Nasa delivery room si Khelowna. Dumudugo ang labi niya sa tindi ng kaniyang pagkagat habang namumutla ang mukha. Ang kanang kamay niya ay mariing nakahawak sa mattress ng hospital bed habang ang kaniyang kaliwang kamay ay may hawak na telepono.
Kasalukuyan niyang tinatawagan ang asawa niya ngunit hindi nito sinasagot. Tumingin siya sa ulit sa teleponong hawak niya, at tinawagan niya ulit ito. At gaya kanina, hindi pa rin siya sinagot.
“Paano nga naman niya ako sasagutin kung ngayon rin pala ang kasal niya sa iba?” tumulo ang luha sa isang mata ni Khelowna. “Ni wala man lang siyang pakialam na ngayon ko ipapanganak ang anak namin.” Sabi niya sa sarili niya.
Akala niya e magiging masaya sila bilang pamilya. Akala niya e mababago ang isipan ni Max no’ng magkakaroon na sila ng anak pero nagkamali siya. Alam niyang aksidente lang ang pagbubuntis niya pero nasaktan pa rin siya sa sinabi ng asawa niya sa kaniya.
"Ipanganak mo ang bata. Papalakihin ko siya, bibigyan ko ng pangalan, at ang babaeng mahal na mahal ko ang maging bagong ina niya, na siyang papalit sayo."
Pumikit si Khelowa. Sobrang sakit ng sinabi ni Max sa kaniya. Ni wala man lang itong pakialam sa kaniya. Para bang hindi siya nito trinato bilang asawa.
Biglang bumukas ang pinto ng delivery room at maraming tao ang pumasok sa loob. Namukhaan agad ni Khelowna ang taong nasa harapan niya. Ito ay si Katherine, at kasunod nito ang dalawa pang nurse na hindi niya kilala.
Nagsalita si Katherine habang malamig na nakatitig sa kaniya. "Binabalaan kita na huwag istorbohin ang kasal ng kapatid ko at ni Maximillian! May utang ka pa sa kapatid ko. At kapag inistorbo mo ang kasal nila, tiyak na papatayin ka ni Max!"
“Hindi ko sinaktan ang kapatid mo!" Sigaw ni Khelowna dahil pinaparatangan na naman siya sa salang hindi niya ginawa.
Ngumisi si Katherine, "Sa tingin mo ba mahalaga pa ang sasabihin mo? Kung naniniwala si Max na ikaw ang may kasalanan, ikaw iyon.”
Tumingin si Katherina sa tiyan niya. “At kung ibibigay mo ang bata, ang kapatid ko na siyang magiging bagong asawa ni Max ang magiging ina ng anak mo, at mamumuhay sila ng masaya at kumpletong pamilya. Habang ikaw, na siyang may kasalanan kung bakit naaksidente ang kapatid ko ay mamatay sa kulungan!"
"H...Hindi ko siya sinaktan!" Sigaw ni Khelowna habang tinitiis ang matinding sakit.
Wala siyang kasalanan. Hindi niya sinaktan si Maveliene pero siya ang inaakusahan ni Max ng lahat.
Umiyak siya dahil hindi niya gustong ibigay ang anak niya. Mahal na mahal ni Khelowna ang batang nasa sinapupunan niya pero wala siyang magagawa dahil maimpluwensya ang pamilya ni Max habang siya ay isang ordinaryong tao lamang.
Paano niya po-protektahan ang anak niya matapos niya itong maipanganak?
Hindi na nakipagtalo pa si Khelowna kay Katherine. Tinawagan niya ulit si Max pero hanggang ngayon ay busy pa rin ang linya ng cellphone nito.
Tumawa ng malakas si Katherine. "Akala mo pa ba papansinin ka ni Max? Wala kang halaga sa kaniya kasi ang kapatid ko ang mahal niya. Kapag naipanganak na ang bata, wala ka nang silbi. Mas gugustuhin ni Max na hiwalayan ka at pakasalan ang babaeng comatose.”
Ang sinabi ni Katherine ay parang punyal na tumarak sa puso niya. Hindi niya aakalain na walang puso pala ang asawa niya. Hindi niya aakalain na magtatapos ang dalawang taon na pagsasama nila dahil sa babaeng kinababaliwan nito.
Gusto niyang magprotesta. Gusto niyang humingi ng tulong na iligtas ang anak niya ngunit tuluyan na siyang hinila ng kadiliman at nawalan ng malay.
"Dumudugo siya ng husto! Lalabas na ang bata!" Ang huling salitang narinig niya mula sa nag-aalalang sigaw ng nurse.
Malamig na tinignan ni Katherine si Khelowna na itinutulak papuntang operating room. Nandiri siya nang makita ang dugo na pumatak sa sahig. Hindi na siya sumunod at naghintay na lang sa labas.
Makalipas ang tatlongpung minuto, lumabas ang doctor bitbit bata. Agad kinuha ng nurse na kasama ni Katherine ang sanggol.
“Anong nangyari sa babaeng yun?” tanong niya.
“Ang bata lang po ang nailigtas namin ma’am Katherine. Maraming dugo po ang nawala kay Khelowna. H-Hindi na po namin siya nailigtas. P-Patay na po siya.”
“Mabuti kung ganoon. Sige, e cremate niyo nalang ang bangkay niya. Wala naman yung silbi.”
Kilala ng lahat si Maximillian Linae. Alam nila kung gaano ka maimpluwensya ang pamilya nito. At alam rin ng lahat na ang mahal niya ay si Maveliene at hindi ang asawa niyang si Khelowna. Nang makaalis si Katherine, dala ang bagong silang na sanggol, nagmamadali ang doctor na pumasok muli sa loob.
"Mabuti na lang at umalis kaagad si Ms. Katherine. Sige na, tulungan niyo na si Ms. Khelowna.” Sabi ng doctor sa mga nurse na kasama niya.
May isang nurse ang umiyak na dating kaibigan ni Khelowa. “Salamat po doc at tinulungan niyo si Khelowna. Naisalba pa natin ang dalawa niyang anak." sabi nito habang hawak ang sa isa sa triplets.
"Salamat po, Doc Santos. God bless Ms. Khelowna at sa tatlo mong anak!" Sabi ng ibang nurses na kasama nila sa operating room. Sila ang mga taong naawa ng husto sa sinapit ni Khelowna sa kamay ng asawa niya.
Pagkalipas ng anim na taon, sa bahay ni Katherine.
Tahimik na nakaupo sa silid ang isang cute na batang lalaki, at may mga laruan sa harapan. Ang kanyang mata ay puno ng kalungkutan, habang may marka ng sampal ang kaniyang inosenteng mukha.
Pumasok si Katherine sa loob ng bahay suot ang isang cocktail dress.
"Chicago, nandito na lahat ang mga bisita sa birthday mo. Magpalit ka na ng damit at sumama ka sa akin."
"Ayokong pumunta."
Natigilan si Katherine at galit na tumingin sa kaniya. "Magpalit ka na ng damit!"
"Ayoko!"
Bumalatay ang galit sa mukha niya. Agad niyang kinuha ang paboritong laruan ni Chicago at sinira ito.
Nanlaki ang mga mata ng bata, agad na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Bakit mo sinira ang favorite toy ko, tita?!"
Mas lalong nagalit si Katherine nang marinig niyang tinawag siyang "Tita" ni Chicago. Nagkaroon siya ng pasanin dahil sa anak ng iba. Wala siyang katiting na pagmamahal sa bata, in fact, kinasusuklaman niya ito ng husto.
“Sabi ko, bumaba ka na! Ayaw mo bang makinig? Ha?!”
"I hate you."
Namula ang mata ni Chicago dahil sa luha. Pinulot niya ang sirang laruan at ibinato kay Katherine.
Galit na hinawakan ni Katherine ang kamay niya at sinabing, "Animal kang bata ka. Makinig ka. Kung hindi dahil sa akin, nasa ampunan ka na at baka pina-adopt ka na sa iba. Wala akong pakialam sa kapritso mo, ang gusto ko e sumama ka sa akin sa party ngayon din kun’di dadalhin kita sa isang orphanage!"
Excited si Katherine sa birthday party ni Chicago dahil alam niyang magtatabi sila mamaya ni Max habang sinasalubong ang mga bisita. Hindi niya hahayaan na sirain ng batang ito ang gusto niya.
"Kung ayaw mong bumaba ngayon, edi wag!"
Lumabas siya ng kwarto at ni-lock ang pinto mula sa labas.
Nakakulong si Chicago mag-isa sa isang madilim na kwarto. Kinulong na siya dati ni Katherine noon kasama ng mga daga sa isang madilim at mabahong bodega, at ang masakit na alaala ng panahong iyon ay naging dahilan kung bakit takot na takot ngayon si Chicago sa dilim.
Umiyak siya at kumatok sa pinto.
"Tita, s-sorry…. Palabasin niyo na po ako dito please. Tita... Ayokong mag-isa, parawang awa mo na po..."
Umalingawngaw ang iyak ni Chicago sa buong villa ni Katherine.Naiirita na si Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene. "Hindi ba titigil kakaiyak ang batang yan? Naririndi na ako sa iyak niya! Mana talaga siya sa namayapa niyang ina. Mga walang silbi!""Ma, 'wag mong sabihin 'yan. Anak ni ate Mavi si Chicago at hindi ng asong yun!”"Whatever! Papunta na si Max dito, hindi ba? At bakit hindi pa rin bihis ang batang yun at nag-iinarte pa rin? Mabuti pang turuan mo ng leksyon ng matuto. Lumalaking sutil e.""Hindi pwede! Paano kung malaman ng iba? Kahit na ayaw ni Max kay Khelowna, tunay pa rin niyang anak si Chicago."Bagama't kinasusuklaman ni Katherine si Chicago, alam niyang si Chicago ang tanging tagapagmana ni Max. Kung gusto niyang mapalapit kay Max, dapat siyang magkunwari na mahal niya ang anak nito.”Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa, at hindi nila napansin na umakyat si Chicago sa bintana, sinusubukang tumakas….Bang!Pagkatapos ay sumigaw ang guwardiya sa labas ng pinto, "M
"Who do you think you are? Dapat nga matuwa ka pa na ikaw ang mago-opera kay Chicago. Kung may mangyari man sa young master, ikaw ang sisisihin namin!” Galit na sigaw ni Katherine na tila gustong magpapapel kay Max."How ridiculous! Tinulak ko ba siya? Bakit responsibilidad ko siya?" Sigaw ni Khelowa pabalik.Namutla ang mukha ni Katherine. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Nahulog si Chicago mag-isa at walang tumulak sa kanya. Doktor ka ba talaga? Nasa operating room na ang bata, andito ka pa! Anong kasalanan niya para ganituhin mo?" Depensa niya.Ayaw niyang magka-ideya si Max sa ginawa niya kay Chicago.Pagkasabi no’n ni Katherine, agad niyang hinarap ang direktor. "Ano bang doktor ang kinuha mo? She’s unprofessional! Ito ba ang pinagmamalaki mo? Pwes! Magsasampa ako ng kaso sa ospital na ito!"Sa sobrang takot ng direktor ay humingi siya agad ng paumanhin at mabilis na pinatawag si Dr. Jacob upang maisagawa na agad ang operasyon.Dumating si Dr. Jacob at napansin niya agad ang
Mabilis na naglalakad si Max sa corridor ng ospital at walang nangahas na lumapit sa kanya dahil sa madilim na awra na nakapalibot dito.Binuksan niya ang pinto ng opisina, ngunit hindi niya nakita si Khelowna.Nang mabalitaan ng direktor na hinahanap ni Max si Khelowna, nag-alala siya na baka magkaroon na naman ng alitan ang dalawa, kaya nagmadali siyang pumunta sa opisina ni Khelowna. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala si Khelowna dito."I'm sorry, Mr. Linae, hindi po ito kasalanan ng bagong doktor. Marami po kasi siyang inoperahan kanina. Kasalanan ko po na pinilit ko po siyang mag-opera kahit na pagod siya, na ikinagalit niya. Ako po ang may kasalanan. Responsibilidad ko ito lahat." Nagmamadaling humingi ng paumanhin ang direktor para kay Khelowna.Hindi siya nilingon ni Max, bagkus ay kinuha niya ang business card na nasa mesa at tinitigan itong mabuti na nagpakunot ng noo niya.Galit niyang nilukot ang business card sa kanyang mga kamao, at sinabi sa direktor, "Gusto k
Natigilan si Khelowna. Hindi niya inaasahan na may taong naghihintay sa kaniya sa loob ng opisina niya.Alam niyang mugto pa rin ang mata niya sa pag-iyak kanina sa kwarto ni Chicago. In fact, nanginginig ang kamay niya sa tindi ng galit niya para kay Max.Gusto niya itong suntukin dahil sa sinapit ni Chicago pero hindi niya muna magawa.Sitting in the office chair, naroon si Max nakatitig kay Khelowna na siyang nakatingin rin sa kaniya. He’s like a beast waiting for prey to come out.And his ex-wife is his prey.Nakasuot pa rin si Khelowna ng doctor’s uniform at bago siya lumabas sa kwarto ni Chicago kanina, sinuot niya rin ang mask niya.Kumpyansa siyang hindi siya nakikilala ni Max. So mahinahon niya itong tinanong, "Mr. Linae, what can I do for you?""Still acting?" Max asked coldly.Nagulat siya sa sinagot nito. Nagbaba siya nang tingin at nakita ang lukot na business card sa mesa niya, kung saan may ibang pangalan na nakalagay. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya, so she forged
Nang makaalis si Max.Agad na pumasok ang mga nurses na nakakita na lumabas si Max sa opisina ni Khelowna. Natigilan silang lahat ng makita na umiiyak ito.“Doc Khe!” Sigaw nila at nag-aalalang nilapitan ito. “Sinaktan ka ba ni Mr. Linae?” Hindi makasagot si Khelowna dahil umiiyak pa rin siya kaya isang nurse ang agad na pinuntahan si Doc Austin para isumbong na umiiyak si Khelowna.Alam kasi nilang matalik na magkaibigan si Austin Santos at Khelowna. Kaya wala silang ibang maisip na pwedeng gawin kun’di puntahan ito.“Doc, may nangyari po kay Doc Khe.”Agad na napatayo si Austin kahit na may ginagawa pa ito at nagmamadaling umalis sa opisina niya para puntahan si Khelowna.“Ano bang nangyari? Bakit siya umiiyak?” tanong niya.“Hindi po namin alam doc pero nakita po namin si Mr. Linae na galing ng office niya.”Kumuyom ang kamao ni Dr. Austin at pagdating niya sa opisina ni Khelowna ay naabutan pa niya itong umiiyak.“Khe!” Agad na niyakap ni Austin si Khelowna ng makapasok siya sa lo
“Nababaliw ka na ba?” galit na tanong ni Khelowna. Umikot pa siya sa kabilang kama kung saan naroon si Katherine.“Baliw? Sino ka ba? Doctor ka lang naman!”“Doctor ako ni Chicago. At hindi tama ang ginagawa mo sa bata.”Ngumisi si Katherine sa kaniya. Wala kang magagawa kung sasaktan ko ang batang ito. Umulit pa si Katherine. Piningot pa niya ang isang tenga ni Chicago kaya napa-aray ang bata.Labis na talaga ang galit ni Khelowna at gigil niya. Naaawa siya sa anak niya. Hindi niya kayang tignan lang ang anak niya na sinasaktan ng ibang tao.Agad niyang hinablot ang buhok ni Katherine para malayo kay Chicago. “Anong ginagawa mo sa bata. Walanghiya ka!”Hindi siya makakapayag na may tao pang mananakit sa anak niya. Sobra na ang hirap na dinanas ni Chicago. Hidni maatim ng puso niya na pabayaan ito.Kaya kahit magkakamatayan pa, ipaglalaban niya ang anak niya.Kukunin niya si Chicago at hindi siya natatakot sa pamilyang Linae.“BITAWAN MO ‘KO! BWESIT KA!”Napahiga si Katherine sa sahig.
“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Max kay Khelowna.“Anong klase kang ama? Bakit hindi mo magawang protektahan si Chicago?”“Hindi ka pa rin ba titigil? Talaga bang igigiit mo ang gusto? Para ano?”“Ginigiit? Totoo ang sinasabi ko.” Sabi ni Khelowna. “Bakit naman ako magsisinungaling e kaligtasan ng bata ang inuuna ko.”Nginisihan siya ni Max.“Bakit naman ako maniniwala sa kagaya mong criminal? Anak ko na ang nagsabi na hindi siya sinaktan ni Katherine.”Natigilan si Khelowna. Kumuyom ang kamao niya sa labis na galit. Lumapit siya kay Max at binulong. “Kahit kailan, wala kang silbi. Putang.ina mo!”Sa tindi ng galit ni Max, agad niyang hinablot ang braso ni Khelowna.“BITAW!” Nagtaas na ito ng boses habang masamang nakatingin sa ex-husband niya.Ramdam na ni Chicago ang tension na nagaganap sa mga magulang niya. Using his weak voice, he called out his father.“H-Huwag niyo pong pagalitan si Dr. Khe, papa.”Napatingin silang dalawa sa anak nila. “Mabait po si doc sa akin. A-A
Nagmamadali si Dr. Khe na habulin si Rome na nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok sa loob. Halos atakihin na siya sa puso dahil kahit anong tawag niya, hindi pa rin siya naririnig ng anak niya. “What are you doing?” natigilan si Khelowna ng biglang tumambad sa harapan niya ang ex-husband niya. Palabas na si Max ng office ng bigla niyang nakita si Khelowna. “What are you doing?” ulit nito dahil hindi siya sinagot ni Dr. Khe. Biglang nanlamig ang mga paa ni Khelowna sa kinatatayuan niya. Bigla siyang kinabahan ng husto. Parang lumalabas ang puso niya sa dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ni Max sa harapan niya. “M-Max,” halos nanginig ang labi niya. Tumingin siya sa likuran nito at naroon pa rin ang anak niya na naglalakad. Kumunot ang noo ni Maximillian. Bigla siyang lumingon sa likuran niya at nagkata siya dahil wala namang kakaiba doon. Hindi na niya nakita si Rome dahil biglang dumating si Dr. Austin at agad na binuhat si Rome bago pa sila malingunan ni Max. It just a mat
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa ng story ni Max. You can read my other stories too if you like. Completed na po sila lahat. List of my stories.-The Lust Love-His Personal Affair -Love In Mistake -Ang Makasalanang Asawa-Shade Of Lust[-Shein Family-] -Binili Ako ng CEO (Book1)- Mr. Shein and Lorelay -Pag-aari Ako ng CEO (Book2) -Asawa Ako ng CEO - (Second Gen: Rico Shein) -Binihag Ako ng CEO - (Second Gen: Sico Shein) {-Connected Stories-} -Hiding The CEO's Quintuplets (Rod and March, Clarissa and Clark) -I Put A Leash On My Boss - He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny-Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back-Never Tame A Beast
Years of being married with Max wasn’t easy for Khelowna. Siya ay isang doctor, isang ina, kaibigan at asawa. Kahit na may mga pagkakataon na nag-aaway sila, they always find ways to fix their misunderstanding.Hindi na sila umaabot sa puntong magaya sa iba na nauuwi sa hiwalayan. And Max made sure that Khe won’t get tired of him so day by day, mas lalo niyang minamahal at pinapahalagahan ang asawa niya. And with that, nagiging magandang ihemplo sila ng kanilang mga anak.First year college na ang triplets, si Rome ay kumuha ng kursong business ad, si Chicago naman ay gaya ng sa mama niya. Gusto niya maging isang magaling na surgeon. Si Paris naman ay hindi muna nag-enrol.She couldn’t figure out what profession she wanted to pursue. Kaya hanggang hindi pa siya nag-aaral, nasa bahay muna siya at siya ang nag-aalalaga kay Sydney na ngayon high school na.Nasa sofa siya, nakaupo at nag-s-scrol sa kaniyang social media account, pero tapos na siya sa kaniyang duty as ate. May pagkain ng na
“Hindi pa ba kayo tapos diyan sa ginagawa niyo?” taas kilay na tanong ni Khe matapos niyang makita ang dalawa na busy pa rin sa kanilang ginagawa.Napatigil si Max sa kaniyang pagpapausok at napatingin sa asawa niya. “W-Wife!” Gulat na bulalas niya.“Ginawa mong bubuyog si Dr. Smith. Tama na yang kalokohan mo Max.” Kunwari seryosong sabi ni Khelowna kahit na sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya.Ngumuso si Max at agad na binitawan ang layang dahon ng niyog at umakbay kay Khe. “I looked pitiful, wife. Kiss me please…” Paglalambing niya.Napakurap kurap si Dr. Smith. “Pitiful my ass. Hindi ba ginawa mo ‘kong steam meat ngayon lang? Sinong mas kawawa sa atin dito?”Itinaas lang ni Max ang kaniyang middle finger at humaIik sa pisngi ni Khe. “Don’t listen to him, wife. Let’s go.” Ang sabi pa ni Max.Napahagikgik nalang si Khelowna sa tabi. “Dr. Smith, maligo ka na dahil kakain na. At ikaw Max, maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo.”Ngumisi si Dr. Smith kay Max na siya namang ba
“Papa, come on!” Sabi ni Sydney habang hila hila ang kamay ni Max papasok sa bahay ni Dr. Smith.Ang triplets naman ay nakasunod sa dalawa habang nakatingin sa mga cellphone nila. Kapwa ito mga busy at walang pakialam sa nangyayari sa paligid, basta nakasunod lang sila kay Sydney at sa papa nila.“Baka madapa kayo!” Ang sabi ni Khelowna na nasa pinakalikuran at sinasabihan ang mga bodyguards na dahan-dahan lang sa pagdala ng mga pagkain na dinala nila ni Max.Napailing si Khe at mahinang natawa sa mga anak niya. 'How come hindi sila nadadapa kahit hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila?' she wondered. Pagkapasok nila sa loob, nakita nila si Mina at Dr. Smith na nakatayo sa sala. Dala ni Dr. Smith si baby Melon.“Tito, can I take a look?” sabi ni Sydney na halos magningning ang mata nang makita si baby Melon na dala-dala ng kaniyang daddy.Kanina pa siya excited. “Sure baby,” tuwang tuwa na sabi ni Dr. Smith. Umupo siya sa sofa at agad na ibinaba si baby Melon para makita ni Sydney
Pagkalabas ni Max mula ng elevator, agad niyang nakita si Dr. Smith na pinagkakaguluhan ng mga doctor.Agad niya itong pinuntahan. Nang makalapit siya, narinig niyang pinapayuhan siya ng mga kapwa niya doctor na siya ay isang magiting na doctor at hindi siya kinakabahan.“Tama. Haha… Hindi dapat tayo kakabahan pagka’t nakasalalay sa atin ang buhay ng pasyente.”‘Hindi pa ba siya tapos diyan?’ tanong ni Max sa sarili niya.Natawa naman ang ibang nurses at lihim nilang kinukunan ng litrato si Dr. Smith pagka’t suntok sa buwan nilang masaksihan ang ganitong eksena.“Dr. Smith, ayos lang kayo?” tanong ng isang doctor pagkaraan ng ilang minuto.“Ako? Haha. Ayos lang ako. I am perfectly fine.” Sabi niya.“Pero namumutla ka po.”Mahinang natawa si Max. Kinuha niya ang kamay ni Dr. Smith at nilagay sa balikat niya para kaniyang maalalayan lalo’t pansin niyang medyo gumegeywang ito.“Matulog ka muna matayog at magiting na doctor.” Bulong ni Max at agad na binatukan si Dr. Smith kaya ito’y nakat
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiinti
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw po
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng away
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila