Ang akala ni Jhaira ay dadalhin siya ni Zach sa kuwarto pero sa kusina ito dumiretso, pinaupo siya nito sa counter "Stay here while I cook" ani ng binata at nagsimulang gumalaw sa kusina, hindi na siya nakapagreklamo dahil malaya niyang napagmamasdang gumalaw ang lalaki. Idagdag pang fitted ang suot na t shirt ngayon ni Zach na tanging naiwan sa pang itaas nito. Iskiladong gumalaw ang binata habang nagluluto, mukhang nasanay ito sa kusina kaya malaya nitong naipapakita ang galing niya sa mabilis na paghiwa ng mga rekados. Seryoso ang mukha nito habang nagluluto "How was it?" Iyon ang bungad na tanong ni Zach ng matapos siyang magluto at ipatikim ito kay Jhaira, hindi naman nadismaya ang dalaga dahil agad niyang natikman ang linamnam ng niluto ni Zach. Para itong mga pagkain na natikman niya sa mamahaling restaurant, puwede ng maging chef si Zach' iyon ang nasa isipan niya pero tanging tango ang nasabi niya dahil sa sarap ng natikman "Saan ka natutong magluto?" Wala sa saril
Hindi napaghandaan ni Jhaira ang pagdating ng dalaw niya kaya naman namimilipit siya sa sakit ng puson habang nakahiga sa kama, balot na balot ang katawan niya ng kumot dahil pakiramdam niya lamig ang dahilan kung bakit sobra sobra ang sakit na nadarama ng puson niya, parang hinahati ang kaniyang katawan "Fvck what do you mean? namimilipit na siya sa sakit and you think this is normal? doktor ka dapat alam mo ang tungkol dito" Boses iyon ni Zach na mukhang ngayon ay kaaway na ang doktor na kausap nito sa cellphone, kanina pa ito aligaga at hindi mapakali dahil sa nararamdaman niya. Kaunti nalang at tatawag na ata ng ambulansya ang binata. May hawak si Jhaira na hotcompress sa kaniyang puson pero hindi parin ito nakatulong kaya tumawag na ng doktor si Zach pero mukhang maghahasik pa ito ng gulo "Masakit parin?" Napamulat siya ng mata sa malambing na boses ni Zach, lumuhod ito sa tabi ng kama at mukhang nahihirapan na pagmasdan ang kondisyon niya. Halatang hindi ito sanay na alagaan a
Hindi mapakali si Jhaira sa sala habang nag-uusap ang mag-lola sa may kusina, hindi niya marinig ang pinag-uusapan nila pero nakakarinig siya ng ibang lenguwahe na sa pagkakaalam niya ay spanish. Nanginginig ang kamay niya sa hindi malaman na kadahilanan, muli siyang lumunok at sumulyap sa kusina hanggang sa tuluyang lumabas doon ang mag lola Mabilis siyang napatayo at nakitang mukhang normal lang ang pag-uusap ng dalawa, tinabihan siya agad ni Zach at nagulat ng bigla nitong hilain ang bewang niya. Napunta roon ang tingin ni Mrs Olsen at sinulyapan silang dalawa bago nagsalita "Aalis na ako and before I go, thank you Jhaira for helping me kagabi. Kung wala ka roon ay baka sa kalsada na ako nawalan ng buhay. Take care of my apo" "W-what? anong ibig sabihin non Lola? anong sa kalsada nawalan ng buhay? what happened?" sunod sunod na tanong ni Zach sa Lola niya pero hindi siya nito pinansin at nagtuloy tuloy na lumabas ng condo hanggang sa maiwan silang dalawa sa loob, binalingan
Naiwang mag-isa si Jhaira sa condo ni Zach matapos silang mag-agahan. Halos late na ng pumasok si Zach pero mukhang wala itong pakialam sa kung anong oras siya papasok, wala pa nga itong balak kanina na magpalit kung hindi niya lang ito pina alalahanan. Inabala niya nalang ang sarili sa pag-aayos sa condo ni Zach dahil wala siyang magawa, sa totoo ay maayos at malinis ang condo kaya pinakialaman niya nalang ang mga gamit niya para ayusin itong muli Tanghali na ng matapos niya ang mga gagawin at wala na siyang maisip na pagkakaabalahan, bukod sa hindi na siya sekretarya ni Zach ay wala na rin siyang ibang trabaho pa. Para hindi mabaliw mag-isa sa condo ay i chinat niya si Zach pero nagulat siya ng makitang nag chat pala kanina sa kaniya ito Zachary: Kumain kana? Tumikhim siya bago nagtipa ng sagot rito Me: Hindi pa, kakain palang ako Hindi naman naging matagal at nag reply din ang asawa niya Zachary: Don't bother tiring yourself to cook, nagpa deliver ako ng food
Pinagmasdan ni Jhaira ang mahimbing na postura ni Zach habang nasa kama sila, kanina lamang ay naabutan niya itong natutulog sa kaniyang bewang at ngayon nakadagan na ito sa kaniya habang tulog na tulog. Bumuntong hininga siya at naabutang malapit ng mag alas singko pero wala pa siyang nasisimulang gawainDahan dahan at pa unti unti siyang umalis sa pagkakadagan kay Zach na sobra ang kapit sa kaniya, ang dalawang malalaking kamay nito kasi ay nakakulong sa kaniyang bewang at sa kaniyang dibdidb nakapatong ang isa, natigilan pa siya ng biglang gumalaw ang binata at binalik siya sa dati nitong puwesto kung saan yumakap ulit ang kamay ng binata sa kaniya "Where are you going?" malalim ang boses na tanong ng binata at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg, mukhang wala itong balak na paalisin siya sa puwesto "Magpapalit ako ng napkin" sagot niya at ilang minuto pa bago siya pinakawalan ni Zach, bumuntong hininga siya at umalis sa kama "Bumalik ka agad" pahabol pa nito ng maka-alis siya r
Hindi mapakali si Jhaira habang nag-aayos sa kwarto. Magisa siya ngayon sa condo dahil late siyang nagising at si zach ay nauna nang pumasok, nag iwan ito ng pagkain na niluto nito para sa kaniya at ng sticky note na may nakasulat na 'Enjoy your breakfast, don't forget to answer my calls tatawag ako. I will miss you but I'll be back'Iyon ang nakasulat pero wala na syang oras para enjoyin ang niluto nito at kiligin sa note na iniwan ng lalaki dahil kailangan niyang magpunta sa kompanya ni Zach ngayon, siguro dahil sa kinimkim niyang sakit kagabi ay napa sarap ang tulog niya at nakalimutan ang kailangang gawin ngayong araw. Hindi niya nakalimutan ang sinabi ng ama kagabi, kailangan niyang maipakita na nagmamakaawa siya kay Zach upang ibalik siya bilang sekretarya nito sa kompanya, walang siyang plano kung paano gagawin ang lahat lalo na dahil alam niyang iuutos sa kaniyang tulungan si Diane upang may mangyaring pagtatalik sa pagitan nila ni Zachary, hindi niya ata kayang makita na may
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jhaira ng bumalik sa bahay ng ama niya at kamay na dumapo sa pisngi niya ay galing din sa kaniyang ama na naghahasik sa galit "Wala ka na talagang ginawa kundi kawalang kwenta, ang utos ko ay magmakaawa kay Zachary na ibalik ka niya bilang sekretarya niya pero mas pinagtutuonan mo ng pansin si Arjay. Ikakasal na si Diane kay Arjay sa susunod na linggo" galit na sigaw ng tatay niya "P-pa nandoon ako sa kompanya para kay Zachary nilapitan lang ako ni Arjay, hindi ako ang lumapit sa kaniya" sinubukan niyang magpaliwanag pero kinontra siya ni Risa "Sinungaling nakita ko kung paano mo hinawakan si Arjay at sa harapan pa talaga ng banyo Jhaira, hindi ka na nahiya may fiance na yung tao" nandidiring ani ni Risa at mas lalong nagpuyos sa galit ang ama niya Napahiyaw siya ng isang malakas na sampal ang muling dumapo sa kaniyang pisngi, dahilan para mapa-atras siya. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya pero
Pagdating niya sa kompanya ay mukhang nagkakagulo na nga ang mga tao roon, mabuti nalang at nakadaan siya sa isang hallway na walang masyadong tao at duon nakasalubong ang kaibigan niya"Nasaan si Zach?" Tanong niya rito "Nasa opisina niya. Saka bakit ngayon ka lang?" Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong nito at nagtungo sa may opisina ni Zach, mabuti nalang at nakasunod si Jewel sa kaniya kaya nabantayan nito ang sino mang makakita sa kaniya sa pagpasok. Ng makapasok siya sa loob ng opisina ay nagulat siya sa eksenaNagkalat ang mga papeles at mga ballpen saka folder sa sahig habang si Zach ay may kausap sa cellphone "Fvck Lythan hanapin mo ang asawa ko sa kahit saang sulok ng mundo, magbabayad ako kahit ilang milyon o bilyon pa yan..." Mukhang stress na stress ang lalaki habang kausap nito ang nasa kabilang linya at halatang siya ang topic ng mga ito "Zach" tawag niya at mabilis siyang hinarap ng lalakiMula sa kunot na nuo at nakakatakot na awra ay nagbago ito sa pagiging
Masaya at payapang umaga ang bumalot sa condo nila ni Zach. Habang nakaupo siya sa dining table, abala siya sa pagkain ng almusal—isang simpleng meal na gawa ni Zach mismo. He insisted na siya ang maghanda, knowing how weak she felt last night.Her appetite was back, at kitang-kita iyon sa paraan ng pagkain niya. Hindi niya napansin na mula pa kanina ay tahimik lang si Zach, nakasandal sa upuan habang mariing nakatitig sa kanya. His sharp eyes followed every little movement she made—mula sa pagkuha niya ng pagkain hanggang sa pagnguya niya.Napansin niyang may ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha, at bago pa niya iyon maalis, may mainit na kamay nang naunang humawi roon.Zach.Naramdaman niya ang banayad na pagdampi ng daliri nito sa kanyang balat habang marahang inaayos ang buhok niya. She looked at him, at nagtagpo ang mga mata nila—his eyes held something she couldn't quite place, pero isa lang ang sigurado siya. He was looking at her with so much intensity.Napakurap
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng kwarto, pero ang init ng balat na bumabalot sa katawan niya ang pumipigil sa kanya para ganap na ginawin. Marahang nagmulat ng mata si Jhaira, pakiramdam niya ay parang may mabigat na bagay na nakapatong sa katawan niya—hindi naman ganun kabigat, pero sapat para pigilan siyang gumalaw nang malaya.Nanatili siyang nakahiga habang pinapakiramdaman ang paligid. Ramdam niya ang malalakas na bisig na mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang mula sa likuran, ang mainit na hiningang dumadampi sa kanyang batok na nagbibigay ng banayad na kiliti. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino iyon—dahil alam na alam na ng puso niya kung kaninong bisig siya nakakulong.Si Zach.Dama niya ang init ng katawan nito, ang matitigas na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran. Ang isang braso nito ay nakaipit sa ilalim ng kanyang ulo, habang ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang ayaw siyang pakawalan kahit pa sa gitna ng pagt
Napuno ng init at tamis ang gabing iyon.Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto, tanging ang mahinang tunog ng keyboard at ang paminsang buntong-hininga ni Jhaira ang pumupuno sa espasyo. Malalim ang kunot ng kanyang noo habang sinusuri ang mahahabang dokumentong ipinasa sa kanya kanina.Mula nang maupo siya bilang CEO, halos hindi na siya magkanda-ugaga sa dami ng kailangang pag-aralan. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang magpatakbo ng isang malaking kompanya. Alam niyang magiging challenging ito, pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang ama.Bumuntong-hininga siya at marahang hinilot ang kanyang sintido. Kanina pa masakit ang kanyang ulo, pero hindi siya pwedeng tumigil. Hindi ngayon.Bigla na lang niyang naramdaman ang isang mainit at matigas na katawan na dumikit sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapatalon nang may dumaan na braso sa kanyang bewang, mahigpit na yumakap sa kanya mula sa likod. Isang pamilyar na
Umaalon ang dibdib ni Jhaira habang pinagmamasdan niya kung paano pilit na nagpupumiglas sina Risa at Diane habang isinasakay ng mga pulis sa kanilang patrol car. Sa kabila ng kanilang pag-aalma, wala silang magawa — naka-posas na ang dalawa, at ang mga pulis ay walang balak palampasin ang kanilang mga kasalanan.Malamig na sumunod si Jhaira sa loob ng conference room, ramdam ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya. Kasabay ng mga bulungan ay ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa silid. Mula sa mga investor na kanina lamang ay nakangiti at pumapalakpak kay Risa, ngayon ay puro pagdududa na ang kanilang mga mukha.Biglang tumayo ang isa sa mga pinakarespetadong investors — isang matandang lalaki na may presensya pa lang ay nagbibigay na ng awtoridad. Malamig at mabigat ang tono ng boses nito nang magsalita."Ms. Jhaira, I’m afraid you have no right to claim the CEO position just like that."Matiim ang tingin nito sa kanya, bakas sa ekspresyon nito na hindi siya sang-ayon sa pagkuha n
Pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo, halos manghina si Jhaira habang nakasandal sa upuan ni Zach. Ramdam pa rin niya ang kirot sa mga binti at braso niya, para bang piniga ang bawat kalamnan sa katawan niya. Napansin iyon ni Zach kaya hindi na siya pinayagang bumalik sa upuan niya sa kabilang side ng mesa.Ngayon, si Jhaira ay nakaupo sa isang maliit na upuan sa tabi ni Zach, ang kanyang mga binti ay nakapatong sa kandungan nito. Si Zach naman ay abala sa pagsusulat sa isang dokumento, hawak ang ballpen sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay abala sa pagmamasahe sa talampakan ni Jhaira.Napapapikit siya sa tuwing marahang pinipisil ni Zach ang masakit niyang binti. Dama niya kung paanong bawat hagod ng mga daliri nito ay tila unti-unting pinapawi ang sakit."Masakit pa ba?" tanong ni Zach, hindi inalis ang tingin sa mga papeles sa harapan niya."Medyo," mahinang sagot ni Jhaira, napangiti siya nang bahagya."That's what you get for teasing me kanina," ani Zach, m
Sa loob ng opisina na dating pagmamay-ari ng ama ni Jhaira, nanatiling tahimik ang paligid maliban sa mahihinang pag-click ng ballpen ni Risa habang naglalaro ito sa daliri niya. Nasa likod siya ng malaking mesa — ang mesa ng dating boss — habang ang mga papeles ay nakakalat sa harapan nila.Si Diane naman ay nakaupo sa isang gilid ng mesa, may hawak na baso ng wine na tila pang-relax lang sa kanya. Sa kabilang banda, ang Lolo ni Zach ay kampanteng nakaupo sa malambot na armchair malapit sa bintana, hawak ang isang baso ng whisky na bahagyang niyayanig sa kanyang kamay. Ang malamig na ngiti nito ay tila nanunukso habang pinagmamasdan si Risa."Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang mga pulis ng ganun kadali," pabirong sabi ni Diane bago uminom sa kanyang baso."Pera lang naman ang kailangan," sagot ni Risa, halatang may yabang sa boses niya. "Kung wala kang pera, wala kang laban. Simple.""Simple?" singit ng Lolo ni Zach, ibinaba nito ang baso ng whisky sa maliit na lamesa s
Malalim ang gabi nang sa wakas ay nakatulog si Jhaira tahimik si Zach sa tabi niya na mariing pinagmamasdan ang pagtulog ng dalaga... Nakahaplos ang kamay ni Zach sa bewang at likuran niya kaya mas naging mahimbing ang pagtulog ni Jhaira Mariing pumikit si Zach at hinalikan ang nuo ni Jhaira, mukhang kailangan na niyang gumawa ng aksiyon para matigil na ang pangangahas ng lolo niya sa relasyon nila ni Jhaira"I will make them pay" Sa gabing din iyon, umalis ng tahimik si Zach sa kuwarto ni Jhaira. Kailangan niyang I secure ang lola niya na ngayon ay nagpapagaling na sa hospital, hindi niya alam kung ano ang maaring gawin ng lolo niya kaya kailangan niyang ingatan lahat ng minamahal niya sa buhayPagmulat ng mga mata ni Jhaira, parang mas maliwanag ang paligid kaysa dati — hindi dahil sa araw, kundi dahil parang malinaw na sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin."Hindi puwedeng ganito lang 'to matatapos..." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame.Mabilis siyang bumangon,
Tatlong araw na ang lumipas, pero parang isang siglo na ang nararamdaman ni Jhaira. Hindi na niya alam kung umaga ba o gabi na. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang imahe ng Papa niya — ang boses nito, ang tawa, pati na rin ang mga pangarap nilang dalawa na hindi na mangyayari.Nakapulupot siya sa makapal na kumot habang nakaupo sa may sofa, nakatanaw sa madilim na bintana. Sa tabi niya, naroon pa rin ang tray ng pagkain na iniwan ng isa sa mga kasambahay kanina — hindi man lang niya nagawang hawakan. Parang wala nang saysay ang lahat. Wala na siyang lakas, wala na siyang gana.Mabigat ang dibdib niya, parang may batong bumabara sa lalamunan niya. Hindi na niya kayang humagulgol tulad ng dati — ubos na yata ang luha niya.Tahimik ang buong paligid, pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sa una, hindi siya gumalaw. Akala niya isa na naman sa mga kasambahay iyon na mag-iiwan ng pagkain at aalis din kaagad.Pero nang pumasok ito sa loob, may naamoy siyang pamilyar — mabango
Mabilis na huminto ang sasakyan, halos lumipad si Jhaira palabas ng pinto bago pa ito tuluyang magpreno. Parang wala na siyang pakialam kung may masaktan siya sa pagmamadali — kailangan niyang makita si Papa.Ang malamig na hangin ay dumampi sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para palamigin ang apoy ng kaba sa dibdib niya. Isa-isa niyang nilapitan ang mga sasakyang nakasunod sa kanila — kumakatok, pilit na binubuksan ang mga pinto."Papa! Nasaan ka?!" halos pasigaw na tawag niya habang patuloy sa paghahanap. Bawat pagbukas ng pinto ay nagdadala ng panibagong pag-asa — at panibagong pagkadismaya. Iba't ibang mukha ng mga tao ang bumungad sa kanya — mga guwardiya, kasambahay, pati na rin mga taong tila hindi niya kilala — pero kahit isa, wala roon ang ama niya.Nang makita niya si Nanay Celly na bumaba mula sa isang van kasama ang ilang kasambahay, para siyang nabuhusan ng ginhawa."Nay!" Mabilis siyang tumakbo papunta rito, niyakap ito ng mahigpit na tila doon siya kumukuha ng lakas.