Share

Chapter 5: Boss

Boss

(Thala's Point of View)

Naguguluhan ko siyang sinuklian ng tingin. Why do I feel like I’ve saw him somewhere? Pakiramdam ko ay malapit kami sa isa't isa for some reason. That's impossible though. Ngayon lang kami nagkita ng kapatid ni Nekolauv.

"You look surprised," he chuckled darkly.

Umayos ako ng upo at pilit na nagmatapang para hindi niya mapansing kinakabahan ako. "I expected someone who's optimistic like Nekolauv," pag-amin ko. Magkaibang-magkaiba kasi talaga sila.

"Is that so? Inutusan ka ba ng kapatid ko para manmanan ako? Hmm?" usisa niya na aking ikingiwi.

"Your sister in law's name is Blaise Penelope Laurenco," asar kong sagot na tumayo na para ipagpatuloy ang ginagawa. "I'll excuse myself since I don't have business with you. At pwede ba, quit staring at me like an obsessed stalker," dugtong ko pa. Medyo nahiya ako sa huling mga salitang nabitawan ko. Lalo pa at mahina siyang humalakhak.

"Hmm. I badly want to wipe that stupid smirk off your face..." misteryosong wika ni Mr. Atkinson na kalauna'y sumandal sa upuan na animo'y hari.

"Using my tongue," dagdag niya, pagkatapos ay nagpakawala ng isang hindi kanais-nais na ngisi.

Nakipagtitigan ako sa kanyang muli ngunit ngayon ay iritasyon ang na naghari sa akin. Kita na nga niyang hindi ko nagustuhan ang biro ko pero nakuha niya pa ring asarin ako. His dark hair fell on his face as he raises his dark and thick brows. Nainis ako lalo dahil nakukuha ko pang purihin ang foreign features niya kaysa sa talikuran na siya.

Pumikit ako at kalauna'y umiling. "I need to work now," naiilang kong salaysay na hindi na siya tinignan pa. Rinig ko ang halakhak niya dahilan para ikuyom ko ang aking palad at tuluyan ng bumalik sa aming silid.

It's my second day at work at hindi pa rin ako gaanong sanay. Hindi ganoon karami ang nagpunta sa bar kaya inabala ko na lamang ang sarili sa pagsasaulo sa iilang alak sa harap.

"Thala, our boss wants you to work for him tonight," natatarantang salaysay ni Hanni.

"Huh? Ano bang gagawin ko?" usisa ko at inayos muna ang pagkakatali ng aking buhok bago tuluyang tumayo.

"Hindi ko rin alam. Basta, Thala, masungit talaga ang boss natin kaya huwag mo masyadong dibdibin ang mga sasabihin niya. Kayanin mo," paalala niya na ipinagtataka ko. Akala mo ay isasalang ako sa gyera sa ekspresyon na ipinapakita niya sa akin ngayon.

Kinabahan tuloy ako lalo na ng sinabi ni Hanni ang tungkol sa pag-alis ng kasamahan niya. Dala daw iyon ng takot sa boss nila? Ganoon ba kahirap pakisamahan ang boss namin?

Nakarating kami sa kabilang area ng Doomscape kung saan marami ang pumupunta. Marami kasi ang nanunuod ng boxing fights at dito rin daw namamalagi ang boss namin.

"Kita mo 'yon? Siya si Alastair Richmond De Angelo Atkinson. That's our boss, Thala." Nanlumo ako sa itinuro ni Hanni. The heck? Siya rin pala ang may-ari ng building na'to?

"Bilisan mo dahil magsisimula na ang laban." Kaagad akong hinila ni Hanni upang lapitan ang seryosong boss kuno na halatang naiinip na sa paraan ng pagtingin niya sa direksyon namin.

"Good evening, Mr. Atkinson," pormal kong bati na sa pisngi niya lang nakatitig.

Yumuko siya at mapanuyang sinalubong ang aking tingin ngunit umiwas ako. "What do you want me to—"

He interrupted my words as he place a finger against my lips. Dahil dito ay napatingin ako sa labi niyang may bahid na panunuya. Kinagat ko ang aking labi at napalunok na lamang.

"It's not about what I want. It's who I want, Zara," mapaglarong sagot niya kaya diretso ko siyang natitigan sa mata. Naramdaman ko na naman ang panlalambot ng aking tuhod habang patuloy na nakikipagtitigan sa kanya.

"Here."

Bumalik ako sa reyalidad dahil sa ibinigay niya sa aking petroleum jelly. Napahiyaw na lamang ako sa ginawa niyang paghuhubad ng kanyang ripped jeans sa mismong harapan ko. Naiwan ang isang boxing shorts na aking ikinapikit-pikit. Kapansin-pansin kasi ang malaking umbok sa shorts niya. I'm probably blushing!

Oh my goodness! Why am I even looking?!

"Unbutton my shirt, Zara," utos niya na abala sa panunuya sa akin.

Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Kasalanan ito ni Penelope!

"Unbutton my shirt or I'll unbutton yours? Hmm?" taas kilay niyang tanong na inilapit pa lalo ang sarili sa akin.

Napalunok ako at inisip na lamang na parte ito ng trabaho. Nanginginig kong binuksan ang unang butones nang hindi nakatingin dito. Habang ginagawa ito ay nasa likuran niya lang talaga pumirmi ang aking atensiyon. Kinapa ko ang pangalawang butones na ikinangiwi niya.

"Here's the button," he chuckled darkly as he held my hand.

Nailayo ko ang aking kamay nang hawakan niya ito upang igiya sa pangalang butones. His eyes were looking as dangerous as ever, intimidating me further as I gritted my teeth in frustration.

Sa dinami-rami ng trabaho, bakit ito pa? Papayag naman akong maghugas na lamang ng pinggan o 'di kaya ay maglinis. Nagpatong-patong pa ang frustrations ko nang ako rin pala ang magpapahid ng petroleum jelly sa kanyang katawan.

"What's with the glare, Zara?" natatawang tanong niya na aking ikinairap. "You're blushing. How adorable," he commented.

"My name is Myrthala not Zara," puna ko.

"I can call you whatever I want," he shrugged teasingly. He's really fond of calling me Zara as he teases me.

Wala naman itong problema kung sa kakilala ko gawin. Normal lang naman iyong pag-aapply ng ganito kaso iba talaga ang dating kapag sa kanya.

Magulo ang sistema ko habang sinisimulan ang paglalagay ng petrolium jelly. Itinuon ko na lamang muli ang atensiyon sa bandaid na nakadikit sa kanyang kanang tagiliran. Bawat dikit ng aking mga daliri sa kanyang balat ay para rin akong sinisilaban.

"Want to know something about Larry Gonzales?" Pinanlakihan ako ng mata at napatingala sa kanya na ngayo'y pinanliitan na ako ng tingin. May alam siya?

"You'll have to kiss me to find out," he said playfully. Humalakhak siya sa sariling biro sapagkat namataan niyang naging seryoso ako.

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Kating-kati na akong linisin ang pangalan ko para sa ikatatahimik ni daddy. Sa sitwasyon ko ngayon at sa posisyong meron si Mr. Atkinson, posible niya nga akong matulungan. He's my way out! Pathetic na kung pathetic. Basta't kakapit ako kung saan may makukuha akong impormasyon. I really lose my mind this time.

I reached for his nape and pulled him closer towards me. Naging seryoso siya bigla nang salubungin ko ang kanyang madidilim na ngayong titig. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at siniil ng halik ang kanyang mamula-mulang labi. Natigilan siya sa ginawa ko kung kaya't patago akong napangisi.

Huwag mo akong binibiro dahil isusugal ko ang aking sarili kung iyon lamang ang magsasalba sa akin. Wala na itong atrasan!

"You owe me. Compensate my kiss, boss," makahulugan kong bulong sa gitna ng namumungay niyang mga mata.

Bakit ako ang naaapektuhan sa ginawa ko?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status