Ang malakas na tugtog sa club ay parang tumitibok sa katawan ni Jhaira. Parang nararamdaman niya ang sakit ng pagtataksil ni Arjay sa kanya. Si Arjay, ang lalaking mahal niya, ay ikakasal na kay Diane. Si Diane ang step-sister niya, ito ang umagaw sa kaniya kay Arjay sa tulong ng step-mother niyang si Risa ay nagawa nilang mapaghiwalay si Jhaira at Arjay. Guwapo si Arjay at nagmula sa mayamang pamilya, masakit isipin na mas pinili ni Arjay ang step-sister niya kaysa sa kaniya"Isa pa please" aniya at nag order pa sa bartender ng inumin, kailangan niyang alisin ang sakit sa puso niya at tanging ang alak lang ang kayang makakatulong sa kaniya"Ma'am nakadalawang bote na po kayo" ani ng bartender pero sinungitan niya ito at tinignan ng masama"Bigyan mo nalang ako, wag mo akong pakialam sa gusto kong gawin" pagsusungit niya at napapakamot na ginawa ng bartender ang ginawa niyaHabang naghihintay ay hindi niya mapigilang mapaluhaPatay na ang nanay niya at tanging tatay niya nalang ang me
Ilang mura na ang pinakawalan ni Jhaira sa isipan habang papunta siya sa bahay ng tatay niya, paano kasi ay nakalimutan niya ang kaniyang ID sa hotel ng club. Nagmamadali siyang umalis kanina habang tulog pa ang lalaki at hindi nga ito nagbibiro ng sabihin niyang hindi siya palalakarin dahil kinailangan niya pang magtawag ng staff sa club para tulungan siyang maka-alis, sa huli pinasakay siya sa wheelchair at hiyang hiya siya roon"Ma'am okay lang po kayo?" Tanong ng taxi driver ng mahuli siya nitong binabatukan ang sarili, nahihiya siyang tumawa"O-okay lang po, masakit lang ang ulo" aniya at tumango itoPinapapunta siya ng tatay niya dahil may family gathering daw, ngayon kasi magkikita kita ang pamilya ni Diane at ang pamilya ni Arjay para pag-usapan ang tungkol sa kasal, iniisip niyang sinasadya ni Diane na ipatawag siya sa tatay niya para painggitin siya pero hindi niya ipapakita iyon, minahal niya si Arjay oo, pero hindi ganon kalalim ang pagmamahal niya kay Arjay"Ma'am andito
Nagsitayuan ang balahibo niya sa sinabi nito, ang akala niya ay magiging okay na pagkatapos umalis ni Zachary pero mukhang walang balak si Diane na pakawalan siya agad"Aray ano ba" inis niyang ani ng bigla siya nitong hinablot sa braso at masamang pinakatitigan, pinantayan niya ang titig ng kaniyang step-sister. Kung dati ay palagi siya nitong inaalipin at inaabuso pwes ngayon ay hindi siya aatras, natuto na siya sa mga ginawa ng mga ito sa kaniya"Bingi kaba? Hindi ba't sinabi na sayo ni mommy na huwag na huwag kang gagawa ng eksena, akin ang gabi na ito at kung sinusubukan mong agawin ulit saakin si Arjay pwes nagkakamali ka, sa susunod na buwan na ang kasal namin at hindi mo na siya maagaw pa saakin" matigas na ani ng dalaga sa kaniya, nawala ang mahinhin na Diane na nakikita niya lang kanina sa may hapagkainan kasama ang mga magiging biyenan nito Akmang magsasalita siya para sagutin ang step-sister niya pero dumating si Arjay"Babe, hindi kapa ba tapos? hinahanap ka na nila momm
Napalunok si Jhaira habang pinagmamasdan siya ni Zach sa kaniyang kinatatayuan, namumula mula ang pisngi ni Zach at dahil iyon sa kagagawan niya. Sinampal niya kanina ang lalaki pagkatapos nitong utusan siyang paghubadin "Hindi ba puwedeng si Arjay ang maging Vice President ng kompanya Zachary? Come on, pamangkin mo ang anak ko pagbigyan mona" boses ng mommy ni Arjay iyon na nakikiusap kay Zach "Mom, it's okay bagong araw palang ni tito sa kompanya wag na muna natin siyang stress-in" ani ni Arjay at inalalayan ang mommy nito Kasalukuyan sila ngayong nasa loob ng opisina ni Zach kasama si Arjay ang mommy nito at si Diane na kanina pa masama ang titig sa kaniya "No means no Deth, ako ang CEO ako ang masusunod" matigas na sagot ni Zach "kung wala na kayong sasabihin pa, umalis na kayong lahat" utos pa nito Walang nagawa ang tatlo, sa huli bagsak ang balikat ng mga itong umalis at nagtungo palabas ng opisina. Sumunod siya sa kanila at akmang lalabas na rin ng magsalita bigla si Z
Pinagmasdan ni Zachary ang Resignation letter na ibinigay ni Jhaira sa kaniya, naka envelope ito at maayos na naka sealed. Pero imbes na basahin ay hindi na niya inabala ang sarili na buksan o basahin man lang ito "Are you sure about this?" Tanong ni Zach at pinagmasdan si Jhaira na nakatayo sa harapan niya Marahang tumango ang dalaga, nilalaro niya ang kamay at nagbabakasakali na tanggapin ito ni Zach "Anong rason?" Tanong muli ni Zach at tumayo, napasinghap siya ng maglakad ito papalapit sa kaniya at matiim siyang pinagmasdan "U-uh m-may--- ahmm... May problema sa bahay, kailangan-- ahm mag stay at home na ako magiging call center a-at gusto kong sa bahay lang nag tra-trabaho" halos hindi malinaw ang kaniyang rason na ibinigay, wala siyang maisip na maayos na dahilan para sa kaniyang pag re-resign Napalunok siya ng isandal siya ni Zach sa lamesa at iniharang nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, nag-iwas siya ng tingin at ilang beses na lumunok"Iyon lang?" Koment
"Hindi ba dapat ay magpasalamat ka saakin? Niligtas ko ang future mo sa matandang iyon"Napanguso si Jhaira sa sinabi ni Zachary "Hindi mo naman kailangang gawin pero salamat" ani niya Nakaupo ngayon si Zach sa harapan niyang couch at matiim na nakatitig sa kaniya, hindi mapigilang maglakbay ang mata ng binata sa kabuuan ni Jhaira. Hindi niya maiwasang alalahanin ang itsura nito nuong unang pagkikita nila at nakatalik niya itoTumikhim si Zach, ramdam niya ang pagtigas ng pagkalalaki dahil sa naiisip "So ano ng plano mo ngayon? Hindi kaba babalik sa kompanya ko?" Tanong ni Zach at hinaplos ang sariling labi Napakagat ng labi si Jhaira, wala naman na siyang ibang kailangan pang gawin pero hindi naman masama ang offer nito"P-pag iisipan ko pa, sa ngayon uuwi muna ako" ani niya "Sa bahay ko" Ani ni Zach na nagpataas ng kaniyang kilay "Simula ngayon uuwi kana sa bahay ko dahil asawa na kita, hindi magandang tignan na magkaibang bubong naninirahan ang mag-asawa" Napalunok siya ng il
Dapat ay paalis na si Jhaira pero dahil kadarating ng mag tito na si Arjay at Zachary ay kailangan niya munang magpakita ng respeto sa mga ito "Zachary hindi ko akalain na sasamahan mo pa ang son-in-law ko papunta rito, salamat at bumisita ka ulit saamin" ang tatay niya ang sumalubong sa kanila Ilang segundong tumigil ang mata ni Zachary sa kaniya at para siyang nakamatis dahil sa pamumula ng mukha, kakaiba kasi ang titig ng binata sa kaniya. Ganoong ganoon ang tingin nito nuong nasa kama sila sa bar sa unang pagkikita nila "Gusto ko ding makilala pa ang pamilya ng fiancee ng pamangkin ko kaya sumama ako" kaswal ang boses ni Zachary "Huwag kayong mag-alala, nasa mabuting kamay si Arjay. Isa pa maalaga ang anak naming si Diane, tinuruan ko kaya itong maging mabuting asawa para kay Arjay" nakisali pa pati si Risa na pinagyayabang si Diane "Nice to meet you ulit, ako si Diane ang soon-to-be wife ni Arjay" Inabot ni Diane ang kamay ni Zachary, pinagmasdan niya kung paano tinanggap
Nanghihina ang mga hita ni Jhaira habang papunta sa banyo, iniwan niya roon ang mga tao sa lamesa dahil sa takot na baka makita ni Risa ang nangyayari sa ilalim ng lamesaRamdam niya ang pagkabasa ng kanyang panty dahil sa ginawa ni Zachary kanina, mabuti nalang at naisip niyang paraan ang pagdadahilan na umihi dahil kung naroon parin siya ngayon ay baka iba na ang nagaganap sa pagitan ng daliri ni Zach at ng kaniyang pagkababae. Mabilis niyang inayos ang sarili sa loob ng banyo, kailangan na niyang umalis bago pa may mangyaring hindi niya aasahan"Jhaira puwede ba tayong mag-usap?" Nagulat siya ng makita si Arjay sa labas ng banyo, mukhang kanina pa siya hinihintay ng binata rito, nilingon niya ang paligid at baka kasama nito si Diane pero mukhang mag-isa lang nitong pumunta"Arjay wala na tayong dapat pang pag-usapan" ani niya at sinubukan itong iwanan mag-isa pero hinila siya ng ex-boyfriend niya "Totoo bang nag-asawa kana? Ganon ba kadali sayo na kalimutan ang mga pinagsamahan n
Pagdating niya sa kompanya ay mukhang nagkakagulo na nga ang mga tao roon, mabuti nalang at nakadaan siya sa isang hallway na walang masyadong tao at duon nakasalubong ang kaibigan niya"Nasaan si Zach?" Tanong niya rito "Nasa opisina niya. Saka bakit ngayon ka lang?" Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong nito at nagtungo sa may opisina ni Zach, mabuti nalang at nakasunod si Jewel sa kaniya kaya nabantayan nito ang sino mang makakita sa kaniya sa pagpasok. Ng makapasok siya sa loob ng opisina ay nagulat siya sa eksenaNagkalat ang mga papeles at mga ballpen saka folder sa sahig habang si Zach ay may kausap sa cellphone "Fvck Lythan hanapin mo ang asawa ko sa kahit saang sulok ng mundo, magbabayad ako kahit ilang milyon o bilyon pa yan..." Mukhang stress na stress ang lalaki habang kausap nito ang nasa kabilang linya at halatang siya ang topic ng mga ito "Zach" tawag niya at mabilis siyang hinarap ng lalakiMula sa kunot na nuo at nakakatakot na awra ay nagbago ito sa pagiging
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jhaira ng bumalik sa bahay ng ama niya at kamay na dumapo sa pisngi niya ay galing din sa kaniyang ama na naghahasik sa galit "Wala ka na talagang ginawa kundi kawalang kwenta, ang utos ko ay magmakaawa kay Zachary na ibalik ka niya bilang sekretarya niya pero mas pinagtutuonan mo ng pansin si Arjay. Ikakasal na si Diane kay Arjay sa susunod na linggo" galit na sigaw ng tatay niya "P-pa nandoon ako sa kompanya para kay Zachary nilapitan lang ako ni Arjay, hindi ako ang lumapit sa kaniya" sinubukan niyang magpaliwanag pero kinontra siya ni Risa "Sinungaling nakita ko kung paano mo hinawakan si Arjay at sa harapan pa talaga ng banyo Jhaira, hindi ka na nahiya may fiance na yung tao" nandidiring ani ni Risa at mas lalong nagpuyos sa galit ang ama niya Napahiyaw siya ng isang malakas na sampal ang muling dumapo sa kaniyang pisngi, dahilan para mapa-atras siya. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya pero
Hindi mapakali si Jhaira habang nag-aayos sa kwarto. Magisa siya ngayon sa condo dahil late siyang nagising at si zach ay nauna nang pumasok, nag iwan ito ng pagkain na niluto nito para sa kaniya at ng sticky note na may nakasulat na 'Enjoy your breakfast, don't forget to answer my calls tatawag ako. I will miss you but I'll be back'Iyon ang nakasulat pero wala na syang oras para enjoyin ang niluto nito at kiligin sa note na iniwan ng lalaki dahil kailangan niyang magpunta sa kompanya ni Zach ngayon, siguro dahil sa kinimkim niyang sakit kagabi ay napa sarap ang tulog niya at nakalimutan ang kailangang gawin ngayong araw. Hindi niya nakalimutan ang sinabi ng ama kagabi, kailangan niyang maipakita na nagmamakaawa siya kay Zach upang ibalik siya bilang sekretarya nito sa kompanya, walang siyang plano kung paano gagawin ang lahat lalo na dahil alam niyang iuutos sa kaniyang tulungan si Diane upang may mangyaring pagtatalik sa pagitan nila ni Zachary, hindi niya ata kayang makita na may
Pinagmasdan ni Jhaira ang mahimbing na postura ni Zach habang nasa kama sila, kanina lamang ay naabutan niya itong natutulog sa kaniyang bewang at ngayon nakadagan na ito sa kaniya habang tulog na tulog. Bumuntong hininga siya at naabutang malapit ng mag alas singko pero wala pa siyang nasisimulang gawainDahan dahan at pa unti unti siyang umalis sa pagkakadagan kay Zach na sobra ang kapit sa kaniya, ang dalawang malalaking kamay nito kasi ay nakakulong sa kaniyang bewang at sa kaniyang dibdidb nakapatong ang isa, natigilan pa siya ng biglang gumalaw ang binata at binalik siya sa dati nitong puwesto kung saan yumakap ulit ang kamay ng binata sa kaniya "Where are you going?" malalim ang boses na tanong ng binata at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg, mukhang wala itong balak na paalisin siya sa puwesto "Magpapalit ako ng napkin" sagot niya at ilang minuto pa bago siya pinakawalan ni Zach, bumuntong hininga siya at umalis sa kama "Bumalik ka agad" pahabol pa nito ng maka-alis siya r
Naiwang mag-isa si Jhaira sa condo ni Zach matapos silang mag-agahan. Halos late na ng pumasok si Zach pero mukhang wala itong pakialam sa kung anong oras siya papasok, wala pa nga itong balak kanina na magpalit kung hindi niya lang ito pina alalahanan. Inabala niya nalang ang sarili sa pag-aayos sa condo ni Zach dahil wala siyang magawa, sa totoo ay maayos at malinis ang condo kaya pinakialaman niya nalang ang mga gamit niya para ayusin itong muliTanghali na ng matapos niya ang mga gagawin at wala na siyang maisip na pagkakaabalahan, bukod sa hindi na siya sekretarya ni Zach ay wala na rin siyang ibang trabaho pa. Para hindi mabaliw mag-isa sa condo ay i chinat niya si Zach pero nagulat siya ng makitang nag chat pala kanina sa kaniya ito Zachary: Kumain kana? Tumikhim siya bago nagtipa ng sagot ritoMe:Hindi pa, kakain palang ako Hindi naman naging matagal at nag reply din ang asawa niya Zachary:Don't bother tiring yourself to cook, nagpa deliver ako ng food sa condo Nanlaki
Hindi mapakali si Jhaira sa sala habang nag-uusap ang mag-lola sa may kusina, hindi niya marinig ang pinag-uusapan nila pero nakakarinig siya ng ibang lenguwahe na sa pagkakaalam niya ay spanish. Nanginginig ang kamay niya sa hindi malaman na kadahilanan, muli siyang lumunok at sumulyap sa kusina hanggang sa tuluyang lumabas doon ang mag lolaMabilis siyang napatayo at nakitang mukhang normal lang ang pag-uusap ng dalawa, tinabihan siya agad ni Zach at nagulat ng bigla nitong hilain ang bewang niya. Napunta roon ang tingin ni Mrs Olsen at sinulyapan silang dalawa bago nagsalita "Aalis na ako and before I go, thank you Jhaira for helping me kagabi. Kung wala ka roon ay baka sa kalsada na ako nawalan ng buhay. Take care of my apo" "W-what? anong ibig sabihin non Lola? anong sa kalsada nawalan ng buhay? what happened?" sunod sunod na tanong ni Zach sa Lola niya pero hindi siya nito pinansin at nagtuloy tuloy na lumabas ng condo hanggang sa maiwan silang dalawa sa loob, binalingan siya
Hindi napaghandaan ni Jhaira ang pagdating ng dalaw niya kaya naman namimilipit siya sa sakit ng puson habang nakahiga sa kama, balot na balot ang katawan niya ng kumot dahil pakiramdam niya lamig ang dahilan kung bakit sobra sobra ang sakit na nadarama ng puson niya, parang hinahati ang kaniyang katawan "Fvck what do you mean? namimilipit na siya sa sakit and you think this is normal? doktor ka dapat alam mo ang tungkol dito" Boses iyon ni Zach na mukhang ngayon ay kaaway na ang doktor na kausap nito sa cellphone, kanina pa ito aligaga at hindi mapakali dahil sa nararamdaman niya. Kaunti nalang at tatawag na ata ng ambulansya ang binata. May hawak si Jhaira na hotcompress sa kaniyang puson pero hindi parin ito nakatulong kaya tumawag na ng doktor si Zach pero mukhang maghahasik pa ito ng gulo "Masakit parin?" Napamulat siya ng mata sa malambing na boses ni Zach, lumuhod ito sa tabi ng kama at mukhang nahihirapan na pagmasdan ang kondisyon niya. Halatang hindi ito sanay na alagaan a
Ang akala ni Jhaira ay dadalhin siya ni Zach sa kuwarto pero sa kusina ito dumiretso, pinaupo siya nito sa counter "Stay here while I cook" ani ng binata at nagsimulang gumalaw sa kusina, hindi na siya nakapagreklamo dahil malaya niyang napagmamasdang gumalaw ang lalaki. Idagdag pang fitted ang suot na t shirt ngayon ni Zach na tanging naiwan sa pang itaas nito. Iskiladong gumalaw ang binata habang nagluluto, mukhang nasanay ito sa kusina kaya malaya nitong naipapakita ang galing niya sa mabilis na paghiwa ng mga rekados. Seryoso ang mukha nito habang nagluluto "How was it?" Iyon ang bungad na tanong ni Zach ng matapos siyang magluto at ipatikim ito kay Jhaira, hindi naman nadismaya ang dalaga dahil agad niyang natikman ang linamnam ng niluto ni Zach. Para itong mga pagkain na natikman niya sa mamahaling restaurant, puwede ng maging chef si Zach' iyon ang nasa isipan niya pero tanging tango ang nasabi niya dahil sa sarap ng natikman "Saan ka natutong magluto?" Wala sa sariling tan
"M-Mrs O-Olsen ano pong n-nangyari?" hindi mapakali si Jhaira habang pinagmamasdan ang matandang olsen sa loob ng kotse na naghahabol ng hininga, bigla siyang kinabahan ng makitang nahihirapan ang matanda "T-t-tulong" halos hindi mabigkas ng matanda ang salitang ito Hindi na nagdalawang isip si Jhaira at pumasok sa sasakyan, hindi siya masyadong marunong mag maneho ng sasakyan pero kailangan niya itong gawin lalo na dahil nahihirapan ngayon ang matandang Olsen sa kanyang harapan"S-sandali lang po d-dadalhin ko kaya sa hospital" kahit siya ay hindi na makahinga ng maayos sa nangyayari ngayon, hindi siya makapaniwalang ganito ang madadatnan niya paglabas ng bahay, ang akala niya kasi ay nasa loob pa ng bahay at kumakain ang matandang Olsen Mabilis ang kaniyang pagmamaneho sa sasakyan ng matanda habang nasa passenger seat ito at naghahabol ng hininga, mabuti nalang at naturuan niya ang sarili nuon paano mag drive in case ng emergency, mabuti nalang din at kaunti lang ang mga sasakyan