Share

CHAPTER 2

Author: soxsaffi
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

***SEVEN YEARS AGO.

Nakaupo sa kama si Lily habang nakatayo naman sa harap ng bintana ng kwarto si Ivor. Walang kumikibo sa kanila.

Binasag ni Lily ang katahimikan at kalmadong nagsalita, “Let’s get a divorce,” buo na ang desisyon niya.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Ivor. “What did you say?”

Inangat ni Lily ang ulo niya at diretso niyang tiningnan sa mga mata si Ivor. “Narinig mo ang sinabi ko, Ivor. Gusto ko ng divorce, maghiwalay na tayo.”

“No,” pagmamatigas ni Ivor. Nag-iwas nang tingin si Lily sa kaniya kaya nagsalita siyang muli, “Kahit sa ganitong bagay? Ikaw pa rin ang magde-desisyon?”

Binalik ni Lily ang tingin sa asawa. “Bakit? Ayaw mo? Hindi ka ba napapagod sa relasyon na ‘to?”

“Pagod ka na, Lily? Sinasabi mong pagod ka na sa’kin?” hindi maitago ni Ivor ang sakit sa boses niya na nanggagaling mula sa puso niya.

“Oo, Ivor! Pagod na ‘ko!” Lily burst out her frustration.

Hindi na niya kayang kimkimin ang damdamin niya. “Hindi ko na kayang ayusin ang relasyon na ‘to na mag-isa. Sabi mo partner tayo, pero hindi mo ‘ko tinutulungan. Mag-isa kong inaasikaso ang anak natin, pati na rin ikaw!” Kung nasasaktan si Ivor sa mga hinanaing niya, mas doble ang sakit at bigat na pasan ni Lily.

“Tinutulungan kita hanggang sa kaya ko, Lily. Ako ba naiintindihan mo? Bakit hindi ko maramdaman? Kapag kailangan kita kahit ang lapit mo, hindi kita kayang abutin.”

“Ivor, magsusumbatan ba tayo rito?” nakakunot noo na tanong ni Lily sa asawa.

Nanlaki ang mga mata ni Ivor sa galit, pero nanatili siyang kalmado. “Bakit? Ikaw ang nauna. Sa totoo lang, pagod na rin ako sa relasyon natin, pero hindi ko naisip ni minsan na bitiwan ka. Wala ba talaga akong silbi sa’yo? Nagta-trabaho akong maigi para sa’ting tatlo. Hindi mo alam ang hirap at pagod na pinagdadaanan ko sa opisina pati na rin sa boss ko.”

“Nahihirapan din naman ako rito sa bahay, Ivor! Ako lang mag-isa ang nag-aalaga sa anak natin, naglilinis ng bahay pati na rin sa pag-aasikaso ko sa’yo. Gigising ka, magbibihis, kakain at aalis na hindi man lang nagpapaalam sa’kin. Kapag uuwi ka naman, huhubarin mo lang ang damit mo at magpapalit ‘tapos matutulog ka na. Ni hindi mo ‘ko magawang batiin, tanungin man lang kung okay ako o kung nahihirapan ako.

“Gusto kong makipag-divorce dahil hindi ko kayang makita na wala kang ginagawa kahit nakikita mong nahihirapan ako. Kaya naisip kong mas mabuti na ako na lang mag-isa magpalaki kay Isaac. Kaysa nandito ka nga, hindi mo naman magampanan ang pagiging ama at asawa mo sa’min ng anak mo.”

Ivor looked at his wife intensely. “Bakit, Lily? Tinanong mo rin ba ako kung okay lang ako? Kapag day-off ko, kahit gusto kong magpahinga ay hindi ko ginagawa. Tinutulungan kita sa gawaing bahay para focus ka sa pag-aalaga kay Isaac. Kapag nandito ako, hindi mo nga ako kinakausap. Para akong multo na hindi mo nakikita.”

“Oo, Ivor, tinanong kita. Kaya lang hindi mo yata maalala dahil sa tuwing sinusubukan kitang kausapin, kumustahin, o kung may problema ka, palagi mong sinasabing okay ka at puro ka wala kahit halata sa mukha mo na hindi ka naman okay. Iyon ang dahilan bakit hindi na lang kita kinakausap. Hindi ko gagawin kung hindi mo sinimulan. Kasalanan ko pa rin ba, Ivor?”

Marahas na nagpakawala nang paghinga si Ivor. “Alright. Kung ‘yan ang gusto mo at nahihirapan ka na talaga, payag na ‘kong makipag-divorce. Mahal kita, Lily at ayokong maging pabigat sa’yo.”

Nang matapos magsalita si Ivor, naglakad siya patungo sa pinto at lumabas ng kanilang kwarto. Nagpakawala nang malalim na paghinga si Lily nang maiwan siyang mag-isa sa kwarto.***

Bumalik sa realidad si Lily nang wala na siyang nainom na alak mula sa baso na hawak niya. Nakatayo siya ngayon sa harap ng bintana ng kwarto niya at umiinom siya nang alak dahil hindi siya makatulog. Hindi niya namalayan na nagbalik-tanaw siya sa nakaraan.

Ilang gabi na ang lumipas, pero palaisipan pa rin sa kaniya ang nangyari noong charity event. Gusto niyang makausap si Ivor, pero wala naman siyang contact dito. Maya maya pa, nakaramdam nang antok si Lily kaya naman nahiga na siya sa kama niya.

******

Binuksan ni Lily ang sliding door ng kaniyang opisina habang bitbit ang isang tray ng meryenda para sa bestfriend niya. Pagpasok niya sa loob, nakita niyang komportableng nakaupo sa couch ang bestfriend niyang si Gwyneth Ong habang hinihintay siya nito.

Naglakad siya palapit kay Gwyneth at nilapag niya ang tray sa center table na kaharap nito. Ibinaba niya ang red-velvet cake at iced americano na in-order ng bestfriend niya.

Umupo si Lily sa tabi ni Gwyneth at nagsimula itong magtanong, “Kumusta ka na, girl?”

“Mabuti naman, gano’n pa rin.”

“Wala kang ikukuwento?” pagtatanong ni Gwyneth sa kaniya.

“Ano naman ang ikukuwento ko?” patay malisya na tanong ni Lily pabalik.

Umayos nang upo si Gwyneth at tiningnan niyang mabuti ang kaibigan. “Sa itsura mo pa lang, Lily, alam ko nang may bumabagabag sa’yo. May iniisip ka na hindi maalis sa utak mo. Spill it, makikinig ako.”

Huminga nang malalim si Lily. “Am I that obvious?”

Umiling-iling si Gwyneth. “Nope, but my instinct says so.”

“Well, naalala mo ba iyong charity event na nabanggit ko sa’yo?” panimula ni Lily.

“Iyong same charity event na in-invite rin ako? What about it?”

“Nagkita kami ni Ivor sa event.”

Nanlaki ang mga mata ni Gwyneth. “Seryoso?” malakas na sabi nito. Nagsalita itong muli, “Anong nangyari? Nagka-usap kayo?”

Umiling-iling si Lily. “Hindi. Sa totoo lang nagulat din ako, pero ang mas ikinabigla ko, nilagpasan niya lang ako at nagpanggap na hindi ako kilala.”

Napatayo si Gwyneth at sumigaw, “He did what?!”

Hinawakan ni Lily sa pulso ang kaibigan at hinila ito paupo. “Huwag ka ngang sumigaw, Gwy! Kumalma ka.”

“Come on, Lily! Paano naman ako kakalma? Napakagago ng ex-husband mo.” Bakas sa mukha ni Gwyneth ang iritasyon dahil sa narinig.

“Alam ko, pero wala naman akong magagawa. Naguguluhan din ako bakit gano’n ang inakto niya.”

“Tsk, tsk,” pagre-react ni Gwyneth. Sumandal ito sa couch at nag-cross arms. “Sa loob nang pitong taon na hindi siya nagpakita para suportahan at sustentuhan ang anak ninyo, siya pa ang may lakas ng loob na ganyanin ka? Hindi man lang kinumusta si Isaac!”

Sumandal din sa couch si Lily at nakatingin lang siya sa kawalan. “Ayan din ang pumasok sa isip ko, Gwy. Na-bother talaga ako kaya hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Gusto ko siyang kausapin kaya lang sa tinagal nang panahon, wala na akong contact sa kaniya.”

“Naku! Nakakagigil talaga ang ginawa niya. Gusto ko siyang suntukin sa mukha,” madiin ang bawat salitang binibitawan ni Gwyneth at ramdam iyon ni Lily kahit hindi siya nakatingin sa kaibigan.

“Akala ko nga, susubukan niyang makita o tanungin man lang ang tungkol kay Isaac, pero wala siyang ginawa. Palagi naman, hindi na sana ako nag-expect. Hindi ko naman sinubukan ipagkait sa kaniya ang bata, pero siya ang lumayo. Maisip ko pa lang na malalaman ‘to ng anak ko, nasasaktan na ako para sa kaniya,” hindi maitago ni Lily ang sakit sa tono ng boses niya.

“Mapanindigan sana ‘yan ng ex-husband mo, Lily. Kapag bumigay siya at gusto makita ang inaanak ko, huwag mong hayaan,” seryosong sabi ni Gywneth.

Bumuntong hininga si Lily. “Biglang pumasok sa isip ko, hindi kaya galit pa rin siya sa’kin? Iyon lang ang puwedeng dahilan bakit gano’n ang inaakto niya.”

“Anong sabi mo sa’kin dati? Parehas kayong nagkamali sa marriage ninyo. Ibig sabihin, wala siyang karapatan na magalit. Ilang taon din kayong magkarelasyon, kahit pa may hindi kayo pagkakaintindihan, mali iyong ginawa niya.”

“Alam mo, Gwy, hindi naman importante sa’kin ‘yong ginawa niya sa’kin no’ng nagkita kami. Hindi ko lang talaga matanggap na nadadamay ang anak namin sa alitan naming dalawa.”

Naramdaman ni Lily na umayos nang upo si Gwyneth kaya tiningnan niya ito. Itinaas nito ang kanang kamay hanggang sa mukha nito at naka-close fist. “Fighting, Lily! Kaya mo ‘yan! Isa pa, nandito ako. Support kita!”

Sumilay ang ngiti sa labi ni Lily dahil sa sinabi ni Gwyneth. “Thank you. Wala man akong bunsong kapatid na babae, nagpapasalamat ako na nandito ka, Gwy.”

Nginitian ni Gwyneth pabalik si Lily at pabiro itong hinampas. “Ano ka ba! Ako lang ‘to, oh.”

Natawa siya sa inakto ng kaibigan kaya naman natawa rin ito. Kahit paano ay gumaan na ang loob ni Lily nang makausap niya si Gwyneth. Hindi siya dependent na tao. Kung kaya niya gawin mag-isa, gagawin niya. Ngunit may pagkakataon talaga na kailangan niya nang makakausap para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya. Mabuti na lang may kaibigan siyang kagaya ni Gywneth.

Tatlong oras ang lumipas matapos makapag-usap at bonding, lumabas mula sa sariling office si Lily kasama si Gwyneth para ihatid ito sa labas. Nang madaan sila sa counter, huminto si Gwyneth at binati niya si Russel Pascual— ang head manager sa café&restaurant ni Lily.

Tinawag ni Gwyneth ang head manager, “Manager Russel, mauna na ‘ko,” nakangiting sabi niya habang nagpapaalam.

Bumaling nang tingin si Russel kay Gwyneth at nginitian ito pabalik. “Salamat, Gwy. Ingat ka.”

Palabas na nang restaurant sina Lily at Gwyneth nang biglang pumasok sa entrance si Lian kaya nakasalubong nila ito.

Nanlaki ang mga mata ni Lily nang makita ang kapatid. “Lian? Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka?”

Malawak ang ngiti na ibinigay ni Lian sa ate niya. “Pauwi na ‘ko galing work, Ate. Kaya lang naisip ko na dumaan muna at bumili ng kape.”

Tumango-tango si Lily. “I see, sige una na ‘ko. Ihahatid ko pa itong kaibigan ko.”

Nagkatinginan sina Lian at Gwyneth. Nagsimulang ipakilala ni Lily ang kaibigan at ang kapatid niya sa isa’t isa. “Gwy, he’s my long-lost brother— Lian Andra. And Lian, she’s my bestfriend— Gwyneth Ong.”

Inilahad ni Gwyneth ang kamay niya para makipag-shake hands. “Nice to meet you, Lian.”

Tinanggap ni Lian ang kamay ni Gwyneth at nag-shake hands sila. “Nice to meet you too, Gwyneth,” he can’t help himself, but to smile.

Si Gywneth na ang unang bumitaw mula sa kamay ni Lian at in-excuse niya ang sarili na kailangan na niyang umalis. Nagpaalam naman si Lian sa kaniya at ngiti lang ang isinagot pabalik ni Gwyneth.

Sabay na lumabas sina Lily at Gywneth mula sa café&restaurant. At sa pagbalik ni Lily sa loob, naglakad siya palapit sa kapatid niya na nakatayo sa counter at hinihintay ang order nito.

“Gusto mo si Gwyneth, ‘no?” diretsong tanong ni Lily sa kapatid niya.

Napatingin sa kaniya si Lian at nahihiya itong napahawak sa sariling batok. “Halata ba, Ate?”

“Kung hindi, ‘di naman ako magtatanong. Kalimutan mo na ‘yan.”

“Bakit? May boyfriend siya?”

Sasagot pa lang sana si Lily, pero sumali sa usapan nila si Russel at tinukso si Lian. “Ibig sabihin ni Ma’am Lily, wala kang pag-asa kay Gwyneth.”

Kumunot ang noo ni Lian. “Paano mo naman nasabi ‘yon, Ate? Hindi pa naman niya ‘ko nakikilala.”

Lily let out a soft chuckles. “Alam ko, pero kilala ko kayong dalawa. Ayaw ni Gywneth sa mga iyakin.”

“Grabe ka naman, Ate Lily! Hindi naman ako iyakin.”

“Oh. Parang paiyak ka na nga, Lian.” Tumatawang sabi ni Russel.

“Hindi kaya!” defensive naman na sabi ni Lian.

Nagkatinginan sina Lily at Russel pagkatapos ay tumingin sila kay Lian at sabay nila itong tinawanan.

“Kuya Russel naman, Ate Lily, huwag niyo ‘kong tawanan. Hindi naman ako iyakin, promise!” hindi pa rin tumitigil si Lian sa pagtatanggol sa kaniyang sarili.

They’re supposed to stop, but Lily and Russel laughed even more at Lian.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ej Villamor Naelgas
Yung magkasama kayo pero may malaking bitak sa pagitan niyong mag asawa hangang sa lumawak at tuluyang mawasan.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 3

    Nakatingin sa kawalan si Ivor na siyang nakaupo sa swivel chair ng kaniyang opisina. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya iyong babaeng nakasalubong niya sa charity event. Alam niyang hindi niya ito kilala, pero familiar ito sa kaniya. Ilang araw na nga niyang iniisip na maaring nakita niya na ito kung saan. Isang taon na rin ang nakalipas simula nang makabalik siya sa Pilipinas galing sa USA at sigurado siyang ngayon lang niya nakita ang babaeng ‘yon, pero bakit pakiramdam niya ay hindi ito ang unang beses.“Sir Ivor?”Bumalik sa realidad si Ivor nang marinig ang boses nang kaniyang secretary na si Lian Andra.Nag-angat siya nang tingin dito. “Ano ‘yon, Lian?”“Lunch break na po, Sir. Saan po ninyo gusto kumain para makapagpa-reserve na po ako? After po niyan may afternoon meeting po kayo kay Mr. Cruz,” nakangiting sabi nito kay Ivor.“Magpa-food delivery ka na lang at dito na lang ako kakain. Sa conference room lang naman ang meeting namin, right?”“Y

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 4

    “What?!” Gwyneth exclaimed. Hinawakan ni Lily ang kaibigan sa pulso nito saka ito hinila paupo sa couch ng opisina niya. Nandito na naman ang kaibigan niya para tumambay at ito ang naging reaksyon ni Gwyneth nang i-kuwento ni Lily ang nangyari sa pagitan nila ni Ivor limang araw na ang nakaraan.“Huwag ka naman sumigaw, Gwy!” pagsuway pa niya sa kaibigan.Malalaki pa rin ang mga mata ni Gwyneth na nakatingin kay Lily. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nalaman mula sa kaibigan. “Totoo ba talaga? May amnesia siya? Baka naman nagpapanggap lang siyang hindi ka talaga kilala para malagpasan niya ang ginawa niya sa’yo?” may pagdududa sa boses na sabi ni Gwyneth.“He seems to be telling the truth. Nakita ko kung paano siya maguluhan nang malaman niyang magkakilala kami. Ang mas nakakapagpa-bother sa’kin, ‘yong sinagot ko sa kaniya! Mukha akong tanga, para akong naghahabol na ewan. Ang lame pa ng excuses ko sa kung paano “kuno” kami nagkakilala,” Lily said. Nagpakawala siya nang malalim na pa

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 5

    Nakatayo sa harap ng pinto si Ivor sa labas ng condo unit ni Lian. Hinihintay niya na pagbuksan siya nito ng pinto. Magdo-doorbell sana ulit si Ivor dahil inabot na siya nang ilang minuto sa labas, nang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang bata na sa tingin niya ay seven or eight years old.“Sino po kayo?” tanong sa kaniya ng bata.Tiningnan pa ni Ivor ang number ng unit sa gilid ng pinto para siguruhin na kay Lian itong condo unit dahil baka nagkamali siya.“This is Lian’s condo unit, right?” tanong ni Ivor sa bata.Tumango ito. “Opo. Uncle ko po siya. Nasa banyo po siya kaya ako na po ang nagbukas ng pinto.”“I see. Balik na lang—”Hindi na natapos ni Ivor ang sasabihin dahil nagsalita ang bata, “Sige po, pasok na po kayo. Maya maya po ‘tapos na si Uncle Lian maligo.”Nag-aalangan man, pero pumasok na si Ivor sa loob ng condo unit at sinenyasan ang bata na pumasok na sa loob at siya na ang magsasara ng pinto. Naglakad si Ivor patungo sa living room at naabutan niyang n

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 6

    Nasa labas ng airport si Ivor para sunduin ang nakababata niyang kapatid na si Janelle Aquino. Hindi man niya ito kaparehas ng apelyido at hindi man sila magkadugo, tinuturing naman niya itong tunay na kapatid.Nakasandal siya sa hood ng kaniyang kotse habang matiyagang naghihintay. Ilang segundo pa ang lumipas, nakita na niyang lumabas mula sa loob ng airport si Janelle. Nililibot nito ang paningin sa paligid na tila hinahanap siya kaya naman isinigaw na niya ang pangalan nito para tawagin.“Jane! Over here!”Nang marinig ni Janelle ang pinaiksing pangalan niya, mabilis niyang nakita ang kinaroroonan ni Ivor. Naging malawak ang kaniyang ngiti nang makita ang kuya niya, sa kabilang banda ay ganoon din naman si Ivor. Nagsimulang maglakad si Ivor palapit kay Janelle at ganoon din ang dalaga. Nagkasalubungan sila sa gitna. “I’m back, Kuya! You miss me?” nakangiti at mapang-asar na sabi ni Janelle kay Ivor.Nginisihan ni Ivor ang nakababatang kapatid. “No, I’m not, but Mom and Dad miss y

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 7

    Nakaupo si Lily sa swivel chair niya at abala siya sa pagbabasa ng mga documents paper nitong mga nagdaang araw para sa mga naka-schedule nilang event.Maya maya pa nag-ring ang telepono sa kaniyang opisina. Kinuha niya ito at saka sinagot. “Hello, this is Lily Andra of ISAAC’s speaking.”“Good afternoon, Ms. Lily. This is Lian Andra from IVS Construction. I would like to apply for an inquiry,” pagpapakilala mula sa kabilang linya.“Lian? My little brother?” sabi ni Lily at hindi niya napigilan na matawa.“Ate naman! Seryoso ako rito, oh. Nasa work ako kaya kailangan ko maging formal,” parang bata na nagrereklamo sa kabilang linya si Lian.Tumikhim si Lily at inayos ang pananalita niya, “Okay, okay. Hindi mo naman kailangan maging formal. Mag-i-inquire ka para saan?”Narinig ni Lily ang pagbuntong hininga ni Lian sa kabilang linya bago ito magsalita, “O-order sana kami ng packed lunch para sa seminar ng mga new employee ng company namin. Alam mo naman, bago pa lang ito kaya madami-dami

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 8

    Bumaba si Lily mula sa opisina niya para harapin ang isang staff na mula sa isang movie production na nagpa-schedule sa kanila para mag-inquire. Nakaupo ito sa pandalawahan na mesa na malapit sa bintana, nilapitan ito ni Lily at may ngiti sa labi niya itong binati. Binati rin naman siya nito pabalik. Umupo siya sa harap nito at nagsimula na silang mag-usap.Sa kanilang pag-uusap, nabigla si Lily kung anong inquiry ang tinutukoy nito. Nanlalaki ang mga mata ni Lily sa gulat. “Hindi kayo mag-i-inquire para sa food services namin? Kung hindi gusto ninyong i-rent itong restaurant ko para sa location ng movie ninyo?”Tumango-tango ang kausap niya. “Yes, Ma’am. Sabi ko nga kanina ay isa akong location staff. Naghahanap kami ng mga café&restaurant type para sa setting ng aming movie. Isa sa mga nakita ko ay itong restaurant mo, in-approve na rin ito ng director namin. At kung gusto ninyo ay maari naman nating mapag-usapan ang detalye.”“That’s a lot to ask. I mean, business ito. Araw-araw na

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 9

    Nasa loob ng opisina ni Ivor silang dalawa ni Lian. Alas otso na ng gabi at sila na lang ang naiwan sa kumpanya bukod sa mga night-shift guard. Nag-aayos pa si Ivor nang kaniyang mga gamit. Si Lian naman ay nakaupo sa long couch habang naghihintay at nagseselpon. Nang matapos si Ivor magligpit, umupo siya muli sa swivel chair niya at sumandal doon saka niya ipinikit ang mga mata niya.“Kuya, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Lian at dahil tapos na ang office hours, hindi na nila kailangan maging pormal sa isa’t isa.Idinilat ni Ivor ang mga mata niya at hinarap ang kaibigan. “Lian, may naisip ako.”Kumunot ang noo ni Lian. “Ano naman ‘yon?”“Nagustuhan ko kasi iyong luto sa restaurant ni Lily. Mag-offer kaya tayo ng one-year contract sa kanila? Para tuwing may event dito sa company, sila na lang kukunin natin.”Hindi pinansin ni Lian ang ibang sinabi ni Ivor dahil nakakuha ng atensyon nito ay kung anong tinawag ni Ivor sa ate niya. “Lily? Hindi ba dapat Ms. Lily Andra kasi hindi naman

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 10

    “Mr. Sales?” pagpukaw ni Lily nang atensyon kay Ivor na nasa harap niya.Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Nakita niyang umiwas ito nang tingin. Ilang segundo ang lumipas saka siya muling tiningnan ni Ivor. “I mean— I was just complementing you, Ms. Lily. Iba kasi ang ayos mo ngayon.”Nagtataka man si Lily dahil ito lang naman ang usual na ayos niya, ipinagsalawang bahala na niya ito. “Anyway, shall we start the meeting?” tanong niya kay Ivor.“Yes, of course.” May nilabas itong folder sa attache case na dala. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, “Ito iyong kontrata. Nasa loob niyan ang offer namin ganoon na rin ang terms and condition na maari pang maiba sa pag-uusap natin ngayon,” sabi ni Ivor at inabot sa kaniya ang folder.Kinuha iyon ni Lily at binuksan ang folder saka niya sinimulan na basahin ang kontrata. Ilang minuto ang lumipas after mabasa ni Lily ang ibang parte ng kontrata, nag-angat siya nang tingin kay Ivor at ikinagulat niya na nakatingin na ito sa kaniya. Nagtama ang mg

Latest chapter

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 45

    Humahangos na tumatakbo si Lily mula sa parking lot ng ospital hanggang pagpasok niya sa loob. Lumapit siya sa nurse’s reception para tanungin kung nasaan ang anak niya. Sinamahan siya nang isa sa mga nurse patungo sa emergency room.Nakasunod si Lily sa nurse at huminto sila sa isang kama. Nakahiga si Isaac habang tahimik na nakaupo si Ivor sa tabi ng ospital bed. Mabilis na nilapitan ni Lily ang natutulog niyang anak.Hinaplos niya ang buhok nito at naluluhang pinagmamasdan si Isaac.Lumingon si Lily sa nurse. “How’s my son? Kailangan niya ba ng surgery? May injuries ba siya? Anong kailangang gawin?” sunod sunod niyang tanong habang hindi maalis ang malakas na pagkabog sa kaniyang dibdib.“Gladly, Ma’am, your son is okay. May kaunti lang siyang gasgas sa noo pero maayos ang lagay niya. We’ve run several tests on him and there are not any findings. Nahimatay lamang po siya dahil sa pagkabigla ngunit maari niyo na po siyang i-uwi pagkagising niya,” mahabang paliwanag sa kaniya ng nurse

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 44

    ***SEVEN YEARS AGO...Nakatayo si Ivor sa harap nang kaniyang boss habang binabasa nito ang project proposal niya. Kumunot ang noo nito at nang mag-angat ito nang tingin sa kaniya, masama ang mga titig nito.The next thing he knew, binato sa kaniya nang kaniyang boss ang folder kung saan nakalagay ang mga documents ng proposal na iyon.“What the f*ck is this, Ivor? Can you do your job better?” Hindi man siya sigawan nito, ramdam niya ang panggagalaiti sa boses nito.“I’m sorry, Sir,” he said. Almost a whisper.“Revised it! That f*cking trash can’t even be approved! I’ll give you five days!”“Limang araw lang?” Iyon ang pumasok sa isip niya. Halos dalawang linggo niya iyong ginawa at may overnight pa, pagkatapos sobrang iksi ng deadline para sa revision?Walang magawa si Ivor dahil ito pa rin ang senior manager nila habang assistant manager pa lang siya. Swerte pa nga siya dahil office worker siya rito sa U.S. Huminga siya nang malalim. “Yes, Sir.” Dinampot niya ang mga nahulog na pa

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 43

    Kalalabas lang ni Lily sa living room mula sa kwarto ni Isaac. Pinatulog niya muna ito bago kausapin si Lian. Nakaupo ang kaniyang kapatid sa couch habang hinihintay siya. Nag-angat ito sa kaniya nang tingin nang maramdaman nito ang presensya niya.“Iniiwasan mo na naman si Kuya Ivor ‘no?”Umiwas nang tingin si Lily at umupo sa tabi ni Lian. Sumandal siya sa couch at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. “Oo. Naalala ko ang mga dahilan bakit kailangan ko siyang iwasan,” seryosong sagot ni Lily sa tanong ni Lian.She heard him heaved a deep sigh. “May problema ba kayo? Hindi mo ba puwedeng kausapin si Kuya Ivor tungkol do’n?”“Lian, simula pa lang dapat ganito na. Ilang taon nang hindi parte nang buhay namin ang isa’t isa. Kahit sabihin ko sa kaniya na ayoko na siyang makita, ano naman ang idadahilan ko?”Nang hindi siya nakarinig nang sagot kay Lian, dinilat niya ang kaniyang mga mata. Tahimik itong nakaupo sa tabi niya.“You want to know the reason?”Lumingon sa kaniya si Lian, pagk

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 42

    Nang makadating si Ivor sa bahay nila, sinalubong siya nang kaniyang ina. “Mabuti at nandito ka na, Ivor.”Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kay Janelle kaya niyakap niya ang ina. “Don’t worry, Mom. Magiging okay din siya. How was she?”Humiwalay silang mag-ina sa pagkakayakap sa isa’t isa. Inakbayan ni Ivor ang ina niya at sabay sila naglakad patungo sa second floor.“She’s alright. Pero sabi ng doktor, kailangan niya nang bed-rest.”Pagdating nila sa second floor, dumiretso sila sa kwarto ni Janelle. Kumatok ang kanilang ina.“Anak, nandito na ang kuya mo.”Binuksan ni Ivor ang pinto at nakita nilang nakaupo si Janelle sa kama nito at nakasandal sa headrest. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita siya.“Oh, Kuya? Anong ginagawa mo rito?” dumako ang tingin ni Janelle sa kanilang ina. “Sinabi mo kay Kuya Ivor, Mom?”Humiwalay kay Ivor ang kanilang ina, lumapit ito kay Janelle at umupo sa gilid ng kama nito. “I’m sorry. Nag-aalala lang ako sa’yo, bunso. Isa pa, hindi namin k

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 41

    Naglalakad si Lily sa parking lot ng isang commercial building para hanapin kung saan niya na-park ang kotse niya. Nang makita niya ito, pumasok siya sa driver seat. Mabilis niyang sinara at ni-lock ang pinto saka siya nag-seatbelt. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nagsimulang magmaneho paalis ng building na ‘yon.Kagagaling lang niya sa isang client meeting at pauwi na siya ngayon. Mabagal ang daloy ng mga sasakyan dahil rush hour na. Kaya naman kinuha ni Lily ang cellphone niya at tinawagan si Ivor para i-check si Isaac. Ilang ring pa lang ay sumagot na si Ivor. “Hello, Lily?”“Hi, Ivor. Kumusta si Isaac? Pauwi pa lang ako, sorry.”“No, it’s okay. Ayos naman siya. Katatapos lang namin gawin ang assignment niya.”Weekdays ngayon pero magkasama sina Ivor at Isaac. Simula nang si Ivor ang magsundo kay Isaac galing sa eskwelahan at nang malaman nito ang bahay nila, ito na minsan ang nagtitingin kay Isaac kapag ginagabi siya sa trabaho. Dinidiretso na ni Ivor ang anak niya sa bahay

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 40

    Hininto ni Ivor ang kotse sa tapat nang isang bahay. Bungalow house ito na may garden sa harap bago makarating sa front door. Pinaghalong itim at puti ang kulay ng bahay sa labas.“Nandito na po tayo, Uncle Ivor.”Narinig niyang sabi ni Isaac. Tinulungan niya itong magtanggal ng seatbelt. Binuksan ni Ivor ang pinto sa passenger seat para makalabas si Isaac. Inalis na rin niya ang kaniyang seatbelt at lumabas mula sa driver seat. Sinamahan ni Ivor umuwi si Isaac para kunin ang assignment nito. Hindi kasi iyon nadala ng bata nang ihatid ito ni Lily sa condo ni Lian kaninang umaga. Pagkatapos nilang kunin ang assignment ni Isaac, babalik na rin sila sa condo at dadaanan nila si Lian sa grocery store na pinag-iwanan nila rito.Sinundan ni Ivor si Isaac na maglakad patungo sa gate. Nakasunod lang siya rito hanggang sa makarating sila sa front door. Dahil naka-passcode system ang lock ng pinto nina Lily, nakita ni Ivor na nag-type doon si Isaac. Bumukas ang pinto at pumasok sila sa loob.N

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 39

    Nakadukdok si Lily sa office table niya dahil pakiramdam niya naging problemado siya sa kinakaharap niya ngayon. Nag-angat siya nang tingin kay Gwyneth na nakaupo sa couch at naghihintay sa ikukuwento niya dahil naabutan siyang ganito nang kaibigan niya.“Wala ka na namang trabaho?” pagpuna ni Lily kay Gwyneth.Tinawanan siya nito. “Grabe! Imbes na batiin mo ‘ko, ‘yan talaga bungad mo sa’kin?”“Argh!” iyon ang lumabas sa bibig ni Lily at dumukdok ulit sa mesa niya.“Bakit ba ang problemado mo? May nangyari ba?”Nag-angat ulit nang tingin si Lily kay Gwyneth at nagpalumbaba siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo na lumipas.Simula nang gabing iyon sa event, parang mas naging malapit sa kaniya si Ivor lalo na sa anak nila. Ito na ang sumusundo kay Isaac tuwing hapon sa school. Dinadala na lang ni Ivor sa kaniya si Isaac dito sa café & restaurant niya pagkatapos sabay silang uuwi kahit na kaniya kaniyang kotse ang gamit nila.Nagpapaalam naman si Ivor sa

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 38

    “Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo, pupunta lang ako sa kitchen,” pagpapaalam ni Lily sa mga staff niya na naka-assign sa pagse-set up ng event.Pagpasok ni Lily sa loob ng kitchen ng function hall, nakita niya ang mga bagong dating niyang staff na dala ang mga pagkain. Dahan dahan ibinababa ng mga ito ang food pan sa isang mahabang mesa.“Ayos ba ang mga pagkain?” tanong ni Lily sa mga staff niya. “Ayos naman po lahat, Ma’am,” sagot sa kaniya nang isa sa mga waiter niya. Binuksan ni Lily isa isa ang mga food pan para makasigurado. Nakahinga siya nang maluwag dahil maayos ang mga ito, walang tapon o kung ano man.Malakas ang ulan sa labas kaya naman kailangan niya i-check kung okay ang mga pagkain na ise-serve nila.Lumabas siya ng kitchen at nag-double check siya sa paligid. Naka-set up naman halos lahat. Finishing touch na lang ang kulang, ilang minuto na lang din ay darating na ang mga bisita.Swerte rin niya dahil sa first floor ng hotel sila nakapag-book ng fu

  • Bound To My Ex-Husband   CHAPTER 37

    “Good afternoon, Sir.”Pagbati ni Russel kay Ivor nang pumasok siya sa ISAAC’s. Ilang araw din siyang hindi nakakapunta rito dahil busy siya sa sariling kompanya.“Good afternoon, Russel. Nand’yan ba si Lily?” pagbati ni Ivor pabalik kasabay nang paghahanap niya kay Lily.“Sorry, Sir Ivor. Wala po rito si Ma’am Lily, may outside meeting po siya sa isang client.”Tumango-tango si Ivor bilang sagot saka nagpaalam sa kaniya si Russel na may gagawin din ito. Um-order na lang din siya nang isang cinnamon roll at hot caramel macchiato for take-out dahil may filming shoot.Matyagang naghihintay si Ivor sa orders niya nang may isang lalaki ang lumapit sa counter para um-order din.“Hi. One iced americano, please.”Nang tingnan ni Ivor kung sino iyon, sumalubong sa kaniya si Cleon. Nalingon din ito sa gawi niya kaya nagtama ang mga tingin nila. Dahil lang do’n, tila may nabuong tensyon ng alitan sa kanilang dalawa. Hindi sila nagsasalita pero alam ni Ivor na para silang nagtatalo sa isip nang

DMCA.com Protection Status