“That was great.” Bulong ni Gavin kay Trixxie matapos nila kapwa maabot ang rurok doon sa silid na pinagdalhan nito sa huli. Namula si Trixxie sa sinabi ng mapapangasawa at mahinang tinampal ang dibdib nito. “Still shy? May binata na nga tayo. Come on my love, huwag ka na mahiya.” May hinugot na panyo si Gavin sa bulsa at ginamit iyon na pamunas sa basang kaselanan ng nobya. Sa hilakbot ni Trixxie ay inamoy-amoy ito ni Gavin. “Yucks!” Nandidiri saad ni Trixxie na tumikwas pa ang kilay sa ginawang iyon ni Gavin. “It smells sweet to me. The world's best aphrodisiac,” pilyong saad nito bago binalik sa bulsa ang dalang panyo. “Come at baka hinahanap na tayo ng dalawa.” Inabot ni Gavin ang kamay kay Trixxie at iginiya na ito palabas ng kwartong iyon. “Mama, I'll be using right next to your room,” sabi ni Tatiana. Kumunot ang noo ni Trixxie. Hindi pa kasi niya nakikita ang
Makalipas ang dalawang araw ay namanhikan na ang mga Mendez sa mga Angeles. Syempre pa, si Tatiana ang pinaka kinilig sa lahat. Dinaig pa nito ang Mamita at Mama nito dahil posturang-postura ito. Ni-request ba naman nito sa beautician na dapat maganda siya. Tanging sina Mang Guillermo, Gavin, at Greta ang naroon. Nasa Mindanao kasi ang kanilang mga kamag-anakan. Hindi rin nakarating si Greg na malapit na matapos sa pag-aaral. “Ang gusto lang namin ay maging maayos ang lahat. Hindi naman kailangan na bongga o di kaya ay magarbo,” ani Senyor Arthur. Naroon sila sa malawak na sala ng mansion, kasama ang sambahayang Angeles. “Si Trixxie na ang bahala sa detalye, total siya naman ang ikakasal,” sabi ni Senyora Anatalia. “Basta Mama, ako ang little bride ha!” singit ni Tatiana na nakadikit sa ama. Tinitignan niya ng napakatamis si Trixxie ngunit pinandilatan ito ng ina.
Nang matapos ni Trixxie ang gusto niyang disenyo ng magiging bahay nila mag-anak, lumuwas sila ng Maynila ni Gavin. Mamili sila ng mga muwebles pati na rin ng mga materyales na gagamitin sa mga gagawing interior design. Sa wakas ay nagamit din ni Trixxie ang kurso na hindi niya natapos dahil sa maagang pagbubuntis noon. Nasa isang Home Improvement depot sila ni Gavin. Bitbit ni Trixxie ang listahan ng mga gustong design at kulay ni Tatiana para sa kwarto nito. Halos buong maghapon silang namili. Syempre pa gastos lahat iyon ni Gavin. Ang mga binili ay ipapadeliver na lang niya sa kanila at puno ang isang closed van sa dami ng kailangan nila. Alas tres na sila lumabas ng pinamilhan at sandaling nagsadya sa isang restaurant para kumain. Kanina pa patingin-tingin si Gavin kay Trixxie, na siyang ipinagtaka ng huli. Kumunot tuloy ang noo ng huli sa ginawa ni Gavin. “Care to share your thoughts?” kapagkuwan ay tanong ni Trixxie. “Ang swerte ko talaga, bukod
“Sige bolahin mo pa ako Mendez!” tanging nasambit ni Trixxie. Totoo naman na maganda siya. Ebidensya na ang dalawang anak na pawang kawangis niya. “Totoo naman, my love. Sa lahat ng naging nobya ko ikaw ang pinakamaganda, pinaka-sexy at ang natatanging virgin na nakuha ko,” sambit ni Gavin. Nagusot ang mukha ni Trixxie sa narinig. “Hindi ikaw ang nakauna kay Honey at Dianne? Galit na galit pa naman si Kuya Harvey sa’yo dahil sa babaeng iyon. First love ni Kuya Harvey, at talagang iniyakan niya ang babaeng iyon.” Bumalik sa alaala ni Trixxie kung paano maglasing ng palihim ang kapatid sa kwarto nito. Hindi ang muntikang pagka-expel nito at pakikipag-rambulan kay Gavin, o ang sermon ng magulang ang labis na dumurog dito. Kundi ang ideyang ibinigay ni Honey kay Gavin ang isang bagay na hindi niya pilit kinuha. “Ha? Ang tanga naman ng kapatid mo! Hindi marunong kumilatis ng baba
Dapit-hapon na sila nakarating sa San Bartolome. Paano ba naman, pagkagising nila pareho ay humirit pa si Gavin ng isa. Pero, nabudol si Trixxie dahil ang sinabing isa ay naging dalawa. Kaya, si Gavin ay pasipol-sipol na nagmamaneho ng sasakyan na parang nanalo ng jueteng. Si Trixxie ay kanina pa aligaga. Kahit naman kasi magpagkapilyo ang kapatid ay istrikto ito sa trabaho. Kahit ang ilang tauhan ay ilag dito. At tanging si Erica lang ang kayang pasunurin ito. “relax, my love. Tiyak maiintindihan ka ng kapatid mo. Parang hindi naman siya dumaan sa ganitong stage,” ani Gavin. Ginagap pa niya ang kamay ni Trixxie na kanina pa nagkikiskisan. Nakaabang na sa gate si Tatiana at Trevin, sila ang unang nakita ng ina ng makarating sila sa mansion ng mga Angeles. Bumaba na kaagad si Gavin at pinagbuksan ng pinto ang nobya. Isang mapanuring tingin ang ipinukol ni Trevin sa ama na napakamot na lang sa batok. Tumaas ang kilay nito at pailalim na tiningnan
Naging abala sa sumunod na araw si Trixxie sa pagkuha ng kaukulang papeles para sa kasal. Una siyang nagtungo sa Civil Registrar's Office para kumuha ng listahan ng mga requirements. Nang mabigyan siya, inuna niya ang mga papeles na kailangan tulad ng birth certificate, at Cenomar. May mga checklist din ng mga requirements din na ibinigay kung sakaling sa simbahan nais ikasal. Pati ang mga dokumento ni Gavin ay siya na ang nag-asikaso. Humingi na lang siya rito ng authorization letter at abala ito sa trabaho. Matapos makuha ang mga kaukulang dokumento, nagpasya si Trixxie na magsimba. Gusto niyang ihiling sa Itaas na sana ay wala na silang harapin na suliranin na mag-anak. Kay haba na kasi ng panahon ang nasayang nila ni Gavin. Kapwa na sila nagdusa sa mga maling akala nila sa isa't isa. Kaya, naisip niya na dapat ilagay sa sentro ng kanilang relasyon ang nasa Itaas. Gusto niyang mabuo sila, at maging matatag sa pagsubok ang kan
Tinitigan ni Trixxie si Gavin. Alam niyang mahal na mahal siya ni Gavin. Nalungkot lang siya nang nalaman na buhay pa si Brandt. Ano kayang paghihirap ng loob ang pinagdaanan nito? Kung may pilat ito sa mukha ay malamang naka-survive ito sa huling misyon bago ito dineklarang namatay. Kaawa-awang Mama Belinda, namatay sa pag-aakalang namatay ang anak. Gusto niya muling makausap si Brandt, ng sila lang. Hindi sa gusto niyang maghabol dito. Gusto niyang linawin ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Katulad ng sino ang may banta para kanino? Tahimik nilang nilisan ang inn na iyon. Ni gaputok ay walang namutawing kahit ano sa kanilang mga labi. Kapwa nakikiramdam sila sa isa't-isa. Ang kaninang tigmak ng luha na pisngi ay malinis na. Ayaw munang magsalita ni Gavin. Hinayaan niyang makapag-isip si Trixxie. Ayaw niyang pangunahan ang mga iniisip ng nobya. Ayaw niyang muli na maging emosyonal ang nobya. Kaninang nakita niyang yumakap ng mahigpit
Babangon na sana si Trixxie pero pakiramdam niya ay umikot ang mundo niya. Sandali niyang pinikit ang mata at kumapit sa headboard ng kama. Umaatake na naman ang vertigo niya, iyon ang sambit ni Trixxie sa sarili. Dahan-dahan niyang minulat ang mata at naglakad papunta sa banyo. Umihi muna siya at pagtayo niya, parang hinalukay ang sikmura niya. Nagduduwal siya na wala nilalabas kundi puro laway na malalagkit. Nagmugmog si Trixxie at nag-toothbrush na rin. Masama ang lasang iniwan noon sa kanyang bibig na kahit ang toothpaste ay hindi kayang tanggalin kaya tatlong beses siyang nagmumug ng mouthwash. Napatingin si Trixxie sa sariling repleksyon sa salamin. Medyo namamaga ang kanyang talukap at eyebags. Hindi pa rin niya maiwasan na malungkot sa sitwasyon nila. Ikakasal siya pero ang dating asawa ay buhay pa! Kung paglaruan ba naman sila ng tadhana! Naligo siya ng maligamgam na tubig