"I'll get going now, I'll call you later so don't ignore your phone. Sleep tight" Inaantok pa si Jhaira pero narinig niya ang mga sinabi ni Zach habang tulog siya at ang paghalik nito sa kaniyang pisngi at nuo, bago ito umalis ay inayo nito ang kumot sa katawan niya at nagpatuloy na sa pag-alis. Maayos na sanang makakabalik sa mahimbing na pagtulog si Jhaira ng biglang mag-ingay ang doorbell ng condo ni Zach dahilan para magising siya art maalimpungatan, sinubukan niyang bumalik sa pagtulog pero ayaw tumigil ng nasa labas Walang choice si Jhaira kung hindi tumayo at buksan ang pintuan kahit na inaantok pa siya at suot suot ang mahabang damit ni Zach,magulo ang kaniyang buhok pero hindi niya ito alintana. Pagbukas ng pintuan ay agad niyang pinagsisihan "M-Mrs. O-Olsen?" muli hindi siya makapniwalang pinagmasdan ang lola ni Zach na nakatayo sa harapan ng kanilang condo, pangalawang beses niya itong nakita sa harap ng condo at sa parehong pagkakataon na kagigising niya mula sa tulog
Pagdating nila ng mall ay halos lahat ng tao's nababali ang leeg para lang lingunin sila, bukod sa 4 na guard na nakapaligid sa kanila ay kasama din nila ang tatlong katulong ng matanda kaya't agaw pansin sila sa mga tao Nakasunod lang naman siya kay Mrs. Olsen habang pilit na nagtatago para walang makakilala sa kaniya, nakarating sila sa second floor kung saan walang masyadong gaanong tao. Ang akala niya ay ligtas na siya sa pagkakataong iyon pero hindi pa pala "Lola" boses iyon ng walang iba kung hindi ng kaniyang step-sister na hindi niya inaakalang makikita niya rito "Nandito po pala kayo, ano pong ginagawa niyo rito at sinong kasama ninyo?" may galak ang boses ni Diane ng lapitan niya ang matanda pero sa paglapit niya ay nakita niya ang pigura ni Jhaira sa likuran ni Mrs. Olsen at doon nagbago ang kaniyang ekspresyon "I should be the one asking you that, what are you doing here?" malamig ang boses ni Mrs. Olsen na tinanong si Diane, napasulyap pa ito sa hawak niyang wine na ma
Umalis si Diane pagkatapos ng sinabi ng matanda at doon nagsimulang umimik si Mrs. Olsen, mukha ngang mas naging komportable pa ito ng maka-alis ang kaniyang step-sister "That'll look good on you-- Miss paki pack na din ito" Nanlaki ang mata ni Jhaira ng marinig ang boses ng matanda, hawak hawak niya kasi ang isang jacket na mukhang mamahalin at pinagmamasdan lang ito pero inakala ata ni Mrs. Olsen na natitipuhan niya ito "H-hindi po Lola----"Hindi niya natapos ang sasabihin"Also pack some lingeries for her yung mga sexy please, Inday bayaran mo na sa counter ang mga nakuha natin", utos ng matanda kaya napakagat siya ng labi "A-ang dami niyo na pong binili saakin Lola" nahihiya niyang ani habang hinihintay nilang mabayaran ang mga damit "What do you mean by madami? My dear we're still not done pupunta pa tayo sa kabilang store para sa mga bags and sandals mo" Halos mahulog ang panga niya sa sinabi nito, hindi niya tuloy alam kung sinong mas mayaman sa kanilang dalawa ni Zach d
Dumaan ang ilan pang araw at hindi na tuluyang natanong ni Jhaira ang tungkol sa message ni Diane kay Zach nuon na halik hanggang sa biglang may tumawag sa kaniyaIyon ay walang iba kung hindi si Jewel at mukhang may nasagap na naman"Anong balita?" Bungad niya dahil alam niyang may nabalitaan na naman ang kaibigan niyaHindi na siya nakakapunta pa sa kompanya dahil hindi naman na masyadong pumapasok si Zach sa trabaho, minsan pa ay kapag pumapasok ito umuuwi din kaagad para makasama siya. Tinatanong niya tuloy kung may ginagawa ba ito sa kompanya dahil parang wala itong pakialam sa kompanya nito "Shocking ang bagong news baka magalit ka" "Ano yun?" Abala siya sa pag tutupi ng mga damit kaya mas lalo siyang na intriga "Last week nasira yung cctv sa labas ng opisina ni Sir Zach pero kanina lang na recover yung camera nung cctv at pag check namin ng mga videos doon nakita namin ang step-sister mo at si Sir Zach, alam mo ang nangyari sinubukang halikan ni Diane si sir pero tinulak niy
Maagang natulog si Jhaira dahil sa pag-iyak kanina, nasa tabi niya lang si Zach na gising pa at may hinihintay na tawag. Hinahaplos haplos ng kamay niya ang malambot na pisngi ni Jhaira habang ito ay natutulogHabang pinagmamasdan ito ay hindi niya mapigilang mainis sa mga taong nanakit rito, napaka inosente ni Jhaira para sa mundo at may mga taong kaya paring saktan ang taong katulad niya. Madaming bumabagabag sa utak ni Zach sa pagkakataong iyon kaya nagtungo muna siya sa tabi ng kama kung saan naroon ang iba niyang gamit, nagsalin siya ng alak sa baso at pinagmasdan ang madilim na paligid mula sa glass window. Tanging mga ilaw galing sa baba lang ang kaniyang nakikita Saktong pag-ubos niya ng alak sa baso ay ang pag-ingay ng kaniyang cellphone, ito ang hinihintay niyang tawag. Dahan dahan niyang kinuha ang cellphone at sinagot ito, muli siyang nagsalin ng alak habang nakikinig sa kausap"How's it going?" Tanong niya sa matigas na Ingles "Sir confirmed po, the test results are 99.
"A-Anong...." hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng halikan siya sa labi ni Zach para mapatahimikMakikita sa kaniyang mga mata ang pagkabahala lalo na dahil hindi niya alam ang plano ni Zach, hinaplos ni Zach ang kaniyang pisngi at pinakita ang mapanatag na ngiti "Just trust me baby" ani ni Zach at hinila ang bewang nito para maglakad papasok Ilang ulit na lumunok si Jhaira habang kasama si Zach sa tabi nito, halata ang kaba sa kaniya habang nasa kaniyang bewang ang kamay ni Zach. Humahaplos iyon sa kaniyang bewang upang pakalmahin siya at minsan ay pinapatakan ng halik ng lalaki ang kaniyang nuo para ipakitang hindi siya nag-iisa Marami ang napapasulyap sa kanilang dalawa lalo na dahil magkasama silang dalawa, mas lalong dumagdag ang kaba ni Jhaira dahil nakikita niya ang bulungan ng iba habang pinagmamasdan sila. Nakarating sila sa mismong spot kung saan naroon ang mga tao at duon na tumambol ang puso niya, nakita niya hindi kalayuan ang kaniyang pamilya. Masayang nakikip
What do you mean by that, Zachary?” boses ni Jael, puno ng galit at pagkalito. Ang kanyang mga mata ay sing-init ng apoy habang nakatingin sa lalaking hindi nagpatinag.“I don’t know, why don’t you find it yourself,” ngumisi si Zach at inalalayan si Jhaira na makaupo sa tabi niya.“What is that, Zach?” tanong ni Mrs. Olsen, puno ng pagtataka habang sinusubukang basahin ang reaksyon ng apo niya. Ngunit ngumisi lamang si Zach, halatang nasisiyahan sa tensyon na unti-unting bumalot sa paligid.“Aren’t you cold, baby?” tanong ni Zach kay Jhaira nang mapansin ang bahagyang panginginig nito.“Hindi naman,” mahinang sagot ni Jhaira, ngunit hindi niya maitago ang kaba sa kanyang boses. Hinaplos ni Zach ang braso niya at inusal, “Don’t be scared, okay? Everything’s going to be fine.”Ngingiti na sana si Jhaira bilang tugon, ngunit naramdaman niya ang mga tingin ng pamilya Olsen. Halos magliyab ang mukha niya sa hiya nang marinig ang mga bulong sa paligid.“Hindi man lang sinabi ni Zach na may
Magang-maga ang mata ni Jhaira kakaiyak, kasalukuyang nakaupo siya sa gilid ng kama sa condo ni Zach. Napalilibutan siya ng katahimikan, ngunit tila lalong bumibigat ang kanyang dibdib sa bawat sandaling dumadaan. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sunod-sunod na rebelasyon sa kanyang buhay.Hindi niya lubos maisip na siya pala ang tunay na anak ng kanyang ama—isang katotohanang itinatago sa kanya ng mga taong akala niya ay magmamahal sa kaniya tulad ng isang pamilya. Sa halip na maipagmamalaki siya, pakiramdam niya'y isa siyang pasanin. Ngayon, malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit gustong-gusto siyang palayasin nila Risa sa bahay—dahil siya ang tunay na anak, at si Diane, ang anak na itinuring na perpekto, ay hindi naman pala tunay na kadugo. Ramdam niya ang bigat ng kawalang-katarungan. Paulit-ulit ang mga salitang binitawan ng kanyang ama kanina sa party—ang malamig, mapanakit, at hindi makatarungang akusasyon.Sa gitna ng kanyang pagluha, narinig niya ang mahina nguni
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto sa likod ng 7-Eleven, bigla akong natigilan. Parang bumagsak ang mundo ko sa sahig. Sa harap ko, isang hanay ng itim na sasakyan ang nakapila. Mga lalaking naka-black suit, may hawak na baril, at lahat nakatingin sa direksyon ko.Pero hindi sila ang bumuhay ng kaba sa dibdib ko.Nandoon siya.Ang matandang mukhang lumalamon ng galit at poot. Si Lolo ni Zach. Hindi ko man siya kilala nang lubusan, pero sa isang iglap lang ng titig niya — ramdam ko agad.Papatayin niya ako."PUTA!" sigaw niya habang mabilis akong nilapitan, mas mabilis pa sa paghinga ko. "PUTA KANG MALAS KA!"Isang sampal.Sunod-sunod. Wala akong oras para makaiwas.Sumabog ang tenga ko. Ang pisngi ko, parang tinuklap ang balat. Parang nagdilim ang paningin ko. Parang ang buong katawan ko ay nilunod ng apoy.Hinila niya ako palapit. Kinwelyuhan. Parang wala akong kwenta. Parang basura lang akong pinulot sa daan."Lahat, LAHAT NAWALA DAHIL SA'YO! DAHIL SA KALANDIAN MO!""A-ano—?"Hindi k
Hindi pa sumisikat ang araw nang maramdaman kong gumalaw ang mga pilikmata ko. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko, pero sapat na ang liwanag ng buwan sa labas para makita ko ang madilim na silweta ng kwartong kinabibilangan namin ngayon.Tahimik. Malamig ang hangin galing sa aircon, pero mas mainit ang katawan ni Zach na nakayakap sa'kin mula sa likod.Nakahiga siya, ang isang braso niya nakaakbay sa baywang ko habang ang isa nama'y nakaipit sa ilalim ng leeg ko. Hinigpitan niya ang yakap niya nang bahagya, para bang kahit sa pagtulog niya ay ayaw niya akong pakawalan.Napalingon ako. Doon ko nakita ang mukha niyang nakalapat sa unan, mahimbing ang tulog, pero halatang pagod. Namumula pa ang ilalim ng mga mata niya, may kaunting eyebags na tinatago ng makakapal niyang pilikmata. Magulo ang buhok niya, bahagyang namumula ang labi, at halatang hindi siya natulog agad kagabi.Ni hindi ko alam kung nakatulog nga ba siya ng maayos.Paano ba naman, imbes na tapusin niya 'yung mga papeles
Pinagmasdan ko kung paano iligo ni Zach ang perfume ng strawberry scent sa kanyang katawan, pati buhok niya ay ini sprayan nya rin. Halos maubos na ang bagong bottle ng pabango dahil sa pag lalagay niya rito, kulang nalang ay gawin na niya itong sabon sa katawan"Done, can I hug you now?" tanong niya ng matapos siya Naka-upo ako sa sofa habang siya ay nakatayo sa harapan ko at tinatakpan ang pinapanood kong movie. Relax na relax lang ako rito pero siya ay kanina pa problemado dahil hindi ko pinagbigyang lumapit siya saakin kanina "Lika na baby ko" ngiti ko at inilahad ang aking kamay sa kaniya Sobrang lawak ng ngiti naman niyang binato sa likuran niya ang pabango sa sahig at agad akong nilapitan. Mabilis niya akong niyakap at agad na sumubsob ang mukha niya sa aking dibdib, ang kaniyang kamay ay pumasok sa loob ng aking blouse at hinaplos ang bewang. Ayaw na ayaw talaga nito na walang mahawakang balat saakin, kailangan ay may pisikal contact sa aming dalawa kung hindi ay para na si
Lutang akong nakatingin sa kawalan habang nakayakap saakin si zach mula sa aking likuran, ang kaniyang kamay ay nakayakap sa aking bewang at ang isa ay nakahaplos sa aking tiyan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ng aking leeg Ngumuso ako at sinulyapan siya, naabutan kong pikit na ang kaniyang mata at mukhang patulog na. Humarap ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang panga "Ayaw mo na ba saakin? ayaw mo na sa katawan ko?" tanong ko, halata ang pagtatampo sa boses Paano kasing hindi ako magtatampo ay inayawan niya ang ginawa kong pan lilinlang sa kaniya, pagkatapos niyang makita ang itsura ko sa lingerie ay agad niya akong kinumutan sa buong katawan at sinabing magpalit daw ako at baka lamigin ako, ibig sabihin ay palpak ang ginawa ko. Kitang kita ko pa naman ang pagtayo ni junjun niya kanina pero sa huli, mas nagtagumpay ang kanang kamay ni zach sa loob ng cr para palabasin ang dapat palabasin kanina Ang akala ko ay tulog na siya pero bigla niyang nilapit an
Nagising ako at naabutan ang sarili sa loob ng kuwarto namin ni zach, madilim na ang ulap at mukhang natulugan ko ang pag-uwi namin kanina mula sa club ni Raven. Kinusot ko ang aking mata at napansing nakasuot na ako ngayon ng pajama pantulog, mukhang pinalitan ako ng damit ni zach kanina"Zach" tawag ko sa kaniyang pangalan at unti unting bumangon, ramdam ko ang pagkalam ng aking tiyan at ang kaunting pagkahilo ko Lumabas ako ng kuwarto at nakitang naka patay na ang ilaw sa sala at kusina kaya naisipan kong puntahan siya sa kaniyang opisina "Zach" Mapupungay ang aking matang binuksan ang kaniyang kusina at naabutan siya roonNakaupo sa kaniyang desk at nagkalat ang mga papeles sa lamesa, suot suot niya ang kaniyang specs habang seryosong nag t-type sa kaniyang lapyop. Naka white na t-shirt at simpleng blacks shorts lang ang suot niya kaya kitang kita ang kaniyang mga muscles mula ulo hanggang paa. Nag-angat siya kaagad ng tingin ng makita ako sa pintuan "Zach nagugutom ako" aniko
"Let's go home?" Mahinang bulong ni Zach sa tenga ko habang ang kamay nitoy nakapulupot sa aking bewang. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit malamig ang ihip ng hangin mula sa labas ng club. Malambing ang tono niya, pero may bigat sa boses. Lumingon ako sa kanya, may ngiting mapang-akit sa labi. "Saglit lang. Nandito na rin naman tayo, 'di ba?"Napakunot ang noo niya, pero hindi galit. Curious lang, saka 'yung parang... ina-analyze kung seryoso ba talaga ako. "You sure? Hindi ka pa pagod?."Tumango ako, sabay ngiti pa lalo. "Hindi pa."Hindi na siya nakasagot. Napailing lang siya habang hawak ko na ang kamay niya at marahan siyang hinila papasok pabalik sa loob ng club. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa Pagpasok namin, agad akong sinalubong ng tunog ng malalakas na bass, nakaka-adik na ilaw na palipat-lipat ang kulay, at 'yung halimuyak ng alak, usok, at pabangong mahal. Maraming tao ang bumungad saakin paglabas namin sa underground, ang iba ay nasa dancefloor at ang iba
Tumapos na ang laban. Mabigat ang hangin. Hindi dahil sa pawis o pagod, kundi dahil sa kung anong hindi maipaliwanag na presensya sa loob ng arena. Parang hindi lang dugo ang iniwan ni Raven sa ring—parang may tinapon din siyang bahagi ng sarili niya roon. Tahimik siyang bumaba mula sa platform. Walang lingon. Walang paki. Parang wala siyang nakita, kahit pa nagsigawan ang crowd para sa pangalan niya.Sa kabilang gilid ng bleachers, si Jhaira, tahimik lang. Hawak niya ang maliit na tubig sa kamay, pero hindi iyon ang rason kung bakit nanginginig ang daliri niya. Hindi niya alam. Pero parang may iba. Something feels off. And she felt it the moment her eyes caught the silhouette of the girl sitting alone.Maganda ito—hindi sa flashy na paraan, kundi 'yong effortless. May mga hikaw na naggagalaw sa bawat kilos niya, habang nakatingin sa ring na para bang... may pinipilit siyang ibalik.Biglang napangiwi ang babae, halos hindi halata sa una. Pero nang marinig ni Jhaira ang bahagyang impit
"Zach, tubig,"Ngumuso si Jhaira habang nilulunok ang huling kagat ng hamburger. Medyo may tumulong sauce sa gilid ng labi niya pero hindi na niya pinansin, gutom na gutom siya kanina pa.Zach glanced at her quickly, then reached for the plastic cup of water without saying a word. Hindi niya inalis ang tingin sa daan masyado, pero enough yung saglit na sulyap para malaman niyang aware siya sa lahat—kahit sa konting uhaw, kahit sa dulo ng labi niya na may sauce."Here, baby."Inabot niya iyon kay Jhaira, making sure mahigpit ang takip bago ibigay. "Drink slowly, baka maubo ka."She smiled a little and took the water. "Thanks.""You want more?"His voice was low, soft. Bago pa man siya makasagot, pinunasan ni Zach gamit ang hinlalaki niya ang gilid ng labi ni Jhaira. Dahan-dahan. Para bang ayaw niyang masaktan siya kahit sa balat."May konting sauce ka rito," he murmured, eyes flickering to her lips for a second before focusing back on the road.Jhaira giggled. "Busog na ako. Okay na 'k
Kakapihit lang ng doorknob ng banyo nang lumabas si Zach, bagong paligo at may butil pa ng tubig na dumadaloy mula sa kaniyang buhok pababa sa leeg. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya, at habang inaabot ang isa pang tuwalya para punasan ang kanyang buhok, ay napako ang tingin niya sa kama. Tumigil siya sa paglalakad.Nandoon si Jhaira.Nakabalandra sa malambot na kutson, nakatagilid pero nakabuka ang katawan, parang bata na mahimbing ang tulog. Magulo ang buhok, nakaangat ng bahagya ang laylayan ng oversize shirt niya—kay Zach din 'yon—at kitang-kita ang maputing balat na palaging kinaiinggitan ni Zach kahit araw-araw niya 'tong nakikita. Pero kahit sa gulo ng posisyon nito sa kama, hindi nawala ang ganda niya.She was a mess, but she was beautiful.Lumingon si Zach sa kanya habang pinupunasan pa ang sarili, at hindi na nakatiis. Lumapit siya ng dahan-dahan, tahimik na naupo sa gilid ng kama, saka yumuko para halikan siya sa noo. Isa pang halik sa labi na magaan, mahigpit pero puno