“I feel so hot!” muling saad ni Trixxie. Parang itong sinisilaban kahit nasa ilalim sila ng malamig na shower. Hindi kaya ng malamig na tubig na puksain ang naglalagablab na init mula sa kanyang kaibuturan. Sa tanang buhay nito ay ngayon lang niya ito naranasan. “Please, do something about it, Gavin.” Siya na ang kusang humalik sa kaharap. Wala siyang pakialam na magiging opinyon ni Gavin pagkatapos. Ang importante lang sa kanya ay matupok ang nagbabagang pagnanasa na hindi niya alam kung saan galing. Hindi alam ni Gavin kung maaawa siya kay Trixxie o matutuwa. Maawa dahil hindi pa niya ito nakita na magmakaawa sa kanya na tighawin ang init ng katawan nito. At matutuwa siya dahil pagkakataon na niya para muli itong makaulayaw. Kung sino man ang may pakana ay nais niya itong pasalamatan. “Please, make love to me. Hindi ko na kaya!” Pahayag ni Trixxie na lalong maging agresibo at ito na mismo ang umakay kay Gavin papunta sa ka
Sa narinig, gustong lumubog ni Trixxie sa kahihiyan. Unti-unting nanumbalik sa kanya ang mga kaganapan sa nagdaang gabi. Ang pagsusumamo niya kay Gavin na angkinin siya nito. Ang mga galaw na siya mismo ang nag-initiate. Nakakahiya ka talaga, Trixxie! sermon niya sa sarili. “Huwag ka na mahiya! Halika na at maligo. Baka mainip pa ang mga anak natin,” anyaya ni Gavin. Nahihiya man ay paika-ikang naglakad si Trixxie pagkatapos balutin ng kumot ang katawan patungo sa banyo. Nakasunod si Gavin sa kanya, bitbit ang pamalit niya. Nang nasara na ang pinto ng banyo ay nagimbal siya sa nakita sa salamin. Ang kanyang katawan ay napuno ng kiss mark! Ano ba ang ginawa ni Gavin sa kanya at tila pinanggigilan siya nito ng todo? Maayos niyang sinabon at kinuskos ang katawan. Mabuti na lang at wala sa lantad na parte ng katawan naroon ang mga kiss mark. Magiging halata iyon kapag nagkataon, at ayaw niyang tuksuin ng ma
“Talaga anak? Talagang engaged na kayo ni Trixxie?” Hindi mailarawan ang tuwa sa mukha ni Mang Guillermo sa nalaman. Isa ito sa naging dasal niya na mabuo ang pamilya ng anak. Kahit noon pa man ay botong-boto ito kay Trixxie. “Andaya mo naman Kuya! Hindi mo man lang kami sinali sa pinakamahalagang ganap sa buhay mo!” nakangusong sambit ni Greta. “Biglaan na nga eh. Ideya ni Trevin dahil sa Italy pa niya binili ang engagement ring ng Mama n’ya. Kusa na lang niya inabot kaninang umaga sa akin.” Napangiti pa si Gavin nang maalala kung paano na lihim na inabot ng panganay ang isang kahita na may lamang engagement ring. Gawa iyon sa rose gold at may one carat na diamond. Alam niyang mahal ang bili ng anak pero hindi na siya nakatangi pa dito. “Panis ka pala sa diskarte ng anak mo kuya! Naku, nasaan na ang Gavin Mendez na kilabot ng mga babae sa San Bartolome? Tiklop ka yata sa panganay mo at sa mapapangasawa!” k
Lupaypay si Trixxie sa tatlong magkasunod na rounds. Kaagad siyang hinila ng antok at pumikit na. Napangiti si Gavin. Hinaplos niya ang magandang mukha ni Trixxie. Kung noon ay gigil na gigil siya sa kamalditahan nito, ngayon ay hindi niya mapigilan na maawa dito. Awa in a sense na palagi niya itong hinuhusgahan. Dangan kasi napakasama ng reputasyon nito sa San Bartolome. Kung may three musketeers ay may tres bratinellas din naman sila. Notoryus na bully ang grupo ng mga ito sa pagiging palaaway na nga at mga pasaway pa. Kaya naman laking gulat niya ng unang makaniig ito dahil sa kabila ng pagiging maldita nito ay napanatili nitong buo ang sarili. Hindi naman kaagad siya nagkaroon ng damdamin dito. Lalo at pagkatapos ng insidente ay pansamantala siyang nagpalamig sa Maynila. Isang buwan siyang nag-leave noon sa trabaho sa takot na baka puntahan siya ni Mang Enrico pero ni hindi man lang ito nagawi sa kanila. Inayo
“That was great.” Bulong ni Gavin kay Trixxie matapos nila kapwa maabot ang rurok doon sa silid na pinagdalhan nito sa huli. Namula si Trixxie sa sinabi ng mapapangasawa at mahinang tinampal ang dibdib nito. “Still shy? May binata na nga tayo. Come on my love, huwag ka na mahiya.” May hinugot na panyo si Gavin sa bulsa at ginamit iyon na pamunas sa basang kaselanan ng nobya. Sa hilakbot ni Trixxie ay inamoy-amoy ito ni Gavin. “Yucks!” Nandidiri saad ni Trixxie na tumikwas pa ang kilay sa ginawang iyon ni Gavin. “It smells sweet to me. The world's best aphrodisiac,” pilyong saad nito bago binalik sa bulsa ang dalang panyo. “Come at baka hinahanap na tayo ng dalawa.” Inabot ni Gavin ang kamay kay Trixxie at iginiya na ito palabas ng kwartong iyon. “Mama, I'll be using right next to your room,” sabi ni Tatiana. Kumunot ang noo ni Trixxie. Hindi pa kasi niya nakikita ang
Makalipas ang dalawang araw ay namanhikan na ang mga Mendez sa mga Angeles. Syempre pa, si Tatiana ang pinaka kinilig sa lahat. Dinaig pa nito ang Mamita at Mama nito dahil posturang-postura ito. Ni-request ba naman nito sa beautician na dapat maganda siya. Tanging sina Mang Guillermo, Gavin, at Greta ang naroon. Nasa Mindanao kasi ang kanilang mga kamag-anakan. Hindi rin nakarating si Greg na malapit na matapos sa pag-aaral. “Ang gusto lang namin ay maging maayos ang lahat. Hindi naman kailangan na bongga o di kaya ay magarbo,” ani Senyor Arthur. Naroon sila sa malawak na sala ng mansion, kasama ang sambahayang Angeles. “Si Trixxie na ang bahala sa detalye, total siya naman ang ikakasal,” sabi ni Senyora Anatalia. “Basta Mama, ako ang little bride ha!” singit ni Tatiana na nakadikit sa ama. Tinitignan niya ng napakatamis si Trixxie ngunit pinandilatan ito ng ina.
Nang matapos ni Trixxie ang gusto niyang disenyo ng magiging bahay nila mag-anak, lumuwas sila ng Maynila ni Gavin. Mamili sila ng mga muwebles pati na rin ng mga materyales na gagamitin sa mga gagawing interior design. Sa wakas ay nagamit din ni Trixxie ang kurso na hindi niya natapos dahil sa maagang pagbubuntis noon. Nasa isang Home Improvement depot sila ni Gavin. Bitbit ni Trixxie ang listahan ng mga gustong design at kulay ni Tatiana para sa kwarto nito. Halos buong maghapon silang namili. Syempre pa gastos lahat iyon ni Gavin. Ang mga binili ay ipapadeliver na lang niya sa kanila at puno ang isang closed van sa dami ng kailangan nila. Alas tres na sila lumabas ng pinamilhan at sandaling nagsadya sa isang restaurant para kumain. Kanina pa patingin-tingin si Gavin kay Trixxie, na siyang ipinagtaka ng huli. Kumunot tuloy ang noo ng huli sa ginawa ni Gavin. “Care to share your thoughts?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie. “Ang swerte ko talaga, bukod
“Sige bolahin mo pa ako Mendez!” tanging nasambit ni Trixxie. Totoo naman na maganda siya. Ebidensya na ang dalawang anak na pawang kawangis niya. “Totoo naman, my love. Sa lahat ng naging nobya ko ikaw ang pinakamaganda, pinaka-sexy at ang natatanging virgin na nakuha ko,” sambit ni Gavin. Nagusot ang mukha ni Trixxie sa narinig. “Hindi ikaw ang nakauna kay Honey at Dianne? Galit na galit pa naman si Kuya Harvey sa’yo dahil sa babaeng iyon. First love ni Kuya Harvey, at talagang iniyakan niya ang babaeng iyon.” Bumalik sa alaala ni Trixxie kung paano maglasing ng palihim ang kapatid sa kwarto nito. Hindi ang muntikang pagka-expel nito at pakikipag-rambulan kay Gavin, o ang sermon ng magulang ang labis na dumurog dito. Kundi ang ideyang ibinigay ni Honey kay Gavin ang isang bagay na hindi niya pilit kinuha. “Ha? Ang tanga naman ng kapatid mo! Hindi marunong kumilatis ng baba
Wala ng nagawa si Trixxie at Gavin sa pagrerebelde ni Tatiana. Pero, si Trevin ay may ginawang hakbang. "Ito ang igaganti mo sa lahat ng sakripisyo ni Mama para lang maging safe tayo? If you only knew half the tale I knew, you will think about your actions," nangangalaiting saad ni Trevin sa nag-iisang kapatid na babae. "Pabayaan mo na kasi ako. Kapatid lang kita. And please stop parenting me. Pareho lang tayong anak, and yet here you are acting like almighty superior," mataas na tinig na saad naman ni Tatiana. Naningkit ang mga mata ni Trevin sa mga sinabi ng kapatid. Umigkas ang kanyang kamay at sapol ang kanang pisngi ni Tatiana. Kaagad na namula ang mukha ng huli lalo at malakas ang sampal na 'yon. "You bit*h! Get out. If you want to destroy your future, go on. Just don't cry after he has had enough of you. I have warned you." Tiim pa rin ang bagang ni Trevin habang pinagmamasdan ang kapatid na sapo ang pisngi na tinamaan ng sampal. Mas nangingibabaw ang
Six years later “Sino ang lalaking ‘yun Tatiana, huh?” galit na tanong ni Trevin sa kapatid. Kasalukuyang sinusundan ng bente tres anyos na si Trevin ang kapatid na katatapos lang ng debut nang nakaraang buwan. “Kausapin mo ako. Huwag mo akong talikuran!” Nangalaiti na si Trevin sa kawalan ng pakialam ng kaisa-isang kapatid na babae sa kanyang sinasabi. Nahuli lang naman niya ito sa bar sa kabilang bayan. Ang paalam lang nito ay may tatapusin na group project. Pero, lingid sa kaalaman nito, may tracking app siyang kinabit nang palihim sa cellphone nito. Nagulantang pa ito nang inabutan niyang inisang lagok ang tequila kasama ang isang lalaking matangkad na hindi pamilyar sa kanya. Nakapulupot ang braso nito sa baywang ng kapatid at base sa sweetness ng dalawa, duda siyang may relasyon ang mga ito. “Am I still entitled to say anything?” asik ni Tatiana sa kapatid. Tinalikuran ang kapatid at saka umakyat na ng hagdan. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-aky
Matuling lumipas ang mga buwan at naging maayos naman ang pinagbubuntis ni Trixxie. Akala nila magiging maayos na ang kanilang buhay pero muling may nagtangka na nanloob sa tahanan ng mga Mendez. Nahuli ang mga salarin lalo at nakuryente ang mga ito sa wire fence na naka-install pala tuwing gabi sa bakod nila Gavin. Kasalukuyang nasa isang tagong bodega sina Trevin habang ini-interrogate niya ang dalawang lalaki na nahuli nila. “Ayaw n’yo pa rin kumanta kung sino ang mga amo ninyo?” tanong ni Trevin habang pinagkiskis ang mga livewire na ididiin niya sa mga salarin. “Wala kaming amo!” sigaw ng lalaki habang halos mabaliw na sa takot. Ididiin na sana ni Trevin ang wire dito nang pumiyok ang isa. “Si Sir Salvador ang nag-utos sa amin,” sigaw ng isa. “Gago! Papatayin tayo ng mga Guevarra,” singhal ng isa. Napangiti si Trevin lalo at di na nila kailangan na dungisan ang kanilang kamay para parusahan ang mga salarin. Kailangan lang nilang pakawalan an
“Talaga, my love? Kahit noong nabuntis ka kay Tatiana, wala ka talagang balak maghabol sa akin?” tanong ulit ni Gavin. Napag-usapan na nila ang topic na ‘yon sa mga nakaraang taon. Pero, sa tuwina na-a-amaze na marinig ni Gavin ang dahilan ni Trixxie. “Paulit-ulit ka rin, eh. Alangan naman na maghabol ako may Dianne ka at wala akong balak na manira ng may relasyon,” katwiran niya kay Gavin. “Kahit noong may nangyari sa atin wala ka man lang nararamdaman sa akin?” “Meron. Nagagalit ako dahil kailangan mo pa gamitin si Trevin na dahilan para lang makuha mo ang gusto mo,” naiinis na sagot ni Trixxie. “Sa ganda at kinis mo naman kasi, sino ang hindi mahuhumaling?” nakakalokong saad ni Gavin sa asawa. Pinasadahan pa niya ng tingin mula ulo si Trixxie. “Aysus! Nakaapat ka na sa akin, Mendez! Huwag mo nga akong binobola.” “Totoo naman eh. Pakakasalan ba kita kung hindi ako nahuhumaling sa ‘yo?” “Tigilan na nga n
“Ngayon, my love wala ng istorbo,” ani Gavin. Halos mapunit ang kanyang labi sa laki ng kanyang ngiti. Nasasabik na siyang angkinin ang asawa matapos ang halos isang buwan na walang ganap sa kanilang mag-asawa. “May dala ka bang kapote, Mendez?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie sa asawa. Napakamot sa ulo si Gavin. At bakit naman siya hahanapan ng asawa ng condom? “My love, huhugutin ko na lang. Hindi ako nakabili eh, naubusan ako,” rason niya sa asawa. Napakamot pa siya sa kanyang batok lalo at nakaligtaan pa niyang bumili ng proteksyon. Lumapit na si Gavin sa asawa at sinaluhan ito sa kama. Naglakbay ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Kaagad namang napasinghap si Trixxie sa ginawa ni Gavin nang paglaruan nito ang kanyang dibdib. Napaungol siya nang simsimin ng salitan ni Gavin ang kanyang mga bundok. Kumislap ang pilyang ideya sa isip niya. Binuka niya ang kanyang mga hita at tinukod ang kanyang siko sa kama na tila nag-aanyaya kay Gavin. Sumiklab ang
Three weeks after na nagkabati ang mag-asawang Gavin at Trixxie, pumunta sila sa suking OB-Gyn ng huli. “Doc, kumusta naman ang asawa ko? Pwede na po ba sa alam mo na?” pilyong tanong ni Gavin. Kaagad na tumalim ang mata ni Trixxie nang tingnan ang asawa. Muntik niyang hampasin nito si Gavin kung hindi lang naagapan ng huli ang kamay nito. Kahit nasa examination table si Trixxie at nakabuka ang kanyang mga binti ay hindi niya maiwasang mahiya sa pagiging prangka ng kabiyak. Natawa na lang ang doktor lalo at kabisado na nito ang mga pangkaraniwang tanong ni Gavin. Ito na kasi ang naging doktor ni Trixxie mula ng mabuntis siya kay Trevin noon. Hinubad muna niya ang kanyang gwantes at nag-disinfect ng kamay pagkatapos bago hinarap si Gavin. “As I can see from the physical examination, okay naman ang healing ng asawa ninyo, Engr. Mendez. Pwede na pero nasa kanya pa rin kung papayag siya sa gusto mo.” “Yes! Narinig mo ‘yon, my love? Pwede na daw,”
Maingat na minulat ni Trixxie ang kanyang mga mata. Kaagad na umarko ang kanyang kilay pero abot langit ang pagpipigil niya na hindi matawa. “Anong ginagawa mo dito, Mendez? ‘Di ba sabi ko sa’yo na dito muna kami ng mga anak ko?” Tuluyan ng bumangon si Trixxie at inayos ang damit niyang nalilis ang laylayan. Kita pa niya kung paano napalunok si Gavin habang tinitingnan ang kanyang mapuputing hita. “Tigilan mo nga ako sa tinging ‘yan, Gavin!” “My love naman eh, para tingin lang. Kasalanan ko ba kung sadyang nakakasilaw ang legs mo, nakakawala sa katinuan ko lalo na ‘yong nasa pagitan ng hita mo.” Hinaplos pa niya ang hita ng asawa kaya halos tadyakan siya nito. “Tse! Tigilan mo ako diyan sa pagiging mahilig mo ha! Alalahanin mo, kagagaling ko lang sa hospital. At saka hindi tayo bati, kaya alis!” Tinuro pa ang pinto at naghihintay sa maging response ng asawa. “My love, kung kailangan kong halikan ang mga paa mo, mapatawad mo lang ako!” pakiusap n
Halos madapa pa si Gavin nang puntahan niya sa ospital ang asawa. Pero, laglag balikat siya nang sinabi ng nurse na na-discharge na ang kanyang asawa. Dali-dali siyang bumalik sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Binabaybay na niya ang daan papunta sa mansion ng mga Angeles nang tumunog ang cellphone niya. “Papa, you are fucked this time!” iyon kaagad ang narinig niya mula sa kabilang linya na sinabi ng panganay, “what is it this time, papa?” tanong nito sa ama. “I will explain later, anak. Teka, kasama mo ba ang mama mo ngayon?” tanong ni Gavin sa anak. “No. Nandito ako sa bahay para asikasuhin ang kambal. Mamaya pa ako pupunta sa resort. I need to temporarily assume mama’s position kahit ilang araw lang. Hindi kakayanin ng Tito Harvey na siya lahat sasalo sa gagawin especially now na peak season na at magpapaani pa ng palay,” sagot ni Trevin. “Pupuntahan ko muna ang mama mo para makausap. Salamat, anak at parang ikaw na yata ang nagiging ama dyan para
Sa hospital. . . “Ano ang nararamdaman mo, hija?” tanong ni Anatalia sa anak. Walang imik si Trixxie bagaman patuloy pa rin ang pagbalong ng luha nito. Tahimik itong tumatangis sa pagkawala ng pinagbubuntis. Lumapit si Anatalia sa anak at ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng buong higpit. “Kung handa ka ng pag-usapan ang nangyari ay narito lang ako para makinig, anak.” Doon na tuluyang napa hagulgol si Trixxie sa sinabi ng ina. Para siyang bata na inagawan ng laruan at nagpapakampi. Hinayaan lamang ito ng ina na ibuhos ang nararamdaman sa kanyang balikat. Nang kumalma na si Trixxie ay tsaka niya hinaplos ang pisngi nito. “Ayokong pangunahan ka anak. Huwag mo sanang masamain ang magiging payo ko. Please, ayusin ninyong mag-asawa ang anumang problema ninyo. Hindi na ba kayo naaawa sa panganay ninyo na halos siya na nagiging magulang sa mga kapatid niya?” anito. Gusto man magtampo ni Trixxie sa ina ay napagtanto niyang tama ang kanyang ina.