Enzo sa harapan namin."Nako Nel, may iniutos pa samin si Doc. Arellano!" sabi bigla ni Veronica sabay kaladkad kay Andy."Oy! Bakit pati ako?" angal pa ni Andy.Kinutusan na lang siya ni Nica at tuluyan nang lumayo sa amin. Mabilis naman akong hinila ni Enzo pasakay ng kotse. Nasaktan ako sa ginawa niyang paghawak sa braso ko pero hindi ako umimik. Tahimik naming binagtas ang daan. Kinakabahan ako sa kanya."Nel, ano bang ginawa mo? Bakit nagawa mo 'yon?" pagpipigil ng pagtataas ng boses nito."Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan ko pang tanong. Pinalo niya 'yong manibela ng malakas kaya mas lalo akong nagulat at nagtaka."Will you please te
EPILOGUEMARINELNAPAMULAT ako agad nang maramdaman kong wala na si Enzo sa tabi ko. Pasado alas-dos na ng madaling araw nang tumingin ako sa relo ko. Nakalimutan naming kumain ng hapunan. Ang haba rin nang naitulog ko. Siguro ay dahil sa matinding pagod sa kaiiyak mula pa kahapon. Bumaba ako sa kama at hinanap si Enzo sa buong kuwarto pero wala siya dito. Lumabas ako ng kuwarto at laking gulat ko na may nagkalat na kandila sa may paanan ko."Enzo..." tawag ko sa kanya.Napayakap pa ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin. Sinundan ko ang mga kandilang nakahilera at natagpuan ko ang aking sarili sa isang maliit na cottage. Napangiti ako sa nakita ko. Isang dinner o breakfast date ba itong matatawag. May dalawang bonfire rin sa paligid ng cottage. Ang cute ng setting niya. Kinuha ko ang puting rose at inamoy pa ito."Nel?" Napalingon ako sa likuran ko."Enzo, 'di ba bawal sa 'yo ang magpagod," sabi ko pa at lumapit sa kanya."Akala ko mamaya ka pa gigising," nakangiti nitong ani.Hin
BOLCT-24CALVIN ENZOBUWESIT na buhay naman 'to! Kanina pa ako mura nang mura habang naglalakad palabas ng campus. I don't want to argue with Nel nor make her angry."Babe!" tawag sa akin ni Moana. She cling her arms on me when she reached me."Let go!" Inalis ko iyong kamay niya."Nagawa mo na ba?" I clenched my jaw and gritted my teeth."Ano ba talaga ang alam mo tungkol sa akin!?" Mahigpit ko siyang hinawakan sa kaliwang braso niya.She threatened me to leave Nel like she knows my illness. For god's sake! I am not yet ready to tell Nel about the truth! I am so scared to see her miserable. And now I am so confused!"Enzo nasasaktan ako!" Mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak ko sa braso niya."Now what!?" She started to cry so I loosen up."Fine! Wala akong alam! Gusto ko lang naman maging akin ka ulit! Gusto ko na bumalik ka sa akin! Please Enzo, ako na lang ulit. Ako na lang, please!?" Mas lalo akong nagalit sa ginawa niya."That's bulls shit!" inis kong wika rito at tinaliku
BOLCT-23CALVIN ENZOHERE we are at the park where me and Nel played skateboard last time when we tried to... You know, when I tried to be an idiot. Nah! Kalimutan na natin iyon. Me and Moana are definitely done even if she always tries to bug me."Enzo!" tawag ni Nel sa akin habang nakasakay sa skateboard.Kumaway lang ako sa kanya. Bawal na bawal na akong magpagod pero ipinapakita ko sa kanya na maayos ako. Kinabahan ako ng husto kahapon dahil nasakto pa na siya ang kasama ko. Natatakot akong malaman niya ang totoo. Guilt is killing me. Making her believe that I am definitely fine is like a dagger that buried inside of my chest. My illness is killing me slowly. Minsan, sinisisi ko ang Diyos kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Kung bakit ako pa ang nagkaroon nito. Kung bakit kailangang may maiwan ako. Kung bakit napakasakit pa rin sa akin kahit na matagal ko ng tanggap ito. Maybe it's time for me to settle things now."Ayaw mo?" bungad sa akin ni Nel nang mahinto ito sa harapan k
BOLCT-22CALVIN ENZOGOD! Muntik na ako kanina lang. I'm glad na nakayanan ko pang itago iyon. I am so much nervous that maybe Nel might noticed it. Mabuti na lang at hindi na niya pa ako inusisa. Hindi kakayanin ng kunsensiya ko sa oras na malaman niya ang totoo. Masasaktan ko lang ang babaeng pinakamamahal ko at ayaw ko iyong mangyari. Gagawin ko ang lahat maitago ko lang ito sa kanya."Enzo..." pukaw sa akin ni Nel habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Pumaling ako sa kanya at muling napatingin sa daan."Hmm?" She intertwined her left hand to my right hand."Mahal na mahal kita." My heart melts by her magic words."I do love you very much Nel," I responsed."Enzo, may gusto lang sana akong hilingin sa 'yo.""Name it Nel," sagot ko."No more lying and keeping secrets. Alam ko, wala akong karapatan para sabihin ito pero…""I am cool with it," kampante kong sagot.Even if inside of me was tearing apart. How will I promise that sweety. How will I?"Talaga? I mean, okay sa 'yo?" Napat
BOLCT-21CALVIN ENZOKANINA ko pa pinagmamasdan ang bawat kilos niya. I am so mesmerized by the way she moved. The way her cheeks turns to red when she's shy. Kahit buong araw ko pa siya titigan, hinding-hindi ako magsasawa. Maling-mali ako na pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Imbes na iwasang masaktan ko siya, mas pinalala ko pa. But I want to make myself happy. I want to see her happy. I want to spend my time together with her. I don’t want to waste my precious time to her and earn more memorable things together with her."Enzo, paano kapag nagka-cancer? Kailangan ba mag-undergo agad ng chemo?" Natigilan ako sa tanong nito."Just read their following statements Nel. It's still depends on the doctor," sagot ko at muling napatingin sa hawak kong libro.That thing hits me bulls eye. Sinulyapan kong muli si Nel. Busy pa rin ito sa kare-review."Nel, gusto mong mag-meryenda?" alok ko."Ikaw bahala," aniya. Panakaw ko siyang hinalikan sa pisngi nito at agad na tumayo.She look sh
BOLCT-20MARINELNAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kuwartong okupado ko."Nel! Lumabas ka riyan!" Napakunot-noo ako dahil sa narinig ko.Ano na naman kaya ang problema nitong magaling kong pinsan! Lumapit ako agad sa pinto para buksan ito."Ano–"Napahawak ako agad sa pisngi ko dahil sa sampal na natanggap ko mula sa kanya."Malandi ka!" paratang nito sa akin."Hindi ako malandi!" matapang na sagot ko."Talaga lang huh!? Sinira mo ang pag-asang maging kami ulit! Anong klaseng pinsan ka!" Para yatang sasabog na ako dahil sa mga paratang niya."Ako pa ngayon ang mali? Sino ba ang nagsinungaling sa atin? Sino ba ang palaging tumutulak sa kanya palayo! Sino ba ang pinagmukha siyang tanga at pinaasa! Hindi ba't ikaw lahat ang may gawa niyon. Kaya huwag mo akong sumbatan na parang ikaw na lang ang palaging tama. Hindi lang sa 'yo umiikot ang mundo!" buwelta ko.Akma na naman niya sana akong sasampalin pero nasalag ko iyon."Huwag mo akong piliting patulan ka dahil