Done (Franz’s Point of View) “Myrthala is marrying Alaric. Pumayag na ako,” he stated, unbothered. Nagngitngit ang paningin ko kay Mr. Laurenco dahil sa sinabi at naging desisyon niya. “Nakalimutan mo na ba ang ipinangako mo sa'kin, Mr. Laurenco?” iritado kong tanong. Nasa conference room kami ng Laurenco Relish at katatapos lamang ng aming meeting. I am really pissed at his fvcking decision. What a traitor! “Hindi ako nakakalimot, Franz. Sadyang kilala ko lamang ang anak ko. Babalik din iyon sa'yo kapag nalaman niya na ang baho ni Alaric,” aniya na siguradong-sigurado sa mga sinasabi. “Siguraduhin mo lang na tama ang mga sinasabi mo. Kilala mo rin ako. I can get what I wanted in any possible and impossible ways,” may pagbabantang tono kong sagot at tinalikuran na siya. I want what's mine. Ako ang nauna kay Thala. Sa akin lang siya at hindi ang katulad ng pinsan kong si Alaric ang makakaangkin sa kanya. Hindi ako kumikilala ng kapamilya kapag nakaharang na sila sa mga gusto
Baby Boy (Thala’s Point of View) Abala sa pag-uusap ang dalawa habang ako ay nakatuon lamang ang atensiyon sa kinakaing steak. Marami silang pinag-uusapan na sila lang din ang nagkakaintindihan. Gusto kong umalis na lang at hayaan sila pero bakit nga ba ako aalis? “Do you like the food here?” baling sa akin ni Alaric na ikinaayos ko ng upo. “Uhm, it's fine. Yeah, it's fine,” parang tangang sagot ko. I bit my lower lip and finally, have the courage to look at him. Ngumiti ako sa kanya upang pawiin ang kuryuso niyang titig. “You're acting weird. May problema ba, Zara?” tanong niya na pati si Avory ay napalingon sa gawi ko. “Wala naman. Mag-usap na muna kayo, okay lang ako.” Halos mapapikit ako sa tono ng pagkakasabi ko nito. Kababakasan kasi ito ng pait. Hindi ko nga lang alam kong napansin niya ba o masyado lang talaga akong praning para mag-assume na nababasa niya ang mga iniisip ko ngayon. Hindi niya na naman ako nilulubayan ng titig. Kahit na kinakausap siya ulit ni Avory ay
Articles (Thala's Point of View) Napalunok ako sa sinabi ni Avory. Nalihis lamang ang aking atensiyon nang ilapag niya sa mesa ang kutsilyong hawak niya. She's smiling but something in her eyes is telling me that she's not joking about it. Napakurap-kurap ako nang bigla siyang humalakhak. “Ang seryoso mo,” aniya na itinuon na ang atensiyon sa niluluto. “Don’t worry, Thala. Kusang bumabalik ang mga hindi pa nagtapos,” makahulugan niyang dugtong na hindi na talaga kinakaya ng aking sikmura. “What does it mean?” naitanong ko sa wakas. “Ano ba? Mabuti pa at tapusin mo na ang paghihiwa niyan. Baka bumaba na si baby boy,” hagikhik niya na siya namang naging dahilan ng pagngiwi ko. Tama nga si Avory, ilang minuto ang dumaan ay bumaba na si Alaric. Nakababa ang basang buhok na patuloy niyang pinapatuyo ng towel at tanging roba lamang ang suot. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom na animo ay hindi kami nasemento ni Avory sa mga kinatatayuan namin. What the heck is wrong with this
Message(Thala's Point of View)“Are you ready?” usisa ni Alaric sa akin. Hindi ko siya sinulyapan sa halip ay tumango lamang ako bilang sagot. Sinisipat ko lamang siya sa gilid ng aking mata ngayon.Nakasuot siya ng black V neck dress shirt kung saan kapansin-pansin ang kumikinang na designer necklace. Tinirnuhan niya ito ng white trouser pants at pati ang sapatos na suot ay puti rin. He always stick to those colors. While me on the other hand, pinili kong magsuot ng one shoulder above the knee pastel blue plain dress at ankle strap latte pumps. Well, we are not meant to catch attention but the articles made us stood out.I still hated the fact na wala siyang sinasabi patungkol sa mga articles. Pakiramdam ko tuloy wala talaga siyang pakialam sa kung ano man ang isipin ko. “Not in the mood, huh?” konklusyon niya na nakuha pa talagang tumango. Like he's thrilled to see me annoyed.Binalewala ko ang sinabi niya at malalim na huminga para ihanda ang sariling harapin ang lahat. My family
Scent(Thala's Point of View)Akala ko si Alaric ang humila sa akin. Nadismaya lamang ako nang mamataang si Nekolauv ito. “Come with me, Thala. Let's talk.” Hindi niya na ako hinayaan pang sagutin siya. Hinila niya lang ako palayo roon.“Bakit hinahayaan mo lang ang hinayupak na 'yon?” pagalit niyang tanong nang tuluyan kaming tumigil sa isang pasilyong walang katao-tao. “Dapat nagpakilala ka sa matatandang iyon. Hindi iyong para kang tutang bumahag ang buntot.” Napahilamos siya sa kanyang mukha dala ng iritasyon.“Anong gagawin ko, Lauv? Mag-i-iskandalo? Sa tingin mo, tama bang sumabat ako sa pag-uusap nila?” pangangatwiran ko na nanginginig pa rin hanggang ngayon. “Hindi sa gano'n, Thala. Sana man lang sinabi mo sa kanila na ikaw ang fiancee at hindi si Avory.”“Para saan, Lauv? Para ipahiya ang sarili ko? Sasabihin naman siguro iyon ni Alaric—”“You trust my brother too much, Thala. Mapanakit ang isang iyon. Ni hindi nga niya pinigilan ang babaeng iyon. Huwag mo na kayang ituloy a
Relationship (Penelope's Point of View) “Bitawan mo nga ako! Tang*na mo!” Itinulak ko siya ng pagkalakas-lakas sa dibdib. “May asawa ka na nga pero nilalandi mo pa talaga ang pinsan ko! Lauv, 'yong totoo, may balak ka bang iwanan ako?!” bulyaw ko sa kanya dahilan upang takpan niya ang aking labi ng kanyang palad. “Tumahimik ka nga. Mapapahiya ang pamilya natin kapag hindi ka pa tumigil,” madiing paalala niya na hinawakan na ang aking braso at hinila ako palabas ng venue. “Sa tingin mo magugustuhan ka ng pinsan ko kapag nalaman niya ang mga ginawa mo?” Tinitigan ko siya ng punong-puno ng panunuya. “Dream on, Ravello,” halakhak ko na malumanay na hinaplos ang kanyang pisngi. Marahas niya itong inalis at iniihaw na ako ng tingin ngayon. “Tingin mo rin ba ako lang ang dehado rito? May nakakalimutan ka ata, Penelope.” Dinuro-duro niya ako kaya tinampal ko ang kanyang kamay. “Subukan mong kumawala sa akin...” nakangising hamon ko sa kanya, “nang makita mo kung sino talaga ang kinaka
Treasure(Thala's Point of View)“Are you sure you're fine? Pwede naman tayong dumaan bukas para ibigay kay lola ang regalo mo,” pamimilit niya na nakabuntot lang sa akin. “Stop bugging me, Alaric. Gusto kong maibigay ang regalo ko sa kanya sa mismong kaarawan niya,” sagot ko, patagong iniinda ang sakit sa aking gitna.Shit, ganito pala ito kasakit! Sana hindi nila ito mapansin mamaya. Kapag nagkataon, magpapalamon na lamang talaga ako sa lupa.“Kaarawan ng lola ko pero pakiramdam ko ako ang nakatanggap ng biyaya,” bulong niya sa likuran.Masama ko siyang sinipat at inirapan dahilan kung bakit humalakhak siya sa inaasta ko. Tumabi siya sa akin sa paglalakad at patuloy akong kinulit. “You're a good singer on bed, Zara. Hmm, sana nag-record ako para magamit kong ringtone—ouch!” Ngumisi siya ng nakakaloko at ngumuso. “Record kaya tayo mamaya,” suhestiyon niya.“Alaric!” Kinurot ko ang braso niya at sinungitan. Pinagkakatuwaan niya na naman ako. Itong tusong 'to, ang sarap ding busalan a
Happy Ending(Thala's Point of View)Matapos kaming umalis ni Alaric ay umuwi na kami sa Kiken. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya heto ako sa aking kama, nakatingala sa kisame. Masakit ang gitna pero nakangiti dahil sa pagtatanggol ni Alaric sa akin. I am smiling ear to ear. Sa kabila kasi ng nangyari sa akin, nakukuha ko pa ring ngumiti dahil sa kanya.Sa gitna ng aking pag-iisip ay tumunog bigla ang aking cellphone. It's midnight and Franz is calling me. Matagal na kaming hindi nagkikita at ayaw ko rin naman siyang makita talaga. Pero bakit kaya bigla siyang napatawag sa kalagitnaan pa ng gabi?Out of curiosity sinagot ko ang tawag, “What do you want, Franz?” naisatinig ko na kababakasan ng inis.“I am a waitress at the Shadyground, ma'am. Lasing na lasing po kasi si Sir Franz at ayaw niyang umuwi kung hindi ka raw po magpapakita,” paliwanag niya na halata ang panginginig sa boses. “Sir Franz, please calm down!” Narinig kong sigaw ng waitress nang may mabasag.“Wala ba siyan