Nakauwi na si Raven. ‘Yung dalawang bata naman, kakakatulog lang. Tinulungan ako ni Lexie na dalhin sila sa kwarto. Hinila ko ang kumot nila at ipinatong sa katawan nila. Pagkatapos, pareho ko silang hinalikan sa noo. Tumayo ako at pinagmasdan sila.
“What is it, Lexie?”Kahit nasa kambal ang tingin ko, nakita ng peripheral vision ko kung paano agad lumingon si Lexie sa akin. Kanina ko pa kasi nararamdaman na parang may gusto siyang sabihin.“Wala po,” ramdam ko ang pag-aalinlangan niya.Hinarap ko siya.“Ano nga?”“Ayaw ko po kasi sanang mangialam—”“It’s okay, pwede kang magsabi ng opinyon mo, part ka na ng pamilyang ‘to,” binigyan ko siya ng tipid na ngiti.“Hindi naman po sa kinakampihan ko si Sir Liam—”Pagkarinig ko pa lang ng pangalan niya, parang ayoko na agad pag-usapan. Pero sa tingin ko, kailangan ko rin ng opinyon ng mga taong"So, pumayag ka na talagang makipagkita kay Liam?" tanong ni Sol.Sabay kaming nag-lunch ngayon, may pinuntahan kasi siya malapit sa workplace ko.Tango lang ang sinagot ko sa kanya."Ready ka na ba?"Napaisip ako."Hindi."Nakita ko siyang napailing habang nakangiti."Kung maghihintay ako hanggang sa maging ready ako, baka hindi na kami makapag-usap. Kasi pakiramdam ko, never na ata akong magiging handa na harapin siya."Napatango naman si Sol."Pero saan ka makikipagkita? Ready ka na bang ipaalam na andito kayo?""Hindi ko alam. Plano ko sa Indonesia na lang, mas malapit sa aming dalawa. At para hindi niya madaling malaman na nasa Australia kami.""Paano kung may mangyari sa inyo doon at magkabati kayo? Uuwi na ulit kayo ng Pilipinas?" may panunukso sa tono niya.Inirapan ko siya dahil sa tanong niya. Pero sa totoo lang, wala sa isip ko na magbabati kami ni Liam. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari kung sakali ngang m
Narinig ko ang doorbell kaya naglakad ako papunta sa pinto.Binuksan ko ‘yon at bumungad sa akin si Sol. May bitbit siyang paper bag.“Tita Solaire!” masiglang sigaw ni Liana mula sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod na pala siya.“Hello, pretty girl,” yumuko si Sol para halikan ito sa pisngi.Nakangiti namang tinanggap ni Liana iyon bago niya hinalikan pabalik sa pisngi ang Tita Solaire niya. Pagkatapos ay tumakbo na ito pabalik sa loob para maglaro.Pumasok si Sol at sinara ang pinto, pagkatapos ay malapad ang ngiting hinarap ako. May dalang panunukso sa ngiting iyon, at sa tingin ko, alam ko na kung bakit.“So, tell me, kumusta pag-uusap niyo?” excited na tanong niya.Napaikot ang mata ko at tumalikod papalakad sa sala. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.“Hi, Lexie,” bati ni Sol kay Lexie sabay abot ng paper bag na dala. “Cupcakes,” simpleng sabi niya.“Dito ka na ba magdi-dinner?” tanong ko rito dahil pagabi na rin naman.“Yep,” sagot niya. “Pero maiba ako,” lumapit s
Pagbalik ko sa office ni Raven, andoon na siya. Nakatalikod at mukhang abala sa cellphone. Ilang segundo pa ang lumipas nang itapat niya iyon sa tenga niya. Bigla namang tumunog ang phone ko. Napatalikod si Raven, at ako naman ay agad na hinanap ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan niya sa screen. Pag-angat ko ng tingin pabalik sa kanya ay eksaktong nasa harap ko na siya. Bago pa ako makareact ay naramdaman ko na ang katawan kong nakakulong sa bisig niya. Napakurap ako ng dalawang beses. “Sabi ni Ms. Lara, bumaba ka raw para kumuha ng kape. Kaya kinabahan agad ako nang makita kong may naiwan at natapong kape sa elevator,” sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin. Ramdam ko ang kaba sa tono niya. Nakaramdam ako ng isa pang presensya sa likod ko. Kaya naman hinawakan ko si Raven sa braso at dahan-dahang inilayo siya sa akin. Nakita ko siyang may tinitingnan sa likod ko, kaya napatalikod na rin ako. Nakita ko si Liam—walang emosyon ang mukha. Bigla akong ki
Napatingin ako sa sahig at pasimpleng pinunasan ang luha ko.Pag-angat ko ng tingin, inayos ko ang tindig ko at dahan-dahang naglakad papalapit kay Raven.Nakakunot ang noo niya. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero nanatili na lang siya sa pwesto niya dahil papalapit na rin naman ako.“Mind to explain kung bakit mo sinampal ang ka-business partner ko?” agad niyang bungad pagkalapit ko. Bahagya pa rin ang pagkakunot ng noo niya, pero kasama na roon ang nagtatanong niyang ekspresyon.Nang hindi ako makasagot, marahan siyang napahawak sa magkabilang braso ko at napatingin sa buong pagkatao ko—mula ulo hanggang paa.Nawala ang pagkakunot ng noo niya at sumilay ang buong pag-aalala sa mukha niya.“May ginawa ba siyang hindi maganda sa’yo? Tell me, so that I can cancel our partnership right away,” handa na siyang makipag-away sa tono niya. At hindi lang pag-aalala ang nasa boses niya, parang may halong takot na baka t
“Ms. Hayes, puwedeng pabigay ng mga ‘to kay Ms. Lara?” sabi ni Raven habang nakataas ang isang kamay na may hawak na mga papeles, pero ang mata niya ay nanatili sa dokumentong binabasa at mukhang may binibilugan pa.Tumayo ako at lumapit.Nakarating ako na gano’n pa rin ang puwesto niya.Dahan-dahan kong inabot ang mga papeles mula sa kanya. Nang kukunin ko na 'yon sa mga kamay niya, hindi ko agad nakuha dahil humigpit ang hawak niya.Napatingin ako sa kanya—nasa binabasa pa rin ang atensyon niya. Basta talaga mga CEO, hindi maalis ang mata sa mga dokumentong binabasa nila.Napaangat siya ng tingin sa akin. Bahagya naman akong napataas ng kanang kilay at itinuro pa ang mga dokumentong hawak niya. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang mga iyon—nanatili sa mga mata ko ang tingin niya.Ibinaba niya ang mga dokumentong hawak.“Are we good?” bigla niyang tanong.Ang nakataas kong kanang kilay ay bigla kong naibaba, at napalitan ng kunot-noong ekspresyon.Napaisip ako sa ibig niyang sabih
Pagkarating ko sa bahay, umupo agad ako sa sofa at hinanap ang phone ko.Pumunta ako sa social media ni Limaire at nag-scroll. Andoon pa rin ang mga post na nakita ko noong nakaraan. Walang nabawas, nadagdagan lang.May mga picture na ng mga lugar na sa tingin ko ay pinuntahan niya, may mga picture din ng pagkain, at ilang stolen shot ni Liam. Napairap ako dahil doon.Mahinang inihagis ko ang phone sa sofa. What am I even doing? Paki ko ba sa kanila!Isinandal ko ang ulo sa sofa at pumikit. Pero pagkapikit ko, agad na nag-echo sa akin ang mga sinabi ni Raven kanina. ‘May ibang asawa si Mr. Sinclair.’ Ako ba ang tinutukoy niya?‘Napakilala niya na ‘yon sa board of directors niya.’ Malamang ako nga ako, ako lang naman ang pinakilala ni Liam sa mga board of directors niya… well, iyon ang pagkakaalam ko.Pero kung ako ang pinakilala niyang asawa, bakit walang nakakakilala sa akin? I mean, hindi naman sa pa-main cha
Limaire’s POV“Look who’s calling? Your wife.” Nakangising itinaas ko ang phone ni Liam.Agad niya iyong hinablot habang magkasampok ang mga kilay.“Loudspeaker,” I mouthed.Masama ang tingin niya pero agad naman iyong sinunod.“What?” bungad niya sa asawa. Wala siyang nagawa kung hindi gawing galit ang tono dahil narito ako.“Liam…” Nanginginig at halata ang takot sa boses ni Amelia.Bigla namang napatayo si Liam at sumilay ang pag-aalala sa mukha.Napacross ako ng arms habang nakangisi. Ang saya makita ng reaction niya.Naghintay ako ng susunod na mangyayari, pero wala na kaming narinig kundi tunog ng motor na lamang.Binaba ni Liam ang tawag at akmang aalis na nang hawakan ko ito sa braso. Masama itong napatingin sa akin.Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang bahagyang iniling ang ulo para sabihan siyang ‘no.’“Kapag may nan
Amelia’s POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, at ang liwanag ang sumalubong sa akin, dahilan para mapapikit ako. Pero bukod sa liwanag, sumalubong din sa akin ang sakit ng katawan na unti-unti ko nang nararamdaman.Nang makapag-adjust, napatitig ako sa puting kisame. Napansin ko rin ang tunog na naririnig ko—parang heart monitor.Nasa ospital ba ako? Napatingin ako sa kanan ko kung saan nagmumula ang tunog na iyon. Tama nga ako, nasa ospital ako.Nadako naman ang tingin ko sa kamay ko—may IV drip doon. Bakit ako nandito?Napatingin ako sa kaliwa ko nang may napansing gumalaw doon.Si Raven.Nasa upuan siya, nakasandal ang ulo na inihilig niya pakaliwa. May libro rin siyang nasa kandungan. Mababakas ang pagod sa mukha niya.Bakit siya nandito?Pinilit kong alalahanin kung anong nangyari, pero walang pumapasok na alaala sa utak ko.Napahawak ako sa ulo, malapit sa noo, at napaaray. May nakapa rin akong ban
“Pero hindi pa ako handa,” naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng mga kamay niya sa akin.Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.“What do you mean, Amelia?” bagsak ang mukha nito, at nakikita ko ang naghahalong lungkot at nagtatanong na mga mata niya.Nagsimula na ring magtubig ang mga mata nito. Ako naman ay tila nagsimula nang mataranta nang may isang luhang kumawala roon.Parang may pumiga sa puso ko. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha niya.“Calm down,” malumanay na sabi ko at hinawakan ang kamay nito.Tiningnan ko ito sa mata at tipid na nginitian.“Pakakasalan naman kita… huwag lang muna ngayon,” sabi ko, at bahagyang nabawasan naman ang lungkot sa mga mata niya, bahagya pa itong napatango. “Maybe next year o sa mga susunod.”Napangiti na ito.“Naiintindihan ko. Handa akong maghintay. Ang mahalaga, sigurado ka na pakasalan ako.”Naging maaliwal
“Where do you want to go next?” tanong ni Raven sa kambal.Napahawak naman si Koa sa chin na para bang nag-iisip. Nagpalinga-linga na rin ito sa paligid.Namilog ang mga mata nito sa excitement nang may makita.“There,” masiglang sabi niya habang may tinuturo.Napatingin kami roon at nakita namin ang isang malaking giant trampoline kung saan may mga batang nagsisigaw sa tuwa habang tumatalon.Kukunin na sana ni Raven ang kamay ko nang bigla siyang hilahin ng dalawa papalayo.“Susunod ako,” sabi ko na lang, at pareho kaming natawa dahil sa pagiging excited ng dalawa.Tiningnan ko sila hanggang sa unti-unti silang lumayo sa paningin ko.Napatingin ako sa likod ni Raven.Naalala ko bigla ang nangyari kagabi.Flashback“What the hell is he doing?!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong muli na susuntukin ni Liam si Raven.Gustohin ko man na sumigaw para pigilan sila, wala pa ring saysay dahil sa layo nila sa pwesto ko, idagdag pa ang maingay na musika.Dali-dali akong bumaba ng hagdan na
Wala ‘to sa plano. Ang akala ko ay yayayain niya pa lang ako maging girlfriend. Pero bakit biglang napunta kami sa kasalan?Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot, naghihintay ng magandang balita. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa pressure na nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mahilo at himatayin. Or magpanggap na lang kaya akong mahihimatay? Gosh!Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ipahiya si Raven sa harap ng mga kakilala niyang may malaking respeto sa kanya.Bukod sa tingin ng mga taong andito, may isang matang nararamdaman kong mainit at tumatagos ang tingin sa akin.Pasimple kong tinapunan ng tingin ang taong iyon—si Liam. Binibigyan niya ako ng madilim na tingin, at parang ang mga mata niya ay nagsasabing huwag akong pumayag. Kasabay no’n ay ang pagkakita ko kung paano ipulupot ni Limaire ang mga kamay nito sa braso niya, may mapanuksong tingin pa ito sa akin.Naghahalo ang emosyon sa puso ko k
Gusto kong sumimangot habang nakikita ang dami ng taong invited sa party ni Raven. Iniisip ko pa lang na kailangan kong makisalamuha sa kanila mamaya, napapagod na ako.Sa garden ng mansion niya ginanap ang birthday niya ngayon.Mahilig ako sa mga ganitong party noon at nakikipag-socialize ako, pero ewan ko ba, sa paglipas ng panahon, ayoko na talagang makipag-socialize—lalo na noong ma-bankrupt ang pamilya namin at nakita ko kung gaano kaplastik ang mga taong nasa paligid ko.May dumaan na naman sa harap ko at nginitian ako kaya napilitan na rin akong ngumiti.Nakatayo lang ako rito sa cocktail table habang hinihintay magsimula ang party. Si Raven naman ay nasa loob pa at inaayusan. Wala rin naman akong maitutulong kaya naisipan ko na dito na lang maghintay. At saka baka mamaya andon pa ang parents niya—nahihiya pa ako.“Drink, Miss?” alok ng waiter na may bitbit na wine.“Thank you,” sabi ko at tinanggap ang isang baso ng wine na binigay niya.Walang pagdadalawang-isip ko iyong agad
“Daddy,” sigaw ni Koa, at mula sa kusina ay nakita ko ang nakangiting mukha nito habang tumatakbo papunta sa pintong kakabukas lang.Sinalubong siya ni Raven na may malapad na ngiti sa labi. Dala rin nito ang soccer ball na ilang araw nang pinapabili ni Koa rito.“I have your soccer ball, little boy,” nakangiting sabi niya kay Koa at iniabot dito ang bola.Masayang pinagmasdan iyon ni Koa at nakangiting niyakap si Raven.“Daddy!” masayang sigaw naman ni Liana na kakalabas lang ng kwarto. Agad itong dumiretso kay Raven.May inabot naman si Raven mula sa paper bag na bitbit niya. May inilabas siyang barbie doll.“I have something for you too, my little princess.”Katulad ni Koa, masaya rin iyong tinanggap ni Liana habang kumikinang ang mga mata.“Thank you, Daddy!” sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.Tumakbo na ang dalawa sa sala para maglaro, at naiwan kami ni Raven na nakatayo
Diretso lang akong nakatingin sa daan buong biyahe. Hangga’t maaari, hindi rin ako gumagalaw. Sinusubukan kong maging invisible. Pero kahit na wala akong imik at emosyon na pinapakita, sa totoo lang ay naiinis ako sa sarili ko at hinayaan kong maisakay ako ng lalaking ‘to sa sasakyan niya! Mabuti pa ata nagpahatid na lang ako kay Raven! Pero hindi rin pwede, busy ‘yung tao. “Nakakainis!” sigaw ko, na dapat ay sa isip ko lang sana kaso mukhang malakas kong nasabi dahil sa mabilis na paglingon ni Liam sa akin. “Are you crazy?” mapanghusga ang tono niya. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay pinag-cross ko pa ang arms ko at sinandal ang mukha sa bintana. Hindi na rin naman siya umimik. Mabuti naman. Habang papalapit kami, iniisip ko kung saan ko siya ililigaw para hindi niya makita ang mga bata. Wala naman akong planong ipagkait ang dalawa sa kanya, basta huwag lang talaga muna ngayon na hindi namin napag-usapan ang nangyari sa amin—na mukhang hindi ko rin alam kung magagawa pa ba n