Share

Chapter 29

Author: Mrsdane06
last update Huling Na-update: 2023-04-18 09:05:40

Sa secret library ni Brandt ay masusi niyang nilalatag ang isang info map na nakalagay sa isang libro at naka-duplicate iyon sa isang USB. Kasama niya ang anak na si Trevin. Lingid sa kaalaman ni Trixxie ay pasekretong sinasanay ni Brandt ang panganay na anak para maging handa sa hinaharap. Nang magpaalam sila na pupunta ng Italy ay hindi iyon para magbakasyon.

Iyon ay para ipakilala ang bata bilang pinakabatang miyembro ng kanilang organization. Sa edad na sampu ay marunong na nag-decode ng mga sikretong mensahe si Trevin. Maning-mani para rito ang mag-hack ng isang computer system. Pati lengguwahe ay marami na itong alam. German, French, Italian, Russian, Mandarin, Korean to name a few. Ang pagiging homeschool ng bata ay isang scapegoat lang pero ang totoo ay nag-aaral ito ng iba’t-ibang lengguwahe.

Ayaw sana ni Brandt na isali sa organisasyon ang anak pero naging makulit ito. Balewala ang pagtanggi niya dahil nauna
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 30

    Nang gabing iyon ay masaganang hapunan ang pinagsaluhan ng mga Angeles. Ikinagalak ng mga anak ni Harvey at Erica ang pagdating ng mga pinsan na sina Trevin at Tatiana. “Kamukha mo talaga si Ate Natalie ko, well except maarte si Ate,” pansin ni Harrison kay Tatiana. Napangiti si Tatiana sa sinabi ng pinsan. Maging siya kasi ay natutuwa na kamukhang-kamukha niya ang pinsan. “Mamita oh! Gumana na naman ang pagiging pintasero ni Harrison!” asar na sumbong ni Natalie sa abuela. Tiningnan ni Senyora Anatalia ang apong si Harrison at naningkit ang mata nito. Napayuko ang bata at umusog papalapit sa Nanay nito. Walong bata lahat ang nasa hapag-kainan at nasa isang long table sila. Ang bunsong anak ni Erica ay nasa high chair at tahimik na kumakain. Natutuwa si Trixxie na kahit ginawan niya ng masama ang kapatid at hipag noon ay naging maayos ang pagsasama ng mga ito. Pero, nawindang siya sa dami ng anak nito

    Huling Na-update : 2023-04-19
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 31

    “Trevin!” Napasigaw si Trixxie sa pagsuntok ni Trevin sa ama. Nagulat si Gavin sa inasal ni Trevin. Kaagad niyang binitawan ang hawak na kamay ni Trixxie. Sa itsura ng anak ay nasasalamin ang hindi mapantayang poot. Ano ba ang mga pinagdaanan ng anak niya at ng ina nito na sukdulan ang galit nito sa kanya? Maging si Trixxie ay napatda sa ginawa ng anak. Hindi niya sukat akalain na tatawagin lamang ang ama nito sa apelyido na ayaw nitong gamitin. Makailang beses noong pinakiusapan ni Trixxie ang anak na pumayag na dalhin ang apelyido ng ama. Ngunit sa tuwina ay todo tangi ang anak at kung tatanungin niya ang dahilan ay wala itong sagot. Kita ni Trixxie na sapo pa rin ni Gavin ang panga dahil sa suntok ng anak. Pero, alam niyang mas nasasaktan ang puso nito sa trato ng anak sa kanya. “Anak, Papa mo pa rin siya huwag kang ganyan sa kanya!” malumanay na usal ni Trixxie sa anak. Niyakap niya nang tuluya

    Huling Na-update : 2023-04-19
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 32

    Nagpupuyos sa galit si Dianne sa narinig mula sa biyenan. Natatandaan niya noon nang sinabi ni Trixxie na nagtataksil ang nobyo. So, ang tinutukoy nito na babae ni Gavin ay siya mismo? Biglang naawa si Dianne sa sarili. Hindi na nga niya mabigyan ng anak ang asawa. Ngayon ay nakumpirma pa niya ang hinala noon na may ugnayan nga si Gavin at ang ina ng anak nito. Dalawang taon na lang at kwarenta anyos na siya. At ang lintek niyang gamot para anxiety ay hindi siya pwedeng pumalya. Dumagdag pa ang hirap siyang magbuntis dahil tatlong beses na siyang nakunan noong panahon na hindi pa niya nobyo si Gavin. Nangilid ang luha ni Dianne at hindi mapigilan na magalit kay Trixxie. Kung may plano ang asawa na hiwalayan siya ay mas malaki ang laban ni Trixxie. Dalawa ang anak ng mga ito samantalang siya ay hindi mabigyan kahit isa man lang si Gavin. Dumaosdos siya sa lupa at lumabo ang kanyang paningin dahil hilam na ng luha ang kanya

    Huling Na-update : 2023-04-19
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 33

    Matapos silang kausapin ng ama ay papunta na sana si Trixxie sa mga anak. Ngunit, umagapay si Gavin sa kanya. Hawak ang kanyang braso ay hinila nito si Trixxie sa likod ng mansion. Doon sila napadpad sa hindi pansinin at may malagong halaman. Walang babala na hinalikan ni Gavin si Trixxie. Sa pagkabigla ay hindi kaagad nakaimik ang huli pero ilang sandali at kaagad nahimasmasan ito at buong pwersa na itinulak si Gavin. Sinampal niya ito ng malakas at sapol ang kaliwang mukha ni Gavin. “Ang kapal mo talaga Gavin! Ni sa hinagap hindi ko pinangarap ang maging babae ng lalaking may asawa! Ano ba kasi ang gusto mong mangyari?” Nanggagalaiti si Trixxie na kahit may asawa si Gavin ay ipipilit nito ang sarili sa kanya. Dinuro ni Trixxie si Gavin lalo at nandidiri siya dito lalo pa at may asawa itong tao. “Gusto ko lang aminin mo na anak ko ang anak mong babae!” tiim na saad ni Gavin. Sa kanyang kalkulasyon, anak niya ang batang baba

    Huling Na-update : 2023-04-19
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 34

    Napabuntong-hininga si Mang Guillermo sa pinagdadaanan ng anak.Nagkalat ang bote ng beer sa mesa habang nakayukyuk na si Gavin doon. Mahirap nga naman ang kalagayan nito. Ang babaeng mahal nito ay hindi pwedeng angkinin dahil may asawa si Gavin. Ang mga anak naman nito ang ay ang isa ay kinamumuhian ang ama, samantalang ang isa ay iba ang kinikilalang ama. Hindi napansin ng mag-ama ang bagong dating na si Dianne. Galing ito sa Centro para magliwaliw at ang nadatnang eksena ay nagpainit sa ulo nito. “My God Gavin! You look like a mess.” Nilapitan nito ang asawa at inagaw ang bote ng beer na hawak ni Gavin. “Alam mo naman na bawal sayo ang alcohol!” Tiningnan ni Dianne ang biyenan at pinagsabihan. “Grabe Tay, hindi mo man lang inawat ang anak ninyo!” “Kita mong may pinoproblema ang asawa mo. Hayaan mo siya. Malaki na siya at alam na kung ano ang masama sa mabuti. Hala mag-usap kayong mag-asawa.” Tumaliko

    Huling Na-update : 2023-04-20
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 35

    Sa bahay ng mga Mendez, nakatulog si Gavin sa kalasingan. Konti lang naman ang iniinom niya ngunit dahil hindi na sanay ang katawan ay kaagad na iginupo ng antok. Dagdag pa ang emosyonal na komprontasyon nito at ng asawa na si Dianne. Napasukan ng ama ang kaawa-awang itsura ng anak. Isa lang naman ang gusto nito, ang kilalanin ng mga anak na siya ang ama ng mga ito.Mahirap ba ibigay iyon ng mga apo? Bilang ama ay nasasaktan siyang makita na nasasaktan ang kanyang anak. Kaya, nagpasya si Mang Guillermo na puntahan ang apo at siya na mismo ang makikiusap na tanggapin nito si Gavin bilang ama. Sabik si Gavin sa anak na hindi kayang ibigay ng kanyang asawa kaya hindi niya ito masisisi. Binaybay niya ang daan patungo sa mansion ng mga Angeles. May kalayuan iyon pero dahil papalubog na ang araw ay hindi na masakit ang tama ng sinag nito. Nang matanaw na ang gate ay naroon ang driver na si Mang Tomas at ito na ang pinakiusapan niya.

    Huling Na-update : 2023-04-20
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 36

    Paano na ang kanyang plano na makasama ang mga anak? Paano na ang plano niyang buuin ang pamilya nila? Naglakad si Gavin upang umagapay dito. “Sandali lang po, Senyor Arthur. Napaka-unfair naman po sa aking panig. Wala naman akong ginawang masama para pagbawalan ninyo ako na makasama ang mga anak ko. Karapatan ko po iyon bilang ama nila,” ani Gavin. “Karapatan? Meron ka nga bang karapatan Mendez? Sa papel Angeles si Trevin samantalang Buenaventura si Tatiana. Kaya wala kang habol!” mariing saad ni Senyor Arthur. Pagak siyang napangiti at puno ng pait na tiningnan ang lalaki na siyang dahilan ng pagdurusa ng anak at mga apo. “Idudulog ko sa korte para kahit mabisita man lang sila,” mahinang usal ni Gavin. Natawa na lang ang ama ni Trixxie. “At sa tingin mo kung tatanungin ang mga bata kung kanino sila sasama ay ikaw ang pipiliin nila? Buong buhay wala ka naman sa tabi nila. Kaya maghun

    Huling Na-update : 2023-04-20
  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 37

    Magaan ang pakiramdam ni Dianne na umalis sa ospital. Sumakay siya sa scooter at dahan-dahan na tinahak ang daan pabalik sa bahay ng biyenan. May pagpapahalaga pa naman pala si Gavin sa kanya. Napangiti siya sa mga gestures nito. Parang bumalik sila sa panahon na magnobyo pa sila. Hindi namalayan ni Dianne na may paparating na truck sa likod niya at sa sobrang pagbabalik tanaw ay naging bingi siya sa sunod-sunod na busina nito. At ang pagdalaw sa biyenan ay nanatiling plano na lang. Samantala, sa ospital ay balisa si Gavin. Ipinikit niya ang mata pero hindi mapakali ang kanyang diwa. Para maaliw ay lumabas siya ng kwarto para pumunta sana sa canteen para bumili ng makakain. Nang dumaan siya sa ER dahil doon ang daan papuntang canteen. Nagkagulo ang mga Nurse nang may pinasok na naka-stretcher. Lalagpasan lang sana niya ang komosyon na iyon nang mahagip ang suot ng pasyente na kulay pink na hoodie jack

    Huling Na-update : 2023-04-20

Pinakabagong kabanata

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 84 Epilogue

    Wala ng nagawa si Trixxie at Gavin sa pagrerebelde ni Tatiana. Pero, si Trevin ay may ginawang hakbang. "Ito ang igaganti mo sa lahat ng sakripisyo ni Mama para lang maging safe tayo? If you only knew half the tale I knew, you will think about your actions," nangangalaiting saad ni Trevin sa nag-iisang kapatid na babae. "Pabayaan mo na kasi ako. Kapatid lang kita. And please stop parenting me. Pareho lang tayong anak, and yet here you are acting like almighty superior," mataas na tinig na saad naman ni Tatiana. Naningkit ang mga mata ni Trevin sa mga sinabi ng kapatid. Umigkas ang kanyang kamay at sapol ang kanang pisngi ni Tatiana. Kaagad na namula ang mukha ng huli lalo at malakas ang sampal na 'yon. "You bit*h! Get out. If you want to destroy your future, go on. Just don't cry after he has had enough of you. I have warned you." Tiim pa rin ang bagang ni Trevin habang pinagmamasdan ang kapatid na sapo ang pisngi na tinamaan ng sampal. Mas nangingibabaw ang

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 83

    Six years later “Sino ang lalaking ‘yun Tatiana, huh?” galit na tanong ni Trevin sa kapatid. Kasalukuyang sinusundan ng bente tres anyos na si Trevin ang kapatid na katatapos lang ng debut nang nakaraang buwan. “Kausapin mo ako. Huwag mo akong talikuran!” Nangalaiti na si Trevin sa kawalan ng pakialam ng kaisa-isang kapatid na babae sa kanyang sinasabi. Nahuli lang naman niya ito sa bar sa kabilang bayan. Ang paalam lang nito ay may tatapusin na group project. Pero, lingid sa kaalaman nito, may tracking app siyang kinabit nang palihim sa cellphone nito. Nagulantang pa ito nang inabutan niyang inisang lagok ang tequila kasama ang isang lalaking matangkad na hindi pamilyar sa kanya. Nakapulupot ang braso nito sa baywang ng kapatid at base sa sweetness ng dalawa, duda siyang may relasyon ang mga ito. “Am I still entitled to say anything?” asik ni Tatiana sa kapatid. Tinalikuran ang kapatid at saka umakyat na ng hagdan. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-aky

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 82

    Matuling lumipas ang mga buwan at naging maayos naman ang pinagbubuntis ni Trixxie. Akala nila magiging maayos na ang kanilang buhay pero muling may nagtangka na nanloob sa tahanan ng mga Mendez. Nahuli ang mga salarin lalo at nakuryente ang mga ito sa wire fence na naka-install pala tuwing gabi sa bakod nila Gavin. Kasalukuyang nasa isang tagong bodega sina Trevin habang ini-interrogate niya ang dalawang lalaki na nahuli nila. “Ayaw n’yo pa rin kumanta kung sino ang mga amo ninyo?” tanong ni Trevin habang pinagkiskis ang mga livewire na ididiin niya sa mga salarin. “Wala kaming amo!” sigaw ng lalaki habang halos mabaliw na sa takot. Ididiin na sana ni Trevin ang wire dito nang pumiyok ang isa. “Si Sir Salvador ang nag-utos sa amin,” sigaw ng isa. “Gago! Papatayin tayo ng mga Guevarra,” singhal ng isa. Napangiti si Trevin lalo at di na nila kailangan na dungisan ang kanilang kamay para parusahan ang mga salarin. Kailangan lang nilang pakawalan an

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 81

    “Talaga, my love? Kahit noong nabuntis ka kay Tatiana, wala ka talagang balak maghabol sa akin?” tanong ulit ni Gavin. Napag-usapan na nila ang topic na ‘yon sa mga nakaraang taon. Pero, sa tuwina na-a-amaze na marinig ni Gavin ang dahilan ni Trixxie. “Paulit-ulit ka rin, eh. Alangan naman na maghabol ako may Dianne ka at wala akong balak na manira ng may relasyon,” katwiran niya kay Gavin. “Kahit noong may nangyari sa atin wala ka man lang nararamdaman sa akin?” “Meron. Nagagalit ako dahil kailangan mo pa gamitin si Trevin na dahilan para lang makuha mo ang gusto mo,” naiinis na sagot ni Trixxie. “Sa ganda at kinis mo naman kasi, sino ang hindi mahuhumaling?” nakakalokong saad ni Gavin sa asawa. Pinasadahan pa niya ng tingin mula ulo si Trixxie. “Aysus! Nakaapat ka na sa akin, Mendez! Huwag mo nga akong binobola.” “Totoo naman eh. Pakakasalan ba kita kung hindi ako nahuhumaling sa ‘yo?” “Tigilan na nga n

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 80 Explicit Contents

    “Ngayon, my love wala ng istorbo,” ani Gavin. Halos mapunit ang kanyang labi sa laki ng kanyang ngiti. Nasasabik na siyang angkinin ang asawa matapos ang halos isang buwan na walang ganap sa kanilang mag-asawa. “May dala ka bang kapote, Mendez?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie sa asawa. Napakamot sa ulo si Gavin. At bakit naman siya hahanapan ng asawa ng condom? “My love, huhugutin ko na lang. Hindi ako nakabili eh, naubusan ako,” rason niya sa asawa. Napakamot pa siya sa kanyang batok lalo at nakaligtaan pa niyang bumili ng proteksyon. Lumapit na si Gavin sa asawa at sinaluhan ito sa kama. Naglakbay ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Kaagad namang napasinghap si Trixxie sa ginawa ni Gavin nang paglaruan nito ang kanyang dibdib. Napaungol siya nang simsimin ng salitan ni Gavin ang kanyang mga bundok. Kumislap ang pilyang ideya sa isip niya. Binuka niya ang kanyang mga hita at tinukod ang kanyang siko sa kama na tila nag-aanyaya kay Gavin. Sumiklab ang

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 79 ( Explicit Contents)

    Three weeks after na nagkabati ang mag-asawang Gavin at Trixxie, pumunta sila sa suking OB-Gyn ng huli. “Doc, kumusta naman ang asawa ko? Pwede na po ba sa alam mo na?” pilyong tanong ni Gavin. Kaagad na tumalim ang mata ni Trixxie nang tingnan ang asawa. Muntik niyang hampasin nito si Gavin kung hindi lang naagapan ng huli ang kamay nito. Kahit nasa examination table si Trixxie at nakabuka ang kanyang mga binti ay hindi niya maiwasang mahiya sa pagiging prangka ng kabiyak. Natawa na lang ang doktor lalo at kabisado na nito ang mga pangkaraniwang tanong ni Gavin. Ito na kasi ang naging doktor ni Trixxie mula ng mabuntis siya kay Trevin noon. Hinubad muna niya ang kanyang gwantes at nag-disinfect ng kamay pagkatapos bago hinarap si Gavin. “As I can see from the physical examination, okay naman ang healing ng asawa ninyo, Engr. Mendez. Pwede na pero nasa kanya pa rin kung papayag siya sa gusto mo.” “Yes! Narinig mo ‘yon, my love? Pwede na daw,”

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 78

    Maingat na minulat ni Trixxie ang kanyang mga mata. Kaagad na umarko ang kanyang kilay pero abot langit ang pagpipigil niya na hindi matawa. “Anong ginagawa mo dito, Mendez? ‘Di ba sabi ko sa’yo na dito muna kami ng mga anak ko?” Tuluyan ng bumangon si Trixxie at inayos ang damit niyang nalilis ang laylayan. Kita pa niya kung paano napalunok si Gavin habang tinitingnan ang kanyang mapuputing hita. “Tigilan mo nga ako sa tinging ‘yan, Gavin!” “My love naman eh, para tingin lang. Kasalanan ko ba kung sadyang nakakasilaw ang legs mo, nakakawala sa katinuan ko lalo na ‘yong nasa pagitan ng hita mo.” Hinaplos pa niya ang hita ng asawa kaya halos tadyakan siya nito. “Tse! Tigilan mo ako diyan sa pagiging mahilig mo ha! Alalahanin mo, kagagaling ko lang sa hospital. At saka hindi tayo bati, kaya alis!” Tinuro pa ang pinto at naghihintay sa maging response ng asawa. “My love, kung kailangan kong halikan ang mga paa mo, mapatawad mo lang ako!” pakiusap n

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 77

    Halos madapa pa si Gavin nang puntahan niya sa ospital ang asawa. Pero, laglag balikat siya nang sinabi ng nurse na na-discharge na ang kanyang asawa. Dali-dali siyang bumalik sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Binabaybay na niya ang daan papunta sa mansion ng mga Angeles nang tumunog ang cellphone niya. “Papa, you are fucked this time!” iyon kaagad ang narinig niya mula sa kabilang linya na sinabi ng panganay, “what is it this time, papa?” tanong nito sa ama. “I will explain later, anak. Teka, kasama mo ba ang mama mo ngayon?” tanong ni Gavin sa anak. “No. Nandito ako sa bahay para asikasuhin ang kambal. Mamaya pa ako pupunta sa resort. I need to temporarily assume mama’s position kahit ilang araw lang. Hindi kakayanin ng Tito Harvey na siya lahat sasalo sa gagawin especially now na peak season na at magpapaani pa ng palay,” sagot ni Trevin. “Pupuntahan ko muna ang mama mo para makausap. Salamat, anak at parang ikaw na yata ang nagiging ama dyan para

  • Bratinella Series 1: Trixxie, Walang IIbig Sa'yo   Chapter 76

    Sa hospital. . . “Ano ang nararamdaman mo, hija?” tanong ni Anatalia sa anak. Walang imik si Trixxie bagaman patuloy pa rin ang pagbalong ng luha nito. Tahimik itong tumatangis sa pagkawala ng pinagbubuntis. Lumapit si Anatalia sa anak at ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng buong higpit. “Kung handa ka ng pag-usapan ang nangyari ay narito lang ako para makinig, anak.” Doon na tuluyang napa hagulgol si Trixxie sa sinabi ng ina. Para siyang bata na inagawan ng laruan at nagpapakampi. Hinayaan lamang ito ng ina na ibuhos ang nararamdaman sa kanyang balikat. Nang kumalma na si Trixxie ay tsaka niya hinaplos ang pisngi nito. “Ayokong pangunahan ka anak. Huwag mo sanang masamain ang magiging payo ko. Please, ayusin ninyong mag-asawa ang anumang problema ninyo. Hindi na ba kayo naaawa sa panganay ninyo na halos siya na nagiging magulang sa mga kapatid niya?” anito. Gusto man magtampo ni Trixxie sa ina ay napagtanto niyang tama ang kanyang ina.

DMCA.com Protection Status