Sorry for the long update, naging busy po dahil sa exam. Babawi ako and daily update pati narin sa Lucian Obsession.
"Anong ibig sabihin nito Zach?" Nagulat siya ng tumayo ang mommy ni Zach na si Amy, mukhang kahit ito ay nagulat sa sinabi ng sariling anak. Mas lalong kinabahan si Jhaira kaya siya na ang nagsalita "N-nagbibiro l-lang po siya, h-hindi po makapunta ang asawa ko ngayon dahil may sakit siya" halos hindi niya makumpleto ang sasabihin dahil sa kaba, binalingan niya si Zach at mukhang nagulat ito sa dinahilan niya pero hindi niya ito pinansin Pinagmasdan niya kung paano unti unting kumalma ang mga tao sa paligid nila "Hindi nakakatuwang bira iyon Mr. Olsen" natatawang ani ni Risa para pakalmahin ang lahat sa hapagkainan. Nakita niya naman ang seryosong mukha ng tatay niya, alam niya ang iniisip natin at mukhang hindi niya ito napaniwala sa kaniyang dahilan kanina "Mag uumpisa na ang preperation ng kasal sa ikalawang linggo kaya inaasahan na magiging busy kami ni Raoul" ani ni Risa habang kausap ngayon ang mommy ni Arjay na si Deth kasama ang asawa nitong si Lance. Bumalik ang usapan tu
"M-Mrs O-Olsen ano pong n-nangyari?" hindi mapakali si Jhaira habang pinagmamasdan ang matandang olsen sa loob ng kotse na naghahabol ng hininga, bigla siyang kinabahan ng makitang nahihirapan ang matanda "T-t-tulong" halos hindi mabigkas ng matanda ang salitang ito Hindi na nagdalawang isip si Jhaira at pumasok sa sasakyan, hindi siya masyadong marunong mag maneho ng sasakyan pero kailangan niya itong gawin lalo na dahil nahihirapan ngayon ang matandang Olsen sa kanyang harapan "S-sandali lang po d-dadalhin ko kaya sa hospital" kahit siya ay hindi na makahinga ng maayos sa nangyayari ngayon, hindi siya makapaniwalang ganito ang madadatnan niya paglabas ng bahay, ang akala niya kasi ay nasa loob pa ng bahay at kumakain ang matandang Olsen Mabilis ang kaniyang pagmamaneho sa sasakyan ng matanda habang nasa passenger seat ito at naghahabol ng hininga, mabuti nalang at naturuan niya ang sarili nuon paano mag drive in case ng emergency, mabuti nalang din at kaunti lang ang mga s
Ang akala ni Jhaira ay dadalhin siya ni Zach sa kuwarto pero sa kusina ito dumiretso, pinaupo siya nito sa counter "Stay here while I cook" ani ng binata at nagsimulang gumalaw sa kusina, hindi na siya nakapagreklamo dahil malaya niyang napagmamasdang gumalaw ang lalaki. Idagdag pang fitted ang suot na t shirt ngayon ni Zach na tanging naiwan sa pang itaas nito. Iskiladong gumalaw ang binata habang nagluluto, mukhang nasanay ito sa kusina kaya malaya nitong naipapakita ang galing niya sa mabilis na paghiwa ng mga rekados. Seryoso ang mukha nito habang nagluluto "How was it?" Iyon ang bungad na tanong ni Zach ng matapos siyang magluto at ipatikim ito kay Jhaira, hindi naman nadismaya ang dalaga dahil agad niyang natikman ang linamnam ng niluto ni Zach. Para itong mga pagkain na natikman niya sa mamahaling restaurant, puwede ng maging chef si Zach' iyon ang nasa isipan niya pero tanging tango ang nasabi niya dahil sa sarap ng natikman "Saan ka natutong magluto?" Wala sa saril
Hindi napaghandaan ni Jhaira ang pagdating ng dalaw niya kaya naman namimilipit siya sa sakit ng puson habang nakahiga sa kama, balot na balot ang katawan niya ng kumot dahil pakiramdam niya lamig ang dahilan kung bakit sobra sobra ang sakit na nadarama ng puson niya, parang hinahati ang kaniyang katawan "Fvck what do you mean? namimilipit na siya sa sakit and you think this is normal? doktor ka dapat alam mo ang tungkol dito" Boses iyon ni Zach na mukhang ngayon ay kaaway na ang doktor na kausap nito sa cellphone, kanina pa ito aligaga at hindi mapakali dahil sa nararamdaman niya. Kaunti nalang at tatawag na ata ng ambulansya ang binata. May hawak si Jhaira na hotcompress sa kaniyang puson pero hindi parin ito nakatulong kaya tumawag na ng doktor si Zach pero mukhang maghahasik pa ito ng gulo "Masakit parin?" Napamulat siya ng mata sa malambing na boses ni Zach, lumuhod ito sa tabi ng kama at mukhang nahihirapan na pagmasdan ang kondisyon niya. Halatang hindi ito sanay na alagaan a
Hindi mapakali si Jhaira sa sala habang nag-uusap ang mag-lola sa may kusina, hindi niya marinig ang pinag-uusapan nila pero nakakarinig siya ng ibang lenguwahe na sa pagkakaalam niya ay spanish. Nanginginig ang kamay niya sa hindi malaman na kadahilanan, muli siyang lumunok at sumulyap sa kusina hanggang sa tuluyang lumabas doon ang mag lola Mabilis siyang napatayo at nakitang mukhang normal lang ang pag-uusap ng dalawa, tinabihan siya agad ni Zach at nagulat ng bigla nitong hilain ang bewang niya. Napunta roon ang tingin ni Mrs Olsen at sinulyapan silang dalawa bago nagsalita "Aalis na ako and before I go, thank you Jhaira for helping me kagabi. Kung wala ka roon ay baka sa kalsada na ako nawalan ng buhay. Take care of my apo" "W-what? anong ibig sabihin non Lola? anong sa kalsada nawalan ng buhay? what happened?" sunod sunod na tanong ni Zach sa Lola niya pero hindi siya nito pinansin at nagtuloy tuloy na lumabas ng condo hanggang sa maiwan silang dalawa sa loob, binalingan
Naiwang mag-isa si Jhaira sa condo ni Zach matapos silang mag-agahan. Halos late na ng pumasok si Zach pero mukhang wala itong pakialam sa kung anong oras siya papasok, wala pa nga itong balak kanina na magpalit kung hindi niya lang ito pina alalahanan. Inabala niya nalang ang sarili sa pag-aayos sa condo ni Zach dahil wala siyang magawa, sa totoo ay maayos at malinis ang condo kaya pinakialaman niya nalang ang mga gamit niya para ayusin itong muli Tanghali na ng matapos niya ang mga gagawin at wala na siyang maisip na pagkakaabalahan, bukod sa hindi na siya sekretarya ni Zach ay wala na rin siyang ibang trabaho pa. Para hindi mabaliw mag-isa sa condo ay i chinat niya si Zach pero nagulat siya ng makitang nag chat pala kanina sa kaniya ito Zachary: Kumain kana? Tumikhim siya bago nagtipa ng sagot rito Me: Hindi pa, kakain palang ako Hindi naman naging matagal at nag reply din ang asawa niya Zachary: Don't bother tiring yourself to cook, nagpa deliver ako ng food
Pinagmasdan ni Jhaira ang mahimbing na postura ni Zach habang nasa kama sila, kanina lamang ay naabutan niya itong natutulog sa kaniyang bewang at ngayon nakadagan na ito sa kaniya habang tulog na tulog. Bumuntong hininga siya at naabutang malapit ng mag alas singko pero wala pa siyang nasisimulang gawainDahan dahan at pa unti unti siyang umalis sa pagkakadagan kay Zach na sobra ang kapit sa kaniya, ang dalawang malalaking kamay nito kasi ay nakakulong sa kaniyang bewang at sa kaniyang dibdidb nakapatong ang isa, natigilan pa siya ng biglang gumalaw ang binata at binalik siya sa dati nitong puwesto kung saan yumakap ulit ang kamay ng binata sa kaniya "Where are you going?" malalim ang boses na tanong ng binata at siniksik ang mukha sa kaniyang leeg, mukhang wala itong balak na paalisin siya sa puwesto "Magpapalit ako ng napkin" sagot niya at ilang minuto pa bago siya pinakawalan ni Zach, bumuntong hininga siya at umalis sa kama "Bumalik ka agad" pahabol pa nito ng maka-alis siya r
Hindi mapakali si Jhaira habang nag-aayos sa kwarto. Magisa siya ngayon sa condo dahil late siyang nagising at si zach ay nauna nang pumasok, nag iwan ito ng pagkain na niluto nito para sa kaniya at ng sticky note na may nakasulat na 'Enjoy your breakfast, don't forget to answer my calls tatawag ako. I will miss you but I'll be back'Iyon ang nakasulat pero wala na syang oras para enjoyin ang niluto nito at kiligin sa note na iniwan ng lalaki dahil kailangan niyang magpunta sa kompanya ni Zach ngayon, siguro dahil sa kinimkim niyang sakit kagabi ay napa sarap ang tulog niya at nakalimutan ang kailangang gawin ngayong araw. Hindi niya nakalimutan ang sinabi ng ama kagabi, kailangan niyang maipakita na nagmamakaawa siya kay Zach upang ibalik siya bilang sekretarya nito sa kompanya, walang siyang plano kung paano gagawin ang lahat lalo na dahil alam niyang iuutos sa kaniyang tulungan si Diane upang may mangyaring pagtatalik sa pagitan nila ni Zachary, hindi niya ata kayang makita na may
Napuno ng init at tamis ang gabing iyon.Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto, tanging ang mahinang tunog ng keyboard at ang paminsang buntong-hininga ni Jhaira ang pumupuno sa espasyo. Malalim ang kunot ng kanyang noo habang sinusuri ang mahahabang dokumentong ipinasa sa kanya kanina.Mula nang maupo siya bilang CEO, halos hindi na siya magkanda-ugaga sa dami ng kailangang pag-aralan. Hindi niya akalaing ganito pala kahirap ang magpatakbo ng isang malaking kompanya. Alam niyang magiging challenging ito, pero ngayon lang niya talaga naramdaman ang bigat ng responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang ama.Bumuntong-hininga siya at marahang hinilot ang kanyang sintido. Kanina pa masakit ang kanyang ulo, pero hindi siya pwedeng tumigil. Hindi ngayon.Bigla na lang niyang naramdaman ang isang mainit at matigas na katawan na dumikit sa kanyang likuran. Muntik na siyang mapatalon nang may dumaan na braso sa kanyang bewang, mahigpit na yumakap sa kanya mula sa likod. Isang pamilyar na
Umaalon ang dibdib ni Jhaira habang pinagmamasdan niya kung paano pilit na nagpupumiglas sina Risa at Diane habang isinasakay ng mga pulis sa kanilang patrol car. Sa kabila ng kanilang pag-aalma, wala silang magawa — naka-posas na ang dalawa, at ang mga pulis ay walang balak palampasin ang kanilang mga kasalanan.Malamig na sumunod si Jhaira sa loob ng conference room, ramdam ang bigat ng mga matang nakatutok sa kanya. Kasabay ng mga bulungan ay ang mabilis na pagtaas ng tensyon sa silid. Mula sa mga investor na kanina lamang ay nakangiti at pumapalakpak kay Risa, ngayon ay puro pagdududa na ang kanilang mga mukha.Biglang tumayo ang isa sa mga pinakarespetadong investors — isang matandang lalaki na may presensya pa lang ay nagbibigay na ng awtoridad. Malamig at mabigat ang tono ng boses nito nang magsalita."Ms. Jhaira, I’m afraid you have no right to claim the CEO position just like that."Matiim ang tingin nito sa kanya, bakas sa ekspresyon nito na hindi siya sang-ayon sa pagkuha n
Pagkatapos ng kanilang mainit na tagpo, halos manghina si Jhaira habang nakasandal sa upuan ni Zach. Ramdam pa rin niya ang kirot sa mga binti at braso niya, para bang piniga ang bawat kalamnan sa katawan niya. Napansin iyon ni Zach kaya hindi na siya pinayagang bumalik sa upuan niya sa kabilang side ng mesa.Ngayon, si Jhaira ay nakaupo sa isang maliit na upuan sa tabi ni Zach, ang kanyang mga binti ay nakapatong sa kandungan nito. Si Zach naman ay abala sa pagsusulat sa isang dokumento, hawak ang ballpen sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay naman ay abala sa pagmamasahe sa talampakan ni Jhaira.Napapapikit siya sa tuwing marahang pinipisil ni Zach ang masakit niyang binti. Dama niya kung paanong bawat hagod ng mga daliri nito ay tila unti-unting pinapawi ang sakit."Masakit pa ba?" tanong ni Zach, hindi inalis ang tingin sa mga papeles sa harapan niya."Medyo," mahinang sagot ni Jhaira, napangiti siya nang bahagya."That's what you get for teasing me kanina," ani Zach, m
Sa loob ng opisina na dating pagmamay-ari ng ama ni Jhaira, nanatiling tahimik ang paligid maliban sa mahihinang pag-click ng ballpen ni Risa habang naglalaro ito sa daliri niya. Nasa likod siya ng malaking mesa — ang mesa ng dating boss — habang ang mga papeles ay nakakalat sa harapan nila.Si Diane naman ay nakaupo sa isang gilid ng mesa, may hawak na baso ng wine na tila pang-relax lang sa kanya. Sa kabilang banda, ang Lolo ni Zach ay kampanteng nakaupo sa malambot na armchair malapit sa bintana, hawak ang isang baso ng whisky na bahagyang niyayanig sa kanyang kamay. Ang malamig na ngiti nito ay tila nanunukso habang pinagmamasdan si Risa."Hindi pa rin ako makapaniwala na naloko natin ang mga pulis ng ganun kadali," pabirong sabi ni Diane bago uminom sa kanyang baso."Pera lang naman ang kailangan," sagot ni Risa, halatang may yabang sa boses niya. "Kung wala kang pera, wala kang laban. Simple.""Simple?" singit ng Lolo ni Zach, ibinaba nito ang baso ng whisky sa maliit na lamesa s
Malalim ang gabi nang sa wakas ay nakatulog si Jhaira tahimik si Zach sa tabi niya na mariing pinagmamasdan ang pagtulog ng dalaga... Nakahaplos ang kamay ni Zach sa bewang at likuran niya kaya mas naging mahimbing ang pagtulog ni Jhaira Mariing pumikit si Zach at hinalikan ang nuo ni Jhaira, mukhang kailangan na niyang gumawa ng aksiyon para matigil na ang pangangahas ng lolo niya sa relasyon nila ni Jhaira"I will make them pay" Sa gabing din iyon, umalis ng tahimik si Zach sa kuwarto ni Jhaira. Kailangan niyang I secure ang lola niya na ngayon ay nagpapagaling na sa hospital, hindi niya alam kung ano ang maaring gawin ng lolo niya kaya kailangan niyang ingatan lahat ng minamahal niya sa buhayPagmulat ng mga mata ni Jhaira, parang mas maliwanag ang paligid kaysa dati — hindi dahil sa araw, kundi dahil parang malinaw na sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin."Hindi puwedeng ganito lang 'to matatapos..." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa kisame.Mabilis siyang bumangon,
Tatlong araw na ang lumipas, pero parang isang siglo na ang nararamdaman ni Jhaira. Hindi na niya alam kung umaga ba o gabi na. Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang imahe ng Papa niya — ang boses nito, ang tawa, pati na rin ang mga pangarap nilang dalawa na hindi na mangyayari.Nakapulupot siya sa makapal na kumot habang nakaupo sa may sofa, nakatanaw sa madilim na bintana. Sa tabi niya, naroon pa rin ang tray ng pagkain na iniwan ng isa sa mga kasambahay kanina — hindi man lang niya nagawang hawakan. Parang wala nang saysay ang lahat. Wala na siyang lakas, wala na siyang gana.Mabigat ang dibdib niya, parang may batong bumabara sa lalamunan niya. Hindi na niya kayang humagulgol tulad ng dati — ubos na yata ang luha niya.Tahimik ang buong paligid, pero biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. Sa una, hindi siya gumalaw. Akala niya isa na naman sa mga kasambahay iyon na mag-iiwan ng pagkain at aalis din kaagad.Pero nang pumasok ito sa loob, may naamoy siyang pamilyar — mabango
Mabilis na huminto ang sasakyan, halos lumipad si Jhaira palabas ng pinto bago pa ito tuluyang magpreno. Parang wala na siyang pakialam kung may masaktan siya sa pagmamadali — kailangan niyang makita si Papa.Ang malamig na hangin ay dumampi sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para palamigin ang apoy ng kaba sa dibdib niya. Isa-isa niyang nilapitan ang mga sasakyang nakasunod sa kanila — kumakatok, pilit na binubuksan ang mga pinto."Papa! Nasaan ka?!" halos pasigaw na tawag niya habang patuloy sa paghahanap. Bawat pagbukas ng pinto ay nagdadala ng panibagong pag-asa — at panibagong pagkadismaya. Iba't ibang mukha ng mga tao ang bumungad sa kanya — mga guwardiya, kasambahay, pati na rin mga taong tila hindi niya kilala — pero kahit isa, wala roon ang ama niya.Nang makita niya si Nanay Celly na bumaba mula sa isang van kasama ang ilang kasambahay, para siyang nabuhusan ng ginhawa."Nay!" Mabilis siyang tumakbo papunta rito, niyakap ito ng mahigpit na tila doon siya kumukuha ng lakas.
Malakas na ingay ng pag-aalboroto sa labas ng kwarto ang gumising kay Jhaira.Napabalikwas siya ng bangon, ang puso niya agad na bumilis ang tibok. Mula sa labas, naririnig niya ang sigawan, ang magkasalungat na tunog ng kaba at galit sa mga boses ng mga tao. May mga yabag ng paa, nagmamadali, tila may tinatakasan. At isang nakakakilabot na tunog ang tuluyang nagpahinto sa kanya—Gunshot.Nanlamig ang buo niyang katawan.Dali-dali siyang lumabas ng kwarto, halos matumba siya sa pagmamadali. Pagkalabas, nakita niya ang buong mansyon na nagkakagulo. May mga babaeng natatarantang tumatakbo, habang ang ilang guwardiya ay may hawak na baril, alerto at handang makipaglaban.Agad niyang hinanap si Nanay Celly, at nang matagpuan ito sa gitna ng kaguluhan, mabilis niya itong nilapitan. "Nay! Ano’ng nangyayari?!"“Anak, may nakapasok sa mansyon!” sagot nito, kita ang matinding pag-aalala sa mukha. “Nasa labas ang papa mo… siya mismo ang humaharap sa kanila!”Lalo siyang kinabahan. Nagsimula nang
Tahimik na nakaupo si Jhaira sa gilid ng malaking kama habang pinagmamasdan ang paligid ng silid na ibinigay sa kanya. Hindi ito ang dati niyang kwarto—mas malaki ito, mas elegante, pero hindi niya maramdaman ang tunay na koneksyon dito. Gayunpaman, hindi niya rin maitanggi ang aliwalas na hatid ng pagiging ligtas sa loob ng mansyon.Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng gulo, nakaramdam siya ng kahit konting kapayapaan."Anak, naayos ko na ang gamit mo," malambing na sabi ni Nanay Celly habang inaayos ang mga damit sa loob ng malaking aparador.Napangiti siya nang bahagya habang pinagmamasdan ang matanda—siya lang ang bagay na hindi nagbago sa bahay na ito. Sa kabila ng lahat ng nangyari, andito pa rin ito, at ramdam niya ang tapat na pagmamahal nito sa kanya."Nay, hindi niyo naman kailangang gawin 'yan. Ako na po." Bumangon siya at tinulungan itong itupi ang ilang damit."Hay, hindi ka pa rin nagbabago," natatawang sabi nito, pinisil ang kanyang pisngi. "Kahit noon, kahit pa an