Share

Blossoming Seduction
Blossoming Seduction
Author: Rawring

Chapter 1: Introduction

Introduction

(Thala's Point of View)

Palinga-linga ako sa paligid sapagkat ni isa, wala akong makausap. Nasa isang exclusive bar kami ng fiancé ko para maipakilala niya ako sa circle of friends niya. It turned out na, magiging out of place lang ako sa kanila. Nekolauv is busy talking ang enjoying with his friends while here I am, animo'y guard na tagapanood lamang sa mga ginagawa nila.

Bigating mga anak ng businessman ang mga kaibigan niya and I can sense na hindi nila ako gusto para kay Nekolauv.

“Sylvia, you like Nekolauv right?” sambit n'ong Abby na nakuha pang itulak kay Nekolauv ang katabing babae. Pulang-pula ang pisngi nito at nahihiyang napapatingin kay Nekolauv.

“Do you?” natatawang tanong ni Nekolauv. Para bang hindi ako nag-e-exist.

Mas lalo nilang tinukso ang dalawa. Ni hindi man lang iniiisip kung ano ang mararamdaman ko. “Dapat kayo na lang, eh. Well, mas tuso 'yong isa kaya.” Binalingan ako ni Abby sa maarteng paraan at nagkibit-balikat.

The fvck? Ni hindi ko nga hiningi kay daddy na itali ako sa isang arranged marriage.

“Uh, Lauv? Restroom muna ako,” paalam ko. Baka kasi kapag hindi ako umalis mahila ko ng tuluyan ang buhok n'ong Abby.

Bumuntong hininga ako sabay inayos na lamang ang sarili. “Makisama ka, Thala,” I whispered.

Pagkabalik ko sa upuan ay namataan ko silang magkakaibigan na masayang nagsasayawan sa gitna. Habang si Sylvia ay namumulang isinasayaw ni Nekolauv. We are here to introduce me as his fiancee pero heto siya at umaaktong biro lang lahat.

Naiinis akong umupo at tinungga ang alak sa shot glass na aking hawak at nagdagdag pa. Hindi ako nakuntento kaya nagtawag ako ng waiter at nagpadala ng isang bote ng scotch. I just want this freakin' misery gone.

Aaminin kong kahit papaano nagkagusto rin ako kay Nekolauv no'ng highschool at college days namin. He's an ideal pero kaakibat noon ang pagpalibot ng mga nagkakagusto sa kanya. Now they call me pathetic for asking my father for an arranged marriage.

Bumaling ako sa 'di kalayuang lamesa, nadatnan ko ang isang lalaking titig na titig sa akin. Nakaka-intimidate ang bawat madidiing titig na ipinupukol niya kaya hindi ko ito natatagalan. Uminom ulit ako at muling sinulyapan ang lalaki. Napasinghap ako sapagkat nagkasalubong ang aming mga mata.

Sa isang iglap, hindi ko namalayang dalawang bote ng scotch na pala ang naubos ko. Tinatamaan na ako ng alak kaya may gana na ako ngayong sumayaw. Lumapit ako sa kinaroroonan nila Nekolauv at marahas na itinulak si Sylvia upang ako naman ang makasayaw ni Lauv.

“Ano ba, Thala? You're being mean!” sigaw ni Abby sabay dalo kay Sylvia na iritado na rin sa ginawa kong pagtulak.

“This is my fiancé so may karapatan akong isayaw din siya!” I answered out of frustration.

“Thala, don't be rude! Kaibigan ko sila!” pagtatanggol ni Lauv sa mga kaibigan. Tinapik siya ni Aaron sa balikat upang pakalmahin ngunit nag-aalab na ngayon ang tingin ni Lauv sa akin. Nakainom na rin siya kaya medyo naging agresibo sa akin.

“How about me? Fiancee mo ako, 'di ba?” pagpapaalala ko sa kanya na nagsisimula ng mag-init ang gilid ng mga mata.

“I’m asking you to be nice. Nauna ko silang nakasama kaysa sa'yo. You should know your place!” sita ni Lauv sa'kin.

“Eh? Know my place?” natatawa kong tanong. “So dapat hayaan ko kayo ng ka-ibigan mong si Sylvia na maglampungan sa harap ko? That whore wants you, Lauv!” sagot ko na natahimik dahil sa natanggap na sampal mula kay Sylvia.

“Sumusobra ka na!” sigaw ni Abby sabay hinila ang aking buhok. “Hindi porke't fiancee ka ni Nekolauv ay palalagpasin ko na ang mga sinabi mo sa kaibigan ko!” Hinila niya lalo ang buhok ko na animo'y matatanggal na ang anit.

Nagkagulo na rito ngunit wala man lang ginawa si Nekolauv upang pigilan kami. Hinila ko pabalik ang buhok ni Abby kaya kinalmot niya ako sa braso pabalik. Nakisali na rin si Sylvia kaya inaawat na kami nina Aaron at Darwin.

“Thala! Stop it!” malakas na sigaw ni Nekolauv na tila naubusan ng pasensiya at marahas akong hinila palayo sa mga kaibigan. “Go home before I decline the marriage!” babala niya na ikinatigil ko.

Hindi pwede! Magagalit si daddy sa akin!

Umiling-iling ako sa biglaang naisip at walang pagdadalawang-isip na tinalikuran sila. Para akong binato ng bomba at kaagad na sumuko. He knows my weakness.

Pagkarating sa lamesa namin ay tinungga ko ang natitira pang mga alak. Sumulyap ako ng isang beses sa magkakaibigan at kapansin-pansin ang pag-aalala ni Nekolauv sa mga ito.

Dala ng galit at inis, pagewang-gewang akong naglakad paalis. Hindi pa nga lang ako nakakalayo ay may nakabunggo akong lalaki. “I’m sorry,” paumanhin ko at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad.

Umaalon na ang aking paningin at nagsisimula na ring sumakit ang aking ulo. Sa lakas ba naman ng pagkakahila ni Abby sa buhok ko at sa rami ng nainom ko, any minute ay hahandusay na ako rito.

Hinawakan ako ng lalaki sa braso kaya tumingala ako upang tignan siya. Ito 'yong lalaking titig na titig sa akin kanina. Hindi ko alam kung anong sadya niya kaya nagtaas ako ng kilay sa kanya.

“You’re hurt,” baling niya sa mga kalmot na natamo ko galing sa mga bruha.

“What’s that to you?” I rudely said. Inagaw ko ang aking braso at nagsimula ng humakbang. Ngunit nahilo lamang ako.

Kamuntikan na akong nadapa ngunit may biglaang humuli ng aking baywang. Umikot ako upang harapin siya. Only to find that same man from earlier. Ito 'yong lalaking kanina pa titig na titig sa akin.

“What? Makikigulo ka rin?” Lahat ng iritasyon ko sa pangyayari kanina ay naibuntong ko sa kanya.

Biglaan niyang niluwagan ang pagkakahawak sa aking baywang. Sa gulat at takot na rin na malaglag sa sahig, ipinulupot ko sa kanyang leeg ang aking mga kamay. Kung kanina ay nahihilo ako, ngayon ay naduduling ako dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Ang hininga niya ay kumikiliti sa aking leeg.

“Leave him,” he whispered huskily. “Leave that bastard,” dugtong niya pa sa aking tainga. Nakaka-goosebumps ang bawat salitang pinapakawalan niya. My system was never affected and miserable like this before.

Itutulak ko na sana siya palayo ngunit naagaw na ni Nekolauv ang atensiyon ko dahil sa biglaan niyang pagsigaw. “Myrthala! Tara na!” Hinila ni Nekolauv ang palapulsuan ko upang mailayo sa nakangisi na ngayong lalaki. He's enjoying what's he's seeing.

Sino ba siya? Bakit galit na galit si Nekolauv sa kanya?

Hinila rin ng lalaki ang kabilang kamay ko at mapanuyang nagbitaw ng mga salitang, “She’s not your wife yet, foolish.”

“Hanggang dito ba naman, kuya? Mang-aagaw ka talaga kahit kailan!” naiiritang sabi ni Lauv sa lalaki.

Kuya? May kuya ba siya?

Mas lalo akong nahihilo sa ginagawa nilang paghila sa akin. Pinanlakihan ako ng mata dahil buong lakas akong hinila ng lalaki. Dahilan kung bakit ako napahawak sa kanyang dibdib at naglapat ang labi naming dalawa.

Hindi ako nakagalaw kaagad kahit na inilayo na ng lalaki ang mukha sa akin. Mapanuya ulit siyang madilim na ngumisi at sinalubong ang aking titig. “You like it, do you? Then leave him,” mapang-asar niyang bulong at nakuha pa akong halikan sa pisngi.

“Ano ba, kuya?! Leave her alone! The fvck!” galit na sigaw ni Lauv.

Para akong nasemento sa kinatatayuan ko at hindi naalis ang tingin ko sa lalaki. My first kiss was with this asshole and I don't even know him.

“What a sweet introduction, my gorgeous sister-in-law,” mapaglarong bulong niya at nagpakawala ng ngiti na bumuhay sa mga paru-parong matagal ng nanahimik sa aking tiyan.

Hindi ko na namalayan na nahila na pala ako ni Lauv palayo sa kanya. Huli kong naaalala ay ang malambot niyang labi at ang ginawa niyang pagkindat sa akin.

My first kiss was stolen by my brother-in-law and the worst part of it is... I liked it. Damn!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status