"Who do you think you are? Dapat nga matuwa ka pa na ikaw ang mago-opera kay Chicago. Kung may mangyari man sa young master, ikaw ang sisisihin namin!” Galit na sigaw ni Katherine na tila gustong magpapapel kay Max.
"How ridiculous! Tinulak ko ba siya? Bakit responsibilidad ko siya?" Sigaw ni Khelowa pabalik.
Namutla ang mukha ni Katherine. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo? Nahulog si Chicago mag-isa at walang tumulak sa kanya. Doktor ka ba talaga? Nasa operating room na ang bata, andito ka pa! Anong kasalanan niya para ganituhin mo?" Depensa niya.
Ayaw niyang magka-ideya si Max sa ginawa niya kay Chicago.
Pagkasabi no’n ni Katherine, agad niyang hinarap ang direktor. "Ano bang doktor ang kinuha mo? She’s unprofessional! Ito ba ang pinagmamalaki mo? Pwes! Magsasampa ako ng kaso sa ospital na ito!"
Sa sobrang takot ng direktor ay humingi siya agad ng paumanhin at mabilis na pinatawag si Dr. Jacob upang maisagawa na agad ang operasyon.
Dumating si Dr. Jacob at napansin niya agad ang tension. Nagmamadali siyang pumasok sa loob.
Ngunit nang papasok na si Dr. Jacob sa operating room ay pinigilan siya ni Max.
Tumingin si Max kay Khelowna, na naka-maskara pa rin hanggang ngayon, at mariin niya itong inutusan, "Dapat mong gawin ang operasyong ito."
Ngumisi si Khelowa at tumalikod.
Nagalit si Max. Hinabol niya si Khelowa at agad niyang hinablot ang kamay nito para humarap sa kaniya at agad na sinakal.
Sumigaw si Khelowna, "You fucking bastard, let me go!"
Biglang may napagtanto si Max. Iilan lang ang nangahas na kausapin siya ng ganito, at isa na doon ang dati niyang asawa.
Tinignan niya ng mabuti ang doktor na nasa harapan at unti-unting lumitaw ang imahe ng dati niyang asawa na akala niya ay matagal ng patay. Sa kanyang alaala, maganda ang mga mata ng dati niyang asawa, katulad ng doktor sa kanyang harapan na mata lang ang nakikita dahil sa surgical mask na suot.
Ngumisi si Max. "Kung may mangyari sa anak ko ngayon, asahan mong pagbabayaran ito ng buong ospital."
Pagkatapos noon, binitawan siya nito. Umubo si Khelowa habang hawak ang leeg, kasabay non ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
Humawak siya sa dingding, pasuray-suray na tumayo, at sinabi sa paos na boses, "Wala akong pakialam!"
Galit na galit siya sa lalaking nasa harapan niya, kaya hindi niya kayang magkaroon ng kahit katiting na awa para sa “young master” na nasa operating room. Ngunit pagkatapos niyang pumasok sa operating room para sana manood lang, bigla nalang siyang nakaramdam ng matinding awa sa kalagayan ni Chicago.
Na puno ng dugo ang buong katawan ng bata. At sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang kamay niya para siya na ang magsagawa ng operasyon na hindi pa nasisimulan ni Dr. Jacob.
“Ako na,” sabi niya at nagsuot ng surgical gown sa tulong ng mga nurse. Wala na siyang oras na titigan ang mukha ng bata. Inoperahan na niya agad ito.
Makalipas ang tatlong oras, naging matagumpay ang operasyon. Masayang-masaya ang lahat maliban kay Khelowna.
Tinulungan lang naman niya ang anak ng dati niyang asawa sa ibang babae nito.
Lumapit ang nurse sa tabi niya at tinulungan si Chicago na linisin ang mukha. Aksidenteng nasulyapan ni Khelowna ang mukha ni Chicago, at agad siyang natigilan sa kinatatayuan niya. Agad na nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa bata.
“Paano ito naging posible? Kamukhang-kamukha niya ang anak kong si Paris! Paano magkakaroon ng kamukha ang anak ko?!” Nagulantang siya ng todo.
Tapos naalala niya, malinaw na sinabi ng kapatid niya na hindi nagtagumpay ang plano ni Katherine na kunin ang anak niya noon. Matagumpay naitago ng doktor ang kambal na ipinanganak niya. Naniwala rin siya dito at pinalaki niya mag-isa si Paris at Rome.
‘Kung gayon sino ang batang ito na kamukhang-kamukha ni Paris?’ tanong ni Khelowna sa sarili niya.
Sa pag-iisip niya, bigla siyang kinalibutan. ‘So, nanganak ako ng tatlong bata?? Ang young master na ito ng Linae family, ay hindi anak ni Max kay Maveliene...Pero bakit nagsinungaling ang kapatid ko sa akin?’ tanong ni Khelowna sa isipan niya.
Napatingin siya ulit kay Chicago na walang malay. Bigla siyang umiyak. Anim na taong gulang pa lang ang bata, at ito na ang natamo niya...
Naisip niya na galit na galit si Max sa kanya, kaya ganito ang pakikitungo niya sa kanilang anak!
Galit niyang binuksan ang pinto ng operating room, ngunit nabangga niya si Katherine.
"K-Kumusta si Chicago?" Umiiyak na tanong ni Katherine.
Walang ekspresyong itinulak siya ni Khelowna at tumingin kay Max. Hindi niya masikmura na minaltrato ni Max ang anak nila. Napakalupit at napakawalang hiya ng ginawa nito kay Chicago.
Ngunit hindi niya maibuka ang kaniyang bibig dahil sa mga bodyguards sa paligid. Pinigilan ni Khelowna ang kanyang galit at mahinahong sinabi, "Matagumpay ang naging operasyon, ngunit ang bata ay may lagnat. Kung bababa ang lagnat niya sa loob ng 24 na oras, magiging maayos na siya. Ipadala muna ang bata sa intensive care unit, at walang papayagang bumisita doon, kahit ang mga miyembro ng pamilya." Sabi niya.
Ngumiti ang direktor na nasa tabi ni Max Linae at pinuri siya. "Salamat at narito ka, dok."
"Doktor ako, kaya ito ang dapat kong gawin."
Sagot ni Khelowna at umalis na.
Nakatitig lamang si Max sa likuran ni Khelowna, hindi niya alam bakit biglang bumalik sa ala-ala niya ang kaniyang asawa.
"Ano ang problema ng doktor na ito?" sabi ni Katherine na masamang nakatingin kay Khelowna..
“Sino siya?" tanong ni Max habang nakatitig pa rin sa dating asawa.
"Sabi ng direktor, bagong doctor siya. Max, bakit mo siya tinititigan? Naaakit ka ba sa kanya? Nakalimutan mo na ba ang kapatid ko?" naiinis na sabi ni Katherine.
"Tapos ka na?" Ani Max habang malamig ang mukhang nakatingin kay Katherine. Naitikom agad ni Katherine ang bibig niya.
"Magdasal kang magising ang anak ko ngayon or else, papatayin kita. Now get lost at umiinit ang dugo ko sayo!"
Napaluha si Katherine at umiyak, "Hindi ko kasalanan to! Si Chicago…. Ang likot niya kasi. Siya ang umakyat ng kusa sa bintana. Sa tingin mo ba ginusto koi to? Inalagaan ko si Chicago mula bata pa. Trinato ko sia na parang anak kaya bakit sa akin ka magagalit ngayon?”
"Umalis ka na. Wala akong panahon sa drama mo." Sabi ni Max at umalis na hindi man lang siya nilingon.
Sa corridor ng ospital, agad na pinigilan ni Max ang isang nurse at tinanong, "Saan ang opisina ng doktor na nag-opera sa anak ko?"
"Diretso lang po sa dulo at lumiko sa kanto, sir."
Naglakad si Max patungo sa opisina ni Khelowna. May gusto siyang kumpirmahin dahil malakas ang kutob niya na kilala niya ito.
Mabilis na naglalakad si Max sa corridor ng ospital at walang nangahas na lumapit sa kanya dahil sa madilim na awra na nakapalibot dito.Binuksan niya ang pinto ng opisina, ngunit hindi niya nakita si Khelowna.Nang mabalitaan ng direktor na hinahanap ni Max si Khelowna, nag-alala siya na baka magkaroon na naman ng alitan ang dalawa, kaya nagmadali siyang pumunta sa opisina ni Khelowna. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang wala si Khelowna dito."I'm sorry, Mr. Linae, hindi po ito kasalanan ng bagong doktor. Marami po kasi siyang inoperahan kanina. Kasalanan ko po na pinilit ko po siyang mag-opera kahit na pagod siya, na ikinagalit niya. Ako po ang may kasalanan. Responsibilidad ko ito lahat." Nagmamadaling humingi ng paumanhin ang direktor para kay Khelowna.Hindi siya nilingon ni Max, bagkus ay kinuha niya ang business card na nasa mesa at tinitigan itong mabuti na nagpakunot ng noo niya.Galit niyang nilukot ang business card sa kanyang mga kamao, at sinabi sa direktor, "Gusto k
Natigilan si Khelowna. Hindi niya inaasahan na may taong naghihintay sa kaniya sa loob ng opisina niya.Alam niyang mugto pa rin ang mata niya sa pag-iyak kanina sa kwarto ni Chicago. In fact, nanginginig ang kamay niya sa tindi ng galit niya para kay Max.Gusto niya itong suntukin dahil sa sinapit ni Chicago pero hindi niya muna magawa.Sitting in the office chair, naroon si Max nakatitig kay Khelowna na siyang nakatingin rin sa kaniya. He’s like a beast waiting for prey to come out.And his ex-wife is his prey.Nakasuot pa rin si Khelowna ng doctor’s uniform at bago siya lumabas sa kwarto ni Chicago kanina, sinuot niya rin ang mask niya.Kumpyansa siyang hindi siya nakikilala ni Max. So mahinahon niya itong tinanong, "Mr. Linae, what can I do for you?""Still acting?" Max asked coldly.Nagulat siya sa sinagot nito. Nagbaba siya nang tingin at nakita ang lukot na business card sa mesa niya, kung saan may ibang pangalan na nakalagay. Ayaw niyang may makakilala sa kaniya, so she forged
Nang makaalis si Max.Agad na pumasok ang mga nurses na nakakita na lumabas si Max sa opisina ni Khelowna. Natigilan silang lahat ng makita na umiiyak ito.“Doc Khe!” Sigaw nila at nag-aalalang nilapitan ito. “Sinaktan ka ba ni Mr. Linae?” Hindi makasagot si Khelowna dahil umiiyak pa rin siya kaya isang nurse ang agad na pinuntahan si Doc Austin para isumbong na umiiyak si Khelowna.Alam kasi nilang matalik na magkaibigan si Austin Santos at Khelowna. Kaya wala silang ibang maisip na pwedeng gawin kun’di puntahan ito.“Doc, may nangyari po kay Doc Khe.”Agad na napatayo si Austin kahit na may ginagawa pa ito at nagmamadaling umalis sa opisina niya para puntahan si Khelowna.“Ano bang nangyari? Bakit siya umiiyak?” tanong niya.“Hindi po namin alam doc pero nakita po namin si Mr. Linae na galing ng office niya.”Kumuyom ang kamao ni Dr. Austin at pagdating niya sa opisina ni Khelowna ay naabutan pa niya itong umiiyak.“Khe!” Agad na niyakap ni Austin si Khelowna ng makapasok siya sa lo
“Nababaliw ka na ba?” galit na tanong ni Khelowna. Umikot pa siya sa kabilang kama kung saan naroon si Katherine.“Baliw? Sino ka ba? Doctor ka lang naman!”“Doctor ako ni Chicago. At hindi tama ang ginagawa mo sa bata.”Ngumisi si Katherine sa kaniya. Wala kang magagawa kung sasaktan ko ang batang ito. Umulit pa si Katherine. Piningot pa niya ang isang tenga ni Chicago kaya napa-aray ang bata.Labis na talaga ang galit ni Khelowna at gigil niya. Naaawa siya sa anak niya. Hindi niya kayang tignan lang ang anak niya na sinasaktan ng ibang tao.Agad niyang hinablot ang buhok ni Katherine para malayo kay Chicago. “Anong ginagawa mo sa bata. Walanghiya ka!”Hindi siya makakapayag na may tao pang mananakit sa anak niya. Sobra na ang hirap na dinanas ni Chicago. Hidni maatim ng puso niya na pabayaan ito.Kaya kahit magkakamatayan pa, ipaglalaban niya ang anak niya.Kukunin niya si Chicago at hindi siya natatakot sa pamilyang Linae.“BITAWAN MO ‘KO! BWESIT KA!”Napahiga si Katherine sa sahig.
“Ano bang problema mo?” galit na tanong ni Max kay Khelowna.“Anong klase kang ama? Bakit hindi mo magawang protektahan si Chicago?”“Hindi ka pa rin ba titigil? Talaga bang igigiit mo ang gusto? Para ano?”“Ginigiit? Totoo ang sinasabi ko.” Sabi ni Khelowna. “Bakit naman ako magsisinungaling e kaligtasan ng bata ang inuuna ko.”Nginisihan siya ni Max.“Bakit naman ako maniniwala sa kagaya mong criminal? Anak ko na ang nagsabi na hindi siya sinaktan ni Katherine.”Natigilan si Khelowna. Kumuyom ang kamao niya sa labis na galit. Lumapit siya kay Max at binulong. “Kahit kailan, wala kang silbi. Putang.ina mo!”Sa tindi ng galit ni Max, agad niyang hinablot ang braso ni Khelowna.“BITAW!” Nagtaas na ito ng boses habang masamang nakatingin sa ex-husband niya.Ramdam na ni Chicago ang tension na nagaganap sa mga magulang niya. Using his weak voice, he called out his father.“H-Huwag niyo pong pagalitan si Dr. Khe, papa.”Napatingin silang dalawa sa anak nila. “Mabait po si doc sa akin. A-A
Nagmamadali si Dr. Khe na habulin si Rome na nagtuloy-tuloy sa paglalakad papasok sa loob. Halos atakihin na siya sa puso dahil kahit anong tawag niya, hindi pa rin siya naririnig ng anak niya. “What are you doing?” natigilan si Khelowna ng biglang tumambad sa harapan niya ang ex-husband niya. Palabas na si Max ng office ng bigla niyang nakita si Khelowna. “What are you doing?” ulit nito dahil hindi siya sinagot ni Dr. Khe. Biglang nanlamig ang mga paa ni Khelowna sa kinatatayuan niya. Bigla siyang kinabahan ng husto. Parang lumalabas ang puso niya sa dibdib dahil sa biglaang pagsulpot ni Max sa harapan niya. “M-Max,” halos nanginig ang labi niya. Tumingin siya sa likuran nito at naroon pa rin ang anak niya na naglalakad. Kumunot ang noo ni Maximillian. Bigla siyang lumingon sa likuran niya at nagkata siya dahil wala namang kakaiba doon. Hindi na niya nakita si Rome dahil biglang dumating si Dr. Austin at agad na binuhat si Rome bago pa sila malingunan ni Max. It just a mat
Nakabalik na si Max sa office niya at wala pa rin siya sa mood. Halos lahat ng mga tao na nakakasalamuha niya ay napapagalitan niya. Kaya walang empleyado ang nagtangka na lumapit sa kaniya sa takot na masigawan sila. “SINONG IN-CHARGE SA BASURANG ITO?” tanong ni Max na galit na galit habang hawak ang isang pirasong papel. Nanginginig sa takot ang lahat ng umalingawngaw ang boses niya sa buong palapag. Ang isang empleyado na siyang nasa likod no’ng document na hawak niya ay nanginginig na sa takot habang papalapit sa kaniya. “A-Ako po sir…” Masama ang tingin ni Max sa kaniya. “Ikaw? Kung ganoon, iligpit mo na ang gamit mo at lumayas ka sa harapan ko.” Nanlaki ang mata ng kawawang empleyado. “S-Sir?” “YOU’RE FIRED!” Natahimik ang lahat at naaawang tumingin sa kasamahan nilang nasisante. "WALA AKONG BINABAYARANG EMPLEYADO NA BIBIGYAN LANG AKO NG BASURA. KAYA KUNG GUSTO NIYONG UMALIS, UMALIS KAYO." Agad nagsibalikan ang mga tao sa table nila sa takot na madamay sila sa galit ni
Galit na galit si Katherine habang nililinisan niya ang mesa ni Max. Hindi niya matanggap na tinawag siyang tanga at ginawa siyang alila.Hindi niya matanggap na trinato siyang basura.Iba ang ini-expect niya. Gusto niyang tratuhin siya nito na may ibayong pag-iingat. Gusto niyang maging Mrs. Linae.“Mapapasakin ka rin Max. Pinapangako ko yan! Luluhod ka rin balang-araw sa harapan ko. Maiisip mo rin na mahal mo ako… na ako ang kailangan mo!” puno ng galit na saad niya.Bumukas ang pinto at pumasok na ulit si Max. Nakabalik na siya mula sa hospital. Ang galit sa mata nito ay naroon pa rin.“M-Max, malinis na….” Saad ni Katherine, tila nagpapakalumbaba sa lalaking inaasam niyang mapakanya.“Umalis ka na.” Malamig na sabi nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. For him, Katherine is nothing but his annoying employee.At ayaw pa naman niya sa mga taong pabida at tanga gaya ni Katherine.Sa takot na baka magalit ulit si Max sa kaniya, kinuha niya ang bag niya at nagmamadalin
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiint
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw po
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng away
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila
"Maligo ka na ng sa ganoon ay makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Khelowna kay Max at hinawakan ang kamay nito.Bumaling siya kay Paris. "Pumasok ka sa kwarto mo at magpalit ng damit ng sa ganoon ay makakain ka.""Mama sorry," umiiyak na sabi nito.Hindi nagpakita ng kahit anong emotion si Khelowna. Alam niyang nasa edad na ang mga anak niya para suwayin sila ni Max at kailangan niyang disiplinahin si Paris ng tama.Kaya hindi niya muna ito pinatawad. Umalis siya kasama ni Max at naiwan si Paris na umiiyak habang nakatingin ang mga kuya niya sa kaniya."Don't do this again Paris." Sabi ni Rome. "Kaya kita binabantayan dahil ayoko sa lalaking yun. I saw him smoking. He even bully the other kids that's why I am doing this to you even if you find me annoying."Hindi na binuka ni Paris ang bibig niya. Umiiyak lang siya habang sinasabi yun ni Rome. She knew too well kung anong klase ng tao ang manliligaw niya. "You made papa like that. I want you to feel the burden of what you did. Dahil sa
Matapos ang birthday party ni Max, balik na ulit sa dati ang buhay nilang lahat. Naging kaibigan na rin ni Khe ang mga asawa ng mga kaibigan ni Max.Habang busy siya sa office ni Dr. Smith, dumating naman ang sister in law niya na si Maxine kasama ng kuya niya."Kamusta Doc?" natatawang tanong ni Maxine sa kaniya lalo na nang makita ang dalawang baso ng kape sa harapan."Pagod na pagod na ako ate. Gusto ko ng umuwi."Lumapit ang kuya niya sa kaniya at hinaIikan ang ulo niya. "Hindi ka na sana pumasok pa dahil kakatapos lang party ni Max saka maraming bisita ang inasikaso mo kaya tiyak na pagod na pagod ka pa." "Kaya nga." Sang-ayon ni Maxine."Hindi pwede kasi hindi pa nakakabalik si Dr. Smith sa trabaho niya kaya kailangan ako dito.""Mas pagod ka yata dito sa office kesa direktang humarap sa mga pasyente mo.""Kaya nga e. Teka, napadalaw kayo? Montly check up niyo ba ngayon?""Oo kaya naisipan namin ni Thompson na dalawin ka muna sandali dito sa office mo. Kumain ka na muna nitong p
-Max's birthday party-Maraming tao sa bahay ni Max, kaya marami ring mga guards. Maraming tao dahil malaki ang number of friends na meron si Max. Invited rin ang ibang mga kaibigan ni Khe gaya ni Mina at Dr. Smith maliban kay Austin na nasa California ngayon kasama ng mama niya."Maraming bata," natutuwang sabi ni Mina habang nakatingin sa mga anak ng kaibigan ni Max.May kaedaran ng triplets, may mga maliliit pa, may matanda ng konti, at may mga babies rin."Marami pa lang kaibigan si Max?" nagtatakang tanong ni Mina kay Dr. Smith."Yes. And I know that all of his friends are rich. May mga may-ari ng real estate, malls, hotels, restaurants and other businesses ang mga kaibigan niya.""Have you meet them all?" tanong ni Mina."Yung iba lang sa kanila.""Kung ganoon, kaya pala maraming securities sa labas ng bahay ni Max dahil hindi pala basta-basta ang mga guests niya." Bulong ni Mina. "Let's greet that guy." Bulong ni Dr. Smith kay Mina. "Sino?" "That guy." Turo nito sa isang lal
"Kamusta ang mga bata?" tanong ni Max. Magkatawagan sila ngayon ni Khelowna dahil nasa galaan pa siya."They are fine. Natutulog na sa room nila ang triplets at katabi ko naman ngayon si Sydney."Ngumiti si Max, ang mga mata ay mapupungay tanda na lasing ito. "Marami ba ang ininom mo?" tanong ni Khelowna sa kaniya. Nag-alala siya lalo't wala siya sa tabi nito para alagaan ito kung sakali mang lasing na ito. "Hindi. Konti lang." Sabi ni Max kahit ang totoo e lasing na siya. Kanina pa kasi siya pinapasahan ni Fero ng beer. Tapos siya naman itong tanggap lang nang tanggap. Fero is one of his friends. Malaki silang grupo ng magkakaibigan kaya kapag nagtitipon silang lahat, sobrang ingay nila. Nakita ni Khelowna na may tumabi kay Max sa lounge na inuupuan nito."Hello Mrs. Linae. Do you still remember me?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Yeah. Ikaw si Cly, hindi ba?" tanda pa niya si Cly at Jed, ito lang kasi yung mga kaibigan na hinarap ni Max sa kaniya no'ng kasal nila.Mahinang nataw
"Bakit si Mavi lang ang hinahanap mo at hindi si Katherine? She's your daughter too. Patay na si Mavi kaya kahit anong hanap mo sa kaniya, hindi mo na siya makikita." Sabi ni Khelowna na hindi kumakurap. "Paano siya magiging patay?" tanong ni Alora. "Hindi ko nakita ang katawan niya. Itinago siya sa akin si Dr. Smith. I'm sure of it.""Kung buhay pa siya, sana pinuntahan ka na niya. Sana hinanap ka na niya. Pero hindi di ba? Kasi patay na siya." / 'Pinatay na namin siya.' Khelowna said back in her mind. Tumulo ang luha sa mata ni Alora. She refused to accept na patay na si Mavi. Pero natamaan siya sa sinabi ni Khe. Na kung buhay pa ito, sana ay hinanap man lang siya nito. "I'm just here to say that to you. Patay na si Mavi pero si Katherine ay buhay pa. So stop looking for Maveliene, and start attending your other daughter. Katherine needs you too." "Why are you certain na patay na si Mavi? Nakita ba ng dalawang mata mo ang bangkay niya?" "Yes." Walang kurap na sagot ni Khe. Napa