Sumimangot ang mukha ni Georgina nang marinig ang matinis at malanding boses ni Pia. Nang sulyapan niya si Rhett ay nakita niyang madilim pa rin ang mukha nito na hindi niya alam kung bakit. “Oo, kasi inaya ko si Mr. Castaneda na kumain bilang paghingi ng sorry sa nangyari kagabi.” Baling ni Georgina kay Pia pero walang ekspresyon ang mukha niya at halatang hindi siya interesado na makasama si Rhett. Ngunit kaibahan iyon kay Pia. Nang marinig nito ang sinabi niya ay agad na sumigla ang boses nito at dali-daling lumapit sa kanya saka humarap kay Rhett. Nakakapit din ang braso nito sa kanya na para bang close na close sila. “Ah! Bakit mo naman hindi sinabi kaagad, Georgie?” Nilingon nito si Rhett at kumurap-kurap ang mata. “Whatever!” Tinalikuran sila ni Rhett at lumabas sa lobby ng building dahil nandoon na ang sasakyan nito. Iwinaksi ni Georgina ang braso ni Pia at agad na sumunod kay Rhett. Alam niyang wala ito sa mood at kapag lalo pa niya itong ginalit ay parusa na naman ang i
Dahil nakasandal sa pintuan si Georgina ay hindi nakagawang maitulak ni Pia ang pintuan. Isa pa ay nagbabantay ang tauhan ni Rhett sa labas. Marahil ay pinigilan ng mga ito ang kapatid niya. “Tatawag ka pa ba sa ibang lalaki, huh?” bulong ni Rhett. Halos dumikit ang bibig nito sa kanyang tainga kaya naman nag-init lalo ang mukha ni Georgina. Hindi siya makasagot dahil ramdam pa rin niya ang halik ni Rhett na naiwan sa kanyang labi pero ang problema ay patuloy pa rin sa pagtawag sa kanya sa labas si Pia. Upang makaalis sa pagkakakulong sa bisig nito ay malakas na inapakan ni Georgina ang paa ni Rhett at kinagat ang isang braso nito kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong tumakas at bumaba sa hagdan upang doon gumamit ng elevator. Nang makarating siya sa lobby ay muli siyang tinawagan ni Tony. Mukhang hindi talaga abala sa trabaho ang isang ‘to at balak siyang istorbohin maghapon. “Miss Georgie, ikaw ba ‘to? Ang sabi kanina ng isang lalaki na may asawa ka na raw. Totoo ba ‘yon?
Next:HiHi! Sorry, hindi pa rin na modify ang past chapter kaya hindi niyo pa mababasa ang edited scenes. Maglalagay ako ulit ng notes sa next chapter kapag okay na. At kapag okay na iyon ay i-clear cache niyo lang sa GN para mabasa niyo kung ano ang na-edit. ***“Ano’ng ginawa mo, babae?” ulit na tanong ni Rhett kay Pia nang hindi ito agad nakasagot. Madilim ang hindi maipinta niyang mukha. Ramdam niya ang panghihina ng katawan at pagkahilo pero pilit niya iyong labanan. Alam niyang may inilagay na gamot si Pia dahil iba ang nararamdaman ng katawan niya. Kakaibang init at sa mga sandaling iyon ay gusto niyang sumiping sa isang babae. At ang partikular na babaeng lumitaw sa isip niya ay walang iba kundi si Georgina. Habang iniisip niya ang asawa ay lalo niyang narraamdaman ang pag-iinit ng katawan at dahil doon ay nanlabo ang kanyang paningin na ang tingin niya kay Pia ay si Georgina. Nilapitan niya ito upang hawakan ngunit nang maamoy ang hindi pamilyar nitong amoy ay agad siyang n
“Copy that, Rick,” dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at napangisi nang bumukas iyon. “I’m in, Rick. Nasaan na ang mga taong sinasabi mo?” tanong niya habang mabibilis ang hakbang na tinungo ang pinakadulong computer kung saan ang pinaka-main server at ikinonek ang cellphone bago dinownload ang lahat ng importanteng files na naroroon. Kahit naka-lock iyon ay madali iyong na-decipher ni Georgina.Habang ginagawa iyon ay tinungo niya ang cabinet sa pinakaloob ng archive room upang hanapin ang hardcopy ng mga transaction files na hinahanap niya. Mainit sa loob dahil nakapatay ang aircon pero hindi siya natinag kahit naliligo pa siya sa pawis dahil balot na balot ang katawan niya. Mabilis ang ginawa niyang pag-inspection sa lahat ng folder na makita. “G? Are you done yet? It looks like you have a companion,” biglang bulong ni Rick. Wala pa ring makitang files si Georgina ng kahit na ano’ng kahina-hinalang transaction. Ang tanging nakita niya ay maliliit na transaction
Napanganga si Georgina sa nakita at halos hindi makakilos. Fuck! Her husband’s dick is huge. God damn it! Hindi niya maiwasang magmura. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng ari ng lalaki dahil sa nature ng trabaho niya. She even service a handjob last time, pero hanggang doon lang ‘yon dahil agad din niyang pinatay ang target. Normal na sa kanya ang makakita niyon pero habang nakatitig sa asawa na sarap na sarap sa paglalaro sa kahabaan nito habang nakapikit at ini-imagine na may babae itong katabi. Natigilan si Georgina hindi dahil sa nakitang ginagawa ng asawa, pero natigilan siya dahil sa kung gaano kalaki ang pagkalalaki! nito. Hindi lang iyon tipikal na malaki at medyo mahaba saka maugat. Hindi niya alam kung gaano nanuyo ang kanyang lalamunan at napakagat sa labi habang nakatingin sa asawa. Mukhang masiyado itong abala sa ginagawa at hindi napansin na nakabalik na siya. Habang pinagmamasdan ito ay hindi niya maiwasang mangunot ang noo dahil tila may kakaiba sa awra nito. Mu
Nanlaban si Georgina at pilit na itinulak si Rhett pero sa hindi malamang pagkakataon kahit anong pwersa ang gamitin niya ay hindi niya ito magawang itulak. If it was the drugs running in his blood, she would be doomed. Nagpatuloy sa paghalik sa kanya si Rhett habang ang dalawang kamay niya ay hawak nito sa sa magkabilang tagiliran. Inangat niya ang kanang paa upang sipain ito sa likuran pero tila manhid ang pakiramdam ni Rhett at hindi ito nakaramdam ng sakit. Siya ang nakaramdam ng sakit dahil biglang sumigid ang kirot mula sa kanyang sugatang balikat.“Stop fighting, George. You brought this yourself. Panindigan mo.” Hindi pinakinggan ni Georgina ang namamaos na boses ni Rhett at patuloy sa pagpupumiglas at nilabanan ang asawa habang walang tigil sa pagmumura sa kapatid. ‘Those fuckers! Malilintikan talaga kayo sa akin ‘pag ako ang gumanti!Alam niya na kagagawan to ng mag-ina. Plano siguro ng mga itong akitin si Rhett pero nabigo ang mga ito dahil sa kanya pa rin umuwi ang asawa
Nang magising si Georgina ay wala na si Rhett sa kanyang tabi. Nag-inat siya ng katawan at nanatili ang matang nakatutok sa kisame. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap ay naisuko niya ang pinakaiingatan niyang pagkababae. Pero hindi siya nagsisisi dahil ginusto niya rin ang nangyari at nagpadala siya sa tukso. Hindi siya lasing at hindi siya ang lulong sa gamot. Hinilot niya ang sumasakit na sentido at nang maisip ang kapatid ay galit ang namuo sa kanyang puso. Kung hindi dahil kay Pia ay walang mangyayari sa kanila ni Rhett. Kahit masakit ang likod at balakang, kahit ang gitna ng kanyang hita ay pinilit niyang bumangon. Kahit ang braso niya na natamaan ng bala ay biglang nanakit. Nang makababa sa kama ay bigla namang bumukas ang pinto sa banyo at iniluwa niyon si Rhett. Nang makita ito ni Georgina ay agad na namula ang kanyang mukha dahil naalala na naman kung gaano sila ka-wild kagabi ng asawa. “Finally awake?” tanong ni Rhett. May munting ngiti sa labi nito nang lumapit sa
“Georgina, alam kong nagpapanggap ka lang na mabait kapag kaharap ang papa mo. Pero hindi ako papayag na sasaktan mo ang anak ko ng basta-basta!”Ngumisi si Georgina at nakahalukipkip na hinarap ang mag-ina. “Hindi ba at ganoon rin kayo, Mitz Lucindo? Hindi lang ako ang nagpapanggap dito. Mas malala pa ang kalokohan niyo ng anak mo, kaya ‘wag kang magmalinis.”“Kapag talaga anak ng isang malanding kabet, ganoon din ang magiging ugali. Manang-mana ka sa ina mong malandi!” sigaw ni Mitz at dinuro siya. Nagkibit lang ng balikat si Georgina at nanatiling kalmado ang mukha na siyang kinatakutan ni Mitz. Pero ang anak nitong si Pia ang hindi makapagpigil at sinugod siya habang walang tigil ang matabil na dila. “Tama ang aking ina, Georgina. Dapat sa malalandi at walang kuwentang katulad mo ay hindi na pinapatira pa rito. Ang dapat sa ‘yo ay tinuturuan ng leksyon!”Ngunit kanina pa nagpipigil ng galit si Georgina dahil sa nawalang puri niya kaya sinangga niya ang kamay ni Pia at mahigpit i
Naiinip na sa paghihintay si Georgina kay Tony pero wala pa rin ito. Ilang beses na niyang tinawagan ang numero para tanungin ito pero hindi nito sinasagot. “Damn, this guy! Saan na naman kaya sumuot ang lalaking iyon?” pala tak niya sa sarili saka umupo sa bench na naroon sa waiting area ng pick up point. Sumandal siya sa sandalan saka pumikit at inaalala ang guwapong mukha ni Rhett. Kahit haggard na ang mukha nitong nababalot ng bigote ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan nito. Hindi niya namalayang napapangiti na pala siya nang mapait. At ng sandaling iyon ay biglang may aninong tumabon sa kinauupuan niya. Mabilis siyang nagmulat ng mata at ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita ang mukha ni Rhett na gahibla na lang ang pagitan sa mukha niya. “Ano’ng iniisip mo at kahit nakapikit ay nakangiti ka?”Nagkasalubong ang kilay ni Georgina upang itagao ang pagkabigla sa mukha niya saka inilapat ang palad sa dibdib ni Rhett upang itulak ang lalaki. “Why are you so close to
Dinala siya ni Rhett sa fire exit at pagkasara na pagkasara ng pinto ay agad itong kinompronta ni Georgina. “What? Bakit mo ako dinala rito? Naniniwala ka rin sa babaeng iyon na ako ang may gawa kaya napaso si Santino?” walang emosyon na tanong ni Georgina. Sumandal siya sa pader sa tabi ng maliit na bintana at tumingin sa labas. It was raining. Tila sumasabay ang ulan sa kanyang emosyon. Hindi niya alam kung kailan siya magtitiis ng ganito. Gusto niya lang makalayo sa lalaking ito pero bakit lagi silang pinagtatagpo? Kapag nakaanak na siya ay si siguraduhin niyang hindi na niya ito makikita at hindi nito malalaman na nagkaanak sila. Nakita niyang kinapkap ni Rhett lahat ng bulsa nito pero wala itong nahanap. “Feel like smoking again?” she asked, brows raised high. Nang magsalita siya ay tila biglang naalala ni Rhett na tinapon nito lahat ng sigarilyo na dala dahil pinagsabihan ito ni Georgina. Lumapit sa kinatatayuan niya si Rhett at biglang kinuha ang kanyang kamay saka ininspe
Halos tapos na sa pagkain si Georgina nang bumalik si Celeste kasama ang anak nito. Dahil may kliyente na tumawag kay Duncan ay umalis rin ito para sagutin ang tawag sa labas. Walang nagawa si Georgina kundi tapusin ang pagkain kaharap si Celeste na katulad niya ay hindi rin siya pinansin. May isang upuan na nakapagitan sa kanila ni Santino kaya malapit lang sa kanya ang bata. Pabilog ang mesa kaya kung bumalik si Rhett ay magkakaharap sila nito. Tapos nang subuan ni Celeste si Santino nang biglang may waiter na pumasok sa private room na may tulak-tulak na food tray. Lumapit ito sa gilid niya at kinuha ang soup kettle upang dagdagan ang sabaw na halos paubos na. Habang nagsasalin ito ng sabaw ang waiter ay abala naman si Georgina sa pakikipagpalitan ng mensahe kay Tony si Georgina kaya hindi niya napansin ang makahulugang tinginan ni Celeste at ng waiter. Nang umangat ng tingin si Georgina ay sakto namang nakita niya ang kamay ng waiter na bahagyang niliko ang kamay kaya nabuhos a
Nang makita ni Georgina ang araw kung ilang buwan nang buntis si Celeste ay biglang may bumikig sa kanyang lalamunan. Six weeks… ito ang mga araw na wala si Rhett dahil nasa ibang bansa ito para raw sa negosyo nito pero ang totoo ay abala ito sa pakikipaglampungan sa ibang babae? Nang mga araw na iyon ay lagi pa siyang tinawagan ni Rhett para kumustahin, para tanungin kung nakakain na ba siya at nananabik na raw ito sa kanya… huh! All lies!Bigla-bigla ay ramdam na naman niya na tila hinahalukay ang sikmura niya pero hindi niya pinakita kay Celeste na naapektuhan siya. She was a fool for believing Rhett’s words. A hypocritical image of Rhett appeared in her mind and she felt disgusted. Pero panandalian lang ang pagdaan ng sama ng loob na iyon dahil kalmado pa rin niyang tiningnan si Celeste. “Congratulations, kung ganoon. I am hoping you will get a girl like you wish for,” kalmadong wika niya na tila ba hindi naapektuhan sa ipinagbubuntis nito. Well, she really doesn’t care dahil ma
Ngumiti nang makahulugan si Georgina sa tanong ni Celeste. “Bakit? Ano naman ngayon sa ‘yo kung buntis ako?”Dumilim ang mukha nito at ang kamay na nasa magkabilang gilid ay mahigpit na kumuyom. “Georgina, huwag mong gamitin ang dahilan na buntis ka para agawin sa amin ng anak ko si Rhett. Masaya na siya sa piling namin.”Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Georgina na ikinagalit lalo ni Celeste batay sa pagdilim ng mukha nito. Ibang-iba ang hitsura nito ngayon sa hitsura kapag may ibang taong kaharap, lalo na si Rhett. Pero alam ni Georgina na ito ang totoong mukha ng babae at hindi ang mapagkunwaring inosente at mabait. Mahina siyang napatawa saka nilakumos ang ginamit na tisyu at tinapon iyon sa basurahan na parang bola ng basketball at tantsadong pumasok iyon. “Miss Farrington,” mahinang tawag niya saka umikot para humarap dito habang nakasandal sa lababo. “Bakit sa tingin ko ang sinabi mo ay patungkol sa iyong sarili? Hindi ba at ginamit mo ang anak mong si Santino para mapalapit
“Georgie! Hindi ko akalaing mami-meet ka namin dito! Isn’t it a coincidence?” Mapaklang ngumiti si Georgina sa tanong ni Celeste. “Hmm… siguro,” balewalang sagot niya. “Bakit nga pala kayo magkasama ni Duncan?”Imbes na si Georgina ang sumagot ay si Duncan ang nagsalita. “Your brother promoted her to be the manager of the sales department. I am just showing her the distribution store and looking at what's on the market.”Ang totoo ay kinabahan si Georgina sa maaring isagot ng damuhong si Duncan pero nagpapasalamat siya ng sa huli ay naging sensible din pala ito. Buong sandali ay hindi niya tiningnan si Rhett. Magmula nang makita niya ang malungkot pero galit nitong reaksyon kagabi ay hindi na siya pinatulog ng kanyang konsensya. “That’s a sign for a celebration!” Celeste chimed. “Tamang-tama dahil papunta na rin kami ngayon sa restaurant para kumain. Bakit hindi niyo kami samahan?” Tumingin pa ito kay Rhett bilang paghingi ng permiso pero walang ekspresyon sa mukha ng lalaki. Hinay
“Manager?” mahina siyang napatawa. Matalim ang matang sinulyapan niya si Duncan na ala niyang dahilan kung bakit na-promote siya ni Fredrick sa trabaho. Ano’ng laro ang gusto ng mga ito?Hindi kailangan ni Georgina ang promotion. Hindi rin maari na mapalayo siya kay Fredrick dahil magiging limitado ang pagkakataon para makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang ina. Habang umiikot ang isip niya para makaisip nng idadahilan ay may matagumpay naman na ngiti sa labi si Duncan habang sumisimsim ng kape. “Kung wala ka nang ibang sasabihin ay makakalabas ka na. Ihahatid ka ni Nolan sa magiging opisina mo as the manager of the sales department.”Napanganga si Georgina. Ni hindi na siya binigyan nito ng pagkakatapon na makapagrason at agad-agad na itong nagdesisyon. Porke ba ito ang boss ay aalilain na talaga siya nito? Hindi pa ito nakuntento sa ginawa nito kagabi at talagang pinapahirapan siya ngayon. Kuhh… kung talagang magkaroon ng pagkakataon na makilala siya ni Fredrick bilang ka
Pagkapasok na pagkapasok ni Tony sa loob ng penthouse ay agad na bumungad sa paningin niya si Rhett na nakaupo sa salas at ang hindi maipintang mukha ni Georgina. Muling bumalik ang tingin niya kay Rhett at nagkasukatan sila ng tingin. ‘Bakit nandito ito? Ang akala ko ba ay ayaw siyang makita ni Georgina?’ tanong niya sa isip. Dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay muli niyang ibinalik ang nagtatakang tingin sa kanyang boss at lihim itong tinanong. Nilingon ni Georgina si Tony at pinandilatan ng mata pero nginitian lang siya nito at matapos hubarin ang suot na sapatos ay dumiretso ito sa kusina para maghugas ng kamay at kumuha ng tubig bago bumalik sa kanila sa salas. “Siya ang asawa mo? Bakit tinawag ka niyang boss?” “Hmm…” Georgina hummed as an answer and glanced at Rhett. Mahina ang boses niya pero alam niyang narinig siya ng kaharap. Hindi na niya kailangang i-deny ang set-up nila ni Tony para hindi nito malaman kung ano talaga ang relasyon niya sa Geo’s group. Pe
Natameme si Georgina sa sinabi ni Rhett pero hindi niya ito sinunod. Hindi niya sinagot ang tawag at mabilis na pinindot ang cancel button saka iniwas ang tingin kay Rhett. Sigurado siya na si Tony ang tumatawag at pinrank siya. Hindi niya alam kung kailan nito pinakialaman ang cellphone niya pero gusto niya itong kutusan kapag makita niya. “Takot ka bang malaman ng bago mong asawa na kasama mo ang dati mong asawa?” Nabigla si Georgina sa tanong ni Rhett. Bagong asawa? Dating asawa? Bakit kung ano-ano na naman ang pinag-iisip ng lalaking ito? Pero hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa boses nito. Is he jealous?“Sino siya? Kailan ka nagpakasal?” malamig pa sa niyebe ng Antartica ang boses ni Rhett nang muling magsalita. Kalmado man ito ay ramdam niya ang pigil nitong galit. Hindi alam ni Georgina ang isasagot. Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan at sinakyan ang prank ni Tony. “Mr. Castaneda, sa tingin ko ho ay wala na kayong pakialam sa personal na buhay k