Hindi mapakali si Jhaira habang nag-aayos sa kwarto. Magisa siya ngayon sa condo dahil late siyang nagising at si zach ay nauna nang pumasok, nag iwan ito ng pagkain na niluto nito para sa kaniya at ng sticky note na may nakasulat na 'Enjoy your breakfast, don't forget to answer my calls tatawag ako. I will miss you but I'll be back'Iyon ang nakasulat pero wala na syang oras para enjoyin ang niluto nito at kiligin sa note na iniwan ng lalaki dahil kailangan niyang magpunta sa kompanya ni Zach ngayon, siguro dahil sa kinimkim niyang sakit kagabi ay napa sarap ang tulog niya at nakalimutan ang kailangang gawin ngayong araw. Hindi niya nakalimutan ang sinabi ng ama kagabi, kailangan niyang maipakita na nagmamakaawa siya kay Zach upang ibalik siya bilang sekretarya nito sa kompanya, walang siyang plano kung paano gagawin ang lahat lalo na dahil alam niyang iuutos sa kaniyang tulungan si Diane upang may mangyaring pagtatalik sa pagitan nila ni Zachary, hindi niya ata kayang makita na may
Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jhaira ng bumalik sa bahay ng ama niya at kamay na dumapo sa pisngi niya ay galing din sa kaniyang ama na naghahasik sa galit "Wala ka na talagang ginawa kundi kawalang kwenta, ang utos ko ay magmakaawa kay Zachary na ibalik ka niya bilang sekretarya niya pero mas pinagtutuonan mo ng pansin si Arjay. Ikakasal na si Diane kay Arjay sa susunod na linggo" galit na sigaw ng tatay niya "P-pa nandoon ako sa kompanya para kay Zachary nilapitan lang ako ni Arjay, hindi ako ang lumapit sa kaniya" sinubukan niyang magpaliwanag pero kinontra siya ni Risa "Sinungaling nakita ko kung paano mo hinawakan si Arjay at sa harapan pa talaga ng banyo Jhaira, hindi ka na nahiya may fiance na yung tao" nandidiring ani ni Risa at mas lalong nagpuyos sa galit ang ama niya Napahiyaw siya ng isang malakas na sampal ang muling dumapo sa kaniyang pisngi, dahilan para mapa-atras siya. Ramdam niya ang pamumula ng kaniyang pisngi sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya pero
Pagdating niya sa kompanya ay mukhang nagkakagulo na nga ang mga tao roon, mabuti nalang at nakadaan siya sa isang hallway na walang masyadong tao at duon nakasalubong ang kaibigan niya"Nasaan si Zach?" Tanong niya rito "Nasa opisina niya. Saka bakit ngayon ka lang?" Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong nito at nagtungo sa may opisina ni Zach, mabuti nalang at nakasunod si Jewel sa kaniya kaya nabantayan nito ang sino mang makakita sa kaniya sa pagpasok. Ng makapasok siya sa loob ng opisina ay nagulat siya sa eksenaNagkalat ang mga papeles at mga ballpen saka folder sa sahig habang si Zach ay may kausap sa cellphone "Fvck Lythan hanapin mo ang asawa ko sa kahit saang sulok ng mundo, magbabayad ako kahit ilang milyon o bilyon pa yan..." Mukhang stress na stress ang lalaki habang kausap nito ang nasa kabilang linya at halatang siya ang topic ng mga ito "Zach" tawag niya at mabilis siyang hinarap ng lalakiMula sa kunot na nuo at nakakatakot na awra ay nagbago ito sa pagiging
Nagising si Jhaira at naabutan ang posisyon niya, hiyang hiya ang mukha niya habang naka-upo sa hita ni Zach. Nasa opisina parin sila ng lalaki at nagpapahinga na lang.Katatapos lang nilang umisa kanina at nanghihina na siya "Are you dumb? I need the copy for this afternoon now, I'll fire you if you won't make it in time" galit at malamig na boses ni Zach ang narinig niya habang may kausap ito sa cellphone Gumalaw siya ng kaunti at kaagad na humaplos ang kamay ni Zach sa likuran niya "I'm sorry baby, did I wake you up?" Naging malambing ang boses nito ng tanungin siya Umayos siya ng upo at nakitang padilim na labas ng glass window "Hindi paba tayo uuwi?" Nagtataka niyang tanong at hinalikan siya ni Zach sa nuo "You're sleeping peacefully and I will wake you up kapag binuhat kita kaya hinayaan muna kitang matulog" ani ni Zach Parang may humaplos sa kaniyang puso sa sinabi nito "Let's go para makapagpahinga kana sa bahay" tinulungan siyang makatayo ni Zach bago sila nagtung
Kinabukasan ay makikita ang sanhi ng pagpupuyat ni Jhaira sa ilalim ng kaniyang mata, masakit din ang kaniyang ulo at wala na sa tabi niya si Zach. Pinagmasdan niya ng ilang saglit ang higaan ni Zach bago napagdesisyunang mag-ayos para sa umaga, kahit na masakit ang ulo ay pinilit niyang tumayo Mag-isa niya lang sa condo at walang bakas ng anino ni Zach ang naroon, nasa isip niyang mukhang maaga itong pumasok sa kompanya nito. Nagluto siya ng breakfast at uminom narin ng gamot para maibsan ang sakit ng ulo, pumapasok sa isipan niya ang nakitang message ni Diane kagabi kay Zach Sobra sobra ang pag iisip niya roon kaya hindi siya nagkaroon ng maayos na tulog, hindi niya rin naman kayang tanungin si Zach tungkol roon. Pakiramdam niya kasi ay wala siyang karapatan kay Zach, hindi sila legal at higit sa lahat kontrata lamang ang dahilan ng kanilang pagsasama. Bumuntong hininga siya at naisipang tawagan na lang si Jewel para tanungin at kamustahin ito, ilang segundo ng sumagot ang kaibiga
"S-seryoso kaba a-ang mahal nito" hindi makapaniwalang ani ni Jhaira at parang hindi makahingang pinagmasdan ang bulaklak Para itong kumikinang sa mga mata niya habang pinagmamasdan niya ito, kahit nasa malapitan ay wala paring kupas ang ganda nito. Naamoy niya rin ang mabango nitong amoy, gusto niya tuloy sampalin ang sarili dahil natutukso syang kuhanin na ito "I know that's why I got it for you-- t-thats fresh also" ibinigay niya saakin ang bulaklak at tumama ito sa aking dibdib Hindi ako makagalaw ng una pero kalaunan ay natanggap na rin ng aking utak ang nangyayari. Dahan dahan kong tinanggap ang bulaklak at tinignan si Zach, hindi ko akalain na kailangan pa niyang magpunta ng ibang bansa para lang makabili ng ganito kamahal na bulaklak dahil lang nakita niya akong tinitignan ito sa picture noon "Salamat pero hindi mo naman kailangang magpunta ng Canada mismo, puwede ka namang nag order nalang o nagpabili" sa hindi malamang kadahilanan ay nahiya ako ng titigan niya ako sa muk
"Z-zach-- ughhh sige pa ahhh" Hindi mapigilan ni Jhaira ang kaniyang mga ungol habang patuloy ang lalaki sa pagdila sa kaniyang hiyas, balot na balot ang kaniyang pagkababae ng likido ng gatas ngunit agad din itong nawawala dahil sa paglunok si Zach rito kasama ang kaniyang likido na lumalabas sa kaniyang bukana. Patuloy niyang hinihila si Zach para mas ipagdiinan ito sa gitna ng kaniyang hita at hindi man lang siya nito pinipigilan"Uhghhh" Hindi umiimik si Zach at tanging naka pokus lamang ito sa kaniyang pagkababae, hawak hawak pa nito ang kaniyang dalawang magkabilang hita para pigilan siya nitong maisara iyon. Hindi na siya ang may kontrol sa kaniyang katawan sa pagkakataon na iyon lalo na at nawawala siya sa tamang isip, naglalaho ang kaniyang utak at tanging nararamdaman lamang ang dila ni Zach sa kaniyang hiyas Ni hindi niya din alam kung saan ibabaling ang ulo at kada segundong bumubuka ang kaniyang labi para mailabas ang singhap at kaniyang ungol, umiigiting ang panga ni
Hiyang hiya parin si Jhaira habang kumakain sila sa lamesa kung saan nila ginawa kanina ni Zach ang kababalaghan, mabuti nalang at hindi naman na nagtanong pa si Celly tungkol sa gatas na nasa lamesa kanina kaya nakatakas siya sa pag rarason nito. Ngayon nag-uusap na si Zach at ang nanay niya"Ang Jhaira ko madami iyang pecture saakin lalo na nuong bata siya, meron ding isa saakin na tumatae siya sa ilog" Natigilan siya ng biglang lumiko ang kuwento ng nanay niya habang kumakain sila "N-nay naman" pagsaway niya rito at ngumuso pero hindi siya nito pinansin at nakatutok lang kay Zach "Na kilala mo naman na siguro ang ama ni Jhaira diba Zachary?" "Yes po, I've met him" Nagpatuloy ang pag-uusap nila habang siya ay tahimik na nakikinig sa kanila. Mukhang seryoso rin si Zach na makausap si Celly at makakalap ng impormasyon tungkol kay Jhaira, sa huli siya na ang nag presintang maghugas ng pinggan pagkatapos kumain habang ang nanay niya at si Zach ay nasa aparador para maipakita pa ang
Masaya at payapang umaga ang bumalot sa condo nila ni Zach. Habang nakaupo siya sa dining table, abala siya sa pagkain ng almusal—isang simpleng meal na gawa ni Zach mismo. He insisted na siya ang maghanda, knowing how weak she felt last night.Her appetite was back, at kitang-kita iyon sa paraan ng pagkain niya. Hindi niya napansin na mula pa kanina ay tahimik lang si Zach, nakasandal sa upuan habang mariing nakatitig sa kanya. His sharp eyes followed every little movement she made—mula sa pagkuha niya ng pagkain hanggang sa pagnguya niya.Napansin niyang may ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang mukha, at bago pa niya iyon maalis, may mainit na kamay nang naunang humawi roon.Zach.Naramdaman niya ang banayad na pagdampi ng daliri nito sa kanyang balat habang marahang inaayos ang buhok niya. She looked at him, at nagtagpo ang mga mata nila—his eyes held something she couldn't quite place, pero isa lang ang sigurado siya. He was looking at her with so much intensity.Napakurap
Malamig ang simoy ng hangin sa loob ng kwarto, pero ang init ng balat na bumabalot sa katawan niya ang pumipigil sa kanya para ganap na ginawin. Marahang nagmulat ng mata si Jhaira, pakiramdam niya ay parang may mabigat na bagay na nakapatong sa katawan niya—hindi naman ganun kabigat, pero sapat para pigilan siyang gumalaw nang malaya.Nanatili siyang nakahiga habang pinapakiramdaman ang paligid. Ramdam niya ang malalakas na bisig na mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang mula sa likuran, ang mainit na hiningang dumadampi sa kanyang batok na nagbibigay ng banayad na kiliti. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino iyon—dahil alam na alam na ng puso niya kung kaninong bisig siya nakakulong.Si Zach.Dama niya ang init ng katawan nito, ang matitigas na dibdib na nakadikit sa kanyang likuran. Ang isang braso nito ay nakaipit sa ilalim ng kanyang ulo, habang ang isa naman ay mahigpit na nakayakap sa kanyang bewang, para bang ayaw siyang pakawalan kahit pa sa gitna ng pagt
Napuno ng init at tamis ang gabing iyon.Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto, tanging ang mahinang tunog ng keyboard at ang paminsang buntong-hininga ni Jhaira ang pumupuno sa espasyo. Malalim ang kunot ng kanyang noo habang sinusuri ang mahahabang dokumentong ipinasa sa kanya kanina.Mula nang maupo siya bilang CEO, halos hindi na siya magkanda-ugaga sa dami ng kailangang pag-aralan. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang magpatakbo ng isang malaking kompanya. Alam niyang magiging challenging ito, pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang ama.Bumuntong-hininga siya at marahang hinilot ang kanyang sintido. Kanina pa masakit ang kanyang ulo, pero hindi siya pwedeng tumigil. Hindi ngayon.Bigla na lang niyang naramdaman ang isang mainit at matigas na katawan na dumikit sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapatalon nang may dumaan na braso sa kanyang bewang, mahigpit na yumakap sa kanya mula sa likod. Isang pamilyar na
Umaalon ang dibdib ni Jhaira habang pinagmamasdan niya kung paano pilit na nagpupumiglas sina Risa at Diane habang isinasakay ng mga pulis sa kanilang patrol car. Sa kabila ng kanilang pag-aalma, wala silang magawa — naka-posas na ang dalawa, at ang mga pulis ay walang balak palampasin ang kanilang mga kasalanan.Malamig na sumunod si Jhaira sa loob ng conference room, ramdam ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya. Kasabay ng mga bulungan ay ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa silid. Mula sa mga investor na kanina lamang ay nakangiti at pumapalakpak kay Risa, ngayon ay puro pagdududa na ang kanilang mga mukha.Biglang tumayo ang isa sa mga pinakarespetadong investors — isang matandang lalaki na may presensya pa lang ay nagbibigay na ng awtoridad. Malamig at mabigat ang tono ng boses nito nang magsalita."Ms. Jhaira, I’m afraid you have no right to claim the CEO position just like that."Matiim ang tingin nito sa kanya, bakas sa ekspresyon nito na hindi siya sang-ayon sa pagkuha n
Pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo, halos manghina si Jhaira habang nakasandal sa upuan ni Zach. Ramdam pa rin niya ang kirot sa mga binti at braso niya, para bang piniga ang bawat kalamnan sa katawan niya. Napansin iyon ni Zach kaya hindi na siya pinayagang bumalik sa upuan niya sa kabilang side ng mesa.Ngayon, si Jhaira ay nakaupo sa isang maliit na upuan sa tabi ni Zach, ang kanyang mga binti ay nakapatong sa kandungan nito. Si Zach naman ay abala sa pagsusulat sa isang dokumento, hawak ang ballpen sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay abala sa pagmamasahe sa talampakan ni Jhaira.Napapapikit siya sa tuwing marahang pinipisil ni Zach ang masakit niyang binti. Dama niya kung paanong bawat hagod ng mga daliri nito ay tila unti-unting pinapawi ang sakit."Masakit pa ba?" tanong ni Zach, hindi inalis ang tingin sa mga papeles sa harapan niya."Medyo," mahinang sagot ni Jhaira, napangiti siya nang bahagya."That's what you get for teasing me kanina," ani Zach, m
Sa loob ng opisina na dating pagmamay-ari ng ama ni Jhaira, nanatiling tahimik ang paligid maliban sa mahihinang pag-click ng ballpen ni Risa habang naglalaro ito sa daliri niya. Nasa likod siya ng malaking mesa — ang mesa ng dating boss — habang ang mga papeles ay nakakalat sa harapan nila.Si Diane naman ay nakaupo sa isang gilid ng mesa, may hawak na baso ng wine na tila pang-relax lang sa kanya. Sa kabilang banda, ang Lolo ni Zach ay kampanteng nakaupo sa malambot na armchair malapit sa bintana, hawak ang isang baso ng whisky na bahagyang niyayanig sa kanyang kamay. Ang malamig na ngiti nito ay tila nanunukso habang pinagmamasdan si Risa."Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang mga pulis ng ganun kadali," pabirong sabi ni Diane bago uminom sa kanyang baso."Pera lang naman ang kailangan," sagot ni Risa, halatang may yabang sa boses niya. "Kung wala kang pera, wala kang laban. Simple.""Simple?" singit ng Lolo ni Zach, ibinaba nito ang baso ng whisky sa maliit na lamesa s
Malalim ang gabi nang sa wakas ay nakatulog si Jhaira tahimik si Zach sa tabi niya na mariing pinagmamasdan ang pagtulog ng dalaga... Nakahaplos ang kamay ni Zach sa bewang at likuran niya kaya mas naging mahimbing ang pagtulog ni Jhaira Mariing pumikit si Zach at hinalikan ang nuo ni Jhaira, mukhang kailangan na niyang gumawa ng aksiyon para matigil na ang pangangahas ng lolo niya sa relasyon nila ni Jhaira"I will make them pay" Sa gabing din iyon, umalis ng tahimik si Zach sa kuwarto ni Jhaira. Kailangan niyang I secure ang lola niya na ngayon ay nagpapagaling na sa hospital, hindi niya alam kung ano ang maaring gawin ng lolo niya kaya kailangan niyang ingatan lahat ng minamahal niya sa buhayPagmulat ng mga mata ni Jhaira, parang mas maliwanag ang paligid kaysa dati — hindi dahil sa araw, kundi dahil parang malinaw na sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin."Hindi puwedeng ganito lang 'to matatapos..." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame.Mabilis siyang bumangon,
Tatlong araw na ang lumipas, pero parang isang siglo na ang nararamdaman ni Jhaira. Hindi na niya alam kung umaga ba o gabi na. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang imahe ng Papa niya — ang boses nito, ang tawa, pati na rin ang mga pangarap nilang dalawa na hindi na mangyayari.Nakapulupot siya sa makapal na kumot habang nakaupo sa may sofa, nakatanaw sa madilim na bintana. Sa tabi niya, naroon pa rin ang tray ng pagkain na iniwan ng isa sa mga kasambahay kanina — hindi man lang niya nagawang hawakan. Parang wala nang saysay ang lahat. Wala na siyang lakas, wala na siyang gana.Mabigat ang dibdib niya, parang may batong bumabara sa lalamunan niya. Hindi na niya kayang humagulgol tulad ng dati — ubos na yata ang luha niya.Tahimik ang buong paligid, pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sa una, hindi siya gumalaw. Akala niya isa na naman sa mga kasambahay iyon na mag-iiwan ng pagkain at aalis din kaagad.Pero nang pumasok ito sa loob, may naamoy siyang pamilyar — mabango
Mabilis na huminto ang sasakyan, halos lumipad si Jhaira palabas ng pinto bago pa ito tuluyang magpreno. Parang wala na siyang pakialam kung may masaktan siya sa pagmamadali — kailangan niyang makita si Papa.Ang malamig na hangin ay dumampi sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para palamigin ang apoy ng kaba sa dibdib niya. Isa-isa niyang nilapitan ang mga sasakyang nakasunod sa kanila — kumakatok, pilit na binubuksan ang mga pinto."Papa! Nasaan ka?!" halos pasigaw na tawag niya habang patuloy sa paghahanap. Bawat pagbukas ng pinto ay nagdadala ng panibagong pag-asa — at panibagong pagkadismaya. Iba't ibang mukha ng mga tao ang bumungad sa kanya — mga guwardiya, kasambahay, pati na rin mga taong tila hindi niya kilala — pero kahit isa, wala roon ang ama niya.Nang makita niya si Nanay Celly na bumaba mula sa isang van kasama ang ilang kasambahay, para siyang nabuhusan ng ginhawa."Nay!" Mabilis siyang tumakbo papunta rito, niyakap ito ng mahigpit na tila doon siya kumukuha ng lakas.