Hello everyone. Hope support niyo ang 2 stories ko na Hiding The CEO's Quintuplets at Ang Makasalanang Asawa. Sankyuuuu
ELIZABETH “I’m sorry, si Sico ba ang hinahanap mo? Hindi pa siya dumadating e,” mapagkumbabang sabi ko. Sinamaan niya ako nang tingin. “Ano ba talagang papel mo sa buhay ng mga kapatid ko? O talagang natural kang malan-di?” At this simple accusations, hindi ko magawang depensahan ang sarili ko. Kasi hindi ko naman alam paano. “Sumagot ka!” “MONI!” Sabay kaming napatingin kay Sico na kakapasok lang at pinandilatan niya ng mata ang kapatid niya. “What are you doing?” tanong niya. “Kuya Sico, matagal akong nagtitimpi sa ginagawa mo! Akala ko ba matalino ka? Bakit mo hinahayaan na lasonin ng babaeng iyan ang isipan mo?” “Shut your mouth Harmonia! Ikaw ang walang respeto ngayon.” “It’s because you’re siding with her kuya. Kawawa si ate Zeym. Nasa hospital pa nga siya ngayon, yet nandito na iyang babaeng ‘yan feeling siya na ang asawa. I bet pinangarap niyang mamatay si ate sa operasyon!” Nagbaba tingin ako. Masiyadong masakit ang paratang sa akin ng bunsong kapatid ni Sico at Ric
ELIZABETH “Why are you here?” tanong ko at lumayo sa kaniya ng bahagya para makawala sa pagkakayakap niya. Kumunot ang noo niya sa paglayo ko. “Kua wants milk,” Tumango ako. “Sandali lang, magtitimpla ako,” ang sabi ko sa kaniya. “Ako na cause you’re still cooking,” ang sabi pa niya. “Luto naman na,” “Ako na. Kaya ko naman gawin to for our son,” seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. Pinabayaan ko nalang siyang kumuha ng baso para magtimpla ng gatas ni Kua. At kesa maubos ang oras ko kakapanood sa kaniya, inasikaso ko nalang ang paghahain sa ulam at kanina ng sa ganoon ay makatulog na si Sico. It took me 20 minutes on preparing the foods as well as the plates on the table saka ko tinawag ang mag-ama na mukhang nagkukulitan na sa sala. “Hali na kayong dalawa,” ang sabi ko. Narinig ko ang mga tawa ni Kua habang karga karga siya ni Sico. “Papa, I want to be a pilot. Gusto kong magpalipad ng plane,” Napatingin sa akin si Sico at nagulat nga ako na sinabi iyon ni Kua. Fi
ELIZABETH “Shh!!” Nilagay ko ang daliri ko sa labi ko nang makita na natutulog na si Sico sa puzzle mat na nilatag ko sa sala para kay Kua. “Papa is sleeping,” sabi ni Kua. Tumango ako. Ngumiti siya at humiga sa tabi ni Sico. Naaawa ako kay Sico dahil no’ng hindi pa nakaset ang operation ni Zeym, pinangatawanan niya talagang aalagaan niya ito. Rachelle told me na halos hindi natutulog si Sico para lang bantayan si Zeym lalo’t some of Zeym senses ay hindi na niya halos magamit. Si Sico ang nagsisilbing mata niya minsan. At ngayon, mahimbing na siyang natutulog na para bang ngayon pa siya nakatulog sa mahabang panahon. Walang masiyadong maluto sa bahay niya kaya tinawagan ko si Rico. “Eli, napatawag ka?” “Rico nasaan ka? May ginagawa ka ba?” “Kagagaling ko sa hospital.” Ganoon ba? “Kamusta si Zeym?” tanong ko. “Tapos na ang operation kanina, stable naman siya pero hindi pa rin siya gumigising.” Nag-alala ako sa kalagayan niya. Kung hindi siya magising, posibleng ma-coma siya g
ELIZABETH Tunog ng heart rate monitor ang tanging naririnig ko sa buong kwarto kung saan nakaratay ngayon si Zeym. Naniniwala pa rin kaming mabubuhay siya kahit pa sabi ng doctor, monitor nalang ang bumubuhay sa kaniya. “Zeym,” tawag ko kahit alam kong hindi niya ako maririnig. “Hinihintay ka na ng anak mo,” sabi ko. Hindi ko mapigilan ang luha sa mata ko. Nalulungkot akong makita si Zeym na ganito. Inaasahan ko na after operation, gagaling siya kaagad. “Bumangon ka na diyan oh. Maraming naghihintay sa paggising mo e,” Umupo ako sa tabi niya at umiyak. Matapos ibalita ni Rachelle sa akin 2 days ago ang kalagayan niya, para na ako no’ng binagsakan ng langit at lupa. At ngayon pa ako nagkalakas loob na dalawin siya dito sa kinalalagyan niya. Ang sabi, hindi alam kung kailan siya magigising. Maaring aabutin ng buwan o maraming taon. Ayaw ng mga Shein sukuan si Zeym, wala namang problema sa kanila ang gastos kaya ipagpapatuloy nila ang pagmomonitor sa kaniya hanggang sa magkaroon
ELIZABETH Nakaupo lang ako sa tabi ni Sico habang siya ay patagilid na nakayakap sa akin. Hindi ako gumalaw dahil ayaw kong madisturbo ang pagtulog niya. Nasa harapan ko ang mga magulang niya kasama ng mga kapatid at mga kaibigan ng magulang niya. Lahat sila nakatutok sa akin na para bang inoobserbahan nila ang galaw ko. While Sico on my side, panay lang ang pagbanggit sa pangalan ko habang nakapikit. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniya. “Kukunin mo na ba siya dito?” tanong ni Rico. “Kung papayag kayo,” magalang na sagot ko. “I’m still against the idea. Hindi ba kayo naaawa kay ate Zeym?” si Moni ang nagsalita. Galit pa rin siya sa akin. “Harmonia, kuya Sico mo at si ate Zeym mo ang nagpasya tungkol sa bagay na ito.” Sabi ni Rico, pinagtatanggol ako. “At tini-take advantage ng babaeng iyan,” Naiintindihan ko ang galit niya dahil kahit siguro ako ang nasa kalagayan niya, magagalit rin ako sa isang home wrecker na gaya ko. Pero… “Let me take care of him and Kua. Kung magising n
ELIZABETHKinaumagahan, paggising ko ay mukha ni Sico ang namulatan ko. Pinagigitnaan namin si Kua na tulog pa.“I thought I was dreaming that I see you last night,”“Bakit ka nandito?” tanong ko.“He barged in the moment he knew that you’re here,” boses ni Rico na nasa pintuan pala, nakakrus ang kamay sa harap at nayayamot habang nakatingin kay Sico.“Bumaba na kayo dahil kakain na,” sabi niya at sinirado ang pintuan.Si Sico, walang pakialam sa sinabi ni Rico.“Are you mad at me?” tanong ko sa kaniya.Umiling siya. “No. Actually, I was the one who think that way. Aren’t you mad at me?”“No. I’m sorry if I hurt your feelings,”“Forgiven, Eli,” puno ng lambing na sabi niya. Bahagya akong yumuko nang makita na hahaIikan niya ang noo ko.“Good morning mama, papa,” sabay kaming napatingin sa boses ni Kua na nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa.Hindi man lang namin napansin na gising na siya.“Good morning Kua/son,”“Dito ka natulog sa tabi namin papa?”“No Kua, doon natulog si pa
ELIZABETH (3 months later) “KUA!” Sigaw ko dahil anong oras na at mali-late na siya. “Anong oras na anak. Darating na ang sundo mo mamaya,” pinunasan ko ang pawis sa noo ko habang pini-prepara ang baon niya ngayon. Napatingin ako kay Sico na busy sa laptop niya habang humihigop ng kape. “Hon, hindi ka pa ba aalis?” napatingin siya sa akin at lumapad ang ngiti saka umiling. “Tatapusin ko lang ito,” “Di ba mamaya ang presentation mo with the board of members? Ihahanda ko na ba ang susuotin mo?” “Yeah but nahanda mo na kanina ang susuotin ko,” aniya Natigilan ako. Nahanda ko na? Sa dami kong ginagawa, nakakalimutan ko na ang iba. “Hey, take it easy… Dalawa pa nga lang kami ni Kua, stress ka na,” natatawang aniya. “E kasi naman po ano, ang tigas ng ulo niyong dalawa,” reklamo ko. “Saan pa ba magmamana ang anak natin kun’di sa akin,” proud na sabi niya. At talagang tuwang tuwa pa siya na sobrang tigas ng ulo nila? “MAMA, I’M DONEEE!” Napatingin kami sa anak ko at nakita namin s
ELIZABETH Pumasok akong muli sa bahay at tinawagan si Sico para sabihin sa kaniyang hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Isang ring palang sinagot na niya agad. “Hon, napatawag ka? Miss mo na ako?” “Sico, bumalik ka at mag-usap tayo!” Tumahimik sandali sa kabilang linya “…….” “Hello? Sico!!” “I see. Pinaglilihian mo ‘ko ngayon? Ahm… Can I attend the meeting first hon and I’m yours after?” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Sico—" “Malapit na ako sa office. Talk to you later. Anyway, it’s ‘honey’ for you baby.” Sabi niya at pinutol ang tawag. Napakurap-kurap ako nang bigla niyang ibaba ang tawag. Hindi ako agad nakapagsalita ng ilang minuto at napatitig na lamang sa cellphone ko. Hindi ko alam anong mararamdaman ko kaya uminom nalang ako ng tubig. Napahawak ako as tiyan ko at naisip na may laman ba ito? Hindi pa naman siguro ako buntis noh? ‘Di ba? Hindi naman ako buntis? Though I’m irregular, wala pa namang sign na buntis nga ako. Saka bakit ba kasi kumpyansa siya na b