Bound To My Ex-Husband
Ivor Sales is a self-made CEO, he works hard for what he has right now. He was once married to Lily Andra, a tough yet kind businesswoman.
Naging magkaibigan sila noong college days pa lang nila hanggang sa nagbunga ito nang pagmamahalan. Ilang taon silang magkarelasyon bago nagpakasal at bumuo ng pamilya.
Masaya sila at kuntento sa kanilang buhay may-asawa. Ngunit dahil sa pagkakaiba nila nang personalidad at sa hirap nang kanilang pinagdaanan bilang indibidwal, nakahadlang ito sa kanilang kasal. Ang dati nilang pang-unawa at pagmamahal sa isa’t isa, ay napalitan nang hindi pagkakaintindihan at kawalan nang tiwala. Hindi na nila kinayang ayusin ang kanilang relasyon at nagdesisyon silang maghiwalay.
Sa paglipas ng pitong taon, nagkita muli sina Lily at Ivor. Sa muli nilang pagkikita, may mga naiwan at nabuong tanong na hindi masagot. Maari kaya maging dahilan ito nang kanilang pagkakabalikan?
읽기
Chapter: CHAPTER 48Nakaupo nang magkatabi sa couch sina Lily at Gwyneth, parehas silang may hawak na isang glass of wine. Ilang linggo na ang lumipas simula nang malaman ni Lily na naaalala na sila ni Ivor. Simula noon hindi pa sila nagkikitang dalawa. Kasisimula pa lamang muli nang linggo pero heto siya, umiinom ng wine. Mabuti na lang, may free time si Gwyneth ngayon at may makakausap siya. Katatapos niya lang din magkwento tungkol sa lahat nang nangyari. “Ano na ang plano mo ngayon?” tanong ni Gwyneth sa kaniya. Tumingin siya sa hawak niyang wine glass bago magsalita. “Hindi ko pa alam. Pakiramdam ko, nakadepende kay Ivor ang susunod na mangyayari kung anong actions ang gagawin ko,” Walang kasiguraduhan na sagot niya. “Nakausap mo na ba ulit siya?” Umiling si Lily bilang sagot. Nilingon niya ang kaniyang kaibigan. “Hindi pa kami nag-uusap simula noong naaksidente sila ni Isaac. Siguro, inaalam niya pa kung anong nangyari sa kaniya. Mukhang may iba pang nangyari.” Tumingin si Gwyneth sa k
최신 업데이트: 2025-04-15
Chapter: CHAPTER 47Nanatiling nakatingin si Ivor kay Janelle at hinihintay nitong magsalita ang kapatid. Nagpakawala nang isang malalim na pagbuntong hininga si Ivor. “Jane, kinakausap kita.” Nang hindi magsalita si Janelle, nagsalita ulit si Ivor. “Bakit sinabi mo kina Mom na ayoko nang makita si Lily at ang anak namin? You know that’s not true. Nang magising ako sa ospital, wala ka sinasabi tungkol sa kanila. No wonder, wala rin sinasabi sina Mom at Dad sa’kin. At nitong mga nakaraang buwan, nakita mo ako kung paano mag-react sa existence ni Lily. And yet, you’re pretending that you didn’t know? Why?” Huminga nang malalim si Janelle at saka ito nagsalita. “I did all of that for you, Kuya. Ayokong makita na nasasaktan ka. Nakita ko sa U.S kung gaano kamiserable ang buhay mo noong maghiwalay kayo.” Kumunot ang noo ni Ivor at hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. “You did that for me? Hindi mo kailangan magdesisyon para sa’kin, Jane. What I felt for the past seven years doesn’t come close to
최신 업데이트: 2025-04-14
Chapter: CHAPTER 46Nakaupo si Ivor sa balcony ng bahay nang kaniyang mga magulang at patuloy niyang iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na pitong taon. Sa naalala niya, nang gabing magdesisyon sila ni Lily na maghiwalay, umuwi siya sa Sales family house sa U.S. He remembered how wasted he was. Isang linggo siyang umiinom dahil sa pagiging miserable niya. Hindi na rin siya pumapasok sa trabaho noon na siyang sinisisi niya sa lahat nang nangyari sa pagitan nilang mag-asawa. One night, he decided to go back to her. Umalis siya sa bahay nila nang nakainom at nagmaneho pauwi sa bahay niya, sa tahanan kung nasaan si Lily. He was recklessly driving. Hindi niya napapansin kung gaano na siya kabilis magpatakbo ng kotse. Gusto na lang niyang makita kaagad at bumalik kay Lily dahil na-realized niyang hindi niya kaya makipaghiwalay. Then, the accident happened. Nagising na lang siyang nasa loob nang ospital at walang maalala. Dumating noon si Janelle, ang kaniya mga magulang na hindi niya maalala. Dahil do
최신 업데이트: 2025-04-12
Chapter: CHAPTER 45Humahangos na tumatakbo si Lily mula sa parking lot ng ospital hanggang pagpasok niya sa loob. Lumapit siya sa nurse’s reception para tanungin kung nasaan ang anak niya. Sinamahan siya nang isa sa mga nurse patungo sa emergency room. Nakasunod si Lily sa nurse at huminto sila sa isang kama. Nakahiga si Isaac habang tahimik na nakaupo si Ivor sa tabi ng ospital bed. Mabilis na nilapitan ni Lily ang natutulog niyang anak. Hinaplos niya ang buhok nito at naluluhang pinagmamasdan si Isaac. Lumingon si Lily sa nurse. “How’s my son? Kailangan niya ba ng surgery? May injuries ba siya? Anong kailangang gawin?” sunod sunod niyang tanong habang hindi maalis ang malakas na pagkabog sa kaniyang dibdib. “Gladly, Ma’am, your son is okay. May kaunti lang siyang gasgas sa noo pero maayos ang lagay niya. We’ve run several tests on him and there are not any findings. Nahimatay lamang po siya dahil sa pagkabigla ngunit maari niyo na po siyang i-uwi pagkagising niya,” mahabang paliwanag sa kaniya ng n
최신 업데이트: 2024-04-26
Chapter: CHAPTER 44***SEVEN YEARS AGO... Nakatayo si Ivor sa harap nang kaniyang boss habang binabasa nito ang project proposal niya. Kumunot ang noo nito at nang mag-angat ito nang tingin sa kaniya, masama ang mga titig nito. The next thing he knew, binato sa kaniya nang kaniyang boss ang folder kung saan nakalagay ang mga documents ng proposal na iyon. “What the f*ck is this, Ivor? Can you do your job better?” Hindi man siya sigawan nito, ramdam niya ang panggagalaiti sa boses nito. “I’m sorry, Sir,” he said. Almost a whisper. “Revised it! That f*cking trash can’t even be approved! I’ll give you five days!” “Limang araw lang?” Iyon ang pumasok sa isip niya. Halos dalawang linggo niya iyong ginawa at may overnight pa, pagkatapos sobrang iksi ng deadline para sa revision? Walang magawa si Ivor dahil ito pa rin ang senior manager nila habang assistant manager pa lang siya. Swerte pa nga siya dahil office worker siya rito sa U.S. Huminga siya nang malalim. “Yes, Sir.” Dinampot niya ang mga nahul
최신 업데이트: 2024-04-26
Chapter: CHAPTER 43Kalalabas lang ni Lily sa living room mula sa kwarto ni Isaac. Pinatulog niya muna ito bago kausapin si Lian. Nakaupo ang kaniyang kapatid sa couch habang hinihintay siya. Nag-angat ito sa kaniya nang tingin nang maramdaman nito ang presensya niya. “Iniiwasan mo na naman si Kuya Ivor ‘no?” Umiwas nang tingin si Lily at umupo sa tabi ni Lian. Sumandal siya sa couch at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. “Oo. Naalala ko ang mga dahilan bakit kailangan ko siyang iwasan,” seryosong sagot ni Lily sa tanong ni Lian. She heard him heaved a deep sigh. “May problema ba kayo? Hindi mo ba puwedeng kausapin si Kuya Ivor tungkol do’n?” “Lian, simula pa lang dapat ganito na. Ilang taon nang hindi parte nang buhay namin ang isa’t isa. Kahit sabihin ko sa kaniya na ayoko na siyang makita, ano naman ang idadahilan ko?” Nang hindi siya nakarinig nang sagot kay Lian, dinilat niya ang kaniyang mga mata. Tahimik itong nakaupo sa tabi niya. “You want to know the reason?” Lumingon sa kan
최신 업데이트: 2024-02-26