Umalingawngaw ang iyak ni Chicago sa buong villa ni Katherine.
Naiirita na si Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene. "Hindi ba titigil kakaiyak ang batang yan? Naririndi na ako sa iyak niya! Mana talaga siya sa namayapa niyang ina. Mga walang silbi!"
"Ma, 'wag mong sabihin 'yan. Anak ni ate Mavi si Chicago at hindi ng asong yun!”
"Whatever! Papunta na si Max dito, hindi ba? At bakit hindi pa rin bihis ang batang yun at nag-iinarte pa rin? Mabuti pang turuan mo ng leksyon ng matuto. Lumalaking sutil e."
"Hindi pwede! Paano kung malaman ng iba? Kahit na ayaw ni Max kay Khelowna, tunay pa rin niyang anak si Chicago."
Bagama't kinasusuklaman ni Katherine si Chicago, alam niyang si Chicago ang tanging tagapagmana ni Max. Kung gusto niyang mapalapit kay Max, dapat siyang magkunwari na mahal niya ang anak nito.”
Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa, at hindi nila napansin na umakyat si Chicago sa bintana, sinusubukang tumakas….
Bang!
Pagkatapos ay sumigaw ang guwardiya sa labas ng pinto, "MA’AM! Nahulog ang young master mula sa bintana!"
Agad na namutla si Katherine nang marinig iyon at sumugod sa labas, nakita niya si Chicago na puno ng dugo na nakahandusay sa ilalim ng bintana ng kwarto nito.
“CHICAGO!”
Bigla siyang kinabahan ng husto.
At hindi inaasahan na biglang lumitaw ang kotse ni Max sa dulo ng kalsada na papalapit sa bahay nila.
Mas lalo silang natakot. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig, sa tindi ng takot na nararamdaman ay bigla siyang sumugod upang pigilan ang convoy ni Max.
"M-Max, n-nahulog si Chicago sa bintana!"
Agad na tumulo ang luha sa mga mata niya. Kinakabahan siya ng sobra sa maaring gawin ni Max sa kaniya.
Lumabas si Max sa sasakyan niya.
"Hindi ko alam kung anong nangyari. Gustong magkulong ni Chicago sa kwarto. Hindi ko naman inaasahan na maglulumikot siya at mahulog sa bintana. Max, I'm sorry. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko na hindi ko nabatanyan ng mabuti si Chicago..."
Biglang umakyat ang dugo ni Max sa ulo. Para siyang nanginig sa kinatatayuan niya.
"Nasaan ang anak ko?"
Galit na galit siya. Halos gusto niyang patayin si Katherine.
Itinuro ni Katherine si Chicago na nasa bushes at puno ng dugo ang ulo. Lahat ng katulong ay nanginginig sa takot, at walang nangahas na magsalita.
Kita ang litid ng ugat ni Max sa leeg niya. Agad niyang kwinelyuhan si Katherine. "Kung may mangyaring masama sa anak ko, papatayin kita!"
Sa sobrang takot ni Katherine ay umiyak siya sa harapan nito at hindi na nakapagsalita. Agad na kinuha ni Max ang anak niya at agad na isinugod sa ospital.
Pagdating nila sa ospital, si Max ay sinalubong mismo ng direktor. Malubha ang sugat ni Chicago at kinailangan agad ng operasyon.
Pinuntahan ng direktor ang isang doktor na kaka-hire pa lang mula sa ibang bansa na magsagawa ng operasyon kay Chicago. Ang doktor ay kilalang magaling sa kaniyang trabaho at kahit kailan ay wala pa itong operasyon na namatayan siya ng pasyente.
"Doc, ang pasyente ngayon ay isang limang taong gulang na batang lalaki, nag-iisang anak ng isang maimpluwensyang tao. Kailangang maging mas maingat ka sa operasyong ito. Kung hindi, baka ay magdadala ito ng malaking gulo sa ospital!"
Nakasuot ng uniporme ang doktor at surgical mask. May hawak itong mga dokumento sa kamay. "I always treat all my patients equally. I will do my best in this operation. Pero... sino itong maimpluwensyang tao ang sinasabi mo, director?"
"Ang tagapagmana ng Linae. Si Maximillian Linae."
Bakas ng pagkagulat sa magandang mukha ni Khelowna sa ilalim ng mask.
Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ang ex-husband niya sa ospital. Pero, anak ni Max? takang tanong niya sa kaniyang isipan.
"May anak si Max Linae?"
Sabi ng direktor, "Oo, isang batang lalaki, limang taong gulang. Hindi ba kakasabi ko lang sayo tungkol sa impormasyon ng bata?"
“Pero hindi ba, patay na ang dating asawa ni Max, kaya saan nanggaling ang limang taong gulang na bata? Kahit na ipinanganak ito ng dati niyang asawa, dapat anim na taong gulang na siya ngayon."
"Ang batang ito ay hindi anak ng dati niyang asawa, anak ito ni Maveliene."
“Pero comatose siya ayon sa pagkakaalam ko.”
“Nagising si Maveliene isang taon matapos namatay ang dating asawa ni Max Linae. Nagkaanak sila matapos ngunit may nangyari na hindi na nila isinapubliko. Sa pagkakaalam ko e nacoma ulit si Maveliene.”
Nakaramdaman ng matinding kirot sa dibdib si Khelowna, at ang liwanag sa kanyang mga mata ay nawala sa isang iglap.
‘So ayun ang nangyari, nagkaanak sila ni Maveliene.”
Hinubad niya ang kanyang surgical gown at sinabing, "I'm sorry, Director. I can't do this operation."
Laking gulat ng director sa sinabi niya. "Hindi pwede! Bakit hindi ka papayag? Bakit hindi mo gagawin?"
Khelowna tried her best to calm down saka sinabing, "Marami akong inoperahan kanina at hindi maganda ang pakiramdam ko. Let Dr. Jacob do this surgery."
Isa lang siyang ordinaryong tao. Hindi siya nagbibigay ng himala. Ngunit kahit sino pa ang nakahiga sa operating table, ginagawa niya ang lahat para mabuhay ang pasyente. Hindi siya sumusuko kaya iyon ang dahilan kung bakit lahat ng inoperahan niya ay successful.
Gayunpaman, ang taong naghihintay sa kaniya sa operation room ay anak ng ex-husband niya sa ibang babae.
Tumalikod si Khelowna at umalis, ngunit hinabol siya ng direktor.
Sa oras na ito, handa na ang operating room, at hindi na rin mapakali si Max. Ngunit nagtataka siya na hindi pa dumadating ang doktor na mag-oopera sa anak niya. At bahagya siyang natigilan ng makita niya sa may unahan, ang director na kausap ang isang doktor.
“Ayoko ngang operahan, director. Si Dr. Jacob nalang.”
Kumuyom ang kamao ni Max. Galit siya nang marinig na ayaw operahan ng surgeon ang kanyang anak. Galit na galit niyang inutusan ang mga bodyguard na mabilis pigilan si Khelowna sa corridor.
Kitang-kita ni Khelowna ang tingin ni Max matapos siyang hawakan ng mga bodyguards sa kamay niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya na ang asawang umabandona sa kaniya anim na taon na ang nakalipas ay heto ngayon sa harapan niya.
Naikuyom ni Khelowna ang kanyang mga kamao.
‘Tinawagan kita noon Max ng ilang beses pero hindi mo sinagot ang tawag ko. Ni hindi mo ‘ko pinuntahan kahit na nag-aagaw buhay ako. Ngayon ay gusto mong iligtas ko ang anak mo? katawa-tawa!’ Puno ng gigil na sabi ni Khelowna sa isipan niya.
Sinalubong niya ang malamig na mata ni Max. Walang nagbago, puno pa rin ng kayabangan at napaka arogante.
Hindi niya alam kung bakit mahal na mahal niya ang lalaking ito sa simula! Ngayon kasi, nauwi sa poot ang lahat.
Malamig ang boses ni Khelowna habang sinasabi, "Mr. Linae, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon at hindi ko kayang operahan ang young master. Magaling na si Dr. Jacob kaya pupuntahan ko siya ngayon para siya nag mag-opera sa anak ninyo."
Nagulat si Max sa boses niya. Napamilyaran nito kaagad ang boses niya.
Kumislap ang mata niya habang nakatitig sa mga mata ni Khelowna. Nakamaskara pa kasi ito kaya hindi pa niya ito namumukhaan.
"Paano kung ikaw ang gusto kong mag opera sa anak ko? Ano ang gagawin mo?"
Agad na pinalibutan ng mga bodyguards ni Max si Khelowna kaya kinabahan siya bigla.
“Kahit patayin mo ako ngayon, hindi ko gagawin ang operasyong ito!"
"Who do you think you are? Dapat nga matuwa ka pa na ikaw ang mago-opera kay Chicago. Kung may mangyari man sa young master, ikaw ang sisisihin namin!” Galit na sigaw ni Katherine na tila gustong magpapapel kay Max."How ridiculous! Tinulak ko ba siya? Bakit responsibilidad ko siya?" Sigaw ni Khelowa pabalik.Namutla ang mukha ni Katherine. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Nahulog si Chicago mag-isa at walang tumulak sa kanya. Doktor ka ba talaga? Nasa operating room na ang bata, andito ka pa! Anong kasalanan niya para ganituhin mo?" Depensa niya.Ayaw niyang magka-ideya si Max sa ginawa niya kay Chicago.Pagkasabi no’n ni Katherine, agad niyang hinarap ang direktor. "Ano bang doktor ang kinuha mo? She’s unprofessional! Ito ba ang pinagmamalaki mo? Pwes! Magsasampa ako ng kaso sa ospital na ito!"Sa sobrang takot ng direktor ay humingi siya agad ng paumanhin at mabilis na pinatawag si Dr. Jacob upang maisagawa na agad ang operasyon.Dumating si Dr. Jacob at napansin niya agad ang
Mabilis na naglalakad si Max sa corridor ng ospital at walang nangahas na lumapit sa kanya dahil sa madilim na awra na nakapalibot dito.Binuksan niya ang pinto ng opisina, ngunit hindi niya nakita si Khelowna.Nang mabalitaan ng direktor na hinahanap ni Max si Khelowna, nag-alala siya na baka magkaroon na naman ng alitan ang dalawa, kaya nagmadali siyang pumunta sa opisina ni Khelowna. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala si Khelowna dito."I'm sorry, Mr. Linae, hindi po ito kasalanan ng bagong doktor. Marami po kasi siyang inoperahan kanina. Kasalanan ko po na pinilit ko po siyang mag-opera kahit na pagod siya, na ikinagalit niya. Ako po ang may kasalanan. Responsibilidad ko ito lahat." Nagmamadaling humingi ng paumanhin ang direktor para kay Khelowna.Hindi siya nilingon ni Max, bagkus ay kinuha niya ang business card na nasa mesa at tinitigan itong mabuti na nagpakunot ng noo niya.Galit niyang nilukot ang business card sa kanyang mga kamao, at sinabi sa direktor, "Gusto k
Natigilan si Khelowna. Hindi niya inaasahan na may taong naghihintay sa kaniya sa loob ng opisina niya.Alam niyang mugto pa rin ang mata niya sa pag-iyak kanina sa kwarto ni Chicago. In fact, nanginginig ang kamay niya sa tindi ng galit niya para kay Max.Gusto niya itong suntukin dahil sa sinapit ni Chicago pero hindi niya muna magawa.Sitting in the office chair, naroon si Max nakatitig kay Khelowna na siyang nakatingin rin sa kaniya. He’s like a beast waiting for prey to come out.And his ex-wife is his prey.Nakasuot pa rin si Khelowna ng doctor’s uniform at bago siya lumabas sa kwarto ni Chicago kanina, sinuot niya rin ang mask niya.Kumpyansa siyang hindi siya nakikilala ni Max. So mahinahon niya itong tinanong, "Mr. Linae, what can I do for you?""Still acting?" Max asked coldly.Nagulat siya sa sinagot nito. Nagbaba siya nang tingin at nakita ang lukot na business card sa mesa niya, kung saan may ibang pangalan na nakalagay. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya, so she forged
Nang makaalis si Max.Agad na pumasok ang mga nurses na nakakita na lumabas si Max sa opisina ni Khelowna. Natigilan silang lahat ng makita na umiiyak ito.“Doc Khe!” Sigaw nila at nag-aalalang nilapitan ito. “Sinaktan ka ba ni Mr. Linae?” Hindi makasagot si Khelowna dahil umiiyak pa rin siya kaya isang nurse ang agad na pinuntahan si Doc Austin para isumbong na umiiyak si Khelowna.Alam kasi nilang matalik na magkaibigan si Austin Santos at Khelowna. Kaya wala silang ibang maisip na pwedeng gawin kun’di puntahan ito.“Doc, may nangyari po kay Doc Khe.”Agad na napatayo si Austin kahit na may ginagawa pa ito at nagmamadaling umalis sa opisina niya para puntahan si Khelowna.“Ano bang nangyari? Bakit siya umiiyak?” tanong niya.“Hindi po namin alam doc pero nakita po namin si Mr. Linae na galing ng office niya.”Kumuyom ang kamao ni Dr. Austin at pagdating niya sa opisina ni Khelowna ay naabutan pa niya itong umiiyak.“Khe!” Agad na niyakap ni Austin si Khelowna ng makapasok siya sa lo
“Nababaliw ka na ba?” galit na tanong ni Khelowna. Umikot pa siya sa kabilang kama kung saan naroon si Katherine.“Baliw? Sino ka ba? Doctor ka lang naman!”“Doctor ako ni Chicago. At hindi tama ang ginagawa mo sa bata.”Ngumisi si Katherine sa kaniya. Wala kang magagawa kung sasaktan ko ang batang ito. Umulit pa si Katherine. Piningot pa niya ang isang tenga ni Chicago kaya napa-aray ang bata.Labis na talaga ang galit ni Khelowna at gigil niya. Naaawa siya sa anak niya. Hindi niya kayang tignan lang ang anak niya na sinasaktan ng ibang tao.Agad niyang hinablot ang buhok ni Katherine para malayo kay Chicago. “Anong ginagawa mo sa bata. Walanghiya ka!”Hindi siya makakapayag na may tao pang mananakit sa anak niya. Sobra na ang hirap na dinanas ni Chicago. Hidni maatim ng puso niya na pabayaan ito.Kaya kahit magkakamatayan pa, ipaglalaban niya ang anak niya.Kukunin niya si Chicago at hindi siya natatakot sa pamilyang Linae.“BITAWAN MO ‘KO! BWESIT KA!”Napahiga si Katherine sa sahig.
“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Max kay Khelowna.“Anong klase kang ama? Bakit hindi mo magawang protektahan si Chicago?”“Hindi ka pa rin ba titigil? Talaga bang igigiit mo ang gusto? Para ano?”“Ginigiit? Totoo ang sinasabi ko.” Sabi ni Khelowna. “Bakit naman ako magsisinungaling e kaligtasan ng bata ang inuuna ko.”Nginisihan siya ni Max.“Bakit naman ako maniniwala sa kagaya mong criminal? Anak ko na ang nagsabi na hindi siya sinaktan ni Katherine.”Natigilan si Khelowna. Kumuyom ang kamao niya sa labis na galit. Lumapit siya kay Max at binulong. “Kahit kailan, wala kang silbi. Putang.ina mo!”Sa tindi ng galit ni Max, agad niyang hinablot ang braso ni Khelowna.“BITAW!” Nagtaas na ito ng boses habang masamang nakatingin sa ex-husband niya.Ramdam na ni Chicago ang tension na nagaganap sa mga magulang niya. Using his weak voice, he called out his father.“H-Huwag niyo pong pagalitan si Dr. Khe, papa.”Napatingin silang dalawa sa anak nila. “Mabait po si doc sa akin. A-A
Nagmamadali si Dr. Khe na habulin si Rome na nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok sa loob. Halos atakihin na siya sa puso dahil kahit anong tawag niya, hindi pa rin siya naririnig ng anak niya. “What are you doing?” natigilan si Khelowna ng biglang tumambad sa harapan niya ang ex-husband niya. Palabas na si Max ng office ng bigla niyang nakita si Khelowna. “What are you doing?” ulit nito dahil hindi siya sinagot ni Dr. Khe. Biglang nanlamig ang mga paa ni Khelowna sa kinatatayuan niya. Bigla siyang kinabahan ng husto. Parang lumalabas ang puso niya sa dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ni Max sa harapan niya. “M-Max,” halos nanginig ang labi niya. Tumingin siya sa likuran nito at naroon pa rin ang anak niya na naglalakad. Kumunot ang noo ni Maximillian. Bigla siyang lumingon sa likuran niya at nagkata siya dahil wala namang kakaiba doon. Hindi na niya nakita si Rome dahil biglang dumating si Dr. Austin at agad na binuhat si Rome bago pa sila malingunan ni Max. It just a mat
Nakabalik na si Max sa office niya at wala pa rin siya sa mood. Halos lahat ng mga tao na nakakasalamuha niya ay napapagalitan niya. Kaya walang empleyado ang nagtangka na lumapit sa kaniya sa takot na masigawan sila. “SINONG IN-CHARGE SA BASURANG ITO?” tanong ni Max na galit na galit habang hawak ang isang pirasong papel. Nanginginig sa takot ang lahat ng umalingawngaw ang boses niya sa buong palapag. Ang isang empleyado na siyang nasa likod no’ng document na hawak niya ay nanginginig na sa takot habang papalapit sa kaniya. “A-Ako po sir…” Masama ang tingin ni Max sa kaniya. “Ikaw? Kung ganoon, iligpit mo na ang gamit mo at lumayas ka sa harapan ko.” Nanlaki ang mata ng kawawang empleyado. “S-Sir?” “YOU’RE FIRED!” Natahimik ang lahat at naaawang tumingin sa kasamahan nilang nasisante. "WALA AKONG BINABAYARANG EMPLEYADO NA BIBIGYAN LANG AKO NG BASURA. KAYA KUNG GUSTO NIYONG UMALIS, UMALIS KAYO." Agad nagsibalikan ang mga tao sa table nila sa takot na madamay sila sa galit ni
Kinabukasan, pagdating ni Dr. Smith sa hospital, nagulat siya nang makita si Khe sa harapan ng office niya na tila ba hinihintay siya. "Kamusta ang lakad niyo ni Max kahapon?""Ayos naman." Sabi ni Khelowna. "Ahm.. Doc, pwedeng magfile ng leave?""Bakit?" kunot noong tanong niya. "Pupunta kasi ako ng Hongkong kasama ni Sydney. Nagdamdam kasi ang batang yun na puro nalang daw kami work ng papa niya. Kaya naisipan namin ni Max na magbakasyon muna.""Ilang araw ba?""Pwede mga dalawang buwan?""Hindi ka pwedeng mawala ng ganoon katagal Khe. 1 month, is that enough?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Sige Doc. Salamat.""Kuya, Khelowna!" Dumating na naman si Sonya at nakangiti siya ngayon sa dalawa."Hello Dr. Khe." Sabi niya kay Khelowna pero si Khelowna ay wala man lang expression ang mukha niya. "By the way doc, alam mo bang nagpunta kahapon ang kapatid mo sa bahay namin?"Nawala ang ngiti ni Sonya sa labi niya. 'Anong binabalak ng babaeng to?' "Oo. Nasabi nga niya sa akin." Sabi ni
Itinulak ni Sonya si Mina sa semento kaya napapikit ito ng muntik ng tumama ang ulo niya doon."Hindi ka pwedeng umuwi Mina. Isusumbong mo ko kay kuya, tapos ilalayo niya ako kay Khelowna at Max. Tingin mo naman papayag ako?"Nagsimula ng umiyak si Mina. "Hindi kita isusumbong. Please, huwag mo lang akong saktan Sonya. Please..."Tumawa si Sonya. "Sawa na ako sa mga pangako Mina. Nangako rin sa akin noon si Max na hindi siya iibig kay Khelowna. Pero tignan mo naman kung anong ginawa niya sa akin. Niloko niya ako, pinagpalit pa rin niya ako. Minahal niya si Khelowna at iniwan ako.""Pero Sonya.." humagolgol na ng iyak si Mina. "Iba naman ako kay Max. Hindi ba naging mabait ako sa'yo? Pwede bang hayaan mo na akong umalis?""Mabait?" tumawag ulit si Sonya. "Paano ka naging mabait e isa ka ring bwesit sa buhay ko. Pakialamera ka at gusto mong magreyna-reynahan sa bahay. Mas sinusunod ka pa ng mga katulong kesa sa akin kahit na ako ang kadugo ng amo nila."Humanap si Mina ng pwede niyang ga
Isang malakas na katok ang pumukaw kay Khe at Max. "Baka yung ulam na yan ni Mina." Sabi niya."Ako na kukuha mama," sabi ni Chicago."Ako na kuya. Hindi ka pa tapos sa assignment mo." Sabi naman ni Paris at siya ang naglakad palapit sa pinto. Pagbukas niya no'n, tumambad sa kaniya ang mukha ni Sonya."Hello baby girl." "Ma!!" Sigaw ni Paris kaya si Khelowna ay nagmamadaling nagpunta sa tabi niya. Nagulat siya nang makita niya si Sonya na may hawak na ulam at nakangiti."Hi Dr. Khe, pinapabigay ni Mina.""Wife, sino yan?" tanong ni Max. Lumapit rin siya at napahinto agad nang makitang si Sonya ito."Hi Max." Sabi ni Sonya."Anong ginagawa mo dito Sonya?""Nautusan ako ni Mina na dalhin ito sa inyo. Pwede ba akong pumasok?" aniya. Nagsidatingan na rin si Rome at Chicago kasama ni Sydney."Hello sa inyo mga bata. Ako ang tita Sonya niyo. Kapatid ni Dr. Smith.""Hello po." Si Sydney lang ang sumagot. Ang triplets ay seryoso lang ang mukha. Tumingin si Khelowna kay Rome. "Please bring yo
Pagdating ni Max sa office ni Khe, nakita niya si Chicago na nakayuko ang ulo sa mesa at natutulog."Son?" tawag niya. Nag-angat ng tingin si Chicago sa kaniya. Naluluha pa ang mata nito dahil sa lagnat. "Why you didn't call me?""I'm sorry papa.. Si mama po nasaan?" tanong niya."Wala pa. May ginagawa pa siya. Let's go, you need to eat para makainom ka ng gamot."Umiling si Chicago. "Dito lang ako papa. I'll wait for mama.""Babalik rin tayo dito. Kailangan mo munang kumain.""Dito nalang ako kakain papa.."Napabuntong hininga si Max. Suko na siya. Hindi niya talaga mapipilit ang mga anak niya na umalis kaya wala siyang choice kun'di tawagan si Johanson na padalhan sila pagkain."Papa, I saw your ex-wife earlier."Napatingin si Max kay Chicago dahil sa sinabi nito. "Sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siyang kakaiba sa'yo?""Wala but she talked to me."Napakuyom ang kamao ni Max at sandaling natigilan. Agad siyang lumapit kay Chicago at hinawakan ang dalawang balikat nito. "If ever sh
"Sonya is acting weird." Saad ni Khelowna kay Max habang nakahiga siya sa dibdib nito."What do you mean?" tanong ni Max."Lagi na siyang bumabalik sa hospital ngayon. At alam kong hindi alam ni Dr. Smith ang mga pagpunta niya. Tapos, napapansin ko na panay siya lapit sa akin at gusto raw niya ako maging kaibigan..""Should we warn her brother?""Hindi na muna Max. Mga napapansin ko lang naman yun sa kaniya. Saka na natin sabihin kapag may pinakita siyang kakaiba sa atin na nakakaapekto na sa pamilya natin.""Then avoid her as much as you can. Ayokong makita siyang pumasok sa buhay natin. I don't know kung wala ba siyang masamang intention sa paglapit niya sa'yo. Baka kasi pinapaikot nalang niya tayo sa kamay niya." Tumango si Khe. Tumingala siya kay Max at ngumiti. Agad niyang inabot ang labi nito at hinaIikan saka hinilig ang ulo sa matitipuno nitong dibdib at pumikit.Niyakap siya ni Max habang iniisip pa rin kung anong nasa isipan ni Mavi at gusto nitong makipaglapit kay Khe..Kin
Hindi nakabalik si Dr. Smith agad sa hospital kaya inutusan niya si Mina na puntahan si Sonya para pauwiin nalang una.Pagpasok ni Mina sa loob ng opisina, nakita niya si Sonya na nakatingin sa labas ng bintana.“Anong tinitignan mo?” tanong ni Mina kay Sonya.“Wala naman.. Nagtitingin lang sa mga tao sa ibaba.”“Sabi ng kuya mo, umuwi ka na raw una dahil matatagalan pa siya.”“Ganoon ba?”“Oo.”Tumingin si Sonya sa mga mata niya at ngumiti. “Mina, ayaw mo ba sa akin?”“Huh? Sino namang nagsabi niyan? Of course gusto kita dahil kapatid ka ni Dr. Smith.”Lumabi si Sonya. “So kung hindi ako kapatid ni kuya, hindi mo ‘ko magugustuhan?”Hindi nakasagot si Mina. Hindi niya alam anong gustong ipahiwatig ni Sonya sa kaniya.“Hindi bale, gusto naman kita Mina. May sekreto pala akong sasabihin sayo.” Nakangiting sabi nito.“Ano yun?”“Alam mo ba, may crush si kuya dito na doctor?”Nagulat si Mina. “A-Anong ibig mong sabihin?”“Hindi lang ako sigurado e kasi sabi ni kuya magkaibigan lang sila pe
Mariing inoobserbahan ni Dr. Smith ang pupuntahan ng kapatid niya. Mall, park, at bahay lang ito. Kailangan niyang e monitor ang bawat lakad ni Sonya dahil hindi siya mapakali sa mga pinapakita nitong ugali no’ng mga nakaraan.But so far, wala namang kakaiba sa mga kinikilos nito na dapat niyang ikabahala. Lahat ng mga pinupuntahan niya, ay sinasabi ng mga guards sa kaniya.Kaya kampante pa siya ng konti.Ngunit kahit na wala itong pinapakitang senyales na nakakaalala na siya, hindi pa rin niya hinahayaan na umalis ito ng mag-isa.Ngayon ang araw ng kaarawan niya. Busy siya dahil may mga kailangan siyang asikasuhin sa pagpapalago ng hospital.Pagpasok niya sa loob ng hospital, sinalubong siya kaagad ng mga doctors, nurses and staffs ng cake at confetti.Natigilan siya at nagulat.“President, happy birthday!” Sabay na sabi ng lahat. Uminit ang parang bato niyang puso. Nagugustuhan na niya ang buhay niya dito.Kaya sobra ang kaba niya na baka masira ang kapayapaan na ito.“Thank you ever
Nang makaalis si Sonya, agad na tumingin si Mina sa mga katulong. “Pakilinisan na lang. Pagpasensyahan niyo na. Baka nabore lang ang batang yun ngayon.”Tumango ang mga katulong at agad na sinunod ang sinabi ni Mina.Napahilot siya sa noo niya at napapikit dahil masama talaga ang pakiramdam niya. “Miss Mina, ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ng isang katulong.Tumango siya at nagpunta ng sofa.“Tawagan po ba namin si Dr. Smith ngayon?”“Huwag na.. Ayos lang ako.”“Pero Miss Mina, baka po ay buntis kayo. Ilang araw ko na kasing napapansin na nasusuka kayo. Nakapag PT na po ba kayo?”Ngumiti si Mina sa katulong. “Gagawin ko yun sa birthday niya.”“Feeling ko po ma’am ay buntis talaga kayo. Yun po ba ang surpresa niyo kay Dr. Smith?”“Hindi. Kung buntis man ako, sa pasko ko na yun sasabihin. Para kahit papaano, may dahilan siya para maging memorable sa kaniya ang pagsapit ng pasko.”Alam ni Mina na lumaki si Dr. Smith na walang pamilyang kasama. Kaya ang bawat okasyon sa buhay ni
ONE SATURDAY, papunta si Sonya sa office ng kuya niya para sabihin kung pwede ba itong lumabas ng bahay kahit sandali lang nang matigilan nang marinig na may kausap ito sa phone.“C’mon Max, there’s no need to buy me that.”“What? I’m not buying this for you because I want to. My wife asked me to. At isa pa, nautusan rin ako ng mga bata na bumili ng cake dito. Nagustuhan nila ang cake na pinadala mo sa bahay.”Dr. Smith smiled. Nagpapadala nga siya ng cake sa bahay ni Max para sa triplets at kay Sydney. “Then tell Khelowna thank you. Nasaan Chai house ka ba ngayon?”“Yeah.. Anyway, can you send your guard here para maibigay ko itong cake sayo?”“Okay.. Then I’ll take that as pre-gift. Sa makalawa pa ang birthday ko baka nakakalimutan niyo.”“I can send you a dozen if you want. Alam mong marami akong pera.”“Ang yabang!” Sabi ni Dr. Smith at mahinang natawa.Hindi sila close masiyado ni Max at Khe but they can talk like this. Bago pa ibaba ni Dr. Smith ang tawag, agad na umalis si Sonya