Nang matapos ni Trixxie ang gusto niyang disenyo ng magiging bahay nila mag-anak, lumuwas sila ng Maynila ni Gavin. Mamili sila ng mga muwebles pati na rin ng mga materyales na gagamitin sa mga gagawing interior design. Sa wakas ay nagamit din ni Trixxie ang kurso na hindi niya natapos dahil sa maagang pagbubuntis noon. Nasa isang Home Improvement depot sila ni Gavin. Bitbit ni Trixxie ang listahan ng mga gustong design at kulay ni Tatiana para sa kwarto nito. Halos buong maghapon silang namili. Syempre pa gastos lahat iyon ni Gavin. Ang mga binili ay ipapadeliver na lang niya sa kanila at puno ang isang closed van sa dami ng kailangan nila. Alas tres na sila lumabas ng pinamilhan at sandaling nagsadya sa isang restaurant para kumain. Kanina pa patingin-tingin si Gavin kay Trixxie, na siyang ipinagtaka ng huli. Kumunot tuloy ang noo ng huli sa ginawa ni Gavin. “Care to share your thoughts?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie. “Ang swerte ko talaga, bukod
“Sige bolahin mo pa ako Mendez!” tanging nasambit ni Trixxie. Totoo naman na maganda siya. Ebidensya na ang dalawang anak na pawang kawangis niya. “Totoo naman, my love. Sa lahat ng naging nobya ko ikaw ang pinakamaganda, pinaka-sexy at ang natatanging virgin na nakuha ko,” sambit ni Gavin. Nagusot ang mukha ni Trixxie sa narinig. “Hindi ikaw ang nakauna kay Honey at Dianne? Galit na galit pa naman si Kuya Harvey sa’yo dahil sa babaeng iyon. First love ni Kuya Harvey, at talagang iniyakan niya ang babaeng iyon.” Bumalik sa alaala ni Trixxie kung paano maglasing ng palihim ang kapatid sa kwarto nito. Hindi ang muntikang pagka-expel nito at pakikipag-rambulan kay Gavin, o ang sermon ng magulang ang labis na dumurog dito. Kundi ang ideyang ibinigay ni Honey kay Gavin ang isang bagay na hindi niya pilit kinuha. “Ha? Ang tanga naman ng kapatid mo! Hindi marunong kumilatis ng baba
Dapit-hapon na sila nakarating sa San Bartolome. Paano ba naman, pagkagising nila pareho ay humirit pa si Gavin ng isa. Pero, nabudol si Trixxie dahil ang sinabing isa ay naging dalawa. Kaya, si Gavin ay pasipol-sipol na nagmamaneho ng sasakyan na parang nanalo ng jueteng. Si Trixxie ay kanina pa aligaga. Kahit naman kasi magpagkapilyo ang kapatid ay istrikto ito sa trabaho. Kahit ang ilang tauhan ay ilag dito. At tanging si Erica lang ang kayang pasunurin ito. “relax, my love. Tiyak maiintindihan ka ng kapatid mo. Parang hindi naman siya dumaan sa ganitong stage,” ani Gavin. Ginagap pa niya ang kamay ni Trixxie na kanina pa nagkikiskisan. Nakaabang na sa gate si Tatiana at Trevin, sila ang unang nakita ng ina ng makarating sila sa mansion ng mga Angeles. Bumaba na kaagad si Gavin at pinagbuksan ng pinto ang nobya. Isang mapanuring tingin ang ipinukol ni Trevin sa ama na napakamot na lang sa batok. Tumaas ang kilay nito at pailalim na tiningnan
Naging abala sa sumunod na araw si Trixxie sa pagkuha ng kaukulang papeles para sa kasal. Una siyang nagtungo sa Civil Registrar's Office para kumuha ng listahan ng mga requirements. Nang mabigyan siya, inuna niya ang mga papeles na kailangan tulad ng birth certificate, at Cenomar. May mga checklist din ng mga requirements din na ibinigay kung sakaling sa simbahan nais ikasal. Pati ang mga dokumento ni Gavin ay siya na ang nag-asikaso. Humingi na lang siya rito ng authorization letter at abala ito sa trabaho. Matapos makuha ang mga kaukulang dokumento, nagpasya si Trixxie na magsimba. Gusto niyang ihiling sa Itaas na sana ay wala na silang harapin na suliranin na mag-anak. Kay haba na kasi ng panahon ang nasayang nila ni Gavin. Kapwa na sila nagdusa sa mga maling akala nila sa isa't isa. Kaya, naisip niya na dapat ilagay sa sentro ng kanilang relasyon ang nasa Itaas. Gusto niyang mabuo sila, at maging matatag sa pagsubok ang kan
Tinitigan ni Trixxie si Gavin. Alam niyang mahal na mahal siya ni Gavin. Nalungkot lang siya nang nalaman na buhay pa si Brandt. Ano kayang paghihirap ng loob ang pinagdaanan nito? Kung may pilat ito sa mukha ay malamang naka-survive ito sa huling misyon bago ito dineklarang namatay. Kaawa-awang Mama Belinda, namatay sa pag-aakalang namatay ang anak. Gusto niya muling makausap si Brandt, ng sila lang. Hindi sa gusto niyang maghabol dito. Gusto niyang linawin ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Katulad ng sino ang may banta para kanino? Tahimik nilang nilisan ang inn na iyon. Ni gaputok ay walang namutawing kahit ano sa kanilang mga labi. Kapwa nakikiramdam sila sa isa't-isa. Ang kaninang tigmak ng luha na pisngi ay malinis na. Ayaw munang magsalita ni Gavin. Hinayaan niyang makapag-isip si Trixxie. Ayaw niyang pangunahan ang mga iniisip ng nobya. Ayaw niyang muli na maging emosyonal ang nobya. Kaninang nakita niyang yumakap ng mahigpit
Babangon na sana si Trixxie pero pakiramdam niya ay umikot ang mundo niya. Sandali niyang pinikit ang mata at kumapit sa headboard ng kama. Umaatake na naman ang vertigo niya, iyon ang sambit ni Trixxie sa sarili. Dahan-dahan niyang minulat ang mata at naglakad papunta sa banyo. Umihi muna siya at pagtayo niya, parang hinalukay ang sikmura niya. Nagduduwal siya na wala nilalabas kundi puro laway na malalagkit. Nagmugmog si Trixxie at nag-toothbrush na rin. Masama ang lasang iniwan noon sa kanyang bibig na kahit ang toothpaste ay hindi kayang tanggalin kaya tatlong beses siyang nagmumug ng mouthwash. Napatingin si Trixxie sa sariling repleksyon sa salamin. Medyo namamaga ang kanyang talukap at eyebags. Hindi pa rin niya maiwasan na malungkot sa sitwasyon nila. Ikakasal siya pero ang dating asawa ay buhay pa! Kung paglaruan ba naman sila ng tadhana! Naligo siya ng maligamgam na tubig
Walang pagsidlan ang tuwa ni Gavin nang malaman niya na kambal ang magiging anak nila ni Trixxie. At nabuo kaagad iyon noong unang nilang p*******g noong sinundo nila sa airport si Trevin. Natawa ang doktor sa naging reaksyon ni Gavin pero binati silang dalawa ni Trixxie. Nagsulat ng reseta ang doktor at pinilas iyon at saka binigay kay Trixxie. Naroon nakasaad ang mga nakatakdang oras ng pag-inom. Pero, nagitla si Trixxie nang may itinanong si Gavin rito. “Doc, safe pa po ba ang alam mo na?” pilyong tanong ni Gavin. Napailing ang doktor at may kinuhang brochure at inabot iyon kay Gavin. Si Trixxie ay gustong magpalamon sa lupa sa kahihiyan sa ginawa ng nobyo. Patagilid na tiningnan niya ng masama ang nakangiting si Gavin. Habang ang huli ay halos mapunit ang labi sa tuwa. Abot tenga ang ngiti ni Gavin at kahit medyo sinamaan ng tingin ng nobya ay walang pakialam. Nang nasa sasakyan na sila ay sinimangutan ni Trixxie ang nobyo. “My love,
Maagang gumising si Gavin kinabukasan. Marami siyang aasikasuhin sa trabaho niya. Mga plano na kailangan i-adjust na naaayon sa gusto ng kliyente. Naligo lang siya at bumaba na. Kasalukuyang nakahain na si Greta ng almusal at tanging isang hiwa ng tinapay at sunny eggs ang kinain niya at saka humigop ng kape. Nagpaalam na siya sa kapatid at ama at diretso na sa trabaho. Mas maaga siya ng kahalating oras pero may susi naman siya ng opisina kaya kaagad siyang pumasok. Dumating na ang sekretarya ng amo at binati pa siya. Pumasok na kaagad si Gavin sa kanyang opisina at inumpisahan ang natenggang trabaho. Hanggang ngayon ay masayang-masaya pa rin siya at madadagdagan ang anak nila ng nobya. As usual, mabagsik ang kanyang punla. Trevin was conceived in one night. So was Tatiana and now their twins. Akala niya hanggang pangarap lang ang magkaroon ng kambal na anak just like Harvey have two sets of twins na pulos pa lalaki! But, g
Wala ng nagawa si Trixxie at Gavin sa pagrerebelde ni Tatiana. Pero, si Trevin ay may ginawang hakbang. "Ito ang igaganti mo sa lahat ng sakripisyo ni Mama para lang maging safe tayo? If you only knew half the tale I knew, you will think about your actions," nangangalaiting saad ni Trevin sa nag-iisang kapatid na babae. "Pabayaan mo na kasi ako. Kapatid lang kita. And please stop parenting me. Pareho lang tayong anak, and yet here you are acting like almighty superior," mataas na tinig na saad naman ni Tatiana. Naningkit ang mga mata ni Trevin sa mga sinabi ng kapatid. Umigkas ang kanyang kamay at sapol ang kanang pisngi ni Tatiana. Kaagad na namula ang mukha ng huli lalo at malakas ang sampal na 'yon. "You bit*h! Get out. If you want to destroy your future, go on. Just don't cry after he has had enough of you. I have warned you." Tiim pa rin ang bagang ni Trevin habang pinagmamasdan ang kapatid na sapo ang pisngi na tinamaan ng sampal. Mas nangingibabaw ang
Six years later “Sino ang lalaking ‘yun Tatiana, huh?” galit na tanong ni Trevin sa kapatid. Kasalukuyang sinusundan ng bente tres anyos na si Trevin ang kapatid na katatapos lang ng debut nang nakaraang buwan. “Kausapin mo ako. Huwag mo akong talikuran!” Nangalaiti na si Trevin sa kawalan ng pakialam ng kaisa-isang kapatid na babae sa kanyang sinasabi. Nahuli lang naman niya ito sa bar sa kabilang bayan. Ang paalam lang nito ay may tatapusin na group project. Pero, lingid sa kaalaman nito, may tracking app siyang kinabit nang palihim sa cellphone nito. Nagulantang pa ito nang inabutan niyang inisang lagok ang tequila kasama ang isang lalaking matangkad na hindi pamilyar sa kanya. Nakapulupot ang braso nito sa baywang ng kapatid at base sa sweetness ng dalawa, duda siyang may relasyon ang mga ito. “Am I still entitled to say anything?” asik ni Tatiana sa kapatid. Tinalikuran ang kapatid at saka umakyat na ng hagdan. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-aky
Matuling lumipas ang mga buwan at naging maayos naman ang pinagbubuntis ni Trixxie. Akala nila magiging maayos na ang kanilang buhay pero muling may nagtangka na nanloob sa tahanan ng mga Mendez. Nahuli ang mga salarin lalo at nakuryente ang mga ito sa wire fence na naka-install pala tuwing gabi sa bakod nila Gavin. Kasalukuyang nasa isang tagong bodega sina Trevin habang ini-interrogate niya ang dalawang lalaki na nahuli nila. “Ayaw n’yo pa rin kumanta kung sino ang mga amo ninyo?” tanong ni Trevin habang pinagkiskis ang mga livewire na ididiin niya sa mga salarin. “Wala kaming amo!” sigaw ng lalaki habang halos mabaliw na sa takot. Ididiin na sana ni Trevin ang wire dito nang pumiyok ang isa. “Si Sir Salvador ang nag-utos sa amin,” sigaw ng isa. “Gago! Papatayin tayo ng mga Guevarra,” singhal ng isa. Napangiti si Trevin lalo at di na nila kailangan na dungisan ang kanilang kamay para parusahan ang mga salarin. Kailangan lang nilang pakawalan an
“Talaga, my love? Kahit noong nabuntis ka kay Tatiana, wala ka talagang balak maghabol sa akin?” tanong ulit ni Gavin. Napag-usapan na nila ang topic na ‘yon sa mga nakaraang taon. Pero, sa tuwina na-a-amaze na marinig ni Gavin ang dahilan ni Trixxie. “Paulit-ulit ka rin, eh. Alangan naman na maghabol ako may Dianne ka at wala akong balak na manira ng may relasyon,” katwiran niya kay Gavin. “Kahit noong may nangyari sa atin wala ka man lang nararamdaman sa akin?” “Meron. Nagagalit ako dahil kailangan mo pa gamitin si Trevin na dahilan para lang makuha mo ang gusto mo,” naiinis na sagot ni Trixxie. “Sa ganda at kinis mo naman kasi, sino ang hindi mahuhumaling?” nakakalokong saad ni Gavin sa asawa. Pinasadahan pa niya ng tingin mula ulo si Trixxie. “Aysus! Nakaapat ka na sa akin, Mendez! Huwag mo nga akong binobola.” “Totoo naman eh. Pakakasalan ba kita kung hindi ako nahuhumaling sa ‘yo?” “Tigilan na nga n
“Ngayon, my love wala ng istorbo,” ani Gavin. Halos mapunit ang kanyang labi sa laki ng kanyang ngiti. Nasasabik na siyang angkinin ang asawa matapos ang halos isang buwan na walang ganap sa kanilang mag-asawa. “May dala ka bang kapote, Mendez?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie sa asawa. Napakamot sa ulo si Gavin. At bakit naman siya hahanapan ng asawa ng condom? “My love, huhugutin ko na lang. Hindi ako nakabili eh, naubusan ako,” rason niya sa asawa. Napakamot pa siya sa kanyang batok lalo at nakaligtaan pa niyang bumili ng proteksyon. Lumapit na si Gavin sa asawa at sinaluhan ito sa kama. Naglakbay ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Kaagad namang napasinghap si Trixxie sa ginawa ni Gavin nang paglaruan nito ang kanyang dibdib. Napaungol siya nang simsimin ng salitan ni Gavin ang kanyang mga bundok. Kumislap ang pilyang ideya sa isip niya. Binuka niya ang kanyang mga hita at tinukod ang kanyang siko sa kama na tila nag-aanyaya kay Gavin. Sumiklab ang
Three weeks after na nagkabati ang mag-asawang Gavin at Trixxie, pumunta sila sa suking OB-Gyn ng huli. “Doc, kumusta naman ang asawa ko? Pwede na po ba sa alam mo na?” pilyong tanong ni Gavin. Kaagad na tumalim ang mata ni Trixxie nang tingnan ang asawa. Muntik niyang hampasin nito si Gavin kung hindi lang naagapan ng huli ang kamay nito. Kahit nasa examination table si Trixxie at nakabuka ang kanyang mga binti ay hindi niya maiwasang mahiya sa pagiging prangka ng kabiyak. Natawa na lang ang doktor lalo at kabisado na nito ang mga pangkaraniwang tanong ni Gavin. Ito na kasi ang naging doktor ni Trixxie mula ng mabuntis siya kay Trevin noon. Hinubad muna niya ang kanyang gwantes at nag-disinfect ng kamay pagkatapos bago hinarap si Gavin. “As I can see from the physical examination, okay naman ang healing ng asawa ninyo, Engr. Mendez. Pwede na pero nasa kanya pa rin kung papayag siya sa gusto mo.” “Yes! Narinig mo ‘yon, my love? Pwede na daw,”
Maingat na minulat ni Trixxie ang kanyang mga mata. Kaagad na umarko ang kanyang kilay pero abot langit ang pagpipigil niya na hindi matawa. “Anong ginagawa mo dito, Mendez? ‘Di ba sabi ko sa’yo na dito muna kami ng mga anak ko?” Tuluyan ng bumangon si Trixxie at inayos ang damit niyang nalilis ang laylayan. Kita pa niya kung paano napalunok si Gavin habang tinitingnan ang kanyang mapuputing hita. “Tigilan mo nga ako sa tinging ‘yan, Gavin!” “My love naman eh, para tingin lang. Kasalanan ko ba kung sadyang nakakasilaw ang legs mo, nakakawala sa katinuan ko lalo na ‘yong nasa pagitan ng hita mo.” Hinaplos pa niya ang hita ng asawa kaya halos tadyakan siya nito. “Tse! Tigilan mo ako diyan sa pagiging mahilig mo ha! Alalahanin mo, kagagaling ko lang sa hospital. At saka hindi tayo bati, kaya alis!” Tinuro pa ang pinto at naghihintay sa maging response ng asawa. “My love, kung kailangan kong halikan ang mga paa mo, mapatawad mo lang ako!” pakiusap n
Halos madapa pa si Gavin nang puntahan niya sa ospital ang asawa. Pero, laglag balikat siya nang sinabi ng nurse na na-discharge na ang kanyang asawa. Dali-dali siyang bumalik sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Binabaybay na niya ang daan papunta sa mansion ng mga Angeles nang tumunog ang cellphone niya. “Papa, you are fucked this time!” iyon kaagad ang narinig niya mula sa kabilang linya na sinabi ng panganay, “what is it this time, papa?” tanong nito sa ama. “I will explain later, anak. Teka, kasama mo ba ang mama mo ngayon?” tanong ni Gavin sa anak. “No. Nandito ako sa bahay para asikasuhin ang kambal. Mamaya pa ako pupunta sa resort. I need to temporarily assume mama’s position kahit ilang araw lang. Hindi kakayanin ng Tito Harvey na siya lahat sasalo sa gagawin especially now na peak season na at magpapaani pa ng palay,” sagot ni Trevin. “Pupuntahan ko muna ang mama mo para makausap. Salamat, anak at parang ikaw na yata ang nagiging ama dyan para
Sa hospital. . . “Ano ang nararamdaman mo, hija?” tanong ni Anatalia sa anak. Walang imik si Trixxie bagaman patuloy pa rin ang pagbalong ng luha nito. Tahimik itong tumatangis sa pagkawala ng pinagbubuntis. Lumapit si Anatalia sa anak at ginagap ang kamay nito. Pinisil niya iyon ng buong higpit. “Kung handa ka ng pag-usapan ang nangyari ay narito lang ako para makinig, anak.” Doon na tuluyang napa hagulgol si Trixxie sa sinabi ng ina. Para siyang bata na inagawan ng laruan at nagpapakampi. Hinayaan lamang ito ng ina na ibuhos ang nararamdaman sa kanyang balikat. Nang kumalma na si Trixxie ay tsaka niya hinaplos ang pisngi nito. “Ayokong pangunahan ka anak. Huwag mo sanang masamain ang magiging payo ko. Please, ayusin ninyong mag-asawa ang anumang problema ninyo. Hindi na ba kayo naaawa sa panganay ninyo na halos siya na nagiging magulang sa mga kapatid niya?” anito. Gusto man magtampo ni Trixxie sa ina ay napagtanto niyang tama ang kanyang ina.