Mess
(Thala's Point of View) Malakas na tugtog ng musika at nakakabinging tili mula sa mga nagsasayawan sa gitna ang maririnig. Nasa isang bar ako at mag-isang naglalasing. I just hate staying at home while waiting getting tied up in an arranged marriage. Hindi ko na nga mabilang kung ilang bote na ba ang naubos ko. Nahihilo na kasi ako at nandidilim na rin ang paningin dala ng kalasingan. I've forgotten what happened that night when Nekolauv introduced me to his friends. He's annoyed and I don't know what I did. Lasing na lasing na ako para maalala iyon. Arranged marriage really sucks. Kahit pa sabihing magkakilala na kami ng matagal ng mapapangasawa ko, hindi pa rin ako sasang-ayon. Wala sa sarili akong tumayo at pasuray-suray na naglakad patungo sa dancefloor. I need to enjoy my freedom before my father takes it away from me. Wala akong pakialam kung may nababangga man ako o 'di kaya ay nababangga nila ako. All I did was dance as I closed my eyes. Naramdaman ko ang presensya ng kung sino sa aking likod. Sa halip na lubayan ito, mas lalo pa akong ginanahang sumayaw. Sumasaya kasi ako sa ideyang labag ito sa kagustuhan ni daddy. Para akong sinilaban dahil inilapit niya ang kanyang sarili sa akin at sinasabayan ako sa pagsasayaw. “You’re a great dancer,” he chuckled. Hindi ko nagugustuhan ang pagiging flirty niya but damn his voice is making me crazy. Lalo na ng simulan niya akong paulanan ng mabababaw na halik sa aking leeg. Normally, tinataboy ko talaga ang mga lalaking umaaligid sa akin. I don't know if it's the alcohol but I don't want him to stop what he's doing. Umikot ako at binuksan ang aking isang mata dahil hilong-hilo pa rin ako. Napatitig ako sa lalaki at laking gulat nang angkinin niya ang aking labi. Sobrang lakas ng musika ngunit rinig na rinig ko ang mas nakakabinging tibok ng aking puso. He's sucking my lower lip and kissed me aggressively. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa aking baywang, pataas sa aking pangharap. He explored my mouth which made my knees weaken. I let out a shameless moan and frustratedly caught inside this man’s trap. I am so wet, what the fvck?! But before we could go that far, he distanced himself. Tinitigan niya ako gamit ang madidilim niyang mga mata. I wanted to kiss him more but he started putting some walls between us. I can hear his consecutive curses as his eyes caught my parting lips. “What the fvck did that bastard do in his past life to deserve you?” he said cryptically. The last thing I remembered was being escorted by him outside that bar. Pumara siya ng taxi para sa akin at nang tuluyan na akong makapasok ay may ibinilin siya sa driver na hindi ko narinig. “I have your info, man. Don't do foolish things or else you're driving next to hell.” He opened the door next to me and the only thing that I could do is to stare at him weakly. Ni hindi ko nga maaninag ng maayos ang pagmumukha niya dahil sumasakit na ang aking ulo. Naiinis din ako sa ginawa niya kanina. I felt rejected. What a mess. “Till we kiss again, Zara,” mataman niyang sinabi at isinarado na nga ng tuluyan ang pintuan. Who's that man? What's his name? Bakit kilala niya ako? Damn, what a good kisser—no! He's an asshole, Thala! Naalimpungatan ako sapagkat may malakas na yumuyugyog sa akin. Hindi ko ito pinapansin sapagkat antok na antok pa rin ako. Ni wala ring lakas upang bumangon at batiin ang kung sinumang nais akong gisingin. Hindi niya pa rin ako nilubayan kaya iritado akong gumalaw. Sobrang sakit ng aking ulo kaya isang mata lamang ang nagawa kong idilat. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni mommy. "What is it, mom?" I asked in confusion. Tuluyang nagising ang aking diwa nang makatanggap ng isang napakalakas na sampal mula kay daddy. "What are you doing, Myrthala?" Umalingawngaw ang sigaw niya sa aking buong kwarto. Ni hindi ko maintindihan ang pinupunto niya hanggang sa mamataan ko ang lalaking takot na takot na nakaupo sa aking tabi. Wala siyang saplot sa pang-itaas habang ako ay brassiere lamang ang suot. "D-Dad, it's not what you think!" depensa ko na napapailing dahil kahit ako ay wala ring alam sa nangyayari. Sa pagkakaalala ko ay mag-isa akong umuwi at natulog kagabi. Oo, marami akong nainom pero alam ko ang aking ginagawa. Hindi rin ako madaling malasing at higit sa lahat, hindi makakapasok ang lalaking ito ng ganoon kadali kahit pa sabihing kakilala ko siya. Sobrang higpit ng seguridad dito sa aming mansiyon at ni hindi ko nga rin kilala ang lalaking ito. Ngayon ko lamang siya nakita. "Nakakahiya ka!" galit na galit na sigaw ni daddy. Namumula na ang kanyang tainga at buong mukha samantalang nanlilisik naman ang kanyang mga mata. Ngayon ko lamang siya nakitang ganito kagalit. "You, son of a bitch! Get out before I hurt you!" Nanginginig sa galit si daddy habang dinuduro ang lalaki. Takot na takot ang lalaki na mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng akong kwarto. Halos madapa pa siya sa pagkakataranta. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay siya ring pagsilip ng aking pinsan. Nakangisi siya at nagawa pa akong kindatan na para bang nasisiyahan sa pinapanuod. "Surprise," she mouthed and smirked. The heck? This bitch is trying to ruin my image again! Ang lakas talaga ng loob niyang siraan ako sa parents ko. Siya na nga itong kinupkop siya pa itong walang modo! What an ungrateful bitch! Umaapaw ang inggit at selos sa pagkatao ng pinsan kong ito! Nasuklay ko paitaas ang aking buhok gamit ang aking daliri at madilim na tinitigan ang bruha kong pinsan. "Did you do it?" Iritado akong nagsuot ng roba bago tumayo. Pumikit ako sa sobrang galit upang pigilan ang sariling sabunutan siya sa harap ng parents ko. Kumukulo ang dugo ko sa pagmumukha ng aking pinsan. "You framed me!" sigaw ko na pagalit siyang itinuro. Nilingon ni daddy ang magaling niyang pamangkin. Inampon niya pa talaga at itinuring na bagong prinsesa. Ang bruha naman nagpaawa ulit at nagkunwaring walang alam. I rolled my eyes as I saw a familiar scene from last month. "H-Hindi ko po alam ang sinasabi niya," aniya na naluluha kuno. Naging mabait bigla at nandiyan ulit ang trying hard na paawa effect niya. Pa-victim na naman ang pinsan kong feeling main character na inaapi-api lagi. Sasamahan niya pa iyan ng iyak na kung sa audition lang sa TV, hindi katanggap-tanggap. What a fake. Pero siyempre, ulila 'yan at paboritong prinsesa kaya nakuha ulit ang loob ng aking ama. "Hindi alam, your face! Tama na ang acting, Penelope. Pwede ka ng i-recycle sa kaplastikan mong 'yan!" sumbat ko. Napapikit ako dahil sa biglaang pag-alon ng aking paningin. May hangover na nga ako, dinagdagan pa ng bwesit kong pinsan. "Why are you blaming her? Kasalanan niya bang ganyan ka, pabaya? Inom ka nang inom kaya kung sinu-sino na lamang ang nauuwi mo sa bahay!" singhal ni daddy na nakapagpatigil sa akin. Lumapit si mommy kay daddy at hinaplos ito sa braso upang pakalmahin. "Kailan ka ba titino, Thala? Bakit hindi mo gayahin si Penelope?" Here we go again with this nonsense comparison. "Palibhasa ini-spoil ka lagi ni Marissa kaya lumaki kang walang kakwenta-kwenta!" pangmamaliit ni daddy sa akin. Naapektuhan ako sa ginawa ni Penelope sa akin subalit pinatay naman ako sa mga salitang binitawan ni daddy. Bawat salita ay nagiging punyal na patuloy na bumabaon sa aking puso. Papaanong mas matimbang sa kanya ang pinsan ko kaysa sa anak niya mismo? Bakit ako na lang lagi ang mali at dapat pumasan ng consequences? Sobrang hapdi ng mga mata ko ngayon. Any minute ay tutulo na itong mga luha ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi, nagbabakasakaling mapigilan ko pa ang mga ito. "W-Why would I? H-Hindi ako pa-victim katulad-" Napapikit ako sa sakit na natamo ulit mula sa sampal ni daddy. Sinulyapan ko si Penelope na nakangisi na at nagawa pa talaga akong taasan ng kilay. You're enjoying this, huh? "How dare you insult your sister!" pagtatanggol ni daddy sa kanya na ikinangisi ko. Tuluyan na ngang bumaybay sa aking pisngi ang isang takas na luha. Sister? Patawa. The best joke I've heard today! Kahit kailan hindi ko siya ituturing na kapatid! "Isang pagkakamali pa, Thala. Wala ka ng uuwian," banta ni daddy na dinaluhan si Penelope at inalu. Hindi ko na napigilan ang sarili kong humalakhak sa nasasaksihan. "Kating-kati ka na talagang palitan ako, 'no?" bulong ko sa umaakto ko pa ring pinsan. Nanggagalaiti kong sinundan ng tingin ang mag-amang naglalakad paalis. What a sight! Patay na ang ama ni Penelope na kapatid ni daddy. Maiintindihan ko sana ang paninirahan at ang pag-ampon ni daddy sa kanya kung hindi lang siya pabida. Tatanggapin ko siya ng walang reklamo pero sa kasamaang ipinapakita niya lang sa akin, imposible. "Honey, please don't hate your father. He's just surprised. Please, Thala. Stop arguing with your dad. Maybe he pitied Penelope—" I interrupted my mom's consolation or should I say manipulation. "Pity? Mukha ba siyang kaawa-awa sa'yo? She's evil, mom!" My voice cracked. "Maybe you'll calm down if I left you alone," she concluded. "Thala, please know that we love you," she said as she reached for my cheek and gave me a peck. There she goes again. Thinking that I am too brave to face this alone. No one in my family could understand my freakin' inner torment. How miserable.Framed(Thala's Point of View)Dumating ang araw ng engagement party namin ng fiancé kong si Nekolauv Aurel Ravello, ang tagapagmana ng mga Ravello. Kahit hindi ko siya gaanong nakakasama, alam kong mabait naman si Nekolauv. He's an ideal man and that's for sure.Kilala ko siya noon pa man sapagkat iisang school lang ang pinapasukan namin dati. Hindi nga lang iyon sapat upang gustuhin ko ng maitali sa kanya. Yes, I like him but I'm not ready to commit yet. I am only bound to marry Nekolauv Aurel Ravello for business. Which is so ridiculous. Uso pa pala 'to? "Honey, how are you feeling?" usisa ni mommy na kababakasan ng pagiging matamlay. Dinaluhan niya ako at tinitigan na rin ang aking repleksyon mula sa salamin sa aking harapan. Tipid ko siyang nginitian at yumuko na lamang upang hindi niya makita ang malungkot kong mga mata. Just like me, parang hangin lang din si mommy pagdating sa opinyon. Kapwa wala kaming karapatang pangunahan ang mga gusto ni daddy. Para kaming may mga tali n
Brother(Thala's Point of View)Umalis ako sa mansiyon na hindi man lang nagawang magpaalam pa kay mommy. Mas mahihirapan lang akong umalis kapag nakita ko ang malungkot niyang mukha. Kailangan kong patunayan kay daddy na wala akong kinalaman doon."I've been rejected by my fiancé, my dad and hopefully not my freedom," I sighed as I started to look for an apartment for me to stay. My dad confiscated my cards. Ten thousand lang ang meron ako ngayon na alam kong hindi magiging sapat. Kailangan kong maghanap ng trabaho and I kinda like it. Kahit papaano, nagiging malaya ako.Maggagabi na pero wala man lang tumatanggap sa akin kahit saan man ako pumunta. Hindi ko alam pero nag-iiba ang reaksyon nila kapag naririnig ang aking pangalan. I just hope na walang kinalaman ang bruha kong kapatid. Pagod na pagod na ako kalalakad at kahihila ng aking maleta. Gutom na gutom na rin ako kaya napaupo na lamang sa isang bench malapit sa isang restaurant. Naglalaway ako sa mga pagkaing aking nakikita
Boss(Thala's Point of View)Naguguluhan ko siyang sinuklian ng tingin. Why do I feel like I’ve saw him somewhere? Pakiramdam ko ay malapit kami sa isa't isa for some reason. That's impossible though. Ngayon lang kami nagkita ng kapatid ni Nekolauv."You look surprised," he chuckled darkly.Umayos ako ng upo at pilit na nagmatapang para hindi niya mapansing kinakabahan ako. "I expected someone who's optimistic like Nekolauv," pag-amin ko. Magkaibang-magkaiba kasi talaga sila."Is that so? Inutusan ka ba ng kapatid ko para manmanan ako? Hmm?" usisa niya na aking ikingiwi. "Your sister in law's name is Blaise Penelope Laurenco," asar kong sagot na tumayo na para ipagpatuloy ang ginagawa. "I'll excuse myself since I don't have business with you. At pwede ba, quit staring at me like an obsessed stalker," dugtong ko pa. Medyo nahiya ako sa huling mga salitang nabitawan ko. Lalo pa at mahina siyang humalakhak."Hmm. I badly want to wipe that stupid smirk off your face..." misteryosong wika
Hickey (Alaric's Point of View) "Are you out of your mind?!" Ang mga ugat ko'y tila puputok na sa lakas ng pagkakasigaw ko kay Zara. Napansin ko ang takot sa kanyang mga mata kung kaya't napapikit ako para ikalma ang aking sarili. Napahilamos ako sa aking mukha at muli siyang sinulyapan. I darted my eyes on her lips and shook my head to forget what happened. "Mr. Atkinson, I know it's rude but I desperately need your help right now," she said, provoked. Napalunok siya habang tinititigan ako. Napapansin ko rin ang panginginig niya na nagpaangat ng aking labi. I played with my tongue inside my mouth as I tried to stop myself from grinning wickedly. Ang lakas ng loob na halikan ako, takot naman pala. "Desperately need my help?" I asked in a sexy manner as I tried to provoke her more. Hanggang saan ka dadalhin ng pagiging desperada, Zara? Patago akong napangisi sapagkat mas nanginig pa siya at hindi na mapakali sa kinatatayuan niya ngayon. Ni hindi na nga siya makatitig sa akin
Trap (Thala’s Point of View) Tatlong araw ang nakalilipas at masasabi kong nakakapagod ang mga araw na iyon but at the same time, payapa. Hindi ko na kasi nakikita ang pagmumukha ng boss namin. Sana araw-araw ay hindi na siya magawi sa lugar na ito o 'di kaya ay hindi na kami magkakasalubong. "Kamusta ka na, mom?" tanong ko kay mommy sa kabilang linya. She calls me after my shift at kahit na pagod na, sinasagot ko pa rin dahil nami-miss ko na si mommy. Gusto ko ring makibalita kung ano na nga ba ang nangyayari. Gusto ko sanang kumuha ng private investigator subalit hindi nga sapat ang pera ko sa pambayad. "Penelope is poisoning your dad's mind again. It's chaotic here, Thala. Napapayag niya pa talaga ang daddy mo na huwag kang imbitahan sa wedding." I heard the frustration in her voice. "Thala, just go back. Ako na ang bahala sa daddy mo. Nawala na rin naman ang issue tungkol sa'yo," pangungumbinsi niya. "Mom, I am fine here. Don't stress yourself too much. Ako na ang bahala sa
Rejection (Thala's Point of View) I woke up in an unfamiliar room. Tanging ilaw lamang na nagmumula sa lampshade ang nagpapaliwag ng kwartong ito. Dahan-dahan akong umupo at hinanap ang aking shoulder bag. Inabot ko ito sa bedside table at kinuha ang aking cellphone. Am I still in Alaric's penthouse? It's nine in the evening already. I haven't eaten anything yet, since morning. Kaya ngayon nangangasim na ang aking sikmura sapagkat wala itong kalaman-laman. I'm so hungry at panigurado'y cup noodles na naman ang kakainin ko mamaya. My family is well-known in the food industry but here I am na processed food lang ang kayang lutuin. Napapikit ako nang maalala ang panic attack ko kanina. Nakita pa talaga ito ni Alaric. Lumabas ako ng kwarto para makauwi na at makapagpahinga. Natagpuan ko siyang naghahanda ng pagkain. Nabigla pa siya nang pagharap niya ay nakita ako. "You're awake," sambit niya na inilagay na ang isang pinggan at mga kubyertos sa lamesa. Hindi pa ba siya kumakain? L
Act (Penelope's Point of View) Nadatnan ko si tita Marissa na nagkakape sa balcony. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan, na dati ay inuukupa ni Thala. Kinuha ko ang isa sa mga aklat na nakalagay sa mesa at nagsimulang magbasa. "Ibaba mo 'yan. That book is owned by my daughter," sita niya sa akin na ikinakulo ng aking dugo. Bakit ba ang hirap kunin ng loob nitong babaeng ito? "S-Sorry po tita. Hindi ko naman po inaangkin, hinihiram ko lang po," paliwanag ko sa malumanay na boses. Kung alisin ko na rin kaya siya sa landas ko? Hipokrita! "Stop acting in front of me, Penelope. Aware kami ni Thala kung sino ka talaga. Isa kang mapagkunwari at mahilig manira ng pamilya! I really hate you!" pagtataas niya ng boses na aking ikinangisi. Sinalubong ko ang titig niya at mapanuyang humalakhak. "You're right, tita. Actually pagod na rin akong magpanggap. Acting in front of you is a waste of time. 'Di ka rin naman paniniwalaan ni tito, I mean daddy," I smirked. Kita ko ang p
Walls (Thala's Point of View) Apat na araw na ang nagdaan simula nang magkasagutan kami ni Alaric. Hindi ko na rin siya nakikita sa Doomscape. Ang sabi ni Hanni, hindi na rin ito nagagawi sa fighting arena. Mas napapanatag pa nga ako na hindi na siya nakikita. Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya sa akin. "Thala? Ghad, am I really seeing the goddess Thala here?" biro ng kung sino mula sa aking tabi. Sa aking paglingon ay bumungad sa akin ang kaibigan ni Nekolauv na pinsan niya rin. Kahit papaano ay naging kaibigan ko na siya dahil sa palagian naming pagkikita sa mga events na imbitado ang aming mga pamilya. Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Syd pero mas nagkakaintindihan kami kaysa sa seryosong si Nekolauv. Mas naging close pa kami n'ong nagpatulong siyang manligaw sa kaklase ko rati. "Syd! It's good to see you again!" I exclaimed. Kaagad ding tumikhim dahil sa nagawa kong ingay. Nagtawanan kaming dalawa at kalaunan ay niyakap ang isa't isa.
Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Alok (Thala's Point of View) “Are you done?” pagputol ni Alaric sa kasiyahang pumuno sa akin. “Kapag hindi ka tumigil kaiiyak, pababayaran ko sa iyo ang limang milyong aking ginastos sa painting na iyon,” banta niya pa. Natanto kong tumawid na pala ako sa kanyang linya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinahiran ang aking namamasang pisngi. “P-Pasensya na, Alaric. Natuwa lang ako,” sagot ko. Mabilis kong pinagpag ang nabasa niyang suit sa may balikat na parte. As if naman matutuyo ito ng gano'n-gano'n lang. Hinuli niya ang aking palapulsuan at naniningkit ang mga matang sinuri ako. “Anong mayroon sa painting na iyon at umaasta ka ng ganito?” kuryuso niyang tanong na nagpatikom ng aking bibig. “What a show you got there Mr. and Mrs. Atkinson,” sabat ni Chairman Vizencio. Nang magkatagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay. Nasa likod niya ang iilang socialites kasali sina Avory at Penelope. Lahat ng tingin nila sa akin ay napakasama. Kulang na lang ay marinig k
Crimson Love(Thala's Point of View)Nasa sasakyan ako katabi ang wala sa mood na si Alaric. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dala no'ng tumawag sa akin. Nilalagnat pa ako ngunit kailangan ko pa ring sumama.Nakapikit lamang si Alaric at nakahalukipkip. Papunta kami sa Art Gallery upang simulan na ang plano namin. Nakasuot ako ng dark blue na one shoulder maxi dress at kumikinang ito dahil sa diamanteng ginamit bilang disenyo. Nakapusod ang aking buhok, a messy bun with braided hair to be exact. Sinigurado talaga ng makeup artist pati ng designer na magmumukha akong elegante.As if naman hindi. With or without makeup, may ayos man o wala, may ilalaban din itong ganda ko.Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe: FRANZ: So you're married huh? News everywhere...I sighed, “Hindi ko rin naman alam, eh.” ME: dunno either FRANZ: usap tayo, alam kong pupunta ka sa galleryI sighed again. Paniguradong maraming makikiusisa mamaya. Lalo na si daddy.“Stop sighing. I
What ifs (Avory's Point of View) Maaga akong nakarating sa restaurant na binook ko kahapon. Kung kagabi ay sobrang kaba ang pumuno ng aking sistema, ngayon ay tanging ang kagustuhan na makuha si Alaric na lamang ang laman ng aking utak. “I don’t care if you are married, I’ll still marry you.” Sa kanya lang talaga ako nabaliw ng ganito. Dati, kalmado lang naman ako sa mga bagay-bagay. Now? I’ll raise hell just to get him. Nagiging ugaling kanal ako pagdating sa kanya and I don't fvcking care. Kalahating oras ang nagdaan nang sa wakas ay dumating siya. Halatang galing pa sa trabaho at mukhang wala sa mood. “Hi, good evening, Alaric. Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin,” bungad ko sa kanya sabay ngumiti ng matamis. “Anong pag-uusapan natin, Av? Just spill it,” walang bahid ng ngiti niyang pagbabalik tanong. His eyes shifted on his wristwatch. “Order na muna tayo. Alam kong gutom ka na.” My smile slowly faded. Peke na lamang akong ngumiti ulit at sumenyas sa waiter.