Framed
(Thala's Point of View) Dumating ang araw ng engagement party namin ng fiancé kong si Nekolauv Aurel Ravello, ang tagapagmana ng mga Ravello. Kahit hindi ko siya gaanong nakakasama, alam kong mabait naman si Nekolauv. He's an ideal man and that's for sure. Kilala ko siya noon pa man sapagkat iisang school lang ang pinapasukan namin dati. Hindi nga lang iyon sapat upang gustuhin ko ng maitali sa kanya. Yes, I like him but I'm not ready to commit yet. I am only bound to marry Nekolauv Aurel Ravello for business. Which is so ridiculous. Uso pa pala 'to? "Honey, how are you feeling?" usisa ni mommy na kababakasan ng pagiging matamlay. Dinaluhan niya ako at tinitigan na rin ang aking repleksyon mula sa salamin sa aking harapan. Tipid ko siyang nginitian at yumuko na lamang upang hindi niya makita ang malungkot kong mga mata. Just like me, parang hangin lang din si mommy pagdating sa opinyon. Kapwa wala kaming karapatang pangunahan ang mga gusto ni daddy. Para kaming may mga tali na kinokontrol lang ng gan'on kadali. Mga puppet kumbaga. "Atleast I'm a help for dad this time. May kwenta na rin ako sa wakas." Mapait akong ngumiti kaya hinawakan ni mommy ang aking kamay. "Don't worry, Nekolauv will take care of you. Mabait ang batang iyon kaya malaki ang tiwala ko sa kanya." Pilit na pinapagaan ni mommy ang aking kalooban na gumagana naman dahil sa kanyang ngiti. Nagtungo na kami sa venue ng engagement. Sa dami ng tao, ni hindi ko na mahanap si Nekolauv. Gusto ko sana siyang makausap bago magsimula ang announcement ngunit hindi na natuloy dahil nagsimula na ang party. Namataan ko siyang nakikipag-usap kay daddy at sa naging reaksyon ngayon ni daddy, masama ang aking kutob. Nakahanda na akong lapitan sila subalit si daddy na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko. Tumayo lamang siya sa aking tabi at ni hindi man lang kumikibo. Animo'y hindi kami magkakilala sa paraan ng pakikitungo niya sa akin ngayon. Namataan kong umakyat na si Lauv sa stage kaya huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili. "Ladies and gentlemen, meet my fiancée..." Natuon sa akin ang atensyon ni Lauv at inilahad niya pa ang kanyang kamay sa aking gawi. Matamis siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao kaya mas lalo akong kinabahan. Maglalakad na dapat ako kung hindi lamang hinawakan ni daddy ang aking braso. Magtatanong sana ako kay daddy ngunit nasagot na ito ni Nekolauv. "The beautiful and competent heiress of the Laurencos... Blaise Penelope Laurenco," anunsiyo ni Lauv na nasa akin pa rin ang atensyon. Mali, nasa likuran ko pala. Laglag ang aking panga sa ginawang pagkaway ni Penelope sa harap ng lahat. Marahan siyang naglakad paakyat ng stage na inalalayan naman ni Lauv. Hindi ako nakagalaw kaagad sapagkat puno ng katanungan ang aking isipan ngayon. Papaanong si Penelope na ang kinikilalang heiress? How about me na legitimate daughter ni daddy? Nabuo ang usap-usapan kaya hinila ako ni daddy papalabas ng venue. Galit niya akong dinapuan ng tingin at kulang na lamang ay pagmumurahin. "I'm done with you, Myrthala. Ano na naman itong kinasangkutan mo?" Napainda ako sa sakit ng pagkakahawak ni daddy sa aking braso ngunit hindi niya pa rin ito nilulubayan. "I haven't done anything. Dad, masakit." Tsaka niya lang ako marahas na binitawan. "You know that guy, Larry Gonzales? The one you brought at home? He's dead at ikaw ang huling nakitang kausap siya bago tuluyang nawala. Natagpuan siya kahapon na wala ng buhay sa isang abandonadong lugar. Now tell me, Myrthala. May alam ka ba sa nangyari?" tanong ni daddy na punong-puno ng pang-aakusa. I can't believe him. How can he ask me like that, with those cold piercing eyes? "Do you think I'm that bad, dad? Oo, nakipag-usap ako sa kanya pero tinanong ko lamang siya. I didn't even know him personally. Dad, someone is trying to frame me!" paliwanag ko. I tried my best to explain my side but daddy just gave me a death glare. Napailing ako sapagkat kita ko ang pinaghalong disappointment at galit sa kanyang ekspresyon ngayon. "Prove it," iritadong hamon ni daddy na ikinatigil ko. "Isang buwan, Myrthala. Huwag kang bumalik sa mansiyon hanggat wala kang maipakitang ebidensiya. Live wherever you want but don't you ever comeback empty handed. I'll clean your name for our family's sake." Tinalikuran ako ni daddy na parang wala lang. "Patunayan mong nararapat ka sa pamilyang Laurenco," pahabol niya bago tuluyang umalis. How will I do that when I didn't do it in the first place? "I am being framed, dad. Will you listen to me?" naibulong ko sa pagitan ng sunod-sunod na paghikbi. Is he really my father? I can no longer see the man who's willing to give up his important meetings just to play with me. He is no longer the man I look up to. Our happy moments were framed... but kept in the past.Brother(Thala's Point of View)Umalis ako sa mansiyon na hindi man lang nagawang magpaalam pa kay mommy. Mas mahihirapan lang akong umalis kapag nakita ko ang malungkot niyang mukha. Kailangan kong patunayan kay daddy na wala akong kinalaman doon."I've been rejected by my fiancé, my dad and hopefully not my freedom," I sighed as I started to look for an apartment for me to stay. My dad confiscated my cards. Ten thousand lang ang meron ako ngayon na alam kong hindi magiging sapat. Kailangan kong maghanap ng trabaho and I kinda like it. Kahit papaano, nagiging malaya ako.Maggagabi na pero wala man lang tumatanggap sa akin kahit saan man ako pumunta. Hindi ko alam pero nag-iiba ang reaksyon nila kapag naririnig ang aking pangalan. I just hope na walang kinalaman ang bruha kong kapatid. Pagod na pagod na ako kalalakad at kahihila ng aking maleta. Gutom na gutom na rin ako kaya napaupo na lamang sa isang bench malapit sa isang restaurant. Naglalaway ako sa mga pagkaing aking nakikita
Boss(Thala's Point of View)Naguguluhan ko siyang sinuklian ng tingin. Why do I feel like I’ve saw him somewhere? Pakiramdam ko ay malapit kami sa isa't isa for some reason. That's impossible though. Ngayon lang kami nagkita ng kapatid ni Nekolauv."You look surprised," he chuckled darkly.Umayos ako ng upo at pilit na nagmatapang para hindi niya mapansing kinakabahan ako. "I expected someone who's optimistic like Nekolauv," pag-amin ko. Magkaibang-magkaiba kasi talaga sila."Is that so? Inutusan ka ba ng kapatid ko para manmanan ako? Hmm?" usisa niya na aking ikingiwi. "Your sister in law's name is Blaise Penelope Laurenco," asar kong sagot na tumayo na para ipagpatuloy ang ginagawa. "I'll excuse myself since I don't have business with you. At pwede ba, quit staring at me like an obsessed stalker," dugtong ko pa. Medyo nahiya ako sa huling mga salitang nabitawan ko. Lalo pa at mahina siyang humalakhak."Hmm. I badly want to wipe that stupid smirk off your face..." misteryosong wika
Hickey (Alaric's Point of View) "Are you out of your mind?!" Ang mga ugat ko'y tila puputok na sa lakas ng pagkakasigaw ko kay Zara. Napansin ko ang takot sa kanyang mga mata kung kaya't napapikit ako para ikalma ang aking sarili. Napahilamos ako sa aking mukha at muli siyang sinulyapan. I darted my eyes on her lips and shook my head to forget what happened. "Mr. Atkinson, I know it's rude but I desperately need your help right now," she said, provoked. Napalunok siya habang tinititigan ako. Napapansin ko rin ang panginginig niya na nagpaangat ng aking labi. I played with my tongue inside my mouth as I tried to stop myself from grinning wickedly. Ang lakas ng loob na halikan ako, takot naman pala. "Desperately need my help?" I asked in a sexy manner as I tried to provoke her more. Hanggang saan ka dadalhin ng pagiging desperada, Zara? Patago akong napangisi sapagkat mas nanginig pa siya at hindi na mapakali sa kinatatayuan niya ngayon. Ni hindi na nga siya makatitig sa akin
Trap (Thala’s Point of View) Tatlong araw ang nakalilipas at masasabi kong nakakapagod ang mga araw na iyon but at the same time, payapa. Hindi ko na kasi nakikita ang pagmumukha ng boss namin. Sana araw-araw ay hindi na siya magawi sa lugar na ito o 'di kaya ay hindi na kami magkakasalubong. "Kamusta ka na, mom?" tanong ko kay mommy sa kabilang linya. She calls me after my shift at kahit na pagod na, sinasagot ko pa rin dahil nami-miss ko na si mommy. Gusto ko ring makibalita kung ano na nga ba ang nangyayari. Gusto ko sanang kumuha ng private investigator subalit hindi nga sapat ang pera ko sa pambayad. "Penelope is poisoning your dad's mind again. It's chaotic here, Thala. Napapayag niya pa talaga ang daddy mo na huwag kang imbitahan sa wedding." I heard the frustration in her voice. "Thala, just go back. Ako na ang bahala sa daddy mo. Nawala na rin naman ang issue tungkol sa'yo," pangungumbinsi niya. "Mom, I am fine here. Don't stress yourself too much. Ako na ang bahala sa
Rejection (Thala's Point of View) I woke up in an unfamiliar room. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa lampshade ang nagpapaliwag ng kwartong ito. Dahan-dahan akong umupo at hinanap ang aking shoulder bag. Inabot ko ito sa bedside table at kinuha ang aking cellphone. Am I still in Alaric's penthouse? It's nine in the evening already. I haven't eaten anything yet, since morning. Kaya ngayon nangangasim na ang aking sikmura sapagkat wala itong kalaman-laman. I'm so hungry at panigurado'y cup noodles na naman ang kakainin ko mamaya. My family is well-known in the food industry but here I am na processed food lang ang kayang lutuin. Napapikit ako nang maalala ang panic attack ko kanina. Nakita pa talaga ito ni Alaric. Lumabas ako ng kwarto para makauwi na at makapagpahinga. Natagpuan ko siyang naghahanda ng pagkain. Nabigla pa siya nang pagharap niya ay nakita ako. "You're awake," sambit niya na inilagay na ang isang pinggan at mga kubyertos sa lamesa. Hindi pa ba siya kumakain? L
Act (Penelope's Point of View) Nadatnan ko si tita Marissa na nagkakape sa balcony. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan, na dati ay inuukupa ni Thala. Kinuha ko ang isa sa mga aklat na nakalagay sa mesa at nagsimulang magbasa. "Ibaba mo 'yan. That book is owned by my daughter," sita niya sa akin na ikinakulo ng aking dugo. Bakit ba ang hirap kunin ng loob nitong babaeng ito? "S-Sorry po tita. Hindi ko naman po inaangkin, hinihiram ko lang po," paliwanag ko sa malumanay na boses. Kung alisin ko na rin kaya siya sa landas ko? Hipokrita! "Stop acting in front of me, Penelope. Aware kami ni Thala kung sino ka talaga. Isa kang mapagkunwari at mahilig manira ng pamilya! I really hate you!" pagtataas niya ng boses na aking ikinangisi. Sinalubong ko ang titig niya at mapanuyang humalakhak. "You're right, tita. Actually pagod na rin akong magpanggap. Acting in front of you is a waste of time. 'Di ka rin naman paniniwalaan ni tito, I mean daddy," I smirked. Kita ko ang p
Walls (Thala's Point of View) Apat na araw na ang nagdaan simula nang magkasagutan kami ni Alaric. Hindi ko na rin siya nakikita sa Doomscape. Ang sabi ni Hanni, hindi na rin ito nagagawi sa fighting arena. Mas napapanatag pa nga ako na hindi na siya nakikita. Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya sa akin. "Thala? Ghad, am I really seeing the goddess Thala here?" biro ng kung sino mula sa aking tabi. Sa aking paglingon ay bumungad sa akin ang kaibigan ni Nekolauv na pinsan niya rin. Kahit papaano ay naging kaibigan ko na siya dahil sa palagian naming pagkikita sa mga events na imbitado ang aming mga pamilya. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Syd pero mas nagkakaintindihan kami kaysa sa seryosong si Nekolauv. Mas naging close pa kami n'ong nagpatulong siyang manligaw sa kaklase ko rati. "Syd! It's good to see you again!" I exclaimed. Kaagad ding tumikhim dahil sa nagawa kong ingay. Nagtawanan kaming dalawa at kalaunan ay niyakap ang isa't isa.
Kiss(Thala’s Point of View) Naglakad ako paalis nang nakayuko at hindi na talaga makangiti. Iniwan ko siyang nagngingitngit ang awra sa galit. Hindi na niya ako tinawag kaya bumalik na ako sa pagtatrabaho. Dinaluhan ako ni Hanni upang makiusyoso sa naging usapan namin ni Alaric kanina ngunit tanging kibit-balikat lamang ang aking isinagot.Sana hindi niya nakita 'yong paghalik ni Alaric at ang pagsampal ko sa kanya. Paniguradong malaking issue 'to sa makaaalam."Walang hiya ka, Myrthala!" Hindi pa nga ako nakaka-recover kay Alaric ay meron na namang panibagong problema ang sumulpot.Isang matangkad at magandang babae ang humarang sa amin ni Hanni at binigyan ako ng napakalakas na sampal. Napahawak ako sa humahapdi kong pisngi at nagtatakang tinignan ang babae. Hindi ko siya kilala o ni minsan man lang ay nakasalamuha. Sino siya?"W-Who are you?" naitanong ko sa kabila ng kahihiyang nararamdaman sapagkat pinagtitinginan na kami ng maraming tao rito sa Doomscape. Sa halip na sagutin