Maagang nag-report si Gavin sa trabaho isang linggo buhat ng umuwi sa San Bartolome. Pinsan ni Dianne si Ariston Guerrero. Ang asawa nitong si Trinity Alcaraz ay kaibigan ni Trixxie simula noong kabataan ng mga ito. Isa ito sa tanyag na Tres Bratinellas dahil sa pagiging maldita at bully ng mga ito. “Good morning Engr. Mendez. Finally, nasulot din kita sa mga Tiyuhin ko,” aliw na saad ni Ariston. “Nakakataba naman ng puso, Sir Ariston. Ako ay isang hamak na Project Engineer lang naman.” Napakamot sa ulo si Gavin sa papuri ng bagong amo. Alam niyang hindi close ang amo sa dating mga amo. Rason para mas pinili nito na sa San Bartolome ito namalagi pagkatapos mapangasawa ang anak ng Mayor doon na si Trinity Alcaraz na kaibigan naman ni Trixxie. “At least pinakawalan ka nila in their own free will. Condolence nga pala sa pagkawala ng asawa mo. Now, you can pursue the one you really love,” ani Ariston.
Sa isang tahimik na restaurant sa Tagaytay dinala ni Gavin si Trixxie. Isang VIP room ang pinareserve ng una na nakaharap pa sa magandang tanawin ng Taal Lake. Matapos ang kanilang mainit na sagutan sa sasakyan ni Gavin ay bumaba si Trixxie doon at hinintay muna na makalipad ang eroplanong sinakyan ni Trevin. Mabigat man sa loob ang paglisan ng anak ay alam niyang mapapanindigan nito ang kagustuhan. Tahimik na kumakain si Trixxie at kapansin-pansin ang paninitig ni Gavin sa kanya. Ibinaba niya ang kubyertos atsaka nagsalita. “Now, tell me kung ano ang sadya mo sa pagsunod sa aming mag-ina.” Nakakunot pa rin ang noo ni Trixxie lalo at paramg wala sa sarili si Gavin na kanina pa natutulala na nakatingin sa kanya. “Gusto kong mabigyan ng buong pamilya sina Trevin at Tatiana,” seryosong saad ni Gavin. Ninanamnam niya ang sandali kung kailan na magsasawa siyang titigan ang magandang mukha ni Trixxie. Mul
Tumirik ang mata ni Trixxie habang kinikilig naman ang anak na si Tatiana. “OMG, Mama may suitor ka na!” tudyo ni Tatiana sa ina. Kinikilig ito sa mga kalalakihan na nasilayan. Naroon ang mga ito sa gate. Dalawa ang may hawak na gitara samantalang si Gavin ang umaawit. May dalawang bungkos ng bulaklak na dala ito sa mga kamay. Habang kumakanta ng awiting “After All” ay may papikit-pikit pa ito. Lahat ng mga Angeles ay nakadungaw sa veranda. Pati ang mga anak ni Erica at Harvey ay nakatanaw sa nanghaharana. Pero, si Trixxie ay madilim ang mukha kahit panay kulit ng anak na si Tatiana. Kinakabahan si Gavin. First time niyang haharanahin si Trixxie at ang kanilang anak. Balak niyang ipagtapat kay Tatiana na siya talaga ang totoong ama nito kung papayag si Trixxie. Naging napaka-supportive ng kanyang pamilya nang malaman ng mga ito na balak niyang suyuin ang kanyang mag-ina. Lalong-lalo na ang kanyang ama na
Hindi pa man tumutunog ang alarm ay nagising na si Trixxie. Tuwing umaga ay siya ang naghahanda ng mga gamit sa school ng anak. Bumaba na siya sa komedor kasama si Tatiana na nakabihis na. Kaagad lumapit ang anak kay Yaya Pacing at niyakap nito ang matanda. Isa iyon sa mga konsuelo ni Trixxie, ang pagiging malambing ng mga anak. Hindi niya alam kung saan nakuha ng mga anak ang ugaling iyon. Sila ng Kuya Harvey niya ay pawang mga sutil na bata kahit anong disiplina ng mga magulang nila. Inihatid ng tanaw ni Trixxie ang ang anak at mga pamangkin sa sinakyan nilang malaking van. Sa dami ng mga batang kailangan ihatid sa skwela ay napabili ang mga magulang ng bagong sasakyan. Ang dating isang drayber na iisa ay nadagdagan pa. Hapon ng may hindi inaasahang bisita si Trixxie. Ang mga kaibigan na sina Trinity at Barbie. Malayo pa lang ay halos mapunit na ang mga bibig ng mga ito nang matanaw si Trixxie. “OMG T
“Talaga anak? Okay na sa panganay mo na ligawan mo si Trixxie?” tanong ni Mang Guillermo. Maging ito ay nagulat sa sinabi ni Gavin na nagkusa itong tawagan ang ama para payagan ang panliligaw nito. “Oo, Tay. Buti at nagsumbong pala ang bunso ko. Akala ko rin ay hindi niya alam na ako talaga ang Papa niya. Sinabi na pala ng Kuya Trevin nito bago umalis,” nakangiting saad ni Gavin. “Eh, Kuya so pwede ko ng dalawin ang maganda kong pamangkin? Kapag sinuswerte talaga oh! Hanep ka rin pumili Kuya! Heredera pa ng mga Angeles ang nakana mo!” tukso ni Greta sa kapatid. “Ikaw Greta ! Kababae mong tao ang sagwa ng mga salitang pinipili mo,” sermon ng ama sa anak. “Totoo naman Tay! Kita mo naman sa ganda at puti ni Trixxie, hindi man lang siya nandiri sa ulikba kong kapatid!” Tatawa-tawa na turan ni Greta habang hawak ang tiyan nito. Napailing na lang ang mag-ama sa pang-aa
Napatirik ang mata ni Trixxie sa ginawa ni Yaya Pacing. Knowing her, alam niyang nakikinig ito sa usapan nila ni Gavin. Though, hindi naman niya minamasama ang ginawa ng tagapag-alaga ay na-amuse siya sa curiosity nito. Bumaba na rin ang ama at nagtataka sa komosyon sa sala. Lumapit ito sa kanila at nagsalita. “Gusto kitang makausap Mendez,” ani Senyor Arthur. “Alone. Come follow me.” Tumalikod kaagad ito at walang nagawa si Gavin kundi sumunod sa ama ni Trixxie. Umakyat sila sa ikalawang palapag at tinugpa ang study room. Umupo ito sa swivel chair na naroon habang si Gavin ay nakatayo sa harapan nito. “Have a seat.” Asaka pa lang naupo ito. “First of all ay gusto kong linawin mo ang intensyon mo sa aking anak Mendez.” Tumikhim si Gavin upang mawala ang pagbara sa kanyang lalamunan. “Malinis po ang intensyon ko kay Trixxie. Gusto ko po sanang taglayin ng mga anak ko ang apelyido ko,” seryosong turan ni
“Welcome back, anak!” Niyakap ni Trixxie ang panganay na kararating lang. Naroon sila ngayon sa NAIA para sunduin si Trevin. Kasama si Gavin at Tatiana, maaga silang lumuwas pa-Maynila. Plano nilang mamasyal muna at kinabukasan na umuwi ng San Bartolome. “I missed you, Mama!” ani Trevin. Nilingon nito ang kapatid at niyakap. “I miss you, Tatiana.” Hinarap nito ang ama at maging ito ay binigyan ng mahigpit na yakap. Nais maluha ni Gavin sa ginawa ng panganay, pero pinigilan niya. Baka tuksuhin lang siya ng bunsong si Tatiana. Napangiti siya ng bitawan siya ni Trevin. Kaya, hinaplos niya ang malago nitong buhok. Kahit saang anggulo tingnan talaga ay kamukha ng panganay ang tiyuhin na si Harvey. Balat lang yata niya ang namana ni Trevin sa kanya. Maputi kasi si Harvey, pero hindi simputi ni Trixxie. Hindi pa rin naman siya sinagot ni Trixxie, at hindi rin naman siya nagmamadali. Malapit na siyang mag-
“I feel so hot!” muling saad ni Trixxie. Parang itong sinisilaban kahit nasa ilalim sila ng malamig na shower. Hindi kaya ng malamig na tubig na puksain ang naglalagablab na init mula sa kanyang kaibuturan. Sa tanang buhay nito ay ngayon lang niya ito naranasan. “Please, do something about it, Gavin.” Siya na ang kusang humalik sa kaharap. Wala siyang pakialam na magiging opinyon ni Gavin pagkatapos. Ang importante lang sa kanya ay matupok ang nagbabagang pagnanasa na hindi niya alam kung saan galing. Hindi alam ni Gavin kung maaawa siya kay Trixxie o matutuwa. Maawa dahil hindi pa niya ito nakita na magmakaawa sa kanya na tighawin ang init ng katawan nito. At matutuwa siya dahil pagkakataon na niya para muli itong makaulayaw. Kung sino man ang may pakana ay nais niya itong pasalamatan. “Please, make love to me. Hindi ko na kaya!” Pahayag ni Trixxie na lalong maging agresibo at ito na mismo ang umakay kay Gavin papunta sa ka