Articles (Thala's Point of View) Napalunok ako sa sinabi ni Avory. Nalihis lamang ang aking atensiyon nang ilapag niya sa mesa ang kutsilyong hawak niya. She's smiling but something in her eyes is telling me that she's not joking about it. Napakurap-kurap ako nang bigla siyang humalakhak. “Ang seryoso mo,” aniya na itinuon na ang atensiyon sa niluluto. “Don’t worry, Thala. Kusang bumabalik ang mga hindi pa nagtapos,” makahulugan niyang dugtong na hindi na talaga kinakaya ng aking sikmura. “What does it mean?” naitanong ko sa wakas. “Ano ba? Mabuti pa at tapusin mo na ang paghihiwa niyan. Baka bumaba na si baby boy,” hagikhik niya na siya namang naging dahilan ng pagngiwi ko. Tama nga si Avory, ilang minuto ang dumaan ay bumaba na si Alaric. Nakababa ang basang buhok na patuloy niyang pinapatuyo ng towel at tanging roba lamang ang suot. Nagsalin siya ng tubig sa baso at uminom na animo ay hindi kami nasemento ni Avory sa mga kinatatayuan namin. What the heck is wrong with this
Message(Thala's Point of View)“Are you ready?” usisa ni Alaric sa akin. Hindi ko siya sinulyapan sa halip ay tumango lamang ako bilang sagot. Sinisipat ko lamang siya sa gilid ng aking mata ngayon.Nakasuot siya ng black V neck dress shirt kung saan kapansin-pansin ang kumikinang na designer necklace. Tinirnuhan niya ito ng white trouser pants at pati ang sapatos na suot ay puti rin. He always stick to those colors. While me on the other hand, pinili kong magsuot ng one shoulder above the knee pastel blue plain dress at ankle strap latte pumps. Well, we are not meant to catch attention but the articles made us stood out.I still hated the fact na wala siyang sinasabi patungkol sa mga articles. Pakiramdam ko tuloy wala talaga siyang pakialam sa kung ano man ang isipin ko. “Not in the mood, huh?” konklusyon niya na nakuha pa talagang tumango. Like he's thrilled to see me annoyed.Binalewala ko ang sinabi niya at malalim na huminga para ihanda ang sariling harapin ang lahat. My family
Scent(Thala's Point of View)Akala ko si Alaric ang humila sa akin. Nadismaya lamang ako nang mamataang si Nekolauv ito. “Come with me, Thala. Let's talk.” Hindi niya na ako hinayaan pang sagutin siya. Hinila niya lang ako palayo roon.“Bakit hinahayaan mo lang ang hinayupak na 'yon?” pagalit niyang tanong nang tuluyan kaming tumigil sa isang pasilyong walang katao-tao. “Dapat nagpakilala ka sa matatandang iyon. Hindi iyong para kang tutang bumahag ang buntot.” Napahilamos siya sa kanyang mukha dala ng iritasyon.“Anong gagawin ko, Lauv? Mag-i-iskandalo? Sa tingin mo, tama bang sumabat ako sa pag-uusap nila?” pangangatwiran ko na nanginginig pa rin hanggang ngayon. “Hindi sa gano'n, Thala. Sana man lang sinabi mo sa kanila na ikaw ang fiancee at hindi si Avory.”“Para saan, Lauv? Para ipahiya ang sarili ko? Sasabihin naman siguro iyon ni Alaric—”“You trust my brother too much, Thala. Mapanakit ang isang iyon. Ni hindi nga niya pinigilan ang babaeng iyon. Huwag mo na kayang ituloy a
Relationship (Penelope's Point of View) “Bitawan mo nga ako! Tang*na mo!” Itinulak ko siya ng pagkalakas-lakas sa dibdib. “May asawa ka na nga pero nilalandi mo pa talaga ang pinsan ko! Lauv, 'yong totoo, may balak ka bang iwanan ako?!” bulyaw ko sa kanya dahilan upang takpan niya ang aking labi ng kanyang palad. “Tumahimik ka nga. Mapapahiya ang pamilya natin kapag hindi ka pa tumigil,” madiing paalala niya na hinawakan na ang aking braso at hinila ako palabas ng venue. “Sa tingin mo magugustuhan ka ng pinsan ko kapag nalaman niya ang mga ginawa mo?” Tinitigan ko siya ng punong-puno ng panunuya. “Dream on, Ravello,” halakhak ko na malumanay na hinaplos ang kanyang pisngi. Marahas niya itong inalis at iniihaw na ako ng tingin ngayon. “Tingin mo rin ba ako lang ang dehado rito? May nakakalimutan ka ata, Penelope.” Dinuro-duro niya ako kaya tinampal ko ang kanyang kamay. “Subukan mong kumawala sa akin...” nakangising hamon ko sa kanya, “nang makita mo kung sino talaga ang kinaka
Treasure(Thala's Point of View)“Are you sure you're fine? Pwede naman tayong dumaan bukas para ibigay kay lola ang regalo mo,” pamimilit niya na nakabuntot lang sa akin. “Stop bugging me, Alaric. Gusto kong maibigay ang regalo ko sa kanya sa mismong kaarawan niya,” sagot ko, patagong iniinda ang sakit sa aking gitna.Shit, ganito pala ito kasakit! Sana hindi nila ito mapansin mamaya. Kapag nagkataon, magpapalamon na lamang talaga ako sa lupa.“Kaarawan ng lola ko pero pakiramdam ko ako ang nakatanggap ng biyaya,” bulong niya sa likuran.Masama ko siyang sinipat at inirapan dahilan kung bakit humalakhak siya sa inaasta ko. Tumabi siya sa akin sa paglalakad at patuloy akong kinulit. “You're a good singer on bed, Zara. Hmm, sana nag-record ako para magamit kong ringtone—ouch!” Ngumisi siya ng nakakaloko at ngumuso. “Record kaya tayo mamaya,” suhestiyon niya.“Alaric!” Kinurot ko ang braso niya at sinungitan. Pinagkakatuwaan niya na naman ako. Itong tusong 'to, ang sarap ding busalan a
Happy Ending(Thala's Point of View)Matapos kaming umalis ni Alaric ay umuwi na kami sa Kiken. Masyadong mabilis ang mga pangyayari kaya heto ako sa aking kama, nakatingala sa kisame. Masakit ang gitna pero nakangiti dahil sa pagtatanggol ni Alaric sa akin. I am smiling ear to ear. Sa kabila kasi ng nangyari sa akin, nakukuha ko pa ring ngumiti dahil sa kanya.Sa gitna ng aking pag-iisip ay tumunog bigla ang aking cellphone. It's midnight and Franz is calling me. Matagal na kaming hindi nagkikita at ayaw ko rin naman siyang makita talaga. Pero bakit kaya bigla siyang napatawag sa kalagitnaan pa ng gabi?Out of curiosity sinagot ko ang tawag, “What do you want, Franz?” naisatinig ko na kababakasan ng inis.“I am a waitress at the Shadyground, ma'am. Lasing na lasing po kasi si Sir Franz at ayaw niyang umuwi kung hindi ka raw po magpapakita,” paliwanag niya na halata ang panginginig sa boses. “Sir Franz, please calm down!” Narinig kong sigaw ng waitress nang may mabasag.“Wala ba siyan
Trust (Alaric’s Point of View) Pinilit kong matulog pero ayaw pa ng mga mata kong magpahinga. Damn, I can only picture out Zara’s soft lips and beautiful eyes. Hindi rin mawala-wala sa utak ko kung paano siya pinahiya ng mga kaibigan ni lola. They're gonna pay for it. Fuck, Zara's all I think about right now! Nababaliw na nga yata ako. Nasa pasado alas-dos na ng gabi subalit gusto kong silipin ang kwarto ni Zara. May kakaiba kasi akong pakiramdam at kapag nagkakaganito ako, nagiging totoo ang mga hinala ko. Hindi na ako kumatok. Baka sakaling tulog na siya at maistorbo ko pa. Pinihit ko ang door knob at nang silipin ang kwarto niya ay bumungad sa akin ang walang katao-tao niyang silid. Pumasok ako at hinanap siya kung saan-saan. Tinignan ko ang mga gamit niya at nakahinga ako ng maluwag dahil nandoon pa naman sa closet ang mga ito. Ngunit nasaan siya? Dali-dali akong bumaba at hinanap ko siya kung saan. “Did she fucking left because of what happened earlier? Oh shit!” Ginu
Deserve(Thala's Point of View)Alam kong magkagalit sila ni Franz pero bakit umabot na ng isang linggo at hindi pa rin niya ako pinapansin? Wala naman akong ginawang masama, ah? Do I need to beg again and again just for him to believe me? Nasa pasado ala-una na ng madaling araw nang magising ako dahil sa pagsarado ni Alaric ng pinto. Ganito na lang palagi. Hindi pa nga kami ikinakasal at wala pa nga kaming label pero ganito na kahirap ang nararanasan ko. Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling ang galit niya pero tangina naman, ang tigas ng puso niya.“Kumain ka na ba? Gusto mong initin ko ang pagkain...” nanuyo ang lalamunan ko sapagkat nilagpasan niya ako, “...Alaric?” Naiwan sa ere ang tanong ko sapagkat umakyat na siya sa hagdan. Para bang wala siyang nakita o narinig man lang.Huminga ako ng malalim at may kasamang hinanakit. “Ano pa bang gagawin ko, Alaric? Do I need to suffer like this just because I helped someone?” Napahilamos ako sa aking mukha at dahan-dahang umupon
Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Alok (Thala's Point of View) “Are you done?” pagputol ni Alaric sa kasiyahang pumuno sa akin. “Kapag hindi ka tumigil kaiiyak, pababayaran ko sa iyo ang limang milyong aking ginastos sa painting na iyon,” banta niya pa. Natanto kong tumawid na pala ako sa kanyang linya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinahiran ang aking namamasang pisngi. “P-Pasensya na, Alaric. Natuwa lang ako,” sagot ko. Mabilis kong pinagpag ang nabasa niyang suit sa may balikat na parte. As if naman matutuyo ito ng gano'n-gano'n lang. Hinuli niya ang aking palapulsuan at naniningkit ang mga matang sinuri ako. “Anong mayroon sa painting na iyon at umaasta ka ng ganito?” kuryuso niyang tanong na nagpatikom ng aking bibig. “What a show you got there Mr. and Mrs. Atkinson,” sabat ni Chairman Vizencio. Nang magkatagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay. Nasa likod niya ang iilang socialites kasali sina Avory at Penelope. Lahat ng tingin nila sa akin ay napakasama. Kulang na lang ay marinig k
Crimson Love(Thala's Point of View)Nasa sasakyan ako katabi ang wala sa mood na si Alaric. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dala no'ng tumawag sa akin. Nilalagnat pa ako ngunit kailangan ko pa ring sumama.Nakapikit lamang si Alaric at nakahalukipkip. Papunta kami sa Art Gallery upang simulan na ang plano namin. Nakasuot ako ng dark blue na one shoulder maxi dress at kumikinang ito dahil sa diamanteng ginamit bilang disenyo. Nakapusod ang aking buhok, a messy bun with braided hair to be exact. Sinigurado talaga ng makeup artist pati ng designer na magmumukha akong elegante.As if naman hindi. With or without makeup, may ayos man o wala, may ilalaban din itong ganda ko.Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe: FRANZ: So you're married huh? News everywhere...I sighed, “Hindi ko rin naman alam, eh.” ME: dunno either FRANZ: usap tayo, alam kong pupunta ka sa galleryI sighed again. Paniguradong maraming makikiusisa mamaya. Lalo na si daddy.“Stop sighing. I
What ifs (Avory's Point of View) Maaga akong nakarating sa restaurant na binook ko kahapon. Kung kagabi ay sobrang kaba ang pumuno ng aking sistema, ngayon ay tanging ang kagustuhan na makuha si Alaric na lamang ang laman ng aking utak. “I don’t care if you are married, I’ll still marry you.” Sa kanya lang talaga ako nabaliw ng ganito. Dati, kalmado lang naman ako sa mga bagay-bagay. Now? I’ll raise hell just to get him. Nagiging ugaling kanal ako pagdating sa kanya and I don't fvcking care. Kalahating oras ang nagdaan nang sa wakas ay dumating siya. Halatang galing pa sa trabaho at mukhang wala sa mood. “Hi, good evening, Alaric. Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin,” bungad ko sa kanya sabay ngumiti ng matamis. “Anong pag-uusapan natin, Av? Just spill it,” walang bahid ng ngiti niyang pagbabalik tanong. His eyes shifted on his wristwatch. “Order na muna tayo. Alam kong gutom ka na.” My smile slowly faded. Peke na lamang akong ngumiti ulit at sumenyas sa waiter.