“Dad naman, bakit ngayon mo lang po ako ginising?” Pagkatapos kong ngitian ng matamis si Richard na kasalukuyang nakaupo ngayon sa mahabang sofa namin ay agad kong sinita ang tatay ko. Ipiakita kong naiiinis ako, nakahalukipkip ako habang nakatayo sa tabi ng tatay ko. Naiinis pa rin ako dahil kanina pa pala si Richard dito pagkatapos ay ngayon niya lang ako ginising. Ano na ang mangyayari sa plano kong magluto ng pananghalian namin, mauuwi na naman kami sa food delivery? Hangga’t maaari ay gusto kong umiwas sa mga pagkaing ganoon dahil alam kong hindi iyon makakabubuti para kay baby. Healthy food lang ang dapat kong kainin at hindi mga pagkaing maraming preservatives. Nabasa ko kasi na makakatulong iyong masustansyang pagkain sa pagdevelop ng brain ni baby.
“Bakit ba mukhang alalang alala ka?” Imbes na sumagot ay sinita pa ako ng tatay ko.
Ako naman ay mabilis na umupo na sa tabi ng boyfriend ko. “Sorry, nakatulog pala
“Hala! Bakit ang dami?” Narinig kong tanong ng girlfriend ko pagkapasok na pagkapasok namin sa dining area nila. Nakahanda na kasi sa mesa ang mga pagkaing dala ko kanina. Magkatulong kaming nag ayos nito kanina ni Mr. Mendoza habang in-interrogate niya ako kanina. Yes, iyon nag tingin ko sa ginawa niya kanina sa akin. Sa akin ay wala namang problema doon dahil totoo naman lahat ng sinabi ko. Talagang mahal ko si Stacy at malinis ang hangarin ko sa kanya. Kung papayag nga lang ito ay willing na willing akong pakaslaan siya kahit na anong oras.“See?” Ang daddy niya naman. “Kaya naman walang point ang pagwo-worry mo kanina anak, kahit yata abutin ng isang linggo ay hindi pa rin natin mauubos ang lahat ng ito.”“Sobra sobra naman ang dala mo, tatlo lang naman tayong kakain eh.” Sabi ni Stacy sa akin pagkaharap niya sa akin. Sa totoo lang, noong maihain namin iyon ay na-realize ko rin medyo naparami nga ang nad
“Babe.” Tawag ko kay Stacy kasabay ng mahina kong pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Nang wala akong natanggap na sagot ay sinubukan ko na lang pihitin ang knob ng pinto at saka marahan itong binuksan.Pagkabukas ay nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok ng kwarto niya habang nakayuko at yakap yakap ang isang unan. Awang awa ako sa kanya sa nakita ko ngayon. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Alam ko na naramdaman niya ang presensya ko sa loob ng kwarto gayunpaman ay hindi niya man lang iniangat ang ulo niya para tingnan ako. Pagkalapit ay napansin ko ang pagbaba at pagtaas ng balikat niya, senyales na umiiyak siya.“Babe.” Muli kong tawag sa kanya pero hindi pa rin siya tumingin sa akin. Tumayo ako sa tapat niya at pilit na iniangat ang mukha niya nang sa ganoon ay tumingin siya sa akin. Pero ganoon pa rin, ayaw niya pa ring umalis mula sa pagkakayupyop sa unan na hawak niya. Nag aalala na ako, heto na naman siya at umiiyak na na
“Ngayong boyfriend ka na ng anak ko, I guess ay wala na naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin ka bilang parte ng buhay ni Stacy.” Nakikinig lang ako sa mga sinasabi ni Mr. Mendoza sa akin. “Alam mo naman na ngayon lang kami uli nagkasundong mag ama kaya ayaw kong gumawa ng mga bagay na magiging dahilan para sumama ang loob niya sa akin. Hindi ko gusto na magkaroon uli siya ng dahilan na magalit sa akin at tuluyan na akong hindi pansinin at kausapin.” Kanina pa ako rito at ang sabi niya ay natutulog raw si Stacy. Gusto niya nga sanang gisingin na noong dumating ako pero pinigilan ko siya. Naisip ko rin naman ang posibilidad na natutulog pa si Stacy habang papunta ako rito kanina dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag at text messages ko. Mas gusto ko na makapagpahinga muna siya para makabawi siya sa pagod at puyat bunga ng pagbabantay niya ng ilang gabi sa Daddy niya sa ospital. Kailangan niya na bawiin ang lak
Araw ng shoot. Maaga akong sinundo ni Richard kanina sa bahay at ngayon nga papunta na kami sa location. Gusto ko sanang sumama sa kanya kagabi pauwi s abahay niya pero hindi siya pumayag. Respeto raw sa Daddy ko. Ayaw niya raw masira na lang basta ang tiwala na ibinigay sa kanya ng Daddy ko. Hindi ko tuloy maiwasang mag isip kung ano ano ang napag usapan nila noong natutulog pa ako. Ano kaya ang ang ginawang pananakot sa kanya ni Dad para magawa niyang makapagpigil kagabi?Hindi naman basta bastang aakyat iyong si Dad lalo pa ang pumasok sa kwarto ko na wala akong permiso kaya malabong mahuli kami. At saka pwede namang mabilisan lang, hindi pa ako pinagbigyan. Kahit na may sinabi siya sa akin para hindi ako mag isip ng kung ano ano ay hindi ko pa rin maiwasang gawin iyon. Sino ba naman ang hindi mai-insecure kung katulad ni Lillian ang kalaban ko, ang karibal ko kay Richard. Ang ganda ganda ng babaeng iyon, ubod pa ng sexy at matured. Samantalang ako, ilang buw
Bago pa man na may masabi akong hindi maganda kay Stacy ay nagpasya na akong mauna sa kanyang lumabas ng sasakyan. Mas mabuti pa na umiwas na muna ako. Hindi maganda na magsabay ang init ng ulo naming dalawa, hindi maganda na magsalubong kami dahil sigurado ako na lalo lang lalala ito at ayaw ko naman na mangyari iyon. Hindi naman siguro masama ang mapuno kahit man lang minsan? Hindi ko lang kasi talaga maintindihan kung bakit ayaw niyang intindihin ang mga sinasabi ko sa kanya, ayaw niyang tanggapin ang pinapaliwanag ko. Nakakasawa na dahil paulit ulit na lang kami. Ang tigas ng ulo niya, ang tigas tigas din ng puso. Awang awa na ako kay Miss Amanda na wala namang ginawa kung hindi ang mahalin ang Daddy niya, pati na kay Mr. Mendoza ay naaawa rin ako. Naiipit na siya, gusto niyang bumawi sa tingin niyang mga naging pagkukulang sa anak niya pero hindi niya rin pwedeng pabayaan si Miss Amanda at ang relasyon nila. Baka imbes na makapagpahinga at marelax ang puso a
Kahit naiinis ay hindi ko naiwasang bumilib sa boyfriend ko. Natapos namin agad ang limang sequence sa location na ito. Sa kabila ng mahirap na pag execute dahil nga kumplikado ang lugar ay natapos namin ang mga eksena nang walang naging aberya. Bukod sa maputik ay maingay pa itong location, nagawa niya pa ring iraos ang mga eksena ng maayos, maganda at mabilis.“Bilib naman talaga ako sa iyo buntis.” Napalingon ako kay kuya Mike nang magsalita siya.“Bakit kuya?”“Nakatagal ka rito sa location.” Tumawa pa siya pagkatapos niyang magsalita.“Ayos naman po ang location natin ah. ““Mabuti na lang talaga ay hindi ka maselan magbuntis.”“Oo nga po kuya, mabuti na lang at nakipag cooperate si baby ngayon.” Hindi ko na naman naiwasang hindi haplusin nag tiyan ko. Nakakatuwa na nakakapag usap na kami ng ganito. Since open na sa kanila ang pagbubuntis ko, lahat sil
Napansin ko ang pagmamadali ni Richard na pagbuksan ako ng pintuan ng kotse pagkapasok na pagkapasok ng kotse niya sagarahe ng bahay niya.“O nagmamadali?” Hindi ko napigilang pagbibiro sa sa kanya. Iyong inis na nararamdaman ko sa kanya simula pa kagabi ay parang bula na biglang naglaho the moment na nakita ko si Lillian na nahulog sa kangkungan kanina. Parang bawi bawi ang lahat ng sama ng loob at pang iinis na ibinigay sa akin ng babaeng linta na iyon.“Kanina pa kaya ako kating kati.” Mabilis naman niyang sagot sa biro ko. At para mas ma-emphasize pa ang sinabi niya ay nagkamot pa siya ng braso sa harapan ko.“Paanong braso ang nangangati sa iyo eh hindi naman nabasa iyan noong nahulog ka sa ilog kanina.” Nagpatiuna na akong maglakad papasok sa bahay niya. Ito talagang boyfriend ko, gagawa na rin lang ng alibi ay iyong hindi pa kapani paniwala. Nang lingunin ko siya ay kitang kita ko ang ekspresyon sa mukha n
“Ano ba! Nakakainis ka na ha!” Naiinis kong sabi kay Richard na katabi ko ngayon sa kotse. Hindi ko napigilan ang sarili ko na hampasin ang braso niya. Pabalik na kami sa shoot at papunta na sa susunod na location, nakakainis lang kasi dahil kanina ko pa napapansin ang ngiti sa labi niya. Palalampasin ko na nga lang sana dahli ang buong akala ko ay babaguhin naman niya ang uri ng pagkakangiti niya, pero lumipas na ilang minuto ay ganoon pa rin. Aakalain mo na nakaplaster na iyon sa pagmumukha niya kaya mas lalo akong naasar. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung para saan iyon, hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng ngiti na iyon.“Aray naman Babe!” Akala mo naman ay totoong nasaktan siya kung maka array naman ang lalaking ito. Hindi pa nakuntento, hinimas niya pa ang tinamaang braso na hinampas ko. “Ano ba ang ginawa ko?” Pagmamaang maangan niya pa na lalong ikinainis ko. Kulang na lang ay sabunutan ko siya pero pinigilan
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma