Share

Chapter 27

Abala si Gavin sa presentation niya para sa isa sa pinakamalaking project na pamumunuan niya. Napahinto siya sa pagsasalita nang sumilip ang asawa na si Dianne. Bumuntonghininga siya at kinontrol ang ang sarili. Kasali sa meeting na iyon ang mga kamag-anak ng asawa kaya kailangan na maingat siya sa kanyang galaw. Mukhang hindi pa nga kuntento ang asawa niya sa paliwanag niya kaninang umaga at tinitiktikan pa siya nito.

In-adjourn ng mga Tiyo nito ang meeting. Since Ninong nila sa kasal ang kliyente nila ay walang kaso diumano ayon dito. Naghain ng makakain ang secretary ni Gavin na si Lourdes. Hindi na siya nakisali sa usapan ng mga tiyuhin ni Dianne na sina Salvador at Alejandro. Nag-excuse siya sa mga ito at nagdahilan na gagamit ng banyo.

Sinundan ni Dianne ang asawa sa opisina nito. Bilang isa sa mga Project Engineers ay may sariling opisina si Gavin at sekretarya. Hindi siya pinansin ni Gavin na siyang kinadismaya nito.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status