Nakahanda na sina Georgina at Pia nang dumating ang sasakyan na magsusundo sa kanila. Si Tony ang nagmamaneho niyon at nang makita siya ay hindi nito maitago ang ngiti. “Hindi ko akalain na ang vice president ng Geo’s Group mismo ang magsusundo sa akin,” malapad ang ngiting pahayag ni Pia nang makasakay na sila ng kotse. Tuwang-tuwa ito dahil nakasakay ito sa magarang sasakyan ni Tony. Pero ang hindi nito alam ay pag-aari ni Georgina ang kotse. “Hindi puwedeng baliwalain ang taong tumulong sa presidente ng Geo’s Group,” pormal na sagot ni Tony. Wala na ang ngiti nito nang sinagot nito si Pia. Dahil sa sinabi ng lalaki ay bahagyang dumilim ang mukha ni Pia pero hindi nito pinahalata sa lalaki. Hinawakan nito ang braso ni Georgina. “Siyempre. Nabalitaan ko nga ang nangyari. Lahat ng tao sa pamilya namin ay mababait at matapat dahil bata pa lang kami ay tinuruan na kami ng magulang namin na hindi maganda ang gumawa nang masama.”Hinayaan ni Georgina na mag-usap ang dalawa dahil inaant
Hindi pinakita ni Georgina na natataranta siya. Kalmado siyang nagbigay ng utos kay Tony. “Go. Gumawa ka ng paraan para ma-delay ang pagpasok niya at gagawa ako ng paraan para makaalis dito nang hindi niya nakikita.”“Copy, boss!” Malawak ang ngising sagot ni Tony saka ito lumabas ng opisina matapos siyang bigyan ng saludo na lagi nitong ginagawa. Napapailing siyang sumunod kay Tony at sinilip sa maliit na siwang ng pinto kung nasaan na si Rhett. Nakita niyang kasama nito si Archer at kakalabas lang ng elevator. May ilang metro rin ang layo niyon mula sa pinto ng opisina at may malagong indoor plant na nakaharang kaya hindi siya agad-agad makikita. “Mr. Castaneda, pasensya na kung hindi si Miss Lecta ang sumalubong sa inyo. Mayroon lang po siyang importanteng tao na kausap ngayon sa telepono.” Habang nagsasalita ay pilit na hinaharangan ni Tony ang tingin ni Rhett upang hindi iyon magawi sa opisina.“Mas importante pa sa isang kliyente na katulad ko?” pasupladong tanong ni Rhett. Na
“I am afraid we did not, Mr. Castaneda. Bakit mo naman nasabi ‘yan?” Umupo si Georgina sa katapat na upuan ni Rhett. Her movement is classy and elegant. Ibang-iba iyon sa magaslaw na kilos ng isang Georgina. “It’s nothing.” Napailing si Rhett. “Masiyado lang kayong magkasingtangkad ng asawa ko,” dagdag pa nito habang nakatingin sa kanya na parang hinihgop ang buong pagkatao niya. Napalunok si Georgina. Alam niyang matalas ang pakiramdam ni Rhett. Ang tanging pinanghahawakan niya lang ngayon ay ang pag-iiba niya ng boses. Ngumiti siya pero alam niyang hindi iyon nakikita ni Rhett, kahit ang kanyang mata ay hindi makita ang pagkurba, dahil halos nakatakip ang buong mukha niya. “Wala pa akong asawa, Mr. Castaneda,” mahina siyang napatawa. “Kung wala ka lang sanang asawa ay payag akong maging asawa mo. Mukhang kahit sa tindig ay kilalang-kilala mo siya. You love your wife so much, huh? What a devotion…” humina ang kanyang boses sa pahuling sinabi pero alam niyang narinig siya ni Rhett.
Sumimangot ang mukha ni Georgina nang marinig ang matinis at malanding boses ni Pia. Nang sulyapan niya si Rhett ay nakita niyang madilim pa rin ang mukha nito na hindi niya alam kung bakit. “Oo, kasi inaya ko si Mr. Castaneda na kumain bilang paghingi ng sorry sa nangyari kagabi.” Baling ni Georgina kay Pia pero walang ekspresyon ang mukha niya at halatang hindi siya interesado na makasama si Rhett. Ngunit kaibahan iyon kay Pia. Nang marinig nito ang sinabi niya ay agad na sumigla ang boses nito at dali-daling lumapit sa kanya saka humarap kay Rhett. Nakakapit din ang braso nito sa kanya na para bang close na close sila. “Ah! Bakit mo naman hindi sinabi kaagad, Georgie?” Nilingon nito si Rhett at kumurap-kurap ang mata. “Whatever!” Tinalikuran sila ni Rhett at lumabas sa lobby ng building dahil nandoon na ang sasakyan nito. Iwinaksi ni Georgina ang braso ni Pia at agad na sumunod kay Rhett. Alam niyang wala ito sa mood at kapag lalo pa niya itong ginalit ay parusa na naman ang i
Dahil nakasandal sa pintuan si Georgina ay hindi nakagawang maitulak ni Pia ang pintuan. Isa pa ay nagbabantay ang tauhan ni Rhett sa labas. Marahil ay pinigilan ng mga ito ang kapatid niya. “Tatawag ka pa ba sa ibang lalaki, huh?” bulong ni Rhett. Halos dumikit ang bibig nito sa kanyang tainga kaya naman nag-init lalo ang mukha ni Georgina. Hindi siya makasagot dahil ramdam pa rin niya ang halik ni Rhett na naiwan sa kanyang labi pero ang problema ay patuloy pa rin sa pagtawag sa kanya sa labas si Pia. Upang makaalis sa pagkakakulong sa bisig nito ay malakas na inapakan ni Georgina ang paa ni Rhett at kinagat ang isang braso nito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas at bumaba sa hagdan upang doon gumamit ng elevator. Nang makarating siya sa lobby ay muli siyang tinawagan ni Tony. Mukhang hindi talaga abala sa trabaho ang isang ‘to at balak siyang istorbohin maghapon. “Miss Georgie, ikaw ba ‘to? Ang sabi kanina ng isang lalaki na may asawa ka na raw. Totoo ba ‘yon?
Next:HiHi! Sorry, hindi pa rin na modify ang past chapter kaya hindi niyo pa mababasa ang edited scenes. Maglalagay ako ulit ng notes sa next chapter kapag okay na. At kapag okay na iyon ay i-clear cache niyo lang sa GN para mabasa niyo kung ano ang na-edit. ***“Ano’ng ginawa mo, babae?” ulit na tanong ni Rhett kay Pia nang hindi ito agad nakasagot. Madilim ang hindi maipinta niyang mukha. Ramdam niya ang panghihina ng katawan at pagkahilo pero pilit niya iyong labanan. Alam niyang may inilagay na gamot si Pia dahil iba ang nararamdaman ng katawan niya. Kakaibang init at sa mga sandaling iyon ay gusto niyang sumiping sa isang babae. At ang partikular na babaeng lumitaw sa isip niya ay walang iba kundi si Georgina. Habang iniisip niya ang asawa ay lalo niyang narraamdaman ang pag-iinit ng katawan at dahil doon ay nanlabo ang kanyang paningin na ang tingin niya kay Pia ay si Georgina. Nilapitan niya ito upang hawakan ngunit nang maamoy ang hindi pamilyar nitong amoy ay agad siyang n
“Copy that, Rick,” dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at napangisi nang bumukas iyon. “I’m in, Rick. Nasaan na ang mga taong sinasabi mo?” tanong niya habang mabibilis ang hakbang na tinungo ang pinakadulong computer kung saan ang pinaka-main server at ikinonek ang cellphone bago dinownload ang lahat ng importanteng files na naroroon. Kahit naka-lock iyon ay madali iyong na-decipher ni Georgina.Habang ginagawa iyon ay tinungo niya ang cabinet sa pinakaloob ng archive room upang hanapin ang hardcopy ng mga transaction files na hinahanap niya. Mainit sa loob dahil nakapatay ang aircon pero hindi siya natinag kahit naliligo pa siya sa pawis dahil balot na balot ang katawan niya. Mabilis ang ginawa niyang pag-inspection sa lahat ng folder na makita. “G? Are you done yet? It looks like you have a companion,” biglang bulong ni Rick. Wala pa ring makitang files si Georgina ng kahit na ano’ng kahina-hinalang transaction. Ang tanging nakita niya ay maliliit na transaction
Napanganga si Georgina sa nakita at halos hindi makakilos. Fuck! Her husband’s dick is huge. God damn it! Hindi niya maiwasang magmura. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng ari ng lalaki dahil sa nature ng trabaho niya. She even service a handjob last time, pero hanggang doon lang ‘yon dahil agad din niyang pinatay ang target. Normal na sa kanya ang makakita niyon pero habang nakatitig sa asawa na sarap na sarap sa paglalaro sa kahabaan nito habang nakapikit at ini-imagine na may babae itong katabi. Natigilan si Georgina hindi dahil sa nakitang ginagawa ng asawa, pero natigilan siya dahil sa kung gaano kalaki ang pagkalalaki! nito. Hindi lang iyon tipikal na malaki at medyo mahaba saka maugat. Hindi niya alam kung gaano nanuyo ang kanyang lalamunan at napakagat sa labi habang nakatingin sa asawa. Mukhang masiyado itong abala sa ginagawa at hindi napansin na nakabalik na siya. Habang pinagmamasdan ito ay hindi niya maiwasang mangunot ang noo dahil tila may kakaiba sa awra nito. Mu
“Cellphone.” Inilahad ng kapatid ni Rhett ang palad kay Georgina bago binugahan siya ng usok sa mukha. “Akin na ang cellphone mo,” ulit pa nito. Hindi natinag at hindi siya nagpakita ng takot pero bahagyang humihilab ang tiyan niya kaya pinagpawisan siya nang malapot. “I dropped it at the abandoned factory. Kung hindi ka naniniwala ay balikan mo doon at hanapin,” balewalang sagot niya. Hindi naniniwala sa kanya ang lalaki kaya inutusan nito ang babaeng tauhan na kapkapan siya. The girl looked like she was only in her teens, but her awra was already ruthless. Mukhang nahubog na nang kasamaan ang katauhan nito kaya matalim ang tingin nito kay Georgina habang kinakapkapan siya. Georgina was nonchalant, trying to stop herself from making a sound because of her contracting stomach. Matapos siyang kapkapan ay nilingon nito ang boss nito at umiling. Tumango ang kapatid ni Rhett saka tumayo mula sa kinauupuan nitong silya at naglakad palapit sa kanya. Nasa isang kuwarto si Georgina na may
“Alam kong gusto mong humingi ng tulong sa kaibigan mo para hanapin si Rhett, but it’s useless. Ibabalik ka lang nila sa mansyon,” ulit ni Olivia habang nasa biyahe na sila. Mabilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan pero hindi nagpakita ng takot si Georgina kahit pa alam niyang nalalagay sa peligro ang buhay niya dahil sa pagsama niya sa babaeng ito. Gusto niya lang makita si Rhett at alamin kung ano ang tunay na kalagayan nito at kung wala na nga ito…“So, bakit ikaw ang nandito? Are you waiting here dahil alam mong lalabas ako?”“Dahil gusto lang kitang isama doon sa lugar na pinangyarihan ng krimen. Dahil katulad mo ay naniniwala akong hindi pa patay si Rhett. At dahil alam kong ikaw lang ang maasahan kong sasama sa akin ay ikaw ang una kong pinuntahan.”Hindi kumbinsido si Georgina sa rason ni Olivia kaya itinaas pa rin niya ang vigilance dito. “Hindi ka ba natatakot baka kung saan kita dalhin?” Biglang tanong ni Olivia nang matagal na namayani ang katahimikan. Sumandal si Geor
Tahimik at kalmadong bumalik sa loob ng bahay si Georgina. Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya na wala na si Rhett kaya hindi niya ito makontak pero ngayon ay napatunayan na niyang may nangyaring masama rito!Hindi niya matanong si Fredrick dahil alam niyang magsisinungaling lang ito sa kanya at naiintindihan niya iyon dahil kalagayan lang niya ang iniisip nito. Kaya si Vaia at Tony ang agad niyang tinawagan pero ni isa sa dalawa ay walang sumasagot sa kanya. Nanginginig ang kamay na lumabas siya ng kuwarto upang kumuha ng tubig at pakalmahin ang sarili pero nang paikot na siya sa kusina ay naulinigan niya ang dalawang kasambahay na nag-uusap. Base sa boses na naririnig niya ay si Manang Sata ito at si Inday.‘Inday, alam mo ba kung ano ang narinig ko?’‘Ano?’ Sagot kaagad ni Inday na mukhang handang-handa sa tsismis.‘Kilala mo naman siguro si Sir Rhett Castaneda, ‘di ba? Ang may-ari ng paborito mong perfume na Nillulf Scents.’Nanatili sa isang sulok si Georgina at tahimi
Hindi ipinanganak si Georgina kahapon para hindi niya malaman na ang emergency na sinasabi ni Fredrick ay walang kinalaman sa kanya. Base sa tingin nito bago umalis ay nahihinuha niyang may hindi magandang nangyari at ang unang sumagi sa isip niya ay si Rhett. Hinaplos niya ang tiyan dahil biglang gumalaw ang kanyang anak, marahil ay nararamdaman nito ang pag-aalala niya. She couldn’t go out and investigate. Her pregnancy is restricting her kaya ang ginawa niya ay tinawagan si Rhett pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito makontak. Bago niya matawagan sina Vaia at Tony para alamin kung may nangyari nga ay biglang tumunog ang cellphone niya at si Nathalia ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot habang naglakad-lakad sa greenhouse upang alisin ang kaba. Pero ilang segundo na ang nakalipas at wala pa ring nagsasalita sa kabilang linya at nang tingnan iyon ni Georgina ay nakitang pinatay na pala nito ang tawag.Her brows creased and a bad premonition crept inside her. Tinangka niyan
“Totoo nga na ikaw si Chantrea? Ha!” Hindi maipaliwanag ang tuwa sa mukha ni Jerome habang kaharap si Georgina sa hapagkainan nang umagang iyon, este tanghali dahil tanghali na siyang nagising. Masama ang pakiramdam niya dahil nanaginip siya nang masama kagabi at ang buong akala niya ay totoong nangyari iyon kaya ngayon ay medyo sumakit ang ulo niya. Hindi niya pinansin ang excited na si Jerome at hinayaan itong umupo sa tabi niya. Kahit pinagsasandukan siya nito ng pagkain ay hindi niya iyon alintana dahil wala siya sa mood.“Georgina, may problema ba?” biglang tanong ni Fredrick na kakarating lang at umupo sa katapat na mesa. Wala sina lolo Mio at lola Andrea saka ang kanyang ama kaya silang tatlong magkakapatid lang ang naroroon. Masagana ang pagkaing nakahain sa hapagkainan at lahat ng iyon ay paborito niya dahil ni-request iyon ni Fredrick sa mga kasambahay na ipagluto siya ng paborito niyang pagkain. Kahit ganoon ay kaunti pa rin ang kinain niya dahil hindi iyon kinakaya ng si
“Ang sabi mo ay mapapasakamay ko ang poortrait ni MoonLover kapag pumunta kami sa art exhibit pero bakit wala roon noong pumunta kami?” Hindi mapigilan ni Georgina na pagalitan si Rhett nang tumawag ito sa kanya via video call. Kakabalik lang nila sa Maynila at agad na silang dumiretso sa mansyon ng mga Farrington dahil sa pamimilit ni Fredrick. Ni hindi na siya nakapunta sa kanyang opisina. Dahil pagod na rin siya at gusto nang magpahinga ay hindi na rin siya tumanggi. Kakatapos niya lang maligo nang magpasya siyang tawagan si Rhett. Medyo madilim ang background nito at hindi niya alam kung nasaan ito.“Yes, I did say that. But something happened and I couldn’t make it to the exhibition.”Nairolyo ni Georgina ang mga mata sa tila walang pakialam na boses ni Rhett. “Kung nasa sa ‘yo ang painting, ibenta mo na sa akin. How much would that be?”“Not saleable. If you continue with the deal I gave Fredrick I will consider giving it for free.”Patamad na humiga si Georgina. Dahil sa malak
Mabilis na lumabas ng restaurant si Rhett kanina dahil binalitaan siya ni Rick na papunta sa kinaroroonan niya ang tauhan ni Mr. Tai, ang ama ni Olivia. Marahil ay natiktikan siya ni Olivia dahil wala pa siya sa office kaya ginalugad na naman nito ang mundo para mahanap siya. At kapag nakita ng mga itong kasama niya si Georgina ay siguradong sasaktan ng mga ito ang babae. Kahit kaya niyang makipaglaban ay hindi pa rin niya kakayanin ang dose-dosenang kalaban. “Distract them and don’t let them come near Georgina. There will be someone coming to help you if the situation is uncontrollable.”Bumaba ng kotse si Rhett habang kausap pa rin si Rick sa suot na maliit na earpiece. “Don’t worry about it, Rick. Kaya ko na ‘to.” Mabilis niyang pinatay ang tawag at mabilis rin na pinadalhan ng mensahe si Fredrick na huwag palabasin si Georgina. Matapos iyon ay nilapitan niya ang tauhan ni Mr. Tai na kakababa pa lang sa sasakyan. Isang itim na van ang sinakyan ng mga ito at maliban sa driver na n
“Georgie, I told you, it's not like that,” nanghihinang sabi ni Rhett. Tumayo siya sa upuan at lumipat sa tabi ni Georgina bago ginagap ang palad nito at malumanay na nagsalita. Sa sobrang hina ng boses niya ay kinakailangan niyang lumapit kay Georgina para marinig siya nito. Nagulat si Georgina sa ginawa niya at gustong umiwas ng mukha pero hindi ito hinayaan ni Rhett. Hinawakan niya ang baba nito upang magkaharap sila at magtagpo ang mata. He does want to keep things from Georgina, but seeing her hurting and resenting him like this, his heart aches over and over again. Sinabihan na siya ni Rick na kailangan sikreto ang pakikipaglapit niya kay Georgie at kailangang walang makakaalam lalo na sa mga tauhan ni Olivia, para hindi malaman ng mga ito ang kilos niya. “Then what it is, Rhett? Bakit mo ako pinilit na maging fiancée mo kung kasal ka naman pala sa iba?” Hindi kaagad nakasagot si Rhett dahil pumasok ang waiter upang kunin ang order nila pero nanatili ang daliri niya sa pala
Matiim na tinitigan ni Georgina ang lalaking kaharap nang makalabas siya ng penthouse. Nag-aabang ito sa labas ng bahay niya at hinihintay siyang makalabas. Nagpadala sa kanya ng mensahe si Tony na hindi siya nito maipagmamaneho dahil stuck pa rin ito sa opisina kasama si Vaia. Alam niya na importante ang ginagawa ng dalawa kaya naman hinayaan niya ang mga ito. She wanted to hire a grab to send her to the office but Tony insisted that he will send someone to pick her. Habang pinagmamasdan ang lalaki ay naniningkit ang mata ni Georgina. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt at kupas na maong na pantalon. He wore a baseball cap that was brought down until half of his forehead was covered. Nakasuot din ito ng itim din na mask kaya halos hindi makita ang mukha nito. Ang unang hinala na pumasok sa isip ni Georgina ay si Rhett ang kaharap dahil magkapareho sila nito ng bulto ng katawan pero agad niya ring binura ang ideya na iyon. Hindi magkasundo sina Tony at Rhett para utusan nito ang