Next:Biglang tumunog ang cellphone ni Georgina kaya kumalas siya sa pagkakayakap kay Rhett. “Sandali, at tumatawag ang ‘boss’ ko,” nang-aasar na sabi niya saka mabilis na tumayo upang ang kamay nito na akma pa sanang hahawak sa kanya. “I’m your husband, Georgie,” tila nagmamakaawang ani Rhett. Nilingon niya ito at nginisihan. “Siya ang boss ko ngayon at nagpapasahod sa akin.”“I can also give you money.”Dahil hindi niya agad sinagot ang tawag ay muli na naman siyang tinawagan ng kapatid. Nairolyo ni Georgina ang mga mata bago iyon sinagot habang sinisenyasan si Rhett na lalabas na siya. Walang nagawa ang asawa kundi sundan siya nang matiim na tingin. Nang nasa pintuan na siya ay hindi niya kinalimuang lingunin si Rhett at kindatan. Kitang-kita ni Georgina kung paano dumilim ang mukha ng asawa dahil sa ginawa niya. Nang makalabas siya ay agad niyang sinagot ang tawag ni Pia. “Nasaan ka na naman? Kanina pa kita hinahanap?!” Ang galit na boses ni Pia ang sumalubong sa kanya at kaa
Nagising si Georgina sa malakas na tunog ng kanyang cellphone na naka-charge sa ibabaw ng bedside table. Mag-isa lang siya sa kuwarto dahil ngayong wala si Lola Rhea ay hindi sila magkatabi ni Rhett matulog. Bago sagutin ang nang-iistorbo sa kanya ay nag-inat siya ng katawan at humikab. Gusto pa niyang matulog pero agang-aga ay may sumisira na agad ng araw niya. “Hello?” Sinagot niya iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Georgina! Umuwi ka sa bahay ngayon din!”Ang matalas na boses ng kanyang ama ang kaagad na narinig niya kaya’t agad niyang nailayo ang cellphone sa tainga. Hindi na niya kailangang alamin kung ano ang problema dahil alam niyang nagsumbong na naman ang mahadera niyang kapatid. “Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa bagong proyekto ng kapatid mo, huh? Kailan ka ba titigil sa kamangmangan mo at kahit isang beses ay gumawa ka naman ng tama?”Nasaktan si Georgina sa salita ng ama at tuluyan ng nawala ang antok. “Sige, pa. Uuwi ako diyan ngayon din.” Bumango
Nakahanda na sina Georgina at Pia nang dumating ang sasakyan na magsusundo sa kanila. Si Tony ang nagmamaneho niyon at nang makita siya ay hindi nito maitago ang ngiti. “Hindi ko akalain na ang vice president ng Geo’s Group mismo ang magsusundo sa akin,” malapad ang ngiting pahayag ni Pia nang makasakay na sila ng kotse. Tuwang-tuwa ito dahil nakasakay ito sa magarang sasakyan ni Tony. Pero ang hindi nito alam ay pag-aari ni Georgina ang kotse. “Hindi puwedeng baliwalain ang taong tumulong sa presidente ng Geo’s Group,” pormal na sagot ni Tony. Wala na ang ngiti nito nang sinagot nito si Pia. Dahil sa sinabi ng lalaki ay bahagyang dumilim ang mukha ni Pia pero hindi nito pinahalata sa lalaki. Hinawakan nito ang braso ni Georgina. “Siyempre. Nabalitaan ko nga ang nangyari. Lahat ng tao sa pamilya namin ay mababait at matapat dahil bata pa lang kami ay tinuruan na kami ng magulang namin na hindi maganda ang gumawa nang masama.”Hinayaan ni Georgina na mag-usap ang dalawa dahil inaant
Hindi pinakita ni Georgina na natataranta siya. Kalmado siyang nagbigay ng utos kay Tony. “Go. Gumawa ka ng paraan para ma-delay ang pagpasok niya at gagawa ako ng paraan para makaalis dito nang hindi niya nakikita.”“Copy, boss!” Malawak ang ngising sagot ni Tony saka ito lumabas ng opisina matapos siyang bigyan ng saludo na lagi nitong ginagawa. Napapailing siyang sumunod kay Tony at sinilip sa maliit na siwang ng pinto kung nasaan na si Rhett. Nakita niyang kasama nito si Archer at kakalabas lang ng elevator. May ilang metro rin ang layo niyon mula sa pinto ng opisina at may malagong indoor plant na nakaharang kaya hindi siya agad-agad makikita. “Mr. Castaneda, pasensya na kung hindi si Miss Lecta ang sumalubong sa inyo. Mayroon lang po siyang importanteng tao na kausap ngayon sa telepono.” Habang nagsasalita ay pilit na hinaharangan ni Tony ang tingin ni Rhett upang hindi iyon magawi sa opisina.“Mas importante pa sa isang kliyente na katulad ko?” pasupladong tanong ni Rhett. Na
“I am afraid we did not, Mr. Castaneda. Bakit mo naman nasabi ‘yan?” Umupo si Georgina sa katapat na upuan ni Rhett. Her movement is classy and elegant. Ibang-iba iyon sa magaslaw na kilos ng isang Georgina. “It’s nothing.” Napailing si Rhett. “Masiyado lang kayong magkasingtangkad ng asawa ko,” dagdag pa nito habang nakatingin sa kanya na parang hinihgop ang buong pagkatao niya. Napalunok si Georgina. Alam niyang matalas ang pakiramdam ni Rhett. Ang tanging pinanghahawakan niya lang ngayon ay ang pag-iiba niya ng boses. Ngumiti siya pero alam niyang hindi iyon nakikita ni Rhett, kahit ang kanyang mata ay hindi makita ang pagkurba, dahil halos nakatakip ang buong mukha niya. “Wala pa akong asawa, Mr. Castaneda,” mahina siyang napatawa. “Kung wala ka lang sanang asawa ay payag akong maging asawa mo. Mukhang kahit sa tindig ay kilalang-kilala mo siya. You love your wife so much, huh? What a devotion…” humina ang kanyang boses sa pahuling sinabi pero alam niyang narinig siya ni Rhett.
Sumimangot ang mukha ni Georgina nang marinig ang matinis at malanding boses ni Pia. Nang sulyapan niya si Rhett ay nakita niyang madilim pa rin ang mukha nito na hindi niya alam kung bakit. “Oo, kasi inaya ko si Mr. Castaneda na kumain bilang paghingi ng sorry sa nangyari kagabi.” Baling ni Georgina kay Pia pero walang ekspresyon ang mukha niya at halatang hindi siya interesado na makasama si Rhett. Ngunit kaibahan iyon kay Pia. Nang marinig nito ang sinabi niya ay agad na sumigla ang boses nito at dali-daling lumapit sa kanya saka humarap kay Rhett. Nakakapit din ang braso nito sa kanya na para bang close na close sila. “Ah! Bakit mo naman hindi sinabi kaagad, Georgie?” Nilingon nito si Rhett at kumurap-kurap ang mata. “Whatever!” Tinalikuran sila ni Rhett at lumabas sa lobby ng building dahil nandoon na ang sasakyan nito. Iwinaksi ni Georgina ang braso ni Pia at agad na sumunod kay Rhett. Alam niyang wala ito sa mood at kapag lalo pa niya itong ginalit ay parusa na naman ang i
Dahil nakasandal sa pintuan si Georgina ay hindi nakagawang maitulak ni Pia ang pintuan. Isa pa ay nagbabantay ang tauhan ni Rhett sa labas. Marahil ay pinigilan ng mga ito ang kapatid niya. “Tatawag ka pa ba sa ibang lalaki, huh?” bulong ni Rhett. Halos dumikit ang bibig nito sa kanyang tainga kaya naman nag-init lalo ang mukha ni Georgina. Hindi siya makasagot dahil ramdam pa rin niya ang halik ni Rhett na naiwan sa kanyang labi pero ang problema ay patuloy pa rin sa pagtawag sa kanya sa labas si Pia. Upang makaalis sa pagkakakulong sa bisig nito ay malakas na inapakan ni Georgina ang paa ni Rhett at kinagat ang isang braso nito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas at bumaba sa hagdan upang doon gumamit ng elevator. Nang makarating siya sa lobby ay muli siyang tinawagan ni Tony. Mukhang hindi talaga abala sa trabaho ang isang ‘to at balak siyang istorbohin maghapon. “Miss Georgie, ikaw ba ‘to? Ang sabi kanina ng isang lalaki na may asawa ka na raw. Totoo ba ‘yon?
Next:HiHi! Sorry, hindi pa rin na modify ang past chapter kaya hindi niyo pa mababasa ang edited scenes. Maglalagay ako ulit ng notes sa next chapter kapag okay na. At kapag okay na iyon ay i-clear cache niyo lang sa GN para mabasa niyo kung ano ang na-edit. ***“Ano’ng ginawa mo, babae?” ulit na tanong ni Rhett kay Pia nang hindi ito agad nakasagot. Madilim ang hindi maipinta niyang mukha. Ramdam niya ang panghihina ng katawan at pagkahilo pero pilit niya iyong labanan. Alam niyang may inilagay na gamot si Pia dahil iba ang nararamdaman ng katawan niya. Kakaibang init at sa mga sandaling iyon ay gusto niyang sumiping sa isang babae. At ang partikular na babaeng lumitaw sa isip niya ay walang iba kundi si Georgina. Habang iniisip niya ang asawa ay lalo niyang narraamdaman ang pag-iinit ng katawan at dahil doon ay nanlabo ang kanyang paningin na ang tingin niya kay Pia ay si Georgina. Nilapitan niya ito upang hawakan ngunit nang maamoy ang hindi pamilyar nitong amoy ay agad siyang n
Naiinip na sa paghihintay si Georgina kay Tony pero wala pa rin ito. Ilang beses na niyang tinawagan ang numero para tanungin ito pero hindi nito sinasagot. “Damn, this guy! Saan na naman kaya sumuot ang lalaking iyon?” pala tak niya sa sarili saka umupo sa bench na naroon sa waiting area ng pick up point. Sumandal siya sa sandalan saka pumikit at inaalala ang guwapong mukha ni Rhett. Kahit haggard na ang mukha nitong nababalot ng bigote ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan nito. Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya nang mapait. At ng sandaling iyon ay biglang may aninong tumabon sa kinauupuan niya. Mabilis siyang nagmulat ng mata at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita ang mukha ni Rhett na gahibla na lang ang pagitan sa mukha niya. “Ano’ng iniisip mo at kahit nakapikit ay nakangiti ka?”Nagkasalubong ang kilay ni Georgina upang itagao ang pagkabigla sa mukha niya saka inilapat ang palad sa dibdib ni Rhett upang itulak ang lalaki. “Why are you so close to
Dinala siya ni Rhett sa fire exit at pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad itong kinompronta ni Georgina. “What? Bakit mo ako dinala rito? Naniniwala ka rin sa babaeng iyon na ako ang may gawa kaya napaso si Santino?” walang emosyon na tanong ni Georgina. Sumandal siya sa pader sa tabi ng maliit na bintana at tumingin sa labas. It was raining. Tila sumasabay ang ulan sa kanyang emosyon. Hindi niya alam kung kailan siya magtitiis ng ganito. Gusto niya lang makalayo sa lalaking ito pero bakit lagi silang pinagtatagpo? Kapag nakaanak na siya ay si siguraduhin niyang hindi na niya ito makikita at hindi nito malalaman na nagkaanak sila. Nakita niyang kinapkap ni Rhett lahat ng bulsa nito pero wala itong nahanap. “Feel like smoking again?” she asked, brows raised high. Nang magsalita siya ay tila biglang naalala ni Rhett na tinapon nito lahat ng sigarilyo na dala dahil pinagsabihan ito ni Georgina. Lumapit sa kinatatayuan niya si Rhett at biglang kinuha ang kanyang kamay saka ininspe
Halos tapos na sa pagkain si Georgina nang bumalik si Celeste kasama ang anak nito. Dahil may kliyente na tumawag kay Duncan ay umalis rin ito para sagutin ang tawag sa labas. Walang nagawa si Georgina kundi tapusin ang pagkain kaharap si Celeste na katulad niya ay hindi rin siya pinansin. May isang upuan na nakapagitan sa kanila ni Santino kaya malapit lang sa kanya ang bata. Pabilog ang mesa kaya kung bumalik si Rhett ay magkakaharap sila nito. Tapos nang subuan ni Celeste si Santino nang biglang may waiter na pumasok sa private room na may tulak-tulak na food tray. Lumapit ito sa gilid niya at kinuha ang soup kettle upang dagdagan ang sabaw na halos paubos na. Habang nagsasalin ito ng sabaw ang waiter ay abala naman si Georgina sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Tony si Georgina kaya hindi niya napansin ang makahulugang tinginan ni Celeste at ng waiter. Nang umangat ng tingin si Georgina ay sakto namang nakita niya ang kamay ng waiter na bahagyang niliko ang kamay kaya nabuhos a
Nang makita ni Georgina ang araw kung ilang buwan nang buntis si Celeste ay biglang may bumikig sa kanyang lalamunan. Six weeks… ito ang mga araw na wala si Rhett dahil nasa ibang bansa ito para raw sa negosyo nito pero ang totoo ay abala ito sa pakikipaglampungan sa ibang babae? Nang mga araw na iyon ay lagi pa siyang tinawagan ni Rhett para kumustahin, para tanungin kung nakakain na ba siya at nananabik na raw ito sa kanya… huh! All lies!Bigla-bigla ay ramdam na naman niya na tila hinahalukay ang sikmura niya pero hindi niya pinakita kay Celeste na naapektuhan siya. She was a fool for believing Rhett’s words. A hypocritical image of Rhett appeared in her mind and she felt disgusted. Pero panandalian lang ang pagdaan ng sama ng loob na iyon dahil kalmado pa rin niyang tiningnan si Celeste. “Congratulations, kung ganoon. I am hoping you will get a girl like you wish for,” kalmadong wika niya na tila ba hindi naapektuhan sa ipinagbubuntis nito. Well, she really doesn’t care dahil ma
Ngumiti nang makahulugan si Georgina sa tanong ni Celeste. “Bakit? Ano naman ngayon sa ‘yo kung buntis ako?”Dumilim ang mukha nito at ang kamay na nasa magkabilang gilid ay mahigpit na kumuyom. “Georgina, huwag mong gamitin ang dahilan na buntis ka para agawin sa amin ng anak ko si Rhett. Masaya na siya sa piling namin.”Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Georgina na ikinagalit lalo ni Celeste batay sa pagdilim ng mukha nito. Ibang-iba ang hitsura nito ngayon sa hitsura kapag may ibang taong kaharap, lalo na si Rhett. Pero alam ni Georgina na ito ang totoong mukha ng babae at hindi ang mapagkunwaring inosente at mabait. Mahina siyang napatawa saka nilakumos ang ginamit na tisyu at tinapon iyon sa basurahan na parang bola ng basketball at tantsadong pumasok iyon. “Miss Farrington,” mahinang tawag niya saka umikot para humarap dito habang nakasandal sa lababo. “Bakit sa tingin ko ang sinabi mo ay patungkol sa iyong sarili? Hindi ba at ginamit mo ang anak mong si Santino para mapalapit
“Georgie! Hindi ko akalaing mami-meet ka namin dito! Isn’t it a coincidence?” Mapaklang ngumiti si Georgina sa tanong ni Celeste. “Hmm… siguro,” balewalang sagot niya. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Duncan?”Imbes na si Georgina ang sumagot ay si Duncan ang nagsalita. “Your brother promoted her to be the manager of the sales department. I am just showing her the distribution store and looking at what's on the market.”Ang totoo ay kinabahan si Georgina sa maaring isagot ng damuhong si Duncan pero nagpapasalamat siya ng sa huli ay naging sensible din pala ito. Buong sandali ay hindi niya tiningnan si Rhett. Magmula nang makita niya ang malungkot pero galit nitong reaksyon kagabi ay hindi na siya pinatulog ng kanyang konsensya. “That’s a sign for a celebration!” Celeste chimed. “Tamang-tama dahil papunta na rin kami ngayon sa restaurant para kumain. Bakit hindi niyo kami samahan?” Tumingin pa ito kay Rhett bilang paghingi ng permiso pero walang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Hinay
“Manager?” mahina siyang napatawa. Matalim ang matang sinulyapan niya si Duncan na ala niyang dahilan kung bakit na-promote siya ni Fredrick sa trabaho. Ano’ng laro ang gusto ng mga ito?Hindi kailangan ni Georgina ang promotion. Hindi rin maari na mapalayo siya kay Fredrick dahil magiging limitado ang pagkakataon para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Habang umiikot ang isip niya para makaisip nng idadahilan ay may matagumpay naman na ngiti sa labi si Duncan habang sumisimsim ng kape. “Kung wala ka nang ibang sasabihin ay makakalabas ka na. Ihahatid ka ni Nolan sa magiging opisina mo as the manager of the sales department.”Napanganga si Georgina. Ni hindi na siya binigyan nito ng pagkakatapon na makapagrason at agad-agad na itong nagdesisyon. Porke ba ito ang boss ay aalilain na talaga siya nito? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa nito kagabi at talagang pinapahirapan siya ngayon. Kuhh… kung talagang magkaroon ng pagkakataon na makilala siya ni Fredrick bilang ka
Pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng penthouse ay agad na bumungad sa paningin niya si Rhett na nakaupo sa salas at ang hindi maipintang mukha ni Georgina. Muling bumalik ang tingin niya kay Rhett at nagkasukatan sila ng tingin. ‘Bakit nandito ito? Ang akala ko ba ay ayaw siyang makita ni Georgina?’ tanong niya sa isip. Dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay muli niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa kanyang boss at lihim itong tinanong. Nilingon ni Georgina si Tony at pinandilatan ng mata pero nginitian lang siya nito at matapos hubarin ang suot na sapatos ay dumiretso ito sa kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng tubig bago bumalik sa kanila sa salas. “Siya ang asawa mo? Bakit tinawag ka niyang boss?” “Hmm…” Georgina hummed as an answer and glanced at Rhett. Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig siya ng kaharap. Hindi na niya kailangang i-deny ang set-up nila ni Tony para hindi nito malaman kung ano talaga ang relasyon niya sa Geo’s group. Pe
Natameme si Georgina sa sinabi ni Rhett pero hindi niya ito sinunod. Hindi niya sinagot ang tawag at mabilis na pinindot ang cancel button saka iniwas ang tingin kay Rhett. Sigurado siya na si Tony ang tumatawag at pinrank siya. Hindi niya alam kung kailan nito pinakialaman ang cellphone niya pero gusto niya itong kutusan kapag makita niya. “Takot ka bang malaman ng bago mong asawa na kasama mo ang dati mong asawa?” Nabigla si Georgina sa tanong ni Rhett. Bagong asawa? Dating asawa? Bakit kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ng lalaking ito? Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa boses nito. Is he jealous?“Sino siya? Kailan ka nagpakasal?” malamig pa sa niyebe ng Antartica ang boses ni Rhett nang muling magsalita. Kalmado man ito ay ramdam niya ang pigil nitong galit. Hindi alam ni Georgina ang isasagot. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan at sinakyan ang prank ni Tony. “Mr. Castaneda, sa tingin ko ho ay wala na kayong pakialam sa personal na buhay k