Hindi nakapagsalita kaagad si Apollo at tumingin kay Liah na may pagtataka. Sa isipan niya kung sino ang babae na nasa harap niya at nagpakilalang asawa niya. Nilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at napagtanto niya na bahay niya ito nang maalalang regalo ng magulang niya. “Hindi mo siguro maalala kasi pamilya mo mismo nagsabi sa akin na ako na ang magiging asawa mo at ito nga binigyan nila ako ng permisyo na buksan ang bahay na ito para rito na tayo tumira.” Masayang sabi ni Liah. Mas lalong kumunot ang noo ni Apollo, hindi alam kung anong kasinungalin ang mga pinagsasabi ni Liah. Hindi pa naman siya nakalimot, ang huling naalala niya ay biglang sumabog ang hide-out niya at alam niyang si Diego mismo ang dahilan no’n. “Pasensya na pero hindi kita kilala at wala akong asawa—aww!” Agad na tinulungan ni Liah si Apollo nang makaramdam ito ng sakit sa katawan niya at akmang tatayo sana. Ngunit hindi pa magaling mga sugat niya sa kanyang buong katawan dulot ng mga suntok ni Diego
Dahan-dahang tumayo si Janella, gulat sa narining mula sa sinabi ni Sandy at hindi makapaniwala. “Ano ang ibig mong sabihin na tumakas siya kasama si Apollo?” Kinakabahang tanong niya. Pumikit nang mariin si Sandy, naisip niya na makukulong na rin naman siya mas mabuting sabihin na lang lahat kay Janella. Huminga nang malalim si Sandy at tiningnan ng seryoso si Janella. “Matagal niya ng gusto si Apollo, simula nang araw na nakilala niya ito. Siya rin ang dahilan kung bakit nawala si Apollo sa’yo noon. Gumawa siya ng paraan para makalayo kayong dalawa ni Apollo. I’m sorry, Janella. I am with her, wala akong magawa kundi sumunod sa kanya kasi iyon lang ang kaya kong ibayad sa lahat ng naitulong niya sa akin.” Hindi napigilan ni Janella ang pagkalaki ng mga mata niya. Hindi niya na rin mabiling kung ilang revelation pa ang kailangan niyang pagdaanan. “You mean…hindi talaga ako iniwan ni Apollo noon?” Sandy bit her lower lip at tumango sa tanong ni Janella. Napaupo si Janella sa sahig,
Sa isang restaurant na malapit sa condominium ni Diego kung saan nakatira si Janella at ang pamilya niya pansamantala, nakaupo si Danica habang inaantay si Janella. Tinawagan niya kanina si Janella para makipag-meet sa kanya. Wala namang nagawa si Janella kundi ang pumunta sa restuarant, kinakabahan siya na harapin ang mother ni Diego. “Sigurado ka bang kaya mo mag-isa? Sasamahan na lang kita.” Umiling si Janella sa mother niya. “Ako na po bahala, kakausapin niya lang naman ako.” Ngumiti siya at nagpaalam na na umalis. Sakto naman na pagkalabas niya ay lumabas din si Samantha. “Oh, may alis ka?” tanong ni Samantha. Ngumiti sat tumango sa kanya si Janella at sabay silang sumakay sa elevator. “Yes, malapit lang din naman dito.” Si Samantha namnan ang humarap sa kanya at saka ngumiti.“Gusto mo ba ng kasama? Pupunta lang din naman ako sa gym, hindi ako busy.” Agad na umiling si Janella dahil nahihiya siya kay Samantha at ang sabi lang din naman ni Danica ay si Janella lang dapat ang
Makalipas ang tatlong araw, nasa kulungan na si Sandy at hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang hinahanap si Liah at si Apollo. Mahirap hanapin ang dalawa dahil hanggang ngayon ay nagpapagaling pa rin ng katawan si Apollo, higit sa lahat ang bahay niya kung saan man silang dalawa ni Liah ngayon ay nasa malayong bundok. Walang nakakaalam kung saan ito maliban sa pamilya ni Apollo, alam na rin nilang hinahanap ng mga pulis si Liah at gustuhin man nilang sabihin kung nasaan si Liah hindi nila magagawa dahil inaalala nila na mapapahamak sila. Sa loob ng tatlong araw, hindi pinapatahimik ni Danica si Janella, kahit walang ginagawa si Janella ay palaging pumupunta si Danica sa condo sa tuwing wala rin si Diego para lang guluhin si Janella at ang pamilya ni Janella. “Mom, what are you doing here?” tanong ni Diego nang siya ang magbukas ng pintuan, kaharap niya ang kanyang ina at nagtataka siya kung bakit may kasama pang ibang helpers. Hindi sumagot si Danica sa kanya, instead kusa siyang
Nasa bahay na ulit sina Diego at Janella, habang wala si Janella ay doon naging malupit si Danica kay Janella. At sa tuwing kasama nila si Diego ay bumabait si Danica kay Janella. Napapansin iyon palagi ni Janella ngunit hindi lang siya nagsasalita, kahit anong sabihin niya na ayaw niyang magpa-api hindi pa rin maiwasan na hindi niya kayang lumaban sa kagaya ni Danica. Iniisip niya ina rin si Danica at kailangan niya respetuhin lalo na kung mother siya ni Diego. “Hindi porket inaalagaan ka ni Diego ay magiging reyna ka na rito. Alamin mo kung saan ka nalulugar.” Hindi na lang nagsalita si Janella, hinayaan niya lang na pagsabihan siya ng masasamang salita ni Danica. Tumayo si Danica pagkatapos niyang sinamaan ng tingin si Janella at saka siya lumabas ng bahay para sana umalis nang napahinto siya sa pagpasok sa kotse. May nakita siyang babaeng nakamasid sa bahay, kumunot ang noo niya nang tumakbo paalis. Agad siyang sumakay sa kotse at sinabihan ang driver niya na sundan ang babae. H
“Hey wife.” Lumingon si Janella kay Diego nang tinawag siya, kahit kailan ay bumibilis palagi ang tibok ng kanyang dibdib dahil lang sa pagtawag ni Diego ng wife sa kanya. “Hmm?” she asked. Lumapit siya kay Diego at tumabi sa kama. Kumunot naman ang noo niya nang ilang minuto ay tiningnan lang siya ni Diego, hindi pa ulit nagsalita. “Bakit? May problema ka ba o marumi sa mukha mo? Why are you looking like I have something in my face?” she aske again. Diego chuckled at mas lalong lumapit siya kay Janella. Naisip niya na sa sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw ay hindi na niya nakasama si Janella ng ilang oras. “I am just wondering if how are you? Kumusta ang mga araw mo sa tuwing hindi mo ako kasama or did you even missed me?” Tinaasan siya ng kilay ni Janella at dahan-dahang ngumiti. “Why are you asking that? Of course, my days are fine. Always.” Umiwas siya ng tingin at kunayri inaayos ang pwesto niya sa kama. She lied, hindi naman talaga maayos ang araw niay dahil palagi s
Noong nakaraan ay sinilip lang nila ni Diego at Andrei ang lugar kung nasaan nagtatagao sina Apollo at Liah para mapag-aralan kung paano sila susugod. At ngayon, kasama ni Diego ang mga kaibigan niya at nasa labas sila ng malaking bahay ni Apollo. Habang sina Apollo at Liah naman ay kinakabahan na sa nangyayari nang makitang pinapaligiran sila ng mga tauhan ni Diego.‘This is your fucking fault!” Apollo shouted at Liah. Sa ilang araw na inalagaan ni Liah si Apollo ay magaling na ito at handa na sanang kumilos ulit para kunin si Janella ngunit hinahadlangan siya ni Liah na hindi iyon magawa. Sa ilang araw din nilang pagsasama ay may nangyayari sa pagitan nilang dalawa, with Liah lahat ng iyon ay mayroong meaning pero para kay Apollo ay wala. Sa tuwing magkasama silang dalawa sa kama ang iniisip ni Apollo ay si Janella. Alam ni Liah iyon ngunit wala siyang nagagawa sa naiisip ni Apollo, ang mahalaga sa kanya ay nakakatabi niya si Apollo ngunit hanggang doon lang sila. Apollo’s lust tow
Lumabas si Felicia mula sa kanyang munting bahay na may malawak na ngiti sa kanyang labi, para bang biglang naging masaya ang araw niya ngayon. Nakatanggap siya ng tawag mula sa unknown number a nang marinig niya ang boses ni Danica, lumiwanag ang kanyang mukha. Sinabi niya sa kanyang sarili na kapag tumawag si Danica sa kanya panigurado ay nagbigay siya ng interest sa gustong mangyari ni Felicia at hindi nga siya nagkamali. Danica wants to meet her somewhere na walang makakakita sa kanila kaya iyon ang dahilan kung bakit masaya ang araw ni Felicia. Paalis siya at pupuntahan si Danica. Habang si Danica naman ay nakaramdam ng kaba sa gagawin niya ngunit hindi niya lang kayang maamin sa kanyang sarili na natatakot siya. Nang magising siya isang araw, naalala niya si Felicia at ang plano ni Felicia. May parte sa kanyang sarili na gusto niyang gawin sa kagustuhan na mawala si Janella sa buhay ni Diego kahit alam niya namang mali. Nakikita niya na mahal na mahal ni Diego si Janella at kah
“Daddy!” dahil sa narinig na sigaw, agad na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay si Diego. “Why are you shouting?” tanong niya sa anak niya. Tumingin siya kay Janella na halatang nahihirapan, nanlaki ang mga mata ni Diego. “Damn it! Tumawag ka ng ambulance, manganganak na yata ang Mommy mo!” sigaw niya rin sa anak niya na nasa tabi lang ni Janella. Agad din namang ginawa ng anak niya, tumawag siya ng ambulance at ilang minuto ay dumating na. Ang bilis ng panahon, grade six na ang panganay nilang anak at ngayon ay manganganak na si Janella ulit. Kambal pa ang bago nilang anak.“Ikaw kasi! Kung hindi mo ako ginapang, hindi sana ako mahihirapan ng ganito! Ang sakit, Diego!” galit na sigaw ni Janella kay Diego nang pumasok na sila sa loob ng ambulance. Hinawakan lang ni Diego ang kamay ni Janella dahil hindi niya na rin alam ang gagawin, kanina ay nagdidilig lang siya ng halama sa kanilang garden nang biglang sumigaw ang anak nila. Hindi niya rin naman alam na ngayon ba mismong araw m
Two months later, mas maraming nangyari. Naging sila ni Sandy at Fred; hindi na rin naman nagulat ang mga kaibigan nila dahil matagal na nilang napapansin noon na nagkakabutihan sina Sandy at Fred ngunit ang nakakagulat sa kanilang lahat ay ikakasal na si Liah at Andrei. Hindi nila alam na may nangayari na pala sa pagitan nilang dalawa, nagulat na lang sina Janella, Sandy at Felicia na buntis si Liah. Pero hindi lang iyon ang nangyari, naging magkaibigan na rin ang mga kaibigan ni Diego at mga kaibigan ni Janella; naging maayos ang pagkakaibigan nilang lahat. Sa Dark Blood Organization naman ay bumaba na si Diego bilang leader ng organization, he trained his brother, Daniel to become a leader. Agad din naman natutunan ni Daniel ang pagiging leader at dinala niya ang mga tauhan niya noon sa organization para i-train ng mga tauhan ni Diego. Naging maayos naman ang sitwasyon ng organization dahil naging focus sila sa goal para sa organization. Mag-iisang taon na rin ang anak nina Diego
Today is the day of house blessings ng bahay nina Diego at Janella. Lahat ng kaibigan ni Janella at kamag-anak niya ay dumalo, ganoon din kay Diego. Para itong isang engrandeng event sa buhay nila. Ayaw man ni Janella na marami ang taong dadalo pero ang nag-plano ay ang magulang niya at ang ina ni Diego. Pinag-usapan nila kung sino ang iimbitahan. Dahil sa plano ay nagkasundo na ang ina ni Diego at ina ni Janella, sila ang nangunguna sa preperasyon. Wala rin namang nagawa si Janella dahil hindi rin naman siya pinatulong. Ang ginawa niya lang ay inimbita ang mga kaibigan niya sa club. Dumalo rin ang mga kaibigan ni Diego at ang girlfriends and asawa ng mga kaibigan niya, kung sino-sino ang mga nakilala ni Janella noong unang pagdalo niya ng party na kasama si Diego at nakilala ang mga kaibigan ni Diego, iyon din ang mga taong dumalo ngayon. Makikita ang pinagkaiba ng antas ng dalawang parties, ang mga kaibigan ni Janella ay nagkakatuwaan habang ang mga kaibigan ni Diego na mga babae
Bumuntonghininga si Diego habang nakatingin kay Janella. She is suggesting na sasama siya kay Diego para makita at makausap si Amara. "Sigurado ka ba talaga na sasama ka? I heard from Daniel that her situation and behavior are getting worse, wife." He looked at Janella, and said. Ngumiti naman sa kanya si Janella, hinawakan ang kamay ni Diego. "She is also a human, love. Kahit anong nangyari sa kanya, mayroon pa rin siyang pinagdaanan kagaya natin. She's your friend and I know na may malaki siyang kasalanan sa atin pero hindi iyon magiging dahilan para hayaan lang siya. Maybe we can help her," Janella explained. Dahil sa sinabi ni Janella, tumango na lang siya at hinayaan na sumama sa kanya si Janella. Dahil naisip niya na tama naman si Janella, ang isa makakatulong kay Amara ay taong makakausap niya. People think Amara become crazy, dinala siya sa mental hospital para magpagaling ngunit naging worse lang lalo. "Hindi na siya binibisita ng pamilya niya," sabi ng nurse na nagha-hand
Everything become smooth, naging maayos naman ang trato ng pamilya ni Janella kay Diego simula nang tumira si Diego sa bahay nila Janella, para na rin siya ang gumawa ng bahay na gusto ni Janella. Minsan ay binibisita si Diego ng kanyang mga kaibigan para lang asarin, naging masaya naman si Diego sa nangyari dahil kahit pagod siya gumawa ng bahay nawawala naman ang pagod niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak at si Janella."Ang hot talaga ng asawa mo," bulong ni Sandy kay Janella.Nakalabas na rin sina Sandy, Liah at Felicia. Ngayon, sila naman ang bumisita kay Janella. Naging maayos ang relasyon nilang apat ulit, ang dating magka-away ay dahan-dahang ibinalik ang datibg pagkakaibigan.Pinagmasdan nilang nagtatrabaho si Diego, maya-maya ay may dumating na kotse. Lumaba sina Andrei, Angelo, Daniel at Fred. "May dumagdag pa na hot daddies," bulong din ni Felicia sabay tawa habang nakatingin sa mga bagong dating. "Magtigil nga kayo, kung gusto niyong magka-boyfriend, huwag kayo
Pagkatapos ng nangyari, maraming nagbago. Hindi pa rin nagigising si Felicia at si Liah. Malaki ang sugat na natamo nila dahil sa pagbaril ni Amara. Tatlong araw mula noong araw na nagkagulo ang lahat at sa tatlong araw na iyon, pinipilit pa rin ni Diego ang sarili niya na makausap si Janella. Kahit na lapitan niya lang ang anak nila ay hindi pumayag si Janella. Malaki pa rin ang galit ni Janella kay Diego ngunit hindi rin naman tumitigil si Diego para patawarin siya ni Janella. "Nasaan si Amara?" tanong ni Diego kay Andrei."Nasa kulungan na siya at sinisugurado namin na hindi na siya makakalabas kahit tulongan pa siya ng pamilya niya," sagot naman ni Andrei. Tumango lang si Diego at umupo sa kanyang swivel chair. "Kumusta kayo ni Janella?" tanong ni Andrei.Bumuntonghininga si Diego at tumingin saglit kay Andrei. "Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin. Hanggang tingin lang ako sa kanilang dalawa ng anak ko. What should I do to make her feel na hindi ko ginusto ang nangyari
Bumaba si Diego mula sa kanyang kotse nang makitang nasa labas na rin si Andrei at si Angelo. Tinawagan niya ang kanyang mga tauhan nang hanapin niya si Amara. Hindi niya naman alam kung nasaan talaga si Amara kaya humingi siya ng tulong sa kanila. “Did you find her?” Diego asked Andrei. Tumango naman si Andrei sa kanya, “yes, we already find her. Na-track na nila Fred at Jayson kung nasaan siya, malapit lang din dito kaya mabilis lang din puntaha. We need get her now, ang pagkakaalam namin ay may nag-aantay na helicopter sa kanya para tumakas.” Mahabang sagot ni Andrei.Hindi na rin naman sila nag-aksaya ng oras at agad na nilang pinuntahan kung nasaan si Amara. Kailangan nilang maunahan si Amara bago pa man makatakas dala ang bata. Habang naghahabol sila Diego, kakarating lang din nina Janella na parehong lugar kung nasaan sina Diego. Bumaling sila kay Felicia, nag-aantay kung ano ang sasabihin. Janella doubted Felicia, pareho nina Sandy at Liah. May parte sa kanila na hindi naniwa
Habang naglalakad si Janella, napunta siya sa labas ng hospital at hindi na siya mahanap ng kanyang magulang na sumusunod sa kanya. Umiiyak si Janella at kahit na tinitignan siya ng mga tao ay hindi niya na lang pinapansin, hindi niya rin napansin na sinusundan siya ng mga nurses sa hospital. “Where are you, my son?” iyak niya. Ang akala ng mga taong tumitingin sa kanya ay isa siyang baliw dahil nakasuot pa rin siya ng hospital gown, sumisigaw dahil tinatawag niya ang kanyang anak. Dumating sa punto na sinsii niya ang kanyang sarili, kung siya lang sana ang pumunta sa nursery ward para kunin ang anak niya ay hindi ito mangyayari. Hindi nila alam na madaling araw nangyari ang insidente. Pumasok sa loob ng hospital si Amara para gawin ang plano niya, hindi iyon napansin ng iilang dumadaan sa hallway sa nursey ward dahil nakasuot siya ng uniform ng nurse. Sa loob ng kotse, hindi mapakali si Sandy kakasalita habang nagmamaneho si Felicia at si Liah naman ay tahimik lang. Nang nanggalin
Nakatayo si Diego habang nakatingin sa bintana ng nursery ward kung nasaan ang anak nila ni Janella. He coudn’t get away of his smile while watching his son, at mas lalo siyang napangiti nang makita ang pangalan na nakasulat para sa anak nila. “Diego Janiel,” he read it. Sobrang saya niya nang pinangalan ni Janella ang anak nila sa pangalan niya. Sino ba naman ang hindi sasaya na ganoon ang ginawa ni Janella? Ang tagal niyang nawala, ang tagal niyang hindi nagpakita kay Janella pero hindi pa rin siya kinalimutan ni Janella. “I can’t wait to be with you and our son, wife.” “Can we talk?” Mabilis na lumingon si Diego sa nagsalita, it was Janella’s father. Byron bowed his head to give respect. Inaya naman siya ng ama ni Janella na umupo sa upoan. Nakaramdam ng kaba si Diego dahil hindi niya alam kung bakit gusto siyang kausapin ng ama ni Janella. Galit pa rin pa ba siya kay Diego? May gusto ba siyang ipagawa kay Diego para patawarin niya? Maraming sumagi sa isipan ni Diego ngunit ni