Tanging hangin lang ang maririnig sa paligid nina Janella at Diego pagkatapos marinig ni Diego ang sinabi ni Janella. Para siyang nabingi ng ilang segundo bago makapasalita ulit. “Aalis kayo sa bahay? Tama ba ang narinig ko?” he asked. Pumikit ng mariin si Janella, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon nasabi. Totoong nasaktan siya na isiping pinakasalan siya ni Diego kahit may girlfriend siya. Bigla niya na lang nasabi ang salitang iyon dulot ng sakit. “Yeah, you heard it right. Aalis muna ako at isasama ko ang pamilya ko—”“No. You can’t leave just like that. We can talk about this and God knows that Amara is not my girlfriend,” he saidLumingon si Janella sa kanya at sa puntong ito, hindi na niya mapigilan ang sariling umiyak. Akmang lalapitan siya ni Diego ngunit umatras siya ng bahagya. “Naiintindihan ko naman na kasal lang tayo sa papel pero ang hindi ko maintindihan kung bakit mo tinago sa akin na may girlfriend ka pala. Kahit manlang binalaan mo ako na meron
Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa pagitan nina Diego, Janella at Amara noong nakaraang linggo. At ngayon pinoproblema ni Diego na hindi siya pinapansin ni Janella. Hindi nga siya umalis sa bahay, hindi niya naman kinakausap o tignan si Diego. Kahit na pinipilit ni Diego na kausapin si Janella ay umiiwas ito. “Wala ka pa bang planong kausapin si Diego hanggang ngayon?” Lumingon siya sa nanay niya nang magtanong. Bumuntonghininga si Janella at saka umiwas ng tingin.“Wala naman akong sasabihin sa kanya, Mom.” Ipinagpatuloy niya ang pagluluto. Wala siyang ibang ginawa sa loob ng bahay kundi magluto at maglinis kahit may mga helpers naman na gagawa ng mga gawaing bahay. Gusto niya lang maging busy lalo na kung nasa bahay si Diego. Kahit na si Apollo at Felicia ay panay text at tawag sa kanya hindi niya pinapansin, na tila ba wala siya sa mood kumausap ng kahit sino. Naalala niya lang si Amara at ang naabutan niyang halikan nina Diego sa loob ng office. Sa tuwing sumasag
Kinakabahan si Sandy habang nakatingin kay Liah na umiiyak sa labas ng emergency room. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nang marinig nila ang usapan nina Diego at Andrei sa kumpanya na pupuntahan nila si Apollo ay hinila ni Liah si Sandy para sundan ang dalawa kaya dumating sa punto na halos ibuwis ni Liah ang buhay para iligtas si Apollo. Nag-aalala si Sandy na mahuli sila. “Kung gusto mong bumalik sa kumpanya, bumalik ka na—”“Baliw ka ba? Paano ka?” Galit na tanong ni Sandy. Hindi niya kaya at pwedeng iwanan si Liah. “Ano bang pumapasok sa isip mo at nagawa mo ito?”“Sandy, kung hindi tayo sumunod sa kanila at hindi natin nailabas si Apollo sa loob ng bahay na iyon, mamamatay siya.” Hinawakan ni Liah ang dalawang kamay ni Sandy, nagmamakaawa na hayaan siyang gawin ang mga bagay para kay Apollo. Nahihirapan si Sandy sa sitwasyon, dalawang kaibigan niya ang mahalaga para sa kanya pero dahil si Liah ang palagi niyang nakakasama at kakampi sa lahat kahit na pareho silang nakagaw
Nagulat ang lahat habang nakatingin kay Diego, kahit na si Felicia ay hindi makapagsalita. Nakabukas lang ang kanyang bibig sa narinig mula kay Diego. Alam niyang nagsisinungaling si Diego na hindi nila nakasama sina Sandy at Liah dahil nakausap niya mismo si Liah sa cellphone. “My wife has nothing to do with this. Perhaps, I want to offer na hanapin ang dalawang culprit. But I need to get away my wife from here dahil mayroon kaming mahalagang pupuntahan. Maaari ba?” Ilang segundo ang lumipas ay hindi nakasagot ang dalawang police officer na nagtatanong sa kanila. “Sir…of course, you can get her now. Actually, tapos na kaming magtanong sa wife mo.” Galit na lumingon si Felicia sa police na nagsabi no’n. Gusto niyang magsalita ngunit hindi natuloy dahil hinila kaagad ni Diego si Janella palabas ng police station. On the other hand, Janella can’t say a words either hanggang sa nakarating sila sa kotse, tumikhim si Janella at saka lumingon kay Diego. “Why did you do that? Bakit iyon an
Ilang araw na ang lumipas simula nang nabalitaan na wala na ang dating manager ni Janella at sa mga araw na iyon ay nahahalata ni Janella na sobrang busy ni Diego. Naisip niya na siguro ay tinupad niya ang sinabi niya sa mga pulis na tumulong hanapin sina Sandy at Liah at hindi naman siya nagkakamali, isa iyon sa pinagkaabalahan ni Diego sa tulong ng mga kasamahan niya rin. Kahit tawagan din ulit ni Janella sina Sandy at Liah ay hindi sila matawagan, nakapatay ang cellphone. At dahil walang magawa si Janella kakaantay ng balita, napag-isipan niyang umalis ng bahay at pinuntahan si Miss Pim sa simenteryo kung saan siya inilibing. Hindi pa lumabas ang result ng autopsy kaya isa rin iyon sa inaantay niya. Inilapag niya ang bulaklak sa puntod ni Miss Pim at binaba ang katawan para linisin ang puntod. Wala ng pamilya si Miss Pim kaya sigurado si Janella na walang bumisita sa kanya maliban sa mga kasamahan niya sa club. Pagkarating niya sa puntod ni Miss Pim ay ang naroroon lang na kandil
Dahan-dahang lumingon si Danica kay Amara, ikinuyom naman ni Diego ang kanyang mga kamo at tumingin kay Amara ng masama. Hindi niya gusto ang presensya ni Amara ngayon, lalo na nang banggitin niya ang tungkol kay Amara at isa pa, napapatanong siya sa kanyang isipan kung paano nalaman ni Amara ngunit hindi iyon ang malaking problema na haharapin niya, kundi ang reaksyon ng mother niya. “Tama ba ang narinig ko? Ang babaeng pinakasalan mo ay isang stripper? Stripper sa club? Iyong sumasayaw sa harap ng maraming lalaki habang nakahubad, tama ba ako Diego?” Hindi na maintindihan ni Diego ang kaba niya sa mga tanong ng kanyang ina. “Amara, me and my Mom need to talk in private. Could you please, go out?” Halata kay Diego na nagtitimpi lang siya kay Amara. Ngumiti naman ng nakakainis si Amara at nagpaalam na lalabas. “Kung hindi ko mailayo si Janella sa’yo, your mother is my way to do this,” she said in a low voice and smiled widely as she looked at the door. Tuluyan na siyang umalis at s
Walang magawa si Diego kundi inilipat niya ang pamilya ni Janella sa condominium niya. Hindi niya rin alam kung paano pakikusapan ang mother niya dahil hindi niya na talaga ito mapipigilan sa gustong mangyari na palayasin ang pamilya ni Janella at si Janella. “Pwede naman kaming umuwi na lang sa bahay namin,” bulong ni Janella kay Diego. Si Diego ang nagmamaneho ng malaking kotse at nasa likod ang pamilya ni Janella. Umiling si Diego sa kanya at hinawakan ang kamay ni Janella. “Kasalanan ko kung bakit nangyayari ito sa inyo, I just need to talk to my mom para ipaintindi sa kanya ang lahat. At isa pa, bawal kayong bumalik sa dating bahay niya ninyo dahil hindi natin alam ang mangyayari, baka balikan ka ng mga kaibigan mo sa bahay.” Wala na lang ding nagawa si Janella at hinayaan si Diego na gawin ang gusto niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay may matitirhan ang pamilya niya at makausap niya nang masinsinan ang pamilya. Pagkatapos nang yakapan ni Janella at ng ina niya, kaagad na bum
Hindi nakapagsalita kaagad si Apollo at tumingin kay Liah na may pagtataka. Sa isipan niya kung sino ang babae na nasa harap niya at nagpakilalang asawa niya. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at napagtanto niya na bahay niya ito nang maalalang regalo ng magulang niya. “Hindi mo siguro maalala kasi pamilya mo mismo nagsabi sa akin na ako na ang magiging asawa mo at ito nga binigyan nila ako ng permisyo na buksan ang bahay na ito para rito na tayo tumira.” Masayang sabi ni Liah. Mas lalong kumunot ang noo ni Apollo, hindi alam kung anong kasinungalin ang mga pinagsasabi ni Liah. Hindi pa naman siya nakalimot, ang huling naalala niya ay biglang sumabog ang hide-out niya at alam niyang si Diego mismo ang dahilan no’n. “Pasensya na pero hindi kita kilala at wala akong asawa—aww!” Agad na tinulungan ni Liah si Apollo nang makaramdam ito ng sakit sa katawan niya at akmang tatayo sana. Ngunit hindi pa magaling mga sugat niya sa kanyang buong katawan dulot ng mga suntok ni Diego