Share

Chapter 10: Walls

Walls

(Thala's Point of View)

Apat na araw na ang nagdaan simula nang magkasagutan kami ni Alaric. Hindi ko na rin siya nakikita sa Doomscape. Ang sabi ni Hanni, hindi na rin ito nagagawi sa fighting arena. Mas napapanatag pa nga ako na hindi na siya nakikita. Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya sa akin.

"Thala? Ghad, am I really seeing the goddess Thala here?" biro ng kung sino mula sa aking tabi.

Sa aking paglingon ay bumungad sa akin ang kaibigan ni Nekolauv na pinsan niya rin. Kahit papaano ay naging kaibigan ko na siya dahil sa palagian naming pagkikita sa mga events na imbitado ang aming mga pamilya. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Syd pero mas nagkakaintindihan kami kaysa sa seryosong si Nekolauv. Mas naging close pa kami n'ong nagpatulong siyang manligaw sa kaklase ko rati.

"Syd! It's good to see you again!" I exclaimed. Kaagad ding tumikhim dahil sa nagawa kong ingay.

Nagtawanan kaming dalawa at kalaunan ay niyakap ang isa't isa.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status