Share

Chapter 4: Brother

Brother

(Thala's Point of View)

Umalis ako sa mansiyon na hindi man lang nagawang magpaalam pa kay mommy. Mas mahihirapan lang akong umalis kapag nakita ko ang malungkot niyang mukha. Kailangan kong patunayan kay daddy na wala akong kinalaman doon.

"I've been rejected by my fiancé, my dad and hopefully not my freedom," I sighed as I started to look for an apartment for me to stay.

My dad confiscated my cards. Ten thousand lang ang meron ako ngayon na alam kong hindi magiging sapat. Kailangan kong maghanap ng trabaho and I kinda like it. Kahit papaano, nagiging malaya ako.

Maggagabi na pero wala man lang tumatanggap sa akin kahit saan man ako pumunta. Hindi ko alam pero nag-iiba ang reaksyon nila kapag naririnig ang aking pangalan. I just hope na walang kinalaman ang bruha kong kapatid.

Pagod na pagod na ako kalalakad at kahihila ng aking maleta. Gutom na gutom na rin ako kaya napaupo na lamang sa isang bench malapit sa isang restaurant. Naglalaway ako sa mga pagkaing aking nakikita subalit hindi ako pwedeng kumain sa mamahaling restaurant na iyan.

Narinig ko ang pagtunog ng aking tiyan dahilan upang mapapikit ako. Hinaplos ko ang aking tiyan na nangangasim na ngayon. Hindi ako kailanman nagutom ng ganito noon.

Napamulat ako sa boses ng isang babaeng umupo sa aking tabi. "Want some?" May nilahad siyang hamburger na nahihiya kong tinanggap.

"Thank you," sagot ko na nakuha pa siyang ngitian ng mahina. Nilantakan ko ito at hindi na pinansin pa ang ginawa niyang paninitig.

"Wala ka bang matutuluyan?" Tinignan niya ang maleta ko at nag-aalangan na ngumiti sa akin. Dahan-dahan akong tumango sa kanya kaya napatango na rin siya.

"I know a place pero baka hindi mo magustuhan. I'm a waitress and I also stay there," salaysay niya na kahit papaano'y ikinabalik ng aking lakas.

"Are you still looking for some, uhm, waitress?" nahihiya kong tanong na napakamot na lamang sa aking batok.

Masigla siyang tumango sa akin dahilan para gumaan ang aking kalooban. Salamat at hindi ako matutulog sa lansangan ngayong gabi.

Namangha ako sapagkat dinala niya ako papasok sa isang napakatayog na hotel. Ang ganda kasi ng design sa loob, lalo na ang iilang mga abstract painting na nakadikit sa mga pader. Sumakay kami ng elevetor pagkatapos mabusog ang mata ko kakatingin. Papunta kami sa isang underground space na may pangalang Doomscape.

Nakapunta na ako sa Shadyground na matatagpuan sa Crestford pero mas hamak na malawak at malaki ang lugar na ito. Pagkapasok na pagkapasok ay bumungad sa amin ang napakaraming tao na nagsasayawan at nag-iinuman.

"This is the club but this isn't our area. Doon tayo sa bar, sa kabila," paliwanag niya na ngayo'y kumakaway na sa mga kakilala.

Dinala niya muna ako sa magiging kwarto namin. Dalawa ang kama at kahit papaano ay hindi gaanong maliit ang silid para sa aming dalawa.

"Ka-re-resign lang ng kasamahan ko kaya pwede ka rito. Bukas ka na pala magsimula. For now, kabisaduhin mo muna ang mga pangalan at mukha ng mga VIP natin. Pati na rin ang iba't-ibang area ng Doomscape para hindi ka mahirapan," bilin niya.

"Salamat talaga, Hanni. Malaking tulong ito para sa akin," nakangiti kong sambit na ikinahalakhak niya. Nagtaka naman ako dahil dito.

"Sana masabi mo pa iyan bukas," makahulugan niyang sabi na hindi ko masyadong maintindihan kaya binalewala ko na lamang.

Marami pa siyang ibinilin sa akin kasama na ang listahan ng mga pangalang nabibilang sa VIP. Nagpaalam na si Hanni kaya inabala ko na muna ang aking sarili sa pag-aayos ng aking gamit habang isinasaulo ang mga pangalan at pagmumukha ng mga VIP.

Lumabas ako para maglibot sa area namin. Napangiti sapagkat natatandaan kong mabuti ang mga pangalan at mukha ng iilan sa nakasulat ditong VIP.

It turns out na mga clients din ni daddy ang iilan sa mga naririto. Muli kong inilibot ang aking tingin, only to find out that someone is watching me from afar. A man wearing a white dress shirt, a black trouser and a black leather shoes.

Mag-isa siyang nakaupo sa isang mahabang sofa. Nakadekwartro at pinapaikot-ikot sa daliri ang kanyang singsing. He watch me cryptically; like a hawk observing its prey.

Sinuri kong mabuti ang listahan ng mga nasa VIP ngunit hindi ko siya mahanap. Bakit siya narito kung hindi pala siya VIP? Ibinalik ko ang tingin sa lalaki at nagtagpo ang aking kilay sa patuloy niyang paninitig. He's making me uncomfortable with his intimidatingly dark aura.

"Why is he staring at me?" may bahid ng iritasyon kong tanong. Na-conscious tuloy ako sa sarili ko ng wala sa oras.

I am wearing a purple floral dress na hanggang tuhod ang haba. Though it somehow hugged my body, it's not too revealing. Ni indi nga umaangkop sa lugar na ito. My long mahogany brown wavy hair is pulled into a messy bun. Ni wala akong makeup ngayon dahil sa pagmamadali at sabog pa kahahanap ng apartment kanina. Paniguradong mugto rin ang aking mga mata dahil kagagaling ko lamang sa pag-iyak. It's imposible for him to notice me when I am this dull.

Ipinagpatuloy ko ang pagsasaulo subalit hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili na lingunin ang direksyon ng lalaki. Sa bawat pagsulyap ko sa gawi niya ay nasasalubong ko palagi ang kanyang mga mata. Hindi ko na masikmura ang ginagawa niya sapagkat naaapektuhan nito ang trabaho ko.

Nakahinga ako ng maluwag sapagkat nawala na sa kinauupuan niya ang lalaki. Umiling-iling ako subalit napaigtad nang marinig ang isang nakakapanindig balahibong boses sa aking likuran.

"What is Myrthala Zachra Laurenco-Ravello, doing here?" Malalim ang kanyang boses, kasing lalim ng nagiging epekto nito sa akin.

"W-Who are you? Bakit mo ako kilala?"

Mabuti na lamang at nakaupo ako kun'di kanina pa ako natumba sa panlalambot ng tuhod. Sinusubukan kong titigan siya pabalik sa mata ngunit masyado itong madilim at mapanganib na kung sinong titingin ay mahuhulog sa kanyang bitag.

Umangat ang gilid ng kanyang labi subalit nanatiling madilim at malamig ang kanyang mga mata. "Why not? You're my sister-in-law," he answered sharply and sat down on the chair right in front of me.

Siya ba ang usap-usapang kapatid sa ina ni Necolauv? That arrogant billionaire CEO of Atkinson Industries?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status