Share

69

Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa pagitan nina Diego, Janella at Amara noong nakaraang linggo. At ngayon pinoproblema ni Diego na hindi siya pinapansin ni Janella. Hindi nga siya umalis sa bahay, hindi niya naman kinakausap o tignan si Diego. Kahit na pinipilit ni Diego na kausapin si Janella ay umiiwas ito.

“Wala ka pa bang planong kausapin si Diego hanggang ngayon?” Lumingon siya sa nanay niya nang magtanong. Bumuntonghininga si Janella at saka umiwas ng tingin.

“Wala naman akong sasabihin sa kanya, Mom.” Ipinagpatuloy niya ang pagluluto. Wala siyang ibang ginawa sa loob ng bahay kundi magluto at maglinis kahit may mga helpers naman na gagawa ng mga gawaing bahay. Gusto niya lang maging busy lalo na kung nasa bahay si Diego.

Kahit na si Apollo at Felicia ay panay text at tawag sa kanya hindi niya pinapansin, na tila ba wala siya sa mood kumausap ng kahit sino. Naalala niya lang si Amara at ang naabutan niyang halikan nina Diego sa loob ng office. Sa tuwing sumasag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status