Share

76

Dahan-dahang tumayo si Janella, gulat sa narining mula sa sinabi ni Sandy at hindi makapaniwala. “Ano ang ibig mong sabihin na tumakas siya kasama si Apollo?” Kinakabahang tanong niya. Pumikit nang mariin si Sandy, naisip niya na makukulong na rin naman siya mas mabuting sabihin na lang lahat kay Janella.

Huminga nang malalim si Sandy at tiningnan ng seryoso si Janella. “Matagal niya ng gusto si Apollo, simula nang araw na nakilala niya ito. Siya rin ang dahilan kung bakit nawala si Apollo sa’yo noon. Gumawa siya ng paraan para makalayo kayong dalawa ni Apollo. I’m sorry, Janella. I am with her, wala akong magawa kundi sumunod sa kanya kasi iyon lang ang kaya kong ibayad sa lahat ng naitulong niya sa akin.” Hindi napigilan ni Janella ang pagkalaki ng mga mata niya.

Hindi niya na rin mabiling kung ilang revelation pa ang kailangan niyang pagdaanan. “You mean…hindi talaga ako iniwan ni Apollo noon?” Sandy bit her lower lip at tumango sa tanong ni Janella. Napaupo si Janella sa sahig,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status