Share

Chapter 11: Kiss

Kiss

(Thala’s Point of View)

Naglakad ako paalis nang nakayuko at hindi na talaga makangiti. Iniwan ko siyang nagngingitngit ang awra sa galit. Hindi na niya ako tinawag kaya bumalik na ako sa pagtatrabaho. Dinaluhan ako ni Hanni upang makiusyoso sa naging usapan namin ni Alaric kanina ngunit tanging kibit-balikat lamang ang aking isinagot.

Sana hindi niya nakita 'yong paghalik ni Alaric at ang pagsampal ko sa kanya. Paniguradong malaking issue 'to sa makaaalam.

"Walang hiya ka, Myrthala!" Hindi pa nga ako nakaka-recover kay Alaric ay meron na namang panibagong problema ang sumulpot.

Isang matangkad at magandang babae ang humarang sa amin ni Hanni at binigyan ako ng napakalakas na sampal. Napahawak ako sa humahapdi kong pisngi at nagtatakang tinignan ang babae. Hindi ko siya kilala o ni minsan man lang ay nakasalamuha. Sino siya?

"W-Who are you?" naitanong ko sa kabila ng kahihiyang nararamdaman sapagkat pinagtitinginan na kami ng maraming tao rito sa Doomscape.

Sa halip na sagutin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status