Joke (Thala's Point of View) Nalaglag ang panga ko sa gulat. Napakurap-kurap ako at hindi makapaniwalang tumawa sa ibinalita ni daddy. “Arranged marriage na naman? Dad, lumang tradisyon na 'yan! Stop selling me off for your company to grow! May Ravello ka na 'di ba?” I shook my head in utter disbelief. Hinding-hindi ako magpapatali sa taong iyan! “Your opinion is useless now. Ni hindi mo nga natupad ang isang buwan na ipinangako mo. Prove your self, huh? Kung wala 'yang apelyido ko, maaaring nasa kulungan ka na,” he said harshly. “But this is my life, dad? Bakit nakikialam ka sa buhay ng anak mo? Hindi ako si Penelope na madaling mabilog,” sagot ko na hindi na mapakali sa kinatatayuan. “Wala ng makakabago pa ng pasya ko, Thala. Kahit anong gawin mo, tuloy na ang kasal,” wika niya na aking ikinapikit. Then a ridiculous joke suddenly crossed my mind. A joke I didn't know would help me. “I am pregnant,” seryosong sambit ko. Sinundan ng tingin ni daddy ang kamay kong nak
Take (Thala's Point of View) I ended up sleeping due to exhaustion that night. Naalimpungatan ako kinaumagahan dahil sa presenya ng kung sino sa aking harapan. Noong una, akala ko ay isa lang ito sa mga kasambahay namin. Otomatiko akong napaayos ng upo dahil sa leather shoes na bumungad sa akin. Hindi ito kay daddy at iyon ang nasisiguro ko. “Alaric?” naisatinig ko sabay tumingala upang makita ang mukha ng lalaki. “Good morning, Thala,” mapaglarong ngisi ni Franz De Angelo. “It’s rude to mention my cousin’s name when your fiance is in front of you,” he beamed. Nadismaya ako dahil sa presensya niya. I know him well. He's a notorious womanizer. Hinding-hindi mo mahuhulaan ang takbo ng utak nito dahil madaya kung maglaro. Bakit nga ba siya ang pinili ni daddy? “Leave me alone, Franz. Alam ko kung ano ang habol mo sa akin,” pagtataray ko sa kanya. Inirapan ko siya at walang ganang itinuon ang atensyon sa pinto. Pumasok si daddy na ngiting-ngiti. He didn't even mind how messy my roo
Tangled (Thala's Point of View) Tumingala ako kay Alaric dahil sa sinabi niya. Yumuko naman siya para ibalik ang titig ko sa kanya. “Stop crying. I will take you out of here no matter what,” he assured as he caressed my hair. Napangiti ako at tumango sa kanya. Nilubayan ko ang pagyakap sa kanya at paika-ikang nagtago sa kanyang likuran. Sinilip ko ang kapwa galit na sina daddy at Franz. Hindi nila nagugustuhan ang pangingialam ni Alaric. “May Avory ka na 'di ba? Huwag ka ng makialam dito, Alaric,” salaysay ni Franz. Kulang na lamang ay lumapit sa pinsan at hatakin ako pabalik. “Mr. Atkinson, I’m sorry but this is a family issue. I don't wanna be rude but I want you out of this,” matamang sinabi ni daddy na paminsan-minsan ay binibigyan ako ng nagbabantang titig. “I am taking her,” Alaric said with finality. Ni hindi man lang natitinag sa masasamang titig na ipinupukol ng kanyang pinsan sa kanya. “Atkinson Industries is way better than the combined companies of the Ravellos and
Cocky (Thala's Point of View) Mangiyak-ngiyak ako dahil sa panggagamot ni Dr. Sasha. Gusto kong sumigaw sa sakit ngunit hindi ko magawa. The predator Alaric is staring at me intently. Nakasandal siya sa pader nitong sala. Nakaekis ang mga braso at poker face na naman. Para bang hinihintay niya na umiyak ako upang mapagkatuwaan niya na naman. “Hindi ka ba natutunaw?” nakangising baling sa akin ni Dr. Sasha. Nilalagyan niya na ng benda ang paa ko. “I don't follow, Dr. Sasha,” naguguluhan kong tanong na napakamot na lamang sa aking batok. “He’s so fond of you, Myrthala,” she chuckled and mockingly shook her head. “Man down.” Wala akong kaide-ideya sa sinasabi ni Dr. Sasha kaya tinitigan ko na lamang siya nang masinsinan. I am trying to decode her coded words. “What do you mean?” “He normally talks with anyone... professionally,” she mumbled and leaned closer for me to hear her clearly. “But the way he treats you, it's special. He even had this distinctive smile whenever he looks
Meet (Thala's Point of View) Mabuti na lang at hindi niya na ako napagkakatuwaan ulit. Hindi siya umuuwi rito dala ng busy schedule niya, na mas gusto kong mangyari. Isang linggo na kasi ang nagdaan simula nang hayaan niya akong manatili sa Kiken. Magaling na ang mga sugat ko kaya paniguradong pwede na akong bumalik sa pagtatrabaho. It's so peaceful at Kiken but I’m getting bored from doing nothing. It's past seven in the evening and I felt like swimming. Hinubad ko ang suot kong roba at nakayapak na umupo sa gilid ng pool. I am confidently wearing my two piece swimsuit since the brute is not around. Masaya kong dinaramdam ang malamig na tubig sa aking paa at nilaro-laro pa ang tubig. It's kinda dark and I like it. Subalit ilang minuto pa ang nakalipas ay parang nilayasan ako ng aking kaluluwa. Niyakap ako bigla ng kaba dahil sa kamay na humila sa akin papunta sa malalim na parte ng swimming pool. I didn't know na ganito pala ito kalalim. Ang kaya ko lamang kasing languyin ay 'y
Offer (Penelope's Point of View) Nagkamali ata ako ng napakasalan. Nekolauv is damn boring. Ni walang nangyari sa amin sa honeymoon. He didn't even bother to touch me like he's disgusted or something. This is infuriating! Tapos pag-uwi ko galing sa honeymoon, mababalitaan ko pang big time ang nabingwit ng walang kwentang si Thala. Pinag-aagawan siya nina Franz at Alaric which is so unfair. I’ve got her man and her dad! How come I feel defeated? My cruel deceased parents trained me to become the best. Gusto nilang mahigitan ko si Thala na walang ibang ginawa kun'di ang magliwaliw. Kaunting improvement lang ay pinupuri ng karamihan. I did everything to be as perfect as they want me to be but it wasn't enough. Dati, titigil lang ako sa pag-aaral kapag nasa hospital na ako. I pushed my self too much to the point of going to school with bleeding nose and being hospitalized for a month. Kahit na mahilig mag-cutting class si Thala, wala siyang pasa. Unlike me na ikinukulong at nil
Mahal (Thala’s Point of View) Napalunok ako dahil sa narinig. Nagawa ko pang itagilid ang aking ulo upang makasigurong tama ang narinig ko. “M-Marry your grandson? Akala ko po—” “Oh! Akala mo tututol ako? Why would I?” natatawang turan ni Ma'am Emma. “Everyone thought that he preferred boys. There's nothing wrong about it naman. It's just that gusto kong makitang magkaanak siya. I’m fond of children, Ms. Laurenco,” she chuckled. Hindi ko alam kung makikitawa ako, ngingiti o magseseryoso. Hindi pa nga kami ikinakasal ng apo niya, anak na ang kanyang bukambibig. I’m not ready for that! Hapon na nang makaalis ako dahil napahaba ang pananatili ko sa Emerald Towers. Grandma Emma talks a lot and she's also fond of making corny jokes. Kahit papaano, na-fe-feel kong masiyahin siya kumpara noong unang encounter namin. Lutang ako nang tuluyang makaalis sa Emerald Towers. Para bang ngayon lang ako nakahinga ng maayos sa ilang oras kong pagpipigil ng hininga. Tinignan ko ang aking ph
Done (Franz’s Point of View) “Myrthala is marrying Alaric. Pumayag na ako,” he stated, unbothered. Nagngitngit ang paningin ko kay Mr. Laurenco dahil sa sinabi at naging desisyon niya. “Nakalimutan mo na ba ang ipinangako mo sa'kin, Mr. Laurenco?” iritado kong tanong. Nasa conference room kami ng Laurenco Relish at katatapos lamang ng aming meeting. I am really pissed at his fvcking decision. What a traitor! “Hindi ako nakakalimot, Franz. Sadyang kilala ko lamang ang anak ko. Babalik din iyon sa'yo kapag nalaman niya na ang baho ni Alaric,” aniya na siguradong-sigurado sa mga sinasabi. “Siguraduhin mo lang na tama ang mga sinasabi mo. Kilala mo rin ako. I can get what I wanted in any possible and impossible ways,” may pagbabantang tono kong sagot at tinalikuran na siya. I want what's mine. Ako ang nauna kay Thala. Sa akin lang siya at hindi ang katulad ng pinsan kong si Alaric ang makakaangkin sa kanya. Hindi ako kumikilala ng kapamilya kapag nakaharang na sila sa mga gusto
Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Alok (Thala's Point of View) “Are you done?” pagputol ni Alaric sa kasiyahang pumuno sa akin. “Kapag hindi ka tumigil kaiiyak, pababayaran ko sa iyo ang limang milyong aking ginastos sa painting na iyon,” banta niya pa. Natanto kong tumawid na pala ako sa kanyang linya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinahiran ang aking namamasang pisngi. “P-Pasensya na, Alaric. Natuwa lang ako,” sagot ko. Mabilis kong pinagpag ang nabasa niyang suit sa may balikat na parte. As if naman matutuyo ito ng gano'n-gano'n lang. Hinuli niya ang aking palapulsuan at naniningkit ang mga matang sinuri ako. “Anong mayroon sa painting na iyon at umaasta ka ng ganito?” kuryuso niyang tanong na nagpatikom ng aking bibig. “What a show you got there Mr. and Mrs. Atkinson,” sabat ni Chairman Vizencio. Nang magkatagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay. Nasa likod niya ang iilang socialites kasali sina Avory at Penelope. Lahat ng tingin nila sa akin ay napakasama. Kulang na lang ay marinig k
Crimson Love(Thala's Point of View)Nasa sasakyan ako katabi ang wala sa mood na si Alaric. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dala no'ng tumawag sa akin. Nilalagnat pa ako ngunit kailangan ko pa ring sumama.Nakapikit lamang si Alaric at nakahalukipkip. Papunta kami sa Art Gallery upang simulan na ang plano namin. Nakasuot ako ng dark blue na one shoulder maxi dress at kumikinang ito dahil sa diamanteng ginamit bilang disenyo. Nakapusod ang aking buhok, a messy bun with braided hair to be exact. Sinigurado talaga ng makeup artist pati ng designer na magmumukha akong elegante.As if naman hindi. With or without makeup, may ayos man o wala, may ilalaban din itong ganda ko.Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe: FRANZ: So you're married huh? News everywhere...I sighed, “Hindi ko rin naman alam, eh.” ME: dunno either FRANZ: usap tayo, alam kong pupunta ka sa galleryI sighed again. Paniguradong maraming makikiusisa mamaya. Lalo na si daddy.“Stop sighing. I
What ifs (Avory's Point of View) Maaga akong nakarating sa restaurant na binook ko kahapon. Kung kagabi ay sobrang kaba ang pumuno ng aking sistema, ngayon ay tanging ang kagustuhan na makuha si Alaric na lamang ang laman ng aking utak. “I don’t care if you are married, I’ll still marry you.” Sa kanya lang talaga ako nabaliw ng ganito. Dati, kalmado lang naman ako sa mga bagay-bagay. Now? I’ll raise hell just to get him. Nagiging ugaling kanal ako pagdating sa kanya and I don't fvcking care. Kalahating oras ang nagdaan nang sa wakas ay dumating siya. Halatang galing pa sa trabaho at mukhang wala sa mood. “Hi, good evening, Alaric. Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin,” bungad ko sa kanya sabay ngumiti ng matamis. “Anong pag-uusapan natin, Av? Just spill it,” walang bahid ng ngiti niyang pagbabalik tanong. His eyes shifted on his wristwatch. “Order na muna tayo. Alam kong gutom ka na.” My smile slowly faded. Peke na lamang akong ngumiti ulit at sumenyas sa waiter.